
AFTER BEING DUMPED BY THE SCUM, I MARRIED THE RICHEST MAN IN
"Sa mundong ang pag-ibig ay isang pustahan, sino ang unang masusunog?"
Sa loob ng tatlong taon ay naniwala si Beatrice Aquino na natagpuan na niya ang kanyang tanging pahinga sa piling ng kanyang "puppy boyfriend" na si Benedict. Siya ang "Ice Queen" ng mundo ng negosyo. Matapang, disiplinado at handang bawiin ang dangal ng kanyang pamilya, ngunit sa harap ni Benedict ay isa siyang babaeng nagmamahal lamang nang tapat.
Subalit sa gabi ng kanyang pag-po-propose ay gumuho ang lahat. Ang inakala niyang tapat na pag-ibig ay isa lamang palang laro sa pagitan ng mga rich young masters. Para kay Benedict Mendoza, ang tagapagmana ng pinakamayamang pamilya sa Quezon City, si Beatrice ay isang hamon lamang, isang trophy na masarap makuha bago ang kanyang itinakdang kasal sa iba.
Dala ng poot at sugatang dangal ay nagpasya siyang gumanti. Sa isang gabi ng kalasingan at desperasyon ay isinuko niya ang kanyang sarili sa isang misteryosong estranghero, isang lalaking may awtoridad, mapanganib na karisma at may mga matang kasing-itim ng gabi.
Ang hindi niya alam ay ang lalaking kanyang pinag-alayan ng gabi ay ang mismong tanging tao na kinatatakutan ni Benedict, ang kanyang Uncle.
Ngayong nag-uumpisa na ang laro ng paghihiganti ni Beatrice, paano siya tatakas sa bitag ng isang "Uncle" na walang balak pakawalan siya? Sa mundong puno ng pagkukunwari, sino ang tunay na mandaraya at sino ang magiging biktima ng sarili nilang laro?
Read
Chapter: Kabanata 176Namayani ang katahimikan sa loob ng sasakyan. Hindi na muling binanggit ni Beatrice ang nangyaring halik. Tila hindi din naman interesado si Ezekiel na tuksuhin pa siya subalit sa kabila ng katahimikang iyon ay pareho nilang alam na may kung anong nagbago sa pagitan nila. Hindi na iyon katulad ng
Last Updated: 2026-06-27
Chapter: Kabanata 175"That's good." Marahang bumitaw si Ezekiel sa kaniya. Wala nang sinabi pa ang lalaki. Tahimik nitong isinara ang passenger door bago umikot patungo sa driver's seat. Pagkapasok sa loob ng sasakyan ay mahinahon nitong hinubad ang suit jacket at isinampay sa likuran ng upuan. Pagkatapos ay isa-isan
Last Updated: 2026-06-27
Chapter: Kabanata 174Mula pagkabata ay lumaki si Beatrice sa isang marangal at makapangyarihang angkan. Dahil doon, bawat kilos, bawat titig, at bawat salitang namumutawi sa kaniyang mga labi ay likas na may taglay na dignidad. Marunong siyang maging banayad at elegante kung kinakailangan, ngunit kaya rin niyang maging
Last Updated: 2026-06-27
Chapter: Kabanata 173Pagsapit ng gabi ay pinatay na ni Beatrice ang kaniyang computer at iniunat ang katawan. Halos lahat ng empleyado ay nakauwi na. Tahimik ang buong koridor. Isinara niya ang pinto ng opisina ngunit paglabas pa lamang niya ay narinig na niya ang isang matamis na boses. "Benedict, you're back now?
