Share

Chapter 2

Author: Youniqueen
last update Last Updated: 2020-07-30 14:19:13

CHAPTER 2

“BIGYAN mo nga ako ng pinakamatapang na inumin niyo rito!” anas ni Syler sabay lagok ng hawak niyang baso na puno ng alak.

Napakamot sa ulo ang bartender na nagse-serve ng drinks sa kanya. “Ma’am, pasensya na pero iyan na po kasi ang pinakamatapang na drinks namin.”

Humigpit ang hawak niya sa baso habang nanggigigil at pinanlakihan niya ito ng mata. “Ano pa’ng silbi ng pagiging bartender mo kung hindi ka naman marunong mag-imbento?!” singhal niya na ikinagulat nito at halatang natakot. “Hala, sige, igawa mo ako! Magbabayad naman ako!”

Sunod-sunod ang naging pagtango nito at mukhang namutla pa dahil sa pagtaas ng boses niya. “Sige po, Ma’am.”

Hindi niya gustong ibunton dito ang inis na nararamdaman niya. Hindi lang talaga niya mapigilan ang sarili. 

Muli niyang binalingan ang bagong salin na alak sa kanyang baso at pinanliitan ito ng mata na para bang ito ang kaaway niya. Nandito siya ngayon sa Centre Bar sa Mandaluyong at nagpapakalunod sa alak kahit hindi naman talaga siya marunong uminom. Ito nga ang unang beses na pumunta siya sa lugar na ito.

“Hayop ka... walanghiya ka... herodes ka,” nanggagalaiting bulong niya. 

Mainit ang ulo niya ngayon. Sobrang init. Ang hudas kasi na boyfriend niya ay may ibang babae pala. Ang herodes na iyon! Ipinakita pa talaga ang pakikipaglampungan nito sa iba. 

Ngayon lang nawasak ang puso niya at hindi siya papayag na ibinasura lang siya nito nang gano’n gano’n lang. Hindi siya papayag na hindi siya makakaganti.

Humanda ka sa’king hinayupak ka! Lintik lang ang walang ganti! Mata mo lang ang walang latay! hiyaw niya sa isip.

Inisang lagok niya ang basong may lamang alak at mabilis na gumuhit ang pait nito sa kanyang lalamunan. Halos mabasag ito nang bigla niya itong ibagsak sa counter. Napangiti siya nang mapait nang bumalik sa kanyang gunita ang tagpong nagpadurog ng puso niya.

Hindi alam ni Syler kung bakit hindi na niya ma-contact ang nobyo niyang si Leinard kahit tinext niya ito na nasa Mall of Asia siya. Kanina pa siya paikot-ikot pero hindi niya ito makita. Isang linggo na ang nakaraan mula nang huli niya itong nakita, matapos itong humiram sa kanya ng fifty thousand pesos para ipambayad daw sa pinagkakautangan nito. Hindi iyon ang unang beses na nangutang ang nobyo niya sa kanya. Noong una ay one hundred thousand at nasundan pa ito ng fifty thousand ulit. Ipon niya iyon pero nangako naman ito na babayaran din siya kaya hindi siya nagdalawang isip na pahiramin ito. 

Lubos lang talaga siyang nagtataka kung bakit kapag bagong sapatos, damit, relo at cellphone ay may pambili naman ito, pero inuutangan pa rin siya. Naisip niya na baka gipit talaga ang kanyang nobyo ngayon. Ayaw din naman niya kung sa iba pa ito manghihiram ng pera kung puwede naman siya nitong lapitan. 

Sinubukan niyang tawagan ito pero nakapatay naman ang cellphone nito. Luminga-linga siya sa paligid upang hanapin si Leinard at baka papunta na ito, nalowbat lang siguro kaya hindi masagot ang text at tawag niya. 

Nasaan na ba kasi siya? Inuugat na ako rito kahihintay! 

"Nasaan ba ang lalaking..." 

Hindi na natapos ni Syler ang kanyang sasabihin nang mamataan ‘di kalayuan ang lalaking sobrang pamilyar sa kanya. Huminto sa pagtibok ang puso niya nang makilala niyang si Leinard nga ang lalaking iyon pero hindi ito nag-iisa dahil may kasama itong ibang babae na kinulang sa tela ang damit. 

