CHAPTER ONE
Dahan-dahan itinulak ni Patricia ang pintuan pabukas. Maaga siyang gumising ngayong araw at sinadya niya iyon para maghanda ng breakfast. Usually, nagigising siya pasado alas-onse na ng tanghali kapag wala siyang pasok. Madalas kasi ay napupuyat siya sa pagre-review niya. Nasa ikatlong taon na siya sa kolehiyo at isang taon na lang ay magtatapos na siya sa kursong nursing. Ang gusto ng mga magulang niya ay maging isa siyang doktor kagaya ng mga ito at ng iba pang miyembro ng pamilya nila. Pero napag isip- isip niya na hindi dapat siya magmadali. Kailangan niya muna pag-isipan mabuti ang bagay na iyon kung ganoon nga din ba ang gusto niya para sa sarili.
Hindi niya kasi nanaisin na sa huli ay aatras siya kung kailan nasa kalagitnaan na siya at alam niya na ilang hakbang na lamang ay matatapos na siya. Bukod pa doon ay, gusto niyang siguraduhin na iyon nga ang para sa kanya. That to become a doctor is her calling.
“Nǎinai” Tinawag niya ang matanda sa salitang Chinese na ang ibig sabihin ay Lola. Lumabas ang private nurse na nasa loob nang makita siya. Ito marahil siguro ang dahilan kaya gusto niyang maging isang nurse. Gusto niyang maalagaan ang mga taong mahahalaga sa kanya hanggang sa pagtanda ng mga ito.
“Zǎoshang hǎo!” Binati niya ang matanda ng magandang umaga bago inilapag sa maliit na mesa ang tray na puno ng pagkain na inihanda niya para dito.
Hindi siya narinig ng matanda. Basta lamang ito nakatanaw sa malaking pintuan sa loob ng silid nito na tumatagos sa veranda na nasa labas.
“Gusto mong magpahangin?” Tanong niya.
The old woman look at her. Pagkatapos ay dahan-dahan na tumango. Ngumiti naman si Patricia at saka itinulak ito sakay sa kanyang wheelchair. Nang sa wakas ay sumayad na sa mapuputing balat nito ang sinag ng araw na nagmumula sa silangan ay hindi niya mapigilang ‘wag titigan ito. Ang maputi ngunit kulubot na nitong balat at walang bakas ng ano man peklat o sugat. Ang singkit nitong mga mata na tila nasisilaw sa liwanag ay isang katibayan kung anong lahi nga ba ang pinagmulan nito.
Si Aurora Royeca Ante Zhou, asawa ng namayapa niyang lolo na si Antonio Zhou. Mula sa angkan ng mga Tsino na isa sa pinakamayamang pamilya sa Tsina. Tubong Zambales ang Lola niya na kalaunan ay lumipat sa Tarlac makalipas lamang ang ilang taon. Samantalang ang Lolo naman niyang si Antonio na nagmula sa Hunan, China ay dumating sa Pilipinas hanggang sa kalaunan ay dito na nanirahan.
Taong 1939 nang magkakilala ang Lolo’t Lola niya sa train station sa Maynila papuntang Conception sa Tarlac. Hanggang ngayon ay sariwa pa sa memorya ni Patricia ang mga nakakakilig na kwento noon ng Lola niya noong syete anyos pa lamang siya. Sinabi nito na ang Lolo niya ang lalaking hindi nito aakalain na gugustuhin nito at iibigin.
Ganoon pa man ang naging pag-i-ibigan ng mga ito ay tila isang naging marka sa nakaraang kasaysayan. Dalawang taon matapos ang kasal ng mga ito. Panahon ng World War II nang magsagawa ng hakbang ang bayan laban sa mga hapon. Ang Hukbong Gerilya-Tsino laban sa hapon o ang tinawag nila noong Wha-chi movement. Isa si Antonio Zhou sa maraming Tsino na tumulong sa mga Pilipino kontra hapon.
