Share

Chapter 3

CHAPTER 3

SA NGAYON ay sapat na kay Syler ang ginagawa niya sa mga ito. Sa palagay niya naman ay nasira na niya ang reproductive system ng herodes niyang ex-boyfriend at madadala na rin ang haliparot na ‘yon!

“Humanda ka,” bulong niya sa sarili. Hindi pa siya tapos. Ni hindi pa nga siya nagsisimula. Patikim pa lang iyon. Hindi siya makakapayag na binasura lang nito ang puso niya. Mas lalong hindi niya matanggap na ginawa pa talaga siya nitong sugar mommy. Ipapamukha niya sa herodes niyang ex-boyfriend kung ano’ng sinayang nito.

Bumalik siya sa reyalidad at bumuntong hininga. Pinipilit niya ang sariling huwag na ulit umiyak. Hindi dapat pinag-aaksayan ng luha ang mga gano’ng klase ng lalaki. Hindi niya alam kung bakit masyadong mababaw ang luha niya. 

“I can’t believe I’m crying over someone like him. He’s not even worth a single tear from me!” Marahas niyang pinahid ang mainit na likidong umaagos sa kanyang pisngi. 

Mabilis niyang nilagok ang laman ng hawak niyang baso. Naramdaman niyang unti-unti nang umiikot ang kanyang paningin dahil mas matapang na ngayon ang alak na binigay ng bartender kumpara sa ibinigay nito kanina.

“Ma’am, do you want another glass?”

Naramdaman niya na may biglang umupo sa kanyang tabi. Kaagad niyang naamoy ang pamilyar na pabango nito. 

“No. I think she had too much.”

Isang lalaki ang nilingunan niya. Kahit medyo lango na sa alak ay kaagad pa rin niyang nakilala kung sino ito. Si Rusty Vergara. 

She smiled, a bit. “Oh! Look who’s here.” She chuckled. Hindi niya alam kung bakit kabisado pa rin ng ilong niya ang pabango nito. “Good to see you again, Vergara. How are you?”

Hindi man lang ito ngumiti pabalik.  Nanatiling seryoso ang mukha nito habang nakatitig sa kanya. 

“You’re drunk.”

Ipinilig niya ang kanyang ulo. “No, I’m not. I was a little bit tipsy but I still felt fine.”

Hinawakan siya nito sa palapulsuhan. “I’ll take you home.”

Hindi siya pumalag. Tinitigan lang niya ang kamay nito na nasa palapulsuhan niya bago umangat ang tingin sa mukha nito. Gumuhit ang malungkot na ngiti sa kanyang labi. “Bakit ba ganyan kayong mga lalaki?” she said, trying to hold the tears from falling. Mukhang nagulat naman ito. “Bakit ba ang hilig niyong manakit ng babae? Leche naman kayo, o! Ginawa kami para mahalin niyo! Hindi para paglaruan, lokohin at paasahin niyo!”

“Hindi lahat ng lalaki kapareho ng dating nobyo mo. May mga lalaki lang talaga na hindi marunong makuntento,” seryosong saad nito nang hindi pinuputol ang tingin sa kanya.

Tumagos sa kanyang puso ang sinabi nito. Wala na siyang pakialam kung paano nalaman nito na ang dating nobyo nga niya ang kanyang tinutukoy.

Bahagya siyang natawa. “At kamalas-malasan dahil ako pa ang nakatagpo sa lalaking iyon na hindi marunong makuntento?”

Iinumin na niya sana ang baso na puno ng alak, ngunit kaagad nitong inagaw sa kanya at walang habas na itinapon ang laman nito. 

“Hindi sagot ang alak sa mga problema mo sa buhay. Mas lalo mo lang pasasakitin ang ulo mo.” Tiningnan niya ito ng masama dahil sa ginawa nito, pero parang wala lang iyon dito. Mas seryoso pa nga ang tingin na ibinalik nito sa kanya. “Ihahatid na kita sa inyo.”

Napakamot siya ng ulo. “Ano ka ba, Vergara? KJ mo naman, e!” angal niya kasunod nang paglandas ng luha sa kanyang mata. Kaagad niyang pinunasan iyon. “I just wanted to drown myself with a liquor to forget everything for a while,” usal niya. “Puwede naman ‘yon ‘di ba? Kahit saglit lang.”

“Liquors can’t ease the pain,” diretsong sambit nito. Nagulat na lang siya nang bigla siya nitong pitikin nang mahina sa noo. “Hindi ako sanay na ma-drama ka.”

Tumulis ang kanyang nguso at sinimangutan ito. “Nakakainis ka talaga kahit kailan, Vergara. Minsan na nga lang ako um-emote, ume-epal ka pa. Naman, o—"

“You’ll find someone else to love, Sy. Iyong lalaki na mamahalin ka, higit pa sa pagmamahal mo.”

Natigilan siya dahil sa sinabi nito. Nananatili lang itong nakatitig sa kanya nang seryoso. Hindi na siya nakasagot pa nang hawakan siya nito sa braso at hilahin palabas ng Centre Bar. Wala na rin siyang nagawa kundi magpatangay dito dahil gumuhit na ang kirot sa kanyang sintido. Hindi na niya kaya. Masakit na ang kanyang ulo. Bumabaliktad na rin ang kanyang sikmura. Parang hindi nito nagustuhan ang mga likidong ininom niya kanina. Masyadong matapang ang mga ito. Sanay ba naman siya na palaging gatas at kape lang ang iniinom. 