Pakiramdam niya ay unti-unting gumuguho ang kanyang mundo kasabay nang pagkawasak ng kanyang puso sa tagpong nakita niya. Nakaupo ang mga ito sa labas ng isang mamahalin na restaurant at naka-lean si Leinard sa lamesa’t hinahalikan nito ang babae sa labi.

Huminga siya ng malalim upang pigilin ang pagbuhos ng nagbabadya niyang luha.

Mga walang hiya! Ang kakapal ng mukha! Nasa public place sila’t pinagtitinginan pero kung magtukuan sila gano’n gano’n na lang! Para bang wala silang pakialam sa paligid! Balak pa yata nilang gawing motel ang restaurant na ‘yon! singhal niya sa isip.

Unti-unti siyang naglakad palapit sa mga ito habang nakakuyom ang nakatagong kamao. Nanginginig at kumakabog nang husto ang dibdib niya sa sobrang galit. Hindi niya alam kung may kakayahan pa ba siyang kontrolin ang emosyon niya ngayon. Masyado na siyang nilulukob ng matinding galit. 

“Hi!” Pinilit niyang ngumiti kahit sa loob loob niya ay gusto na niyang sakalin agad ang herodes niyang nobyo.

Nagulat si Leinard nang mag-angat ito ng tingin at nakita siya. “Syler?” Bigla itong namutla at para bang nakakita ito ng multo habang nakatitig sa kanya.

“Yes.” She smirked, trying to hide the pain. “So, kamusta naman ang date niyo?”

“Babe, who is she?” biglang tanong ng haliparot na kasama ng herodes niyang nobyo. 

“Me?” Tinuro niya pa ang kanyang sarili habang pinanlalakihan ito ng mata. Naramdaman niyang lahat ng dugo niya ay nasa ulo na niya ngayon. “For your information, I’m his—”

“Oh, Leinard, darling! You didn’t tell me you hired a new maid,” putol nito sa sasabihin niya na sinabayan pa nang esksaheradang pag-ikot ng mga mata. 

Napahinto siya. Namilog ang kanyang mata. Mas lalong kumulo ang kanyang dugo. Sa isang iglap nagdilim ang paningin niya at sinugod ito ng sabunot. 

“Haliparot ka! Hindi niya ako katulong! Girlfriend niya ako! Girlfriend!” marahas na bulyaw niya bago ipinulupot nang husto sa isang kamay ang makapal nitong buhok.

“Ouch! Leinard! She’s hurting me!” hiyaw nito dahil kahit mas matangkad ito sa kanya ay hindi nito magawang lumaban.

Balak niya sana itong kalbuhin kung hindi lang siya pinigilan ni Leinard. Itinaboy nito ang dalawang kamay niya’t inayos ang buhok ng haliparot na babaeng iyon.

“Ano ba, Syler?! Bakit ka ba nananakit? Umalis ka na nga!” bulyaw nito na ikinagulat niya. 

Natigilan siya. Parang pinalakol ang puso niya sa sinabi nito. “What?” Pinigilan niya ang sariling magalit dito. Na 'wag sumbatan ito. Iniisip niya ang pinagsamahan nila. Iniisip niya ang magagandang alaala nila. 

No, Syler. Not here! bulong niya sa isip.

“Bakit... bakit mo ‘ko pinapaalis?”

He shook his head. Para bang bigla itong naubusan ng pasensya dahil sa ginawa niya sa babaeng kasama nito. “Tanga ka ba o nagtatanga-tangahan?”

She gulped loudly. Bumilis ang paghinga niya dahil puno ng sarkasmo ang tinig nito. Malayo sa lalaking inubusan niya ng oras, atensyon, pagmamahal at pera. 

“Leinard...”

Hindi naman niya gustong saktan ang babaeng kasama nito. Naunahan lang talaga siya ng matinding galit dahil sa kanyang nasaksihan. Hindi siya mapanakit. Hindi lang talaga niya kayang kontrolin ang kanyang emosyon. 

