“Mas pinapaboran mo ang babaeng iyon ngayon samantalang noong una ay tinalikuran ka niya tapos ngayon ay bumabalik siya para sirain kayo ng asawa mo? Alam mo ba kung ano ang totoong pakay niya?”Dahil sa labis na inis ay hindi na niya ito sinagot pa at tumayo na lamang basta bago nagmartsa paalis sa silid ng kanyang ina. Habang naglalakad ay hindi niya maiwasang hindi magtanong sa kanyang isip kung paano nito nalaman ang tungkol sa mga bagay na iyon.Iisa lang ang pwede niyang pagbintangan at walang iba kundi si Annie. Napakuyom ang kanyang mga kamat at padabog na pumasok sa kotse.PAGKARATING ni Lucas sa bahay nila ay humahangos siyang bumaba ng kotse at kaagad na hinanap si Annie.Kapapasok pa lamang niya sa kanilang bahay nang bigla na lamang siya sumigaw.“Annie!” ang kanyang tinig ay umalingawngaw sa buong kabahayan.NAALIMPUNGATAN si Annie dahil sa malakas na sigaw ng kanyang pangalan. Napakusot siya ng kanyang mga mata at dahan-dahang bumangon sa sofa. Lumingon sa kanyang likod
Sumasakit na rin ang lalamunan niya dahil sa pagpipigil niya ng kanyang emosyon. Napatawa siya na parang baliw pilit na pinagtatakpan ang sakit na lumulukob sa buong pagkatao niya.“Ano hindi ka makaimik hindi ba? Wala kang maisagot kasi totoo.” sabi niya at tumigil na sa pagtawa.Ngayon niya napatunayan na napakagaling na niyang magtago ng totoong nararamdaman niya dahil kayang-kaya na niyang maging malakas sa harap nito kahit na durog na durog na siya.“So-sorry…” mahinang sabi nito at pagkatapos lumambot ang ekspresyon.“Sorry?” tanong niya rito na may halong panunuya. Sorry lang ba ang alam nitong sabihin sa lahat ng sakit na ipinaramdam nito? Sorry lang ba ang katapat ng lahat? Magagamot ba ng sorry nito ang lahat-lahat? Hindi lahat ng sugat ay nagagamot ng simpleng sorry lang lalo na kung malalim ito.Sobrang sakit ng nararamdaman niya. Higit pa sa salitang sobra ngunit bigla siyang napayuko nang maramdaman niya ang mainit na likido na tumutulo sa pagitan ng kanyang mga hita ka
Dahan-dahang iminulat ni Annie ang kanyang mga mata at ang puting pintura ang sumalubong sa paningin niya. Nakita na nakaupo ilang metro sa kaniya si Lucas at nang makita siya nitong gising na ay kaagad itong tumayo upang lapitan siya.“Kamusta na ang pakiramdam mo?” agad na tanong nito sa kaniya.Hindi siya kaagad na sumagot at pinakiramdaman muna ang kanyang sarili kung may masakit pa ba pero wala naman na.“Okay na ang pakiramdam ko.” mahina niya sagot.Pakiramdam niya ng mga oras na iyon ay tuyong-tuyo ang lalamunan niya at maging ang mga labi niya. Nakita niya na may binuksan si Lucas sa ibabaw ng isang lamesa sa kanyang tabi at kaagad niyang naamoy ang nilagang baka.“Nagpaluto ako ng nilagang baka dahil baka gutom ka pagkagising mo.” sabi nito at handa na sanang iabot sa kaniya ang nakahandang sabaw nang umiling siya.“Ayokong kumain. Wala akong gana.” sagot niya rito ngunit hindi ito nagpatinag.Hinila nito ang lamesa na may gulong pala at inilagay sa kanyang tabi at pagkatapo
Nang magising si Annie ay umaga dahil maliwanag na sa labas ng bintana. Mabilis siyang umupo at pagkatapos ay napainat. Nagulat siya nang malingunan niya na nakaupo sa mahabang sofa si Lucas habang gulo-gulo ang buhok, may itim sa ilalim ng mata na mukhang hindi nakatulog ng maayos. Suot pa rin nito ang damit niya kagabi kaya kaagad siyang napakunot noo. Gising na rin ito at nakatitig sa kaniya.“Hindi ka umuwi kagabi” hindi makapaniwalang tanong niya rito. Hindi niya inaasahang babantayan siya nito sa loob ng magdamag. Parang nakakapanibago yata iyon para sa kaniya. Hindi pa man ito sumasagot sa tanong niya nang may marinig silang kumatok sa pinto.Dahil rito ay mabilis itong tumayo at binuksan ang pinto. Akala niya ay ang doktor iyon ngunit nakita niya na si Kian pala ang pumasok. Ang personal assistant ni Lucas. Iniabot nito ang isang maliit na bag at sa ibabaw nito ay nakalagay ang isang tuwalya at napagtanto niyang damit ang laman ng bag na iyon dahil kaagad itong dumiretso sa ba
