Sa labas ng pinto ay tila tumigil ang pag-ikot ng mundo para kay Beatrice. Dahan-dahang siyang umatras, bawat pulgada ng paglayo niya ay tila pagguho ng mundo na kinalalagyan niya sa loob ng tatlong taon. Ang kaniyang high heels ay bumabaon sa makapal at mamahaling carpet ng hotel corridor sapat upang walang marinig na kahit anong tunog. Maging ang sarili niyang hininga ay pinigil niya dahil natatakot siya na baka mabasag ang katahimikan na magmumula sa sarili niyang puso.
Summer noon at dapat ay ramdam niya ang maalinsangang hangin sa labas ng gusali subalit nanunuot ang ginaw sa kaniyang buto. Pilit niyang kinukumbinsi ang sarili na baka masyado lang malakas ang air-conditioning ng gusali ngunit ang katotohanan ay unti-unti nang nanunuot sa kanyang kalamnan. Ang lamig ay nagmumula sa katotohanang binalewala ang kanyang pagkatao.
It wasn’t the cold. It was the betrayal.
Noong sampung taong gulang pa lamang siya ay itinuro na sa kaniya ng pagkamatay ng kaniyang ina na ang pag-ibig at kasal ay mga huwad na pangako. “Love is a luxury for the weak, Beatrice. Never trust men and never ever place your expectations on them,” ang paulit-ulit na bulong ng alaala sa kaniyang isipan. Sa loob ng maraming taon sa ibang probinsya ay binuo niya ang kaniyang sarili mula sa pagiging isang “pampered princess” tungo sa pagiging isang babaeng malakas. Pilit niyang pinatigas ang kaniyang loob upang mabawi ang lahat, ang dangal, katayuan at ang ninakaw sa kanyang pamilya.
Then Benedict appeared, he was like a ray of sunlight that managed to pierce through the cracks of her frozen heart. Akala niya sa gitna ng mundong puno ng political marriages at business interests ay nakatagpo siya ng isang lalaking mamahalin siya nang tapat. I was so stupid to believe in “luck” bulong niya sa sarili.
Ang akala niyang tadhana ng langit ay isa palang planadong laro, isang pustahan lang pala ang lahat. Isang hamon sa pagitan ng mga anak-mayaman. Ang isang babae na katulad niya na mailap, malamig at tila hindi matitibag ay isang tropeo lamang na masarap makuha.
Naramdaman ni Beatrice ang hapdi ng luha na pilit niyang pinipigilan. She felt humiliated. Hinawakan niya nang mahigpit ang velvet box sa kaniyang palad. Sa loob niyon ay isang singsing na pinili niya nang may pag-asa. For a moment, she had truly imagined a life with him. How pathetic.
Sa isang madilim na sulok ng bar sa baba ay nakaupo siya habang nilulunod ang sarili sa alak. Ang bawat lagok ng alak ay tila lason na pilit niyang ginagamit na gamot sa kaniyang sugatang dangal. Sa gitna ng malabo at gumagalaw na paligid ay nakita niya si Benedict na pumasok sa elevator habang nakapulupot ang kamay sa baywang ng isang babae.
They were heading upstairs, to the private resting suites.
Kaya pala, kaya pala may mga gabing hindi ito umuuwi na ang dahilan ay nanonood lang ng game kasama ang mga kaibigan.
“A man like him will never suffer for a woman like me," anas ni Beatrice, ang boses ay paos at puno ng poot. "Ang mga bagay na ipinagkait ko sa kanya ay may ibang handang ibigay iyon nang walang pag-aalinlangan.”
Malakas ang tolerance niya sa alak dahil sa mga business banquets pero ngayong gabi ay gusto niyang malasing, gusto niyang magwala. Habang naglalakad palabas ay hindi na niya maibalanse ang kaniyang sarili. Muntik na siyang sumubsob sa sahig ngunit bago pa man mangyari iyon ay isang matigas at mainit na bisig ang sumalo sa kaniyang baywang.
Tumama ang kaniyang noo sa isang matikas na dibdib at naamoy niya ang mamahaling pabango na nanuot sa kanyang ilong.
“Are you alright?”
The voice was deep, magnetic and carried a weight that Benedict’s voice never had. Inangat ni Beatrice ang kaniyang paningin, sa gitna ng panlalabo ng kanyang mga mata ay bumungad ang isang pares ng mga matang kasing-itim ng dagat sa hatinggabi. The man was impeccably dressed in a tailored suit, bawat anggulo ng kanyang mukha ay tila nililok. Mapanganib ang aura nito ngunit mayroon din itong pamilyar na aura.