Napahilamos ito ng mukha. Halatang iritang-irita na. “Can’t you see or are you pretending to be blind? Damn it!” Parang kulog na yumanig sa pagkatao niya ang mura nito. “I’m tired of this fucking relationshit, Syler. I am breaking up with you.”

Natulala siya. Pilit na nilulunok ang mga salitang isinubo nito sa kanya. Unti-unting gumuhit ang isang ngiti na puno ng sarkasmo. “Ikaw pa talaga ang may lakas ng loob magsabi ng linya na ‘yan?” hindi makapaniwalang sambit niya. “Damn you, asshole!” she hissed. 

Naramdaman na niya ang panlalamig nito pero hindi niya alam na aabot pa sila sa ganitong punto. May kutob na siya na ito talaga ang kahahantungan ng relasyon nila. Na maghihiwalay din sila pero hindi sa ganitong paraan. Masakit sa kanya dahil minahal niya ito nang totoo. And yes, she still love him despite of what he did. Napaka laking tanga. 

Laking gulat niya nang ngumisi ito. “Sa simula pa lang naman, hindi na kita mahal,” amin nito na ikinaguho ng mundo niya. “Pera mo lang talaga ang habol ko sa ‘yo. Marami ka no’n, e. Ewan ko ba sa ‘yo kung bakit masyado kang tanga at uto-uto kaya hindi mo man lang napansin ‘yon— what the fuck!”

Bigla niya itong ginawaran nang isang napakalutong na sampal sa pisngi na nagpatalsik ng mukha nito. Bumakat pa nga ang palad niya.  

“Manloloko kang herodes ka!”

Napasinghap ang babaeng kalampungan nito na kanina pa nakangisi ng mapang-asar sa kanya. “Oh my gosh! Why did you do that to him, bitch?!” bulyaw nito bago hinaplos ang pisngi ni Leinard na parang alalang-alala. “Darling, are you okay?”

“Bitch?” sambit niya habang nanlilisik ang kanyang dalawang mata. Naikuyom niya ang dalawang kamao. Ramdam na ramdam niya ang panginginig ng buong niyang katawan. Gusto niyang baklasin ang buto ng babaita na ito sa sobrang galit. “Ako pa ngayon ang bitch! Malandi ka! Haliparot! Mang-aagaw!”

Hindi na niya inalintana kung pagtinginan man sila ng mga tao sa mall, basta gusto niyang masaktan ito para mabawasan ang sakit na nadarama niya ngayon. Susugurin na niya sana ito kung hindi lang siya mabilis na itinulak ni Leinard. Muntikan na siyang matumba kung hindi lang siya napakapit sa isang upuan.

“Don’t hurt her!” bulyaw nito bago siya pinanlakihan ng mata. Natulala na lamang siya. “Ganyan ka ba kadesperada?!”

Mabilis siyang umiba ng tingin habang nadudurog ang kanyang puso.

Don’t cry infront of them, Syler Lim. Hindi ka mahina! aniya sa isip.

Lihim niyang pinakikiusapan ang kanyang mga luha na kanina pa nagbabadya. Ayaw niyang ipakita sa herodes na ito na nasasaktan siya. Hindi rin niya dapat iyakan ang ganitong klaseng lalaki. Hindi siya ganito kahina pagdating sa pag-ibig.

Nang mapigil niya ang kanyang luha ay pinagmasdan niya nang mabuti si Leinard. 

“Bakit ganyan ka makatingin?”

“Napaisip lang ako.” Napakunot ang noo nito. Unti-unting namang kumurba ang labi niya habang nakatingin dito. “Alam mo noong nakilala kasi kita akala ko nabuksan na ‘yong third eye ko.”

Mas lalong nagsalubong ang kilay nito na parang walang maintindihan sa sinabi niya. “What are you talking about?”

She smiled, a bit. Lihim din siyang bumuwelo. “Huli na nang malaman ko na natural lang pala ang lamang lupa look mo!” she hissed and with all of her force, binigyan niya ito ng isang malakas na sipa sa “what hurts the most” ng mga lalaki.

“Oh fuck! Holy shit!” Nagtatalon ito sa sobrang sakit habang nagmumura at namimilipit. “Damn it!”

She smirked. “Bagay lang ‘yan sa ‘yo! Mabaog ka sana gago!”

