Share

A Writer's Romance (Filipino-English)
A Writer's Romance (Filipino-English)
Author: Youniqueen

Chapter 1

CHAPTER 1

“DAD, you’re forcing me to do something I don’t want to do,” mahinang angil ni Syler habang nasa harap ng hapag-kainan kasama ang kanyang mga magulang.

“Syler,” biglang saway ng kanyang ina na nangungusap pa ang mga mata. Sa tingin nito ay para bang sinasabi na pagpasensyahan na lang muna ang kanyang ama. 

Gustuhin man niyang manahimik ay hindi na rin niya natiis na sumagot dahil palagi na lang siya nitong pinipilit na sa ibang bansa na lang manirahan upang siya na ang magpatakbo ng negosyo nila roon. Ang problema nga lang ay hindi niya gustong mamalagi nang matagal sa ibang bansa dahil nandito sa Pilipinas ang buhay niya. Hindi siya sanay manirahan doon. 

Pinagbigyan naman niya ang ama sa hiling nito noon. Tulad ng gusto nito ay namalagi siya ng mahigit isang taon sa China bago nagdesisyong bumalik sa Pilipinas. Tinutulungan siyang mamahala ng kanyang pinsan na kasalukuyang CEO ng Lim Corporation, pero sadyang hindi pa siya handang pamunuan ang kompanya nila. Hindi pa siya handang gawin ang isang bagay na hindi niya gusto. Wala ro’n ang puso niya. Gusto rin naman niyang tulungan ang mga magulang niya dahil siya rin ang magmamana ng kompanya pati na lahat ng negosyo nila balang-araw, ngunit ayaw niyang manirahan sa ibang bansa. Mas gusto niyang dumito lang sa Pilipinas kasama ang mga ito.

She gave out a sigh. Nagsimula na ulit siyang kumain kahit unti-unti na siyang nawawalan ng gana. Hindi na niya alam ang gagawin. Sa hinaba-haba kasi nang sinabi ng kanyang ama simula kanina pa ay alam na niya ang tinutumbok nito. Nais nitong tigilan na niya ang pagiging manunulat dahil wala naman daw siyang mapapala sa trabahong iyon. Gusto nito na sa kompanya nila siya magtrabaho. Gusto nitong magamit niya ang kanyang tinapos. 

“I’m not forcing you, hija. I’m telling you the truth. Hindi ka yayaman sa pagsusulat,” diretsong sambit ng kanyang ama.

Kahit sanay na siya ay hindi pa rin niya maiwasang magulat sa mga sinasabi nito. “Really, Dad?” She answered, with a hint of sarcasm in her voice. “Paano kung sabihin ko sa ‘yo na ngayon pa lang, mayaman na ako?” mahinahon ngunit mapanghamon na usal niya.

Katulad ng inaasahan niya ay bahagyang nanlaki ang mata ng kanyang ama na parang hindi maintindihan ang sinabi niya. “What?”

She smiled. “Mayaman na ako dahil alam kong sa ginagawa ko, marami akong napapasayang tao, Dad. Ang sarap sa pakiramdam na marami akong napapangiti dahil sa mga isinusulat ko. Nakakatuwa dahil nasasabi ko kanila ang mensahe na gusto kong iparating gamit ang mga salita,” saad niya nang hindi pinuputol ang tingin sa mga ito. “Doon pa lang, pakiramdam ko mayaman na mayaman na ako,” aniya suot ang isang pilit at matabang na ngiti. “Iyon ang mga bagay na hindi matutumbasan ng kahit gaano kalaking salapi. You can’t buy real happiness, Daddy.”

Nagkatinginan ang kanyang ina’t ama at parehong nagpakawala nang mahabang buntong hininga. 

Hindi niya maiwasang magtampo dahil hindi na-a-aprreciate ng kanyang ama ang mga ginagawa niya. Iyong pinaghihirapan niya. Ni hindi nga yata nito kinokonsidera na trabaho ang ginagawa niyang pagsusulat. Akala yata ng kanyang ama ay libangan lang niya iyon na gagawin lang niya sa tuwing wala siyang magawa. Sanay na siya sa mga paulit-ulit nitong lintanya ngunit ngayon ay hindi niya alam kung bakit kumirot ang kanyang puso dahil sa sinabi nito. Hindi niya nga alam kung bakit ang liit nang tingin ng kanyang ama sa mga manunulat na kagaya niya.

