INICIAR SESIÓN"Sa mundong ang pag-ibig ay isang pustahan, sino ang unang masusunog?" Sa loob ng tatlong taon ay naniwala si Beatrice Aquino na natagpuan na niya ang kanyang tanging pahinga sa piling ng kanyang "puppy boyfriend" na si Benedict. Siya ang "Ice Queen" ng mundo ng negosyo. Matapang, disiplinado at handang bawiin ang dangal ng kanyang pamilya, ngunit sa harap ni Benedict ay isa siyang babaeng nagmamahal lamang nang tapat. Subalit sa gabi ng kanyang pag-po-propose ay gumuho ang lahat. Ang inakala niyang tapat na pag-ibig ay isa lamang palang laro sa pagitan ng mga rich young masters. Para kay Benedict Mendoza, ang tagapagmana ng pinakamayamang pamilya sa Quezon City, si Beatrice ay isang hamon lamang, isang trophy na masarap makuha bago ang kanyang itinakdang kasal sa iba. Dala ng poot at sugatang dangal ay nagpasya siyang gumanti. Sa isang gabi ng kalasingan at desperasyon ay isinuko niya ang kanyang sarili sa isang misteryosong estranghero, isang lalaking may awtoridad, mapanganib na karisma at may mga matang kasing-itim ng gabi. Ang hindi niya alam ay ang lalaking kanyang pinag-alayan ng gabi ay ang mismong tanging tao na kinatatakutan ni Benedict, ang kanyang Uncle. Ngayong nag-uumpisa na ang laro ng paghihiganti ni Beatrice, paano siya tatakas sa bitag ng isang "Uncle" na walang balak pakawalan siya? Sa mundong puno ng pagkukunwari, sino ang tunay na mandaraya at sino ang magiging biktima ng sarili nilang laro?
Ver másNamayani ang katahimikan sa loob ng sasakyan. Hindi na muling binanggit ni Beatrice ang nangyaring halik. Tila hindi din naman interesado si Ezekiel na tuksuhin pa siya subalit sa kabila ng katahimikang iyon ay pareho nilang alam na may kung anong nagbago sa pagitan nila. Hindi na iyon katulad ng
"That's good." Marahang bumitaw si Ezekiel sa kaniya. Wala nang sinabi pa ang lalaki. Tahimik nitong isinara ang passenger door bago umikot patungo sa driver's seat. Pagkapasok sa loob ng sasakyan ay mahinahon nitong hinubad ang suit jacket at isinampay sa likuran ng upuan. Pagkatapos ay isa-isan
Mula pagkabata ay lumaki si Beatrice sa isang marangal at makapangyarihang angkan. Dahil doon, bawat kilos, bawat titig, at bawat salitang namumutawi sa kaniyang mga labi ay likas na may taglay na dignidad. Marunong siyang maging banayad at elegante kung kinakailangan, ngunit kaya rin niyang maging
Pagsapit ng gabi ay pinatay na ni Beatrice ang kaniyang computer at iniunat ang katawan. Halos lahat ng empleyado ay nakauwi na. Tahimik ang buong koridor. Isinara niya ang pinto ng opisina ngunit paglabas pa lamang niya ay narinig na niya ang isang matamis na boses. "Benedict, you're back now?









![The Billionaire's Stupid Maid [TAGALOG]](https://www.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)








Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.