Napansin niyang mas lalong dumadami ang nanunuod sa kanila. Iyong iba ay kinukuhanan pa sila ng litrato at video. Saka na lang niya iisipin ang kahihiyan na idudulot nito pagkatapos niyang gumanti.

Nabaling ang tingin niya sa haliparot na kasama ni Leinard. “Oh, my dear.” Mas lalo siyang napangisi nang makitang bigla itong natakot nang lumapit siya’t pasimpleng dinampot sa lamesa ang isang bote ng ketchup. “Ang putla mo na. Kulang ka sa blush-on at lipstick, kaya dadagdagan ko ha?” Bigla niyang binuhos sa pagmumukha nito ang ketchup na hawak niya.

Nanlaki ang mata nito at parang hindi makapaniwala sa ginawa niya. “What the hell! You ruined my Givenchy dress! Kabibili ko lang nito!” Tiningnan siya nito ng masama. Halos maiyak na. “You bitch!”

She rolled her eyes heavenwards. “Oh God. Jhee-von-shee not Gi-ven-chee. Social climber!” Napaawang ang labi nito sa sinabi niya. She smirked. “Pasalamat ka na lang hindi hot sauce ang nadampot ko!” Then she stormed out of the mall with so much pain and hatred. 

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Sheena Gabasa
ATE QUENN GANDA PO NG GAWA NIYO SOBRA, NAPACHECK PO AKO NG APP DETO PERO YUNG SA LIBRO KO YUNG BINABASA NGAYON HEHEHE
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • A Writer's Romance (Filipino-English)   Chapter 33

    CHAPTER 33HANGGANG ngayon ay hindi pa rin alam ni Syler kung ano ba talagang nangyayari. Ramdam na ramdam niya ang mabilis na tibok ng puso niya dahil sa matinding kaba.Biglang bumagal ang paghinga niya nang dalhin siya ni Rusty sa private pool at nakita niya ang magandang pagkakaayos ng buong lugar. Nahagip ng mata niya ang mga petals at balloons na nakalutang sa pool. Mayroon din pati na sa dinaraanan nila. May nagva-violin at may live pianist din. Ngunit ang nasa dulo no’n ang talagang umagaw ng buo niyang atensyon.Natameme siya na lang siya habang pinagmamasdan iyon. Hindi niya nagawang magsalita. Pakiramdam niya ay nalunok na niya ang kanyang dila. Hindi niya makapaniwala na naghanda ito ng isang candlelit dinner. Napaka-romantic ng ambiance ng buong lugar.“Tinulungan ka ni Daliam na gawin ito?” gulat na sambit niya.“Uh-huh. Tinulungan niya akong magplano para sorpresahin

  • A Writer's Romance (Filipino-English)   Chapter 32

    CHAPTER 32NAISIPAN ni Syler na maglakad-lakad muna sa dalampasigan dahil hindi pa siya dinadalaw ng antok kahit halos hating gabi na. Napayakap na lang siya sa kanyang sarili nang umihip ang malamig na simoy ng hangin.Noong isang araw pa siya parang wala sa kanyang sarili at si Rusty ang palaging laman ng kanyang isip. Hindi niya maiwasan makadama ng lungkot dahil matapos ang nangyari sa bungee jumping adventure nila, matapos siya nitong halikan ulit ay bigla na lang itong nagpaalam para bumalik sa Maynila.Sinabi nitong marami pa raw itong kailangang asikasuhin na negosyo roon. Pero hindi niya maiwasang isipin na hindi lang talaga negosyo ang aasikasuhin nito. Marahil ay kasama na roon si Daliam. Marahil ay namimiss na nito ang babae kaya gusto na nito agad umuwi.Hindi niya maiwasang masaktan dahil pakiramdam niya ay pinapaasa lang siya ni Rusty. At hindi maiwasang mainis sa kanyang sarili kung bakit pa