Hindi lang naman dahil sa pera kaya siya nagsusulat. Wala nga siyang pakialam kung maliit o malaki ang kanyang sahod. Bata pa lang siya ay pangarap na niyang maging isang manunulat. Hindi niya alintana kung hindi man siya maging sikat tulad ng mga manunulat na kasabayan pa niya. Ang gusto lang niya ay magsulat ng magaganda at puno ng aral na mga nobela. Gusto niyang matanggap ng mga mambabasa ang mga mensahe na nakapaloob sa kanyang mga akda. She want to touch people with her stories and inspire them.

Yes, isa siyang writer. And she loved being a writer. Noong nagkolehiyo nga siya ay labis siyang nanghinayang dahil hindi Journalism ang kinuha niyang kurso kundi Business Management. Iyon pa naman ang pinaka gusto niyang kurso noon. Pinagplanuhan na nga niya iyon nang magtapos siya ng high school, pero ang Daddy niya ang pumili ng kurso na gusto nito para sa kanya kahit hindi naman niya gusto. Kat’wiran kasi nito ay ito naman ang magbabayad ng tuition fee niya at hindi siya. Kat’wiran naman niya noon ay hindi naman ang Daddy niya ang mag-aaral kundi siya. Pero kahit ano pa’ng pakiusap o pambobola ang gawin niya rito noon, sa huli naman ay ito pa rin ang nasunod. Iyong gusto pa rin nito ang kinuha niya. 

Maging ang Mommy niya ay walang nagawa kaya pinagbigyan na lang din niya ang kanyang ama. Tutal, mahal niya naman ito at hindi niya kayang tanggihan noon ang mga gusto nito. Pagka-graduate niya ng kolehiyo ay nagkaroon siya ng pagkakataong pumasok sa isang malaking kompanya ng magazine sa Pilipinas, ngunit hindi rin siya nagtagal dahil sa sobrang inis sa kanyang boss na napaka-demanding.

Wala kasi itong ginawa kundi talakan siya araw-araw. Makatarungan ba ‘yon kung ginagawa naman niya ang kanyang trabaho? Para bang ang laki ng galit nito sa mundo at palaging aburido. Ang masama lang doon lahat ng galit nito ay sa kanya naibubunton dahil sa mga simpleng pagkakamali lang niya. Kung puwede nga lang niyang salaksakin ito ng tinitidor sa ngalangala para lang manahimik ito ay ginawa na niya. Sa sobrang inis niya, she quite her job and concentrated on being a full-time freelance writer. Sa pagkakataon na ‘yon ay pinangako niya sa kanyang sarili na gagawin na niya ang matagal na niyang gustong gawin at wala nang makakapigil pa sa kanya. 

Maayos naman ang sweldo niya bilang nobelista. Sapat lang para sa mga pangangailangan niya. She really liked her job. Mas gusto rin niya ito dahil walang nag-uutos sa kanya at hawak pa niya ang kanyang oras.

Natauhan lang siya mula sa malalim na pag-iisip nang muling magsalita ang kanyang ama. 

“Hija, hindi iyon ang ibig kong sabihin. Ang gusto ko lang naman ay makita ka ulit na nakasuot ng uniporme at nagtatrabaho ulit sa opisina. Kahit hindi sa kompanya natin,” saad nito bago bumuntong hininga. Her father was still serious. “I’m just being practical, Syler. Iyang maliit na sinusuweldo mo r’yan, kulang pa sa pangtustos sa mga pangangailangan mo.”

“Pera na lang ba talaga ang mahalaga sa ‘yo, Dad? How about my own happiness? Hindi ba ‘yon mahalaga sa ‘yo?” Pinilit niyang ‘wag tumaas ang kanyang boses at kumalma lang. Kinagat niya nang madiin ang kanyang ibabang labi nang maramdaman niyang nangingilid na ang kanyang luha. Naramdaman niya na lang ang kamay ng kanyang Mommy na hinaplos ang kanyang braso na para bang dinadamayan siya nito. 

Tumango ito at siya naman ay ngumiti ng pilit upang pagtakpan ang lungkot na kanyang nararamdaman. Her mother had always been very supportive on her choosen career. Ito nga ang unang tao na nakabasa ng unang nobela na ginawa niya. Ito rin ang unang nagiging kritiko ng mga akda niya. She loved the fact that her mother was reading all of her stories. Isa sa ipinagpapasalamat niya ay ang pagiging tapat nito sa kanya. Hindi nito binabalutan ng matatamis na salita ang mga komentong ibinibigay sa kanya. Mas gusto niya iyon dahil para sa kanya ay mas lalo siyang natututo kapag sinasampal siya ng katotohanan. Ngunit mas maraming papuri naman ang ibinibigay nito. 

