Share

Chapter 6

Author: RIAN
last update Last Updated: 2023-12-28 14:27:47

UMIIKOT ang mundo ni Khevin Tolentino sa pagpapatakbo ng negosyong ipinamana sa kanila ng kanilang mga magulang. Lima silang magkakapatid at walang hilig sa negosyo ang apat niyang mga kapatid na may kani-kaniya ng buhay sa abroad at matagumpay na din sa larangan ng mga piniling propesyon at career. Naiwan sa kaniya ang pamamahala sa naglalakihang Hotels sa Baguio at ilang Travelling Agency na nasa iba't ibang panig ng bansa.

"Kuya, uuwi lang ako kapag ikakasal ka na." Ani Scarlet sa kabilang-linya, fashion-designer sa New York ang bunso nilang kapatid.

"Soon," naiinis niyang sagot. Palibhasa may asawa na ang dalawang sumunod sa kaniya at kapwa-may mga anak na. Sa edad niyang beinte-nuebe, ano nga ba ang inaasahan ng pamilya niya kundi lumagay na sa tahimik?

"Magpropose ka na kasi kay Cassandra." Umikot ang eyeball nito saka itinaas ang hawak na kopita ng champaigne.

"Ang aga mong mag-alak, Scarlet!" Sita ni Khevin, over-protective silang lahat sa nag-iisang Princesa ng mga Tolentino. Tumawa lang si Scarlet.

"Kuya Khevin naman, hindi na ako teen-ager! Baka nga mauna pa akong mag-asawa sa'yo." Nakangiti nitong biro. "Ano? Kelan ka magpu-propose kay Cassandra?"

Natigilan si Khevin, ni minsan hindi sumagi sa isip niya na pakasalan ang long-time girlfriend na si Cassandra Monteverde, isang sikat na supermodel na may naglalakihan ng billboard sa kahabaan ng Edsa, endorser ng mga branded clothes at sapatos, LDR sila ni Cassey at bihira ang komunikasyon dahil nga pareho silang busy sa trabaho.

"No! Hindi ka pa pwedeng mag-asawa, bunso! At wala pa rin naman ako planong mag-asawa."

Napahalakhak si Scarlet, pero natigilan nang makita ang babaeng nakatayo malapit sa pinto ng silid ng kuya nito. Kumunot ang noo ni Khevin, nilingon ang tinitingnan nito. Si Agatha.

"Who is she?" Tanong ni Scarlet.

"Hindi ka ba marunong kumatok man lang?" asik nito sa katulong, mabilis naman itong nakalapit at tumingin kay Scarlet na kasalukuyang ka-videocall ni Khevin.

"Hi Ma'am! Artista ka po?! Ang ganda-ganda mo naman!" Ang luwang ng ngiti ni Agatha.

"Oh, hi! Sino ka?" Nagtatakang tanong ng dalaga.

"Agatha!" Gigil na sita ni Khevin sa katulong na tila manhid na yata sa galit niya. "Maid ko!" baling nito kay Scarlet na napapantastikuhan. Pansin agad nito na hindi nito gusto ang babae.

"No, it's alright Kuya. Wow! Ang pretty ng maid mo. Sigurado ka bang katulong mo siya?" Hindi makapaniwalang tanong ni Scarlet.

"Iwan mo na ako." asik ni Khevin kay Agatha.

"Mamaya na Sir, nag-uusap pa kami ni Ma'am-"

"Scarlet ang name ko!" sagot ng kapatid ni Khevin na naaaliw sa reaksyon ng kuya niya na halatang naiinis kay Agatha.

"Ang ganda mo Ma'am Scarlet," saad ni Agatha. Tila mabilis naman niyang nakuha ang loob ni Scarlet na napangiti pa.

"Thank you!"

"Tapos na ba kayong mag-usap? Magpapahinga na ako." Inis na tanong ni Khevin.

"Matagal ka na bang maid ng kuya Khevin?" Hindi nito pinansin ang kuya Khevin niya, mas interesado na siyang makilala ang magandang katulong.

Tila komportable namang umupo si Agatha malapit kay Khevin at handang makipagkwentuhan ng matagal sa kapatid nito. Napahagikgik si Scarlet nang makitang dumistansya rito ang kuya niya.

