His Fake Wife

His Fake Wife

last updateLast Updated : 2025-04-21
By:  PurplexxenOngoing
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
9.3
25 ratings. 25 reviews
193Chapters
48.0Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Pinakidnap si Aurora isang araw lamang nang dumating siya sa Lanayan. Nagising siya sa isang maranyang mansyon at nakilala ang taong nagpadukot sa kaniya— si Alted Dela Fuente— ang kaniyang asawa. Litong-lito siya sa mga nangyayari lalo na nang ipagpilitan nito na siya si Candice Dela Fuente, ang mapanlinlang nitong asawa. Galit, pagkamuhi at disgusto ang nakikita niya sa mga mata ng lalaking nasa harap niya. Hindi siya si Candice. Kilala niya ang kaniyang sarili, Aurora ang pangalan niya at alam niyang wala siyang asawa at hindi pwedeng magkaroon sila ng ugnayan ni Mr. Dela Fuente. Ngunit sadyang hindi siya pinapaniwalaan ng lalaki, hindi siya nito hahayaang makaalis at makatakas. Alam niyang pahihirapan siya ng ginoo, ngunit ano bang bago? Buong buhay niya ay nakakaranas na siya ng paghihirap at pagmamaltrato. "You can't fool me, Candice, not again." Mr. Dela Fuente told her with gritted teeth. Ang galit na naglulumiyab sa mga mata nito ang patunay na hinding-hindi siya nito papakawalan. Paano nga ito maniniwala sa kaniya gayong kamukhang-kamukha niya ang asawa nitong si Candice? Bawat anggulo, mata, ilong at hugis ng mukha maging ang pangangatawan ay parang xerox-copy. "You're my wife." That statement makes her feel overwhelmed. Asawa? Imposible, ngunit may nagtutulak sa kaniya na magkunwaring asawa nito. Marami ang dahilan niya para magpanggap bilang si Candice. Ang mga dahilan na iyon ang nag-uudyok sa kaniyang magkunwaring si Candice, hiramin ang pagkatao nito at takasan ang pagkatao niyang si Aurora Sandoval. He is not his wife.. she is not Candice. Life is not fair in her past, so maybe she could be HIS FAKE WIFE and pretend to be Candice for a spare time. She is Aurora and she will be Candice.. the lost wife of the rich and well-known Alted Dela Fuente.

View More

Chapter 1

Kabanata 1: Aurora

Aurora's Point of View

DALA marahil ng pagod kaya masyadong mahaba ang tulog ko. Mukhang hindi pa ako magigising kung hindi lang kumalam ang tiyan ko at naghahanap na ng pagkain. Sa pagmulat ko ng mga mata ang kisame ng kwarto ni Tanya ang siyang bumati sa akin. Si Tanya ang anak ni Auntie Leonora.

Sa totoo lang, ngayon ko pa lang sila nakilala, ngayon lang na isinama ako ni Auntie Pacita dito sa Lanayan. Kadarating lang namin at halos isang araw ang byahe bago kami makarating kaya pagod na pagod ang katawan ko. Hindi ko alam na may kamag-anak pa pala kami, hindi ko iyon alam, ang akala ko'y sila Auntie Pacita na lang ang kamag-anak na meron ako.

Bumangon ako at nagpasyang lumabas baka sakaling may makakain. Hindi na ako kumain kaninang tanghalian dahil naunahan na ako ng antok at pagod. Nasa ikalawang palapag ng bahay ang kwarto ni Tanya kaya kailangan ko pang bumaba papunta sa kusina. Sana lang may pagkain pa. Hindi pa nga ako nakakapagpalit ng damit, mamaya ay maliligo ako dahil kahapon ko pa itong damit.

Saglit akong natigilan sa pagbaba ng hagdan nang marinig na parang nagkakagulo sa baba. Anong problema? Parang may nag-aaway. Dali-dali akong humakbang sa baitang para tingnan kung ano ang gulo.

Tumigil ang mga paa ko nang makita ang limang mga lalaking may malalaking katawan. Kausap ng isa sa kanila si Auntie Pacita at Auntie Leonora at nagsisigawan sila. Natuon ang tingin nila sa akin, kumunot ang noo ko nang mabilis na tumungo ang dalawang lalaki sa akin at hinawakan ang magkabila kong braso at sapilitan akong kinaladkad papalabas.