Pasakay na sana sila sa sasakyan ni Rusty ngunit napahinto siya nang mamataan niya ‘di kalayuan ang tatlong dayuhan na parang may kahina-hinalang ginagawa. Mas lalo siyang natigilan nang makita na mukhang minomolestiya ng mga ito ang tatlong babae at pilit na sinasakay sa sasakyan. Nagpupumiglas ang mga babae na maiiksi ang suot at para bang wala pa sa hustong gulang.

Bigla niyang naikuyom ang kanyang kamao at nagtagis ang panga niya sa galit. “Ang mga hudyo na ‘to!” Hindi na siya nagpatumpik tumpik pa at nilapitan niya ang mga ito. “Hey! Get your filthy hands off them, you freaking idiots!” she hissed.

Pinanlakihan siya ng mata ng bumbay. 

“Who are yo—"

Hindi na nito natapos ang sasabihin nang pinagpapalo niya sa ulo ang tatlong herodes na ito. “’Yan lang ang dahilan kung bakit kayo pumupunta sa bansa namin! Dahil minamaliit niyo ang mga babae rito!” gigil na turan niya.

“What the fuck!” bulalas ng bumbay habang nakahawak sa ulo nito na hinambalos niya.

“Ikaw Bumbay ka! Wala kayong ginawa kundi magpautang nang magpautang!” bulyaw niya. “Leche ka! Kaya nababaon sa utang ang mga Pilipino!”

Iyong Hapones naman na puro alien-language ang sinasabi sa kanya ang pinalukpok niya sa ulo. “Isa ka pang Hapones ka! Kahit masarap ang Okonomiyaki, hindi ko pa rin ipagpapalit ang mga kababayan ko! Magsilayas kayo sa bansa naming mga sakang kayo!”

Hindi siya mapatulan ng mga ito dahil nasa likod lang niya si Rusty. Sumenyas pa siya rito na kaya-ko-na-‘to-look. Tumango lang ito at iyong tatlong babaeng naman nakayuko lang at nagsisiksikan sa isang tabi. 

Hinambalos din niya sa ulo ‘yong isang Chinese nang maalala niya ang mga napanuod niyang balita noong nakaraang araw. “Ikaw namang ulupong ka! Ang lakas ng loob mong pumunta rito sa Pilipinas! Walang hiya kayong mga Chinese kayo! Lahat na lang sinasakop niyo! Pati ‘yong Pluto sakupin niyo na rin mga leche kayo!”

“You crazy woman, why did you do that for?” bulalas ng Chinese.

Sinapok nga niya. Sumasagot pa kasi. “Aba, leche ka, hindi ako baliw na babae ha! Lumayas kayo, kung ayaw niyong ipahuli ko kayo!” singhal niya. 

Doon lang niya napagtanto na may lahi nga rin pala siyang Chinese sa side ng Daddy niya. Pero mas nananaig sa kanya ngayon ang pagiging Pinoy. Sa puso at diwa.

Parang nakakita ng pinaghalong dinosaur, leon at tigre ang mga ito dahil dali-daling sumakay sa kotse’t umalis. Kulang na lang kasi magbuga siya ng apoy sa sobrang galit. Pinauwi na rin niya sa kani-kanilang bahay ang tatlong babaeng iyon pero sinermunan muna niya nang todo ang mga ito para madala na at hindi na ulit bumalik sa gano’ng lugar. 

Pabalik na sila sa sasakyan nang may mapansin siya. She smirked. “I’m a bit drunk but I know that smile, Rusty Vergara,” aniya habang inaalalayan siya nito maglakad. 

Kanina nakangiti at nakahalukipkip lang ito habang pinapanood ang ginagawa niyang pambubugbog sa tatlong hudyo na iyon. Isa sa mga dahilan kung bakit hindi siya magawang saktan ng mga ito dahil nandoon si Rusty. Alam niyang kapag hiningi niya ang tulong nito ay kayang-kaya nitong pagbuhulin ang mga pesteng dayuhan na ‘yon. 

Dahan-dahan itong napailing at mas lalong napangiti. Oh boy, his killer smile. “Puwede ka na pala maging Presidente ng Gabriela.”

She chuckled habang pumipikit pikit na ang mata sa kalasingan. “Ayoko lang kasing nakikitang ina-argabyado ang mga kababaihan lalo na’t sampid lang ang mga lecheng ‘yon sa bansa natin.”

Naramdaman niyang pinagmamasdan siya ni Rusty kaya dinilat niya nang maigi ang kanyang mata at saka nilingon ito. 

“Hindi ka pa rin nagbabago.”

She smiled. Matagal-tagal din mula noong huli silang nagkita. “I hope that’s a compliment.”

“It is.”

Mas lalo siyang napangiti bago napapikit. “Talaga lang ha?”

Hanggang sa maramdaman niya ang pagrarambulan sa kanyang sikmura. Parang gusto nang lumabas lahat ng kinain at ininom niya kani-kanina lang.

“This is it.” Bigla niyang tinakpan ang kanyang bibig.

“Bakit?”

“Nasusuka na ako.”

Bago pa ito maka-react, she stop and threw up. 

“What the—?” gulat na sambit nito.

She smirked. Malas lang nito dahil ito ang nakasalo lahat nang inilabas niya. 

Then something seemed to snap in her temple. And the last thing she remembered was the handsome face of this guy.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status