Last Updated: 2026-06-27
Chapter: Kabanata 172Dahil doon ay sinabi niya ang totoo, ngunit ngayong nobya na ni David si Rica ay tila tuluyan nang bumagsak sa negatibo ang dati na nitong mababang IQ. Napailing si Beatrice bago malamig na inirapan ang lalaki. "No comment." Hindi pa rin sumuko si David. Bahagya siyang ngumiti, pilit na ibinabali
Last Updated: 2026-06-27
Chapter: Kabanata 171Pagdating sa kompanya ay hindi na siya nag-aksaya ng oras. Napirmahan na nila kahapon ang kontrata. Malapit na ring magsimula ang opisyal na kooperasyon. Agad niyang pinatawag si David. "We will inject four billion as a deposit at the end of the month, and the first installment of the project pa
Last Updated: 2026-06-27
Chapter: CHAPTER 31.2Tahimik lamang si Lianne. Hindi siya sumagot agad. Tila ba nalunod siya sa lalim ng mga sinabi ni Xavier habang nakatitig ito nang diretso sa kaniya, matalim, kalmado, ngunit puno ng kakaibang determinasyon. “Lianne,” mahina ngunit mabigat nitong sambit, “the only way to survive in this world is to learn how to use your connections and resources wisely. If you keep clinging to useless principles while everything around you collapses, you’ll lose everything.” Nanatiling walang imik si Lianne. Ngunit sa loob-loob niya ay para siyang sinampal ng katotohanan. Matagal na niyang alam ang kalagayan ng pamilya nila. Mas alam pa niya kaysa kanino man kung gaano na ito kalubog. Ang kompanyang minsang naging simbolo ng kapangyarihan at prestihiyo ay isa na lamang gusaling unti-unting gumuho mula sa pundasyon nito. At ngayong tuluyan na niyang puputulin ang relasyon niya sa pamilyang Santos ay hindi niya maitatanggi na isa iyong napakalaking dagok lalo pa’t alam na ni Xavier ang lahat.
Last Updated: 2026-06-03
Chapter: CHAPTER 31.1Tahimik lamang si Lianne.Ngunit habang tumatagal ang katahimikan niya ay lalong bumibigat ang ekspresyon ni Xavier. Bahagyang nagsalubong ang mga kilay nito habang nakatingin sa kaniya.“Lianne.”Mababa ngunit matigas ang tinig nito.Dahan-dahang nag-angat ng tingin si Lianne at nagtama ang mga mata nila. Nanatiling kalmado ang mukha ni Xavier ngunit malinaw sa malamig nitong titig na seryoso ito.“I think there are things we need to talk about openly and honestly.”Nanigas nang bahagya ang likod ni Lianne.Hindi niya inaasahan ang biglang pagseryoso ng lalaki.Sa totoo lang ay mula pa kanina ay nararamdaman na niyang hindi maganda ang mood nito at alam niya rin kung bakit.Dahil sa ginawa niyang paglalagay ng malinaw na distansya sa pagitan nilang dalawa.Huminga siya nang marahan bago inayos ang kaniyang upo.“Go on.”Tahimik na bumagsak ang tingin ni Xavier sa mukha niya na tila sinusuri ang bawat emosyon na sinusubukan niyang itago.Hindi alam ni Lianne kung bakit, pero sa ilalim
Last Updated: 2026-06-02
Chapter: CHAPTER 30.2Tahimik na nakalatag sa mesa ang ilang pahina ng listahan ng mga posibleng paglipatan ng studio ni Jiang Wan. May mga bilog, marka, at maliliit na notes sa gilid ng papel—mga bakas ng ilang gabing halos hindi siya natulog kakaisip kung paano niya muling sisimulan ang lahat.Sa kabilang side ng mesa ay mahinahong nakasandal si Xavier habang isa-isang tinuturo ang mga address na nakasulat.“This one,” mahinang sabi niya habang tinatapik ang isang lugar gamit ang dulo ng ballpen, “is only fifteen minutes away from the Santos residence.”Lumipat siya sa isa pang address.“And this, malapit naman sa current studio mo.”Bahagyang natigilan si Lianne.Nanatili siyang tahimik habang pinapanood ang seryosong ekspresyon ng lalaki. Hindi ito basta simpleng pagtingin sa mga lugar. Para bang matagal na nitong pinag-aralan ang bawat detalye.Xavier leaned back slightly before continuing in a calm voice.“I think,” marahan niyang sabi, “you subconsciously chose places connected to your old life.”Hu