Hindi nakasagot kaagad si Lucas dahil sa tanong niya at ilang minutong nakatitig lamang sa kaniya hanggang sa tuluyan din naman nitong naibuka ang bibig upang magsalita.“Sigurado ka ba na isandaang milyon ang gusto mo?” tanong nito sa kaniya.“Bakit hindi mo ba kayang ibigay?” tanong niya na may halong panunuya ang tinig.“Kung iyon talaga ang gusto mo ay handa kong ibigay iyon sayo.” sagot nito sa kaniya na hindi man lang kumukurap.Inaasahan na niya na iyon ang magiging sagot nito sa kaniya pero hindi niya pa rin naiwasan na hindi masaktan. Handa talaga itong gawin at ibigay sa kaniya ang lahat para lang pumayag siya sa pakikipaghiwalay rito. Umahon ang galit sa dibdib niya at walang sabi-sabing pinunit ang hawak niyang mga dokumento.Hindi niya lang basta pinunit dahil siniguro niya na nagkandapira-piraso ang mga ito at pagkatapos ay mabilis na pinulot ang bawat napilas na papel at nilukot pagkatapos ay mabilis na ibinato kay Lucas.“Talagang pera lang ang alam mong habol ko sayo
Ilang minuto na ang lumipas ngunit hindi pa rin bumabalik si Lucas. Napabuntung-hininga siya. Ilang sandali pa ay may narinig siya katok mula sa pinto at pagkatapos ay pumasok si Kian, ang personal assistant ni Lucas. Nakita niyang may hawak itong mga papel sa kamay nito.Nang makita siya nito ay kaagad siya nitong nginitian at binati at ganun din ang ginawa niya. Nang lumaon ay inilibot nito ang paningin sa buong silid.“Si sir?” tanong nito sa kaniya.“Lumabas siya saglit e. Ano ba yang hawak mo? Yung divorce agreement ba?” tanong niya na bahagya nitong ikanagulat at pagkatapos ay napatango.“Ibinilin niya sa akin na ako na ang tatanggap, kanina pa niya hinihintay e.” sabi niya rito.Dahil kilala siya nito at ang alam nito ay ikakasal na sila pagkatapos lamang na maghiwalay ni Lucas at Annie ay tiwala nitong iniabot sa kaniya ang divorce agreement at mabilis na nagpaalam. Ipinangako niya na lamang rito na siya na lang ang mag-aabot nito kay Lucas.Pagkaalis nito ay mabilis niyang bi
“Anong deal?” takang tanong ni Annie kay Trisha.“Ibenta mo sa akin ang bracelet na yan sa akin sa halagang sampung milyon.” sabi ni Trisha.Napangisi si Annie ng wala sa oras. “Sampung milyon? Gusto mong ibenta ko sayo ito ng sampung milyon?” natawa siya at pagkatapos ay napailing. “Bakit ko naman ito ibebenta sayo ng sampung milyon lang? Samantalang isandaang milyon ang halaga nito, 90% ang lugi ko kapag pumayag ako na ibenta sayo ito.” sagot niya.Nakita niya kung paano nagngalit ang ngipin ng kaharap niya at pagkatapos ay taas noong nagsalita. “Okay, sige. Isandaang milyon. Ano deal?” tanong nito sa kaniya.Talagang matapang ito, handa itong gumastos ng isandaang-milyon para lang sa bracelet niya. Kahit pa bigyan siya nito ng isang bilyon ay hindi siya magpapasilaw sa pera nito, isa pa ay bigla niyang naalala ang sinabi sa kaniya ng kanyang biyenan noong nakaraang araw lang.Tumaas ang sulok ng labi niya. “Gusto mo na bilhin ang bracelet ko ng ganuong halaga? Saan ka naman kukuha
Pagkatapos makipagtalo sa lalaking iyon ay nagmadali siyang pumunta ng ospital. Hindi na niya hinabol pa ang lalaki dahil wala siyang oras na makipag-argumento sa lasing na kagaya nito. Isa pa ay nag-aalala siya sa kalagayan ni Trisha lalo pa at may nakita siyang dugo na tumutulo kanina sa ulo nito.Bigla siyang napalunok, buhay pa kaya ito? Napailing siya sa kanyang naisip. Ano bang iniisip niya. Kapag nangyari iyon ay tiyak na hindi siya mapapatawad ni Lucas kahit pa hanggang sa kamatayan, nasisiguro niya iyon.Mabilis siyang nag-apura na makarating sa loob ng ospital. Dumiretso siya kaagad sa emergency room. Habang nakatitig sa nakasarang pinto ay tila ba naramdaman niya na nawalan ng lakas ang kanyang mga binti.Binuksan niya ang kanyang bag upang maghanap ng pwede niyang pamunas sa cellphone ni Trisha na may bahid nang dugo ngunit bigla na lamang nanginig ang kanyang kamay. Pagkatapos ng tatlong minuto ay wala pa ring siyang nahanap na pwede niyang ipangpunas sa natutuyo ng dugo.