“Teka! Bitiwan niyo ko!” Taranta kong sigaw nang mas naging agresibo silang kaladkarin ako palabas ng bahay.

May dalawang humarang kayna Auntie para hindi na nila ako malapitan. Takot at pangamba ang naramdaman ko kaya sumisigaw ako.

“Auntie! Tulungan niyo ko!”

“Tulong! Bitiwan niyo ko! Ano ba!”

Pero malalakas sila. Umaangat ang katawan ko sa lupa dahil sa pagpupumiglas ko at kahit anong pagpapasag kong gawin hindi nila ako binibitawan. Hanggang sa makalabas kami ng bahay at nakita ko ang itim na sasakyang naghihintay sa amin. Mas lalong kumabog ang dibdib ko kaya buong lakas akong nagwala at nagpumilit makawala sa hawak nila.

“Auntie! Auntie Pacita!”

Hindi ko na matanaw kung lumabas ba ng bahay sila Auntie.

Hindi nila ako magawang tulungan.

Hanggang takpan ng isang lalaki ang bibig at ilong ko gamit ang puting panyo. May kung anong matapang na amoy iyon na naging dahilan para mahilo ako at manghina. Para bang ninakaw ang lakas ko hanggang sa tuluyang hilahin ng dilim ang lahat sa akin.

Tulungan niyo ko.

Parang pinukpok ng martilyo ang ulo ko nang magising ako. Sobrang sakit din ng katawan ko at nahihilo pa ako. Marahan kong kinusot ang mga mata ko dahil nanlalabo iyon. Nang maging malinaw na ang paningin ko tumambad sa akin ang malaki at maranyang kwarto.

Agad akong bumangon kahit pa parang pinupukpok ng martilyo ang bawat parte ng utak ko. Inilibot ko ang paningin sa buong silid, malaki at malawak iyon na parang kasing laki na ng bahay namin sa Damarenas.

Mayroon pang sofa at mga mamahalin na upuan sa isang sulok, mga lalagyan ng libro, at may pintong patungong teresa. Nakabukas ang lampshade na nagbibigay ng kahel na liwanag sa buong silid.

Nasaan ako?

Rumagasa sa alaala ko kung paano ako kinaladkad ng mga mamâ kanina at pinatulog gamit ang panyong may nakakahilong amoy. Dahil doon mabilis akong bumangon at tinungo ang pinto. Kailangan kong umalis.

Pinihit ko ang seradura pero mukhang nakasarado iyon. Mas lalo lang akong nataranta.

Ilang beses ko pa iyong ginawa at buong lakas na pinilit na pihitin iyon pero hindi pa rin mabuksan. Nagpalinga-linga pa ako para makahanap ng pwedeng gamitin para buksan ang seradura. Napabaling ang tingin ko sa maliit na kabinet malapit sa kama at kinapapatunangan ng lampshade. Baka may mahanap ako roon. Nilapitan ko iyon at akmang bubuksan iyon nang matigilan ako dahil sa larawan na naroon.

Literal na nahulog ang panga ko at parang tumigil ang pagpintig ng puso ko. Inabot ko iyon at tiningnan ng mabuti ang larawan. Bakit? Paano?

Isa iyong larawan ng bagong kasal. Isang napakagwapong lalaki ang naroon habang katabi ang bride. Kamukhang-kamukha ko ang babae. Pero imposible! Hindi ako ito.

Mas lalo ko pang tiningnan ang babaeng nasa larawan. Kamukha ko nga siya, sadyang napakaganda niya lang dahil may kolorete ang kaniyang mukha at napakaganda ng kaniyang suot na pangkasal.

"So, you're already awake."

Mabilis kong ibinalik ang larawan at humarap sa taong nagsalita. Natulos ang mga paa ko nang makita ang lalaking kanina ay nasa larawan lamang.

Nakasuot pa siya ng puting long sleeve na nakatupi hanggang siko at mukhang kadarating lang galing sa kung saan. Humakbang siya palapit kaya muling bumalik ang mabilis na pagpintig ng dibdib ko.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

10
96%(24)
9
0%(0)
8
0%(0)
7
0%(0)
6
0%(0)
5
0%(0)
4
0%(0)
3
0%(0)
2
0%(0)
1
4%(1)
9.3 / 10.0
25 ratings · 25 reviews
Write a review
No Comments
193 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status