  • A Writer's Romance (Filipino-English)   Chapter 31

    CHAPTER 31NANLAMIG si Syler sa kanyang kinauupuan at hindi na nagawang magsalita pa. Ilang araw din niyang hindi nakita si Rusty mula noong dumating sila sa resort. Kahit kasi nandito ito ay mukhang negosyo pa rin ang pinagkakaabalahan. Mas mabuti na nga iyon para hindi sila nagkakalapit dalawa. Para mas lalo niya itong maiwasan. Para manahimik na rin ang puso niya.“Talaga? May boyfriend ka, Syler?” masiglang tanong ni Demmy.“Sino?” singit naman ni Laicy.She gulped loudly. “Si...” Napatingin siya sa mga co-writers niyang naghihintay rin ng kanyang sagot. Think, Syler! Think! “’Yong fictional character ko.” She smiled a bit. “Si... si Lantis,” she joked.Nagtinginan ang mga co-writers niya at bigla na lang nagtawanan ang mga ito. Nagloloko lang naman kasi talaga siya kanina na may boyfriend siya. Hindi naman niya alam na bigla pa lang sus

  • A Writer's Romance (Filipino-English)   Chapter 30

    CHAPTER 30KANINA pa hindi mapakali si Syler sa loob ng sasakyan. Hindi niya alam kung paano siya kikilos nang maayos kasama si Rusty. She couldn’t look at him in the eyes without feeling a little awkward. Hindi na talaga niya maitago ang matinding pagkailang na nararamdaman niya.Paano ba naman kasi nang magising siya kanina ay labis siyang nagulat nang mapagtanto na magkayakap pala silang natulog buong kagabi. Sino’ng hindi mawiwindang doon? Bigla tuloy siyang humiwalay rito habang namumula ang buo niyang mukha. Maging ito ay halatang nagulat din dahil napunta sila sa gano’ng posisyon.Gaga ka talaga! kastigo niya sa sarili.Hinihiling nga niya na sana ay lasing na lang siya kagabi para hindi na niya maalala ngayon ang mga kagagahan na ginawa niya. Pero hindi iyon mangyayari dahil lahat ng ‘yon ay tandang-tanda niya talaga. Ultimo ang kaliit-liitang detalye ay alam niya. Lalo na ang m

  • A Writer's Romance (Filipino-English)   Chapter 29

    CHAPTER 29“BAKIT nga pala hindi siya nakapunta sa book signing ko? Naalala ko lang na nag-comment siya sa isang post ko na pupunta raw siya.”“Nagkasakit daw bago ang book signing mo.” Saglit siyang nilingon ni Rustynang nakangiti bago ibinalik ang tingin sa daan. “Excited sigurong makita ka. Sabagay, hindi ko rin naman siya masisisi.”Ano’ng ibig niyang sabihin? usal niya sa isip.“May mga susunod pa naman akong book signing. Sana makapunta siya at magkita kami ulit. Pakisabi na lang na magpagaling siya at kinakamusta ko siya.”Muli itong napatingin sa kanya. Bigla siyang palunok dahil sa lantarang pagtitig nito sa kanya. “Ako ba, hindi mo man lang kakamustahin?”Napasinghap siya at mabilis na umiwas ng tingin. Hindi niya alam kung bakit halos lumundag palabas ang puso niya mula sa kanyang dibdib. Masyadong marahas ang pagkabog n

  • A Writer's Romance (Filipino-English)   Chapter 28

    CHAPTER 28NAPATDA si Syler nang tanggalin nito ang suot na salamin dahil bumungad sa kanya ang mukha ng isang lalaki na hindi niya inaasahang makita rito. Sa lugar na ito. Sa pagkakataon pa na ito.Her eyes widened, literally. Halos tumigil sa pagtibok ang puso niya nang maglakad na ito palapit sa kanya.“Rusty?!” gulat na sambit niya. “What are you doing here?” ‘Di ba dapat nasa France pa rin siya hanggang ngayon?“Mukhang ako dapat ang nagtatanong niyan sa ‘yo. Ano’ng ginagawa mo sa lugar na ito?” balik tanong nito sa kanya.It had been eight months since she last saw him, pero kahit konti ay wala man lang itong pinagbago. Mas lalo pa nga itong gumwapo.Natauhan siya nang mapagtanto na nakatitig pala ito sa kanya. “Nasiraan kasi ako ng sasakyan at hinihintay ko ‘yong magsusundo sa ‘kin papunta sa isang beach resort,” si

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status