Isang ideya ang gumapang sa isip ni Beatrice. Kung dudurugin din lang siya ng mundo bakit hindi siya ang maunang manira? Kung pusta lang ang lahat para kay Benedict ay gagawa siya ng sarili niyang laro.
Isang mapang-akit na ngiti ang sumilay sa kanyang mga labi. Nilapit niya ang kanyang mukha sapat para maramdaman ng lalaki ang init ng kanyang hininga na may amoy ng alak.
“Sir… do you have a girlfriend?” tanong niya, ang boses ay paos at puno ng tukso.
Tinitigan siya ng lalaki na tila kinikilatis ang bawat hibla ng kaniyang pagkatao. “No,” maikling sagot nito.
Beatrice stepped closer, wrapping her slender arms around his neck. She leaned in letting her scent mingle with his. “Now you do.”
“You mean… yourself?” tanong ng lalaki. His eyes were unfathomable.
“I’m offering myself to you. Do you want it?” matapang na sabi ni Beatrice. She was done with love. She wanted to burn everything down including her own restraint.
"You're drunk, Miss Aquino," paalala ng lalaki, bagaman hindi nito inaalis ang kamay sa kanyang baywang.
"I am perfectly aware of what I'm doing," giit niya. Hinila niya ang lalaki patungo sa elevator. "Let's go upstairs. Why, wait?"
Hindi nagsalita ang lalaki ngunit hinawakan nito ang kanyang kamay at dinala siya sa sasakyan. Hindi nagtagal ay nasa loob na sila ng isang luxurious penthouse suite. Binuhat siya ng lalaki, isang maingat na pagbuhat na nagparamdam sa kanya ng kakaibang seguridad.
Pagkapasok sa kwarto ay ibinaba siya nito sa gilid ng malambot na kama ngunit hindi ito agad lumapit. Itinuro ng lalaki ang pintong bahagyang nakabukas
“You can still regret it now. Go, while I’m still letting you.” paalala nito sa kaniya. His voice was a low.
Imbes na matakot ay tumayo siya at lumapit sa lalaki. Tumingkayad siya at bumulong sa tenga nito at ang kanyang boses ay puno ng pangungutya at pagnanasa. "Sir... you're not incapable, are you? Bakit ang dami mong sinasabi?"
Isang malakas na thud ang yumanig sa kwarto nang sipain ng lalaki ang pinto upang sumara. Sa isang iglap ay naramdaman ni Beatrice ang pag-angat ng kanyang katawan. Inihiga siya nito sa kama at ang lalaki ay mabilis na tinanggal ang suot nitong necktie.
“You don’t have the chance to regret it anymore,” he growled against her ear. Ang kanyang pormal na mga kilos ay biglang nawala at napalitan ito ng pagiging agresibo.
Biglang nakaramdam ng kaba si Beatrice nang makita ang lalaking nakaluhod sa kama at kinukulong siya sa ilalim ng mga bisig nito. "I... I'll take a shower first," nauutal niyang sabi.
"Shower after," ang maawtoridad na sagot ng lalaki. Hinawakan nito ang kanyang baba at pinilit siyang tumingin sa mga mata nito. "Try it and see... whether I'm capable."
The last trace of her reason tried to push him away, but he was like a wall of granite. He tilted her chin up, forcing her to look into the abyss of his eyes. “Try it and see… whether I’m capable.”
Sa gitna ng kanilang p********k ay nahulog ang velvet box mula sa kamay ni Beatrice patungo sa kama. Kinuha ito ng lalaki at binuksan. Nang makita ang singsing na panlalaki ay isang tipid na ngiti ang sumilay sa mga labi nito at isinuot ito sa kanyang middle finger.
"Not bad," sabi nito habang pinagmamasdan ang singsing. "It fits perfectly."
“Give it back—mmph!” susubukan sanang abutin ni Beatrice ang singsing ngunit mabilis na sinakop ng lalaki ang kanyang mga labi. Isang halik na mapusok, gutom, at tila umaangkin. Pinagsalikop ng lalaki ang kanilang mga daliri at pinako ang kanyang mga kamay sa itaas ng kanyang ulo.
Sa loob ng silid na iyon ay tila naglaho ang ingay ng mundo. Ang bawat piraso ng kanilang kasuotan ay nalaglag sa karpet na parang mga talulot ng bulaklak. Ang puting polo ng lalaki ay bumagsak sa ibabaw ng kaniyang lace lingerie.
Ang gabi ay napuno ng init, ng mga bulong at ng mga piping daing na tila walang katapusan. Sa gitna ng dilim ay isinuko ni Beatrice ang lahat, baon ang pait ng nakaraan at ang hindi tiyak na bukas sa piling ng isang estranghero.