Last Updated: 2026-06-01
Chapter: CHAPTER 30.1Tahimik na naputol ang tawag halos kasabay ng pag-ring nito.Nanatiling nakatitig si Xavier sa screen ng kaniyang cellphon at bahagyang nakakunot ang noo habang nakalutang sa hangin ang maikling tunog ng failed call. Muli niyang idinial ang numero, ngunit gaya kanina ay agad din itong pinatay.Mabigat siyang napabuntong-hininga.Bago pa niya muling pindutin ang call button ay isang notification ang lumitaw sa screen.[Joy Buenavista]"Boss, I’m in a meeting right now. If you need anything, I’ll talk to you after the meeting, okay?"Sandaling nanahimik si Xavier habang nakatitig sa mensahe.Malamig ang ekspresyon niya, ngunit may bahagyang pagdududa sa ilalim ng kaniyang mga mata.Meeting?Ilang minuto lang ang nakalipas nang marinig niyang kausap nito si Lianne sa telepono. Ngayon naman ay biglang nasa meeting na?Hindi siya ganoon kadaling maniwala.Ngunit kahit may pag-aalinlangan ay wala na rin siyang balak pang tawagan ito ulit. Ayaw niyang magmukhang desperado sa pagkuha ng impor
Last Updated: 2026-05-31
Chapter: CHAPTER 29.2Mariing umiling si Lianne, tila ba gusto niyang itaboy palayo ang lahat ng takot at pag-aalinlangan na matagal nang nakakadena sa kaniya.“Hinding-hindi ko na hahayaang kontrolin pa ako ni Gabriel,” malamig ngunit matatag niyang sabi. “This is only the first step. Simula pa lang ito ng paglaya ko.”Ang bawat salitang lumabas sa kaniyang bibig ay may bigat. Hindi iyon simpleng galit lamang, iyon ay sama ng loob na matagal niyang kinimkim. Mga taong ginugol niya sa pagpapakumbaba, pagtitiis, at pagsunod sa lalaking paulit-ulit siyang sinasaktan.Kaya pala siya nagmamadaling bumalik mula sa ospital.Hindi para magmakaawa.Hindi para manatiling tahimik.Kundi para tuluyang putulin ang natitira pang koneksiyon nila ni Gabriel.Sa tabi niya ay bahagyang kumurba ang labi ni Xavier. Halos hindi niya maitago ang amusement na sumilay sa mga mata niya.Batay sa paliwanag ni Lianne ay malinaw na siya ang dehado sa naging transaksiyon.At mukhang iyon mismo ang nais niyang ipakita.Nahagip ni Lian
Last Updated: 2026-05-30
Chapter: CHAPTER 29.1Tahimik na napatitig si Lianne sa malamig na tasa ng kape sa harapan niya habang paulit-ulit na umiikot sa isip niya ang pangalan ni James Sy.Hindi siya sigurado kung gaano kalaking halaga ang handang ilabas nito para mabili ang shares niya sa studio.Ngunit isang bagay ang sigurado siya, hindi palalagpasin ng lalaki ang pagkakataong insultuhin si Gabriel.At para kay Lianne ay sapat na iyon.Kung tutuusin ay makakawala siya kay Gabriel at makakakuha pa ng malaking halaga ng pera kapalit ng shares niya. Isang transaksyong walang lugi para sa kanya.Kaya bakit siya tatanggi?Sa kabilang sofa ay bahagyang ngumiti si Xavier habang marahang iniikot ang wine glass sa pagitan ng mga daliri niya. Ngunit ang ngiting iyon ay hindi umabot sa kanyang mga mata.“Gabriel and I are mortal enemies,” malamig niyang sabi. “Hindi mo man lang naisip na ibenta sa akin ang shares mo? We’re obviously closer now, aren’t we?”Natigilan si Lianne.Bahagyang kumurap ang mga mata niya.Kung tutuusin ay may pun
Last Updated: 2026-05-29