"Five months na ako dito, Ma'am Scarlet. Alam mo Ma'am buti ka pa mabait." Humagikgik pa si Agatha. Natawa naman ang kausap nito. Nanlaki ang mga mata ni Khevin at gigil na tinapunan ng masamang-tingin si Agatha. Nakagat nito ang pang-ibabang labi na pasimpleng nagpalutang ng dimples nito.

"Talaga, bakit masungit ba ang Kuya Khevin ko?" Tanong ni Scarlet.

Tumingin muna si Agatha sa binatang Boss saka tumango habang impit na humahagikgik. Inis na tumayo si Khevin at tumalikod. Nakakagigil talaga si Agatha, aniya sa isip. Akalain niya bang nagawa pa nitong kaibiganin ang kapatid niya?

Bumaba si Khevin sa ikalawang palapag ng Mansyon, at nang masalubong si Aling Lydia ibinilin niyang kunin ang cellphone. Magpapalipas muna siya ng inis sa hardin.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • AGATHA "The Dangerous Slave"   Chapter 82

    SA LIKOD ng mga ngiti ng mga taong naroon ay alam ni Agatha, na sabik ang lahat na malaman ang balitang kaniyang iaanunsyo. Tanaw niya ang kabuuan ng malawak na bakuran ng mansyon, matamang nag-aabang ang lahat. Pagkalipas ng ilang buwan na namuhay na may tensyon ang mga taga Villa Agatha, tila ngayon pa lang magkakaroon ng kapanatagan."Una, gusto kong magpasalamat sa lahat. Dahil ano man ang nangyari ay pinili n'yong manatili-" huminto sa pagsasalita si Agatha saka nilingon ang asawa na tumango bilang suporta. "Hindi lingid sainyo na nais kong ibigay ang karapatan sa hacienda sa maybahay at orihinal na asawa ng aking Papa." Nagkatinginan ang lahat, batid na nila iyon at alam nilang hindi makabubuti sa pamamalakad sa Villa Agatha. Samu't saring alalahanin dahil kilala nila na matapobre ang dating asawa ni Don Seve."Ngunit bago pa mangyari iyon ay napag-alaman naming kamakailan lang ay namayapa na ang tunay na asawa ng Papa na nasa ibang bansa dahil sa kaniyang sakit at ikinalulung

  • AGATHA "The Dangerous Slave"   Chapter 81

    BUMUNGAD kina Agatha at Khevin ang seryosong mukha ni Attorney Ismael Morales, napatingin si Agatha kay Tristan na makahulugang tumango. "May kailangan ka, Attorney?" Hindi niya maintindihan kung bakit pinapasok pa ito ng pinsan. "Gusto kong i-atras mo ang kasong isinampa mo sa'kin." utos nito." Tiningnan ni Agatha ang asawa saka napailing. "Bakit ko gagawin 'yun? Pagkatapos ng pagtatraydor mo sa Papa, sa akin at sa pagsira mo sa tiwalang ibinigay sa'yo sa mahabang panahon. "Agatha, akala ko ba matalino ka." Kumunot ang noo ni Agatha. "Anong ibig mong sabihin?" "Hindi ako nagsiserbisyo sa ama mo para sa wala."ani Attorney na napangisi. "Bayad ka, walang libre sa serbisyo mo." Gigil na saad ni Agatha." "Kinukuha ko lang ang para sa kapatid ko, pero walang itinira si Sylvestre dahil ibinigay lahat sa'yo!" Dinuro nito ang heredera. Napatiim-bagang si Khevin, gusto niyang durugin ang pagmumukha nito, hindi niya kayang tingnan lang na basta na lang dinuduro ang a

  • AGATHA "The Dangerous Slave"   Chapter 80

    HINDI napigilan ni Agatha ang mahinang pagnulas ng halinghing. Sino naman ang hindi mapapaungol sa sarap na dulot ng labi ng kaniyang asawa? Napapaliyad na siya, namamasa na ang ibabang bahagi na nasa pagitan ng kaniyang mga hita. Walang kasing-sarap ang bawat pagdampi ng labi ni Khevin sa kaniyang balat. Mula sa paghalik sa labi niya ay bumababa ang paghalik nito sa kaniyang dibdib. Kapwa sila hubo't hubad. Dama nila ang pagkasabik sa isa't isa, mas masarap palang lasapin ang ritwal ng pag-iisa ng kanilang katawan kapag legal kayong mag-asawa. "ohhhh!" kagat-labi na napasabunot siya sa buhok ng asawa, awtomatikong umangat ang hubad na katawan ng dumampi ang labi nito sa k*pay niya na naglalawa na sa katas. Sheeetttt! Walang nagbago sa galing ni Khevin sa kama. Sinisimsim nito ang katas na walang patid sa pagdaloy. Napapamura na at napapaliyad na si Agatha. Ang sarap! Nilalaro ng dila nito maging ang kaloob-looban ng kaniyang k*pyas. Napatingala si Agatha sa kisame ng silid, napapat