Taong 1942 nang isang libong sundalo ang namatay sa Death march kasama na ang ama ng kanyang Lola. Ang isang libong Chinese-Filipino troops ay mga naging bihag ng mga hapon during World War II na nagsimula noong 1941. Ika-9 ng Abril taong 1942, nilakad ng isang libong sundalo ang kahabaan ng Mariveles, Bataan hanggang sa Camp O’Donnell sa Capas, Tarlac.
Isang kasaysayan na naging makabuluhan sa kanilang angkan, na namatay man sa pakikipag-digmaan ang magiting na sundalong ama ni Aurora ngunit lumaban naman para sa bayan at pag-ibig si Antonio.
Hindi nakaligtas sa paningin ni Patricia ang luhang naglandas sa mga mata ng Lola niya.
“Grandma?”
Agad siyang kumuha ng panyo at pinunasan niya iyon. Pagkatapos ay lumuhod siya sa harapan nito. Taong 1998, nang pumanaw naman ang lolo niya sa edad na walumpu’t isa. Sayang lamang at hindi niya inabutang buhay ang Lolo Antonio niya.
“A-Anong petsa na?” Narinig niyang dahan-dahan na tanong ng Lola Aurora niya.
“April 15 na po Lola. Dalawang araw na lang Centenarian na po kayo. Excited na po ba kayo?” Aniya na nakangiti.
Taon-taon kasi ay may inihahandang salo-salo ang buong pamilya nila para sa kaarawan ng lola niya at maging ng namayapa nitong asawa.
“S-Si Antonio, d-darating ba?” Natigilan siya sa tanong na iyon ng kanyang abuela. Matagal nang namayapa ang abuelo niya ngunit sa memorya nito ay tila hindi pa. Walang sakit ang Lola Aurora niya. Sadya lamang daw tanda na ng katandaan nito ang nakikitang panghihina at kung minsan pa’y kalituhan sa paligid at pag-i-isip
Hinawakan niya ang kamay nito. “La’ nasa heaven na si Lolo nakabantay lang siya sa ‘yo.”
“L-Langit?” Pag-ulit nito.
Tumango siya. “K-Kaya pala dumalaw siya sa aking silid kagabi. Ang sabi niya, Hihintayin kita sa langit.”
Gustong tumaas ng mga balahibo ni Patricia ngunit mas nanaig ang pagtulo ng luha niya. It’s true love. True love never dies, it’s just time expires. At hinahangaan niya ang ganoong klase ng pag-ibig. Hindi natatakot sa bilis ng takbo ng oras at sa bilis ng panahon. Ang pag-ibig na sumusumpa ng walang hanggan.
It’s grooming day for Maxi. Sa mall na lang naisipan ni Patrcia na dalhin si Maxi. Sinubukan niya kasing pumunta sa Veterinary Clinic kung saan niya huling dinala si Maxi pero sarado naman ‘yon. And when she checked it online, sarado sila kapag Friday. Usually ay Saturday and Sunday sarado ang mga establishment na ganoon pero iba ang Clinic ni Doc Maxi. She giggled at her thought of Maxi the puppy has the same name with the Vet doctor. Pumarada ang driver niya sa parking lot ng mall at naiwan na ito doon. Mabuti na lamang at wala siyang session ng therapy niya ngayon kaya malaya silang nakalalabas ni Maxi. The thought of being free makes her feel so happy. Sabi ng Doctor niya ay malaki na daw ang nagiging improvement sa kanya. And if that will continue, mabilis ang change for her recovery. &n
Ika- 15 ng Pebrero taong 1922, sa isang makulay at masayang kasiyahan ay nakatadhanang mag-tagpo ang dalawang buhay na parehong babago sa hinaharap. Isang bagay na nagpapatunay na ang nakaraan ay bumabalik sa kasalukuyan at may pagkakataong baguhin ang hinaharap. Ang magdadalawang-taong gulang na batang babae ay mahigpit na nakahawak sa kamay ng kanyang ina habang papalapit sila sa pagdarausan ng, Manila Carnival. Ang taon-taong pagdaraos ng piyesta ng karnibal. May mga payaso at mga patimpalak. Mga makukulay na kasuotan at musika. Inilahad ng kanyang ina ang singkwenta centavo, bayad upang sila’y makapasok sa loob ng pagdarausan ng kasiyahan. Maraming nagkalat na sundalong Amerikano sa paligid. Ang Pilipinas sa taong iyon ay nasa ilal