Natutuwa nga siya kapag gumagawa pa ito ng book review. Marami siyang natututunan sa mga komento ng kanyang ina na nagagamit niya upang pagbutihan pa ang pagsulat sa kanyang mga susunod na akda. Ngunit kahit kampi sa kanya ang kanyang Mommy ay wala rin naman itong nagagawa kundi sabihin na sundin na lang ang kanyang ama.

“Fine.” Her dad gave out a sigh. Hindi niya gusto ang paraan ng pagbuntong hininga nito. “I’m sorry for being rude to you, hija. Hayaan mo, hinding-hindi na ulit kita kukulitin tungkol dito,” sambit nito bago ngumiti ng pilit. 

Here we go again.

“Gusto ko lang naman na pagtuunan mo rin ng pansin ang negosyo natin. Ginagawa ko ‘to hindi lang para sa ‘kin, kundi para sa ‘yo. Dahil sa iyo rin namin iiwan ang kompanya kapag wala na kami ng Mommy mo. Gusto ko lang naman na kung sakaling mangyari na ang araw na iyon, maayos pa rin ang kalagayan mo,” dagdag pa nito na nagpabigat ng kanyang puso. 

“Dad, stop saying that.”

Tears rolled down her eyes. Iyon na nga ba ang sinasabi niya. Kapag gano’n na ang tono ng kanyang ama ay tumitiklop na siya. Kung magsalita kasi ito ay akala mo palaging mamamaalam na sa mundo. Iyon pa naman ang isang bagay na lubos niyang kinakatakot sa buhay niya. Ayaw niyang mawala ang kanyang mga magulang. Kahit naman independent siya, hindi pa rin niya kayang mabuhay ng wala ang mga magulang niya. Mahal na mahal niya ang mga ito. Sobra pa sa kanyang buhay. 

“Sorry,” she said, with full of sincerity. “I’m sorry.” Tumayo siya at nilapitan ang kanyang ama. “I love you, Dad.” Niyakap niya ito at hinalikan sa noo. 

“I love you too, sweetheart,” nakangiting usal nito.

Lumapit din siya sa kanyang Mommy at niyakap din ito bago hinalikan sa noo. “I love you, Mom.”

Ngumiti ito at niyakap siya pabalik. “You’re so sweet. I love you too, darling.”

She smiled. Pinalis niya ang mga luha sa kanyang mata. “Good night.”

Ngayon napagtanto na niya na may punto naman talaga ang kanyang ama sa mga sinabi nito. Para naman sa kanya lahat ng iyon. Ang mga magulang naman talaga ay ginagawa ang lahat para rin sa ikabubuti ng mga anak nila. Mapalad siya dahil gano’n ang magulang na ibinigay sa kanya.

“Hija.”

Napahinto siya sa paglalakad nang marinig ang tinig ng kanyang ama. Kaagad siyang lumingon habang nakangiti. “Huwag kayong mag-alala, hindi ko kayo sisiraan sa nobelang ginagawa ko,” pabirong wika niya. Nagkatinginan ang mga magulang niya at biglang nagtawanan ang mga ito. “At Dad, pag-iisipan ko ang sinabi mo tutal malapit na rin matapos ang nobelang sinusulat ko.”

Bumakas ang gulat sa mukha nito bago unti-unting napangiti. “Maraming salamat, hija.”

Umiling siya. “No, Dad. I should be the one saying that,” she said. “Thank you for everything.”

Wala naman sigurong masama kung pagbigyan niya iyon. Hindi naman sa nagsasawa na siyang magsulat. Mag-aapat na taon na rin siyang freelance writer at kahit kailan ay hinding-hindi siya magsasawang gawin ‘yon, kahit siguro umabot sa punto na wala nang magbasa ng mga akda niya. Gano’n niya kamahal ang pagsusulat. Gagawin lang niya ang gusto nito para maiba naman kahit minsan ang trabaho niya at para makakuha rin siya ng bagong experience na puwede niyang gamitin sa mga susunod na nobelang isusulat pa niya.

Napahinto siya nang may isang tanong na lumitaw sa kanyang isip.

Kung hindi ako magtatrabaho sa kompanya namin, saan naman kaya ako magtatrabaho?

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status