  • AGATHA "The Dangerous Slave"   Chapter 79

    "Lumalala ang tensyon, para naman akong Presidente na gustong iimpeach ng taong-bayan." Himutok ni Agatha habang nakatingin sa mga magsasaka na kasalukuyang nagpapahinga sa malawak at malaking sala ng mansyon. Okupado din ng mga ito ang mga silid na naroon."Nasa labas na sina General William Debandina, Agatha." saad ni Tristan. Sumilip sa glass-wall si Agatha na natatabingan ng makapal na kurtina. Nanlaki ang mga mata ng heredera. Talaga ba? May mga tangke de gera pa? "Tris naman," naiiling na naupo siya sa sofa. "Inaayos lang nila ang hidwaan sa pagitan n'yo para hindi na umabot sa gulo at hindi na maulit ang pagpapasabog sa hacienda para sa seguridad ng Villa Agatha.""Next week na ang kasal ko," naiiling na saad ng heredera na napatingin sa nobyo."Naayos ko na ang lahat, Hon. Wala ka ng dapat ipag-alala. Magpapakasal tayo dito mismo sa mansyon." Sabad ni Khevin. "Hindi nga lang makakadalo ang pamilya ko pero sasaksihan nila thru live-video streaming." Tumango si Agatha, churc

  • AGATHA "The Dangerous Slave"   Chapter 78

    MAGKAHAWAK-KAMAY na pinagmamasdan nina Khevin at Agatha ang mga tauhan at magsasaka ng Villa Agatha. Abala ngunit bakas sa mga mukha ang hindi matatawarang tuwa at saya. Pagkalipas ng isang linggo ay muling isinagawa ang salu-salo sa hacienda, nakalatag ang dahon ng saging sa mahahabang lamesa na may iba't ibang nakahaing masasarap na pagkain, pangunahin ang seafoods at lechon. Sobra-sobrang pagkain para sa lahat, at iyon naman ang nais ni Agatha ang mabusog at makapag-uwi pa ang mga ito ng pagkain sa mga tahanan nito. Mapasaya ang lahat tulad ng legacy na iniwan ng kaniyang ama. Tama ang kaniyang Papa, masarap sa pakiramdam na ibinabalik mo ang kabutihan sa mga taong naglilingkod sa'yo ng tapat, nasa di-kalayuan si Kheanne kasama nito ang lola at tita Alexis nito at ng dalawang yaya kasama si Ligaya na hindi niya na pinabalik pa ng Club, binayaran niya ang pagkakautang nito sa club na pinagtatrabahuan nito. Hinango niya ito mula sa lusak na kinasasadlakan. Marami pa siyang babaguhin s

  • AGATHA "The Dangerous Slave"   Chapter 77

    ABALA ang buong Villa Agatha, lahat ay eksayted sa formal announcement ng nalalapit na pagpapakasal ng unica hija ng namayapang si Don Sylvestre. "Hinihintay ka na sa ibaba," ani Tristan sa pinsan na lalong gumanda sa espesyal na gabing iyon. Nginitian ni Agatha ang pinsan. "Kapag may asawa ka na, wala na din ba akong trabaho?" Biro ni Tristan. "Hindi mo naman kailangang magtrabaho dahil marami ka namang pera sa bangko, pero magtatrabaho ka pa rin naman sa'kin habang-buhay dahil paborito mo akong pinsan." Iningusan ni Agatha ang binata na natawa na lang. "Talaga?" Nakangiting saad ni Tristan. "Mahal mo ako at magiging hipag mo na din," tudyo ni Agatha na ikinaasim ng facial expression ng binata, napahalakhak si Agatha. Umpisa pa lang ng pagkikita nina Alexis at Tristan ay naiirita na kasi ang binata rito at kinikilig siya sa mga ito. Bagay ang dalawa, idagdag pang boto siya sa pinsan para sa kapatid. Dumarami na ang mga bisita, maging ang pamilya ni Khevin ay kanina pa hinihint

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status