The Doctor diagnosed her with positive symptoms of schizophrenia. A brain disorder that can caused delusions and hallucinations, and hearing voices or seeing things that do not exist. Her Doctor adviced her a psychological treatments like, cognitive behavioral therapy or supportive psychotherapy that may reduce symptoms. Kailangan niyang maka-recover sa kondisyon niya. Sinabi rin daw ng doctor na malaki ang posibilidad na nakuha na niya ang sakit na iyon bago pa man ang aksidente at ang pagka-coma niya ang nagpalala sa kondisyon niya. Nasa Garden siya habang nilalaro si Maxi. Katatapos laman ng therapy niya at nakaalis na ang therapist niya. Slowly, she started to believed that Max was never been part of her reality. That he was just made by her mind and all her collected memories through out the time she was with him ay i
A sound of waves. A chirping of birds. Naririnig ni Patricia ang mga ingay na iyon. She could hear someone calling her.“Aurora…”Hindi siya si Aurora. But she is Maria Patricia. Hindi niya matandaan na may ganoong ngalan sa pangalan niya. But that voice? Kilala niya. Madilim ang paligid at wala siyang nakikita ang tanging liwanag na gusto niyang abutin ay tila landas ng kahapon na kay hirap abutin. Sinubukan niyang iangat ang kamay at abutin ang talang tila gustong tumanglaw sa kanya ngunit ang pangalang iyon pa rin ang naririnig niya.“Aurora…”Hindi niya alam kung ano na nga ba ang nangyayari sa paligid niya. Kung bakit siya naroroon sa kadilimang iyon at tila siya nagmula sa malayong baybayin. Pinilit niya ang sarili na abutin ang liwanag nang maramdaman niya ang mga palad na pumigil doon. Kasunod ay ang bawat hagulgol sa paligid
It’s been a year or two, but Patricia couldn’t remember when was the last time she saw the city. Nang araw kasi na lumabas siya ng bansa ay nanghihina siya at ilang beses siyang nawalan ng malay. Nang tumawag ang Massachusetts General Hospital ng Boston, USA at para sabihing may nakuha nang donor niya ng bone marrow they immediately fly off to the USA. Mabilis na naisagawa ang operasyon at bumilang lamang ng ilang lingo bago siya tuluyang gumaling.Nakatanaw si Patricia sa bawat batang nakikita niyang naglalaro sa park. Walang pinagbago ang siyudad maliban sa mas lalong tumaas ang mga buildings at dumami pa. Wala na sanang balak bumalik ng Pilipinas ang mga magulang niya pero siya ang nagpumilit na bumalik sila. Hindi siya matahimik doon. Paulit-ulit niyang naaalala si Max. Paulit-ulit din niyang iniisip kung may mababalikan pa ba siya.May butil ng luha ang sumilay sa mga mata niya. Agad niyang pinalis iyon at saka ngumiti. H
Patricia’s condition is getting worse. They cannot schedule the transplant operation for a reason that they can’t find a donor. Hindi match ang bone marrow ng mga magulang ni Patricia sa kanya. Pero ang pagkawala ni Max at di nito pagbisita sa asawa ang lalong nagpapahirap sa kondisyon nito.Inaabot na siya ng sobra-sobrang pag-aalala dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin bumabalik si Max. Natatandaan niyang nagising siya isang umaga na ang gamit niya ay nasa loob na ng private suite niya. Ang sabi ng nurse niya ay iniwan lang daw iyon at ibinilin na ipagbigay alam sa kanya. Pero maski anino ni Max ay hindi na nagpakita sa kanya.Ilang araw siyang nilalagnat dala ng inpeksyon niya. Patuloy ang gamutan niya habang nakaantabay lamang sila sa ospital kung may magiging donor na siya.“M-Max?”Pabiling-biling ang ulo ni Patricia habang nakapikit at natutulog. Nakikita niya sa isip niya si Max. nalulungkot ito at nag iisa. Kailangan siya