CHAPTER TWO
Vintage ang theme ng lugar. Ang malaking bakuran ng mga Zhou ay na-de-dekorasyonan ng samo’t saring mga bulaklak. Sa gilid naman ng entablado ay ang mahabang buffet kung saan nakahain ang maraming klase ng pagkain. Ang iba doon ay ang ina ni Patricia mismo ang naghanda.
“Sweetheart, bakit hindi ka pa nag-aayos? Mamaya lang ay bababa na ang abuela mo dahil nariyan na ang mga bisita.”
Agad na h*****k si Patricia sa pisngi ng inang si Alicia. Ang ina niya ay nasa edad kwarenta’y dos na ngunit ang hitsura nito ay para pa din si Charlize Theron, isang American actress na kaedad na rin nito.
Her Mom is so fan of her because of Charlize’s various and several movies na paborito ng kanyang ina.
“Pinuntahan ko lang sa portrait stusio ang pinagawa kong frame para kay lola, Mom.”
“That’s so sweet of you, honey. Alam ko na magugustuhan ng Lola mo ang regalo mo sa kanya,” ani nito.
Her chic shoulder length bob hair with layered ends and soft waves gives more classy vintage looks on her. Mas nag-mukhang batang tignan sa kanya ang Mommy niya sa ayos nito.
“Thanks, Mom,” aniya sa ina.
May ginawa siyang charcoal drawing ng portrait ni Aurora at Antonio. She got the photo from the album when they celebrated their Golden Anniversary. Sayang nga lamang na hindi iyon makikita ng Lolo niya. But wherever he is by now, alam niyang nakabantay lang ito.
“Anyway, go upstairs at mag-ayos ka na. I already prepared your dress for the occasion,” sabi ni Alicia at iminuwestra na siya papasok sa loob ng kabahayanan.
Gusto niya ang atensyon at pag-aalalaga nito. But sometimes, she was thinking kung hindi ba sobra naman na? She is already nineteen-year-old but her parents still treated her as if she was still an eight-year-old little girl. Ang araw-araw niyang sinusuot ay ang Mommy niya ang nagdedesisyon kung ano.
Even for shoes, jewelry, and perfume to wear, ay ang Mommy niya ang nag-aasikaso niyon. Pagdating sa mga pagkaing kinakain niya ay very conscious ang Mommy niya. Habang ang Daddy naman niya ay hindi siya hinahayaang magmaneho mag- isa.
At nineteen, ay inihahatid at sundo pa rin siya ng family driver nila. She’s not even allow to go out during weekends with her school friends. Madalas na siyang natatawag na nerd at dork ng mga ka-eskwela niya. Wala siyang buhay sa labas ng eskwelahan nila. Her parents are over protecting her. Hindi niya naman masisisi. Nag-iisang anak siya ng mga ito. Pero kadalasan ay napapa-isip din siya.
Wala pa rin bang tiwala ang mga ito sa kanya? The she can do more? That she’s old enough para gawin naman ang mga bagay na gusto niyang gawin? Hindi naman siya nagre-reklamo. Alam niya kasi na mahal na mahal lamang siya ng mga ito.
Pumasok siya sa silid niya at tinanaw sa bintana ang bakuran nila. She never had a chance to have a party with her friends kapag ini-imbita siya ng mga ito. Nang iiwas na niya ang mga mata sa labas ay nakita na niya sa kama ang floral peach dress na susuotin niya. Magaling pumili ng mga kasuotan ang ina niya. But her taste was like a time of 90’s.
Isa iyong botton down dress na may kwelyo at manggas. Maganda naman ang hitsura. Pero agad niyang naisip ang mga style ng damit na nakita niya online yesterday. Mga damit na bagay na bagay sa edad niya.
Mga millenials na kagaya niya. But for sure, Alicia would not agree with those. Ayaw ng Mommy niya ng mga damit na makikita ang likod, dibdib at balikat niya. Hindi rin siya nito pinagsusuot ng mga pang-ibaba na makikita ang buong hita niya.
Napabugtong-hininga na lang siya. Hindi na niya mababago ang ngayon. Lumapit na lang siya sa vanity mirror niya at tinignan ang mukha tsaka nagpasyang magbihis na. Eksaktong huhubarin niya ang damit nang mag-vibrate ang cellphone niya na nasa bulsa pa pala ng pantalon niya.
Can we talk?
Number lang ang nakalagay ngunit nakikilala na niya agad kung sino iyon. Dahil wala namang ibang tao ang nakakaalam ng numero niya maliban sa pamilya niya. And Maximillian Santos isn’t part of that. Hindi nga lang niya alam kung saan na naman nito nakuha ang numero niya. Si Max, ang kabaliktaran ng buong siya. Carefree, wild, cocky, arrogant and aggressive. Nasa kanya na yata ang lahat ng katangian for a guy like him. Hindi na niya alam kung ano pang adjective ang pwede niyang idagdag dito.
Maraming babae ang nagkakagusto dito. Max, is a campus crush. At hindi niya naiintindihan ang taste ng mga kababaihan ngayon. Kailan pa naging gwapo ang lalaking may mahabang buhok? Lalaking naninigarilyo? At lalaking hindi marunong manamit ng ayos.
Hindi siya nag-reply sa text nito at agad niyang binura iyon bago pa iyon makita ng Mommy at Daddy niya. Inumpisahan na niyang ayusin ang sarili upang makalabas na siya at maharap na rin niya ang ilang mga bisita nila na dumarating na. Simpleng ayos lang ang ginawa niya sa sarili. Suot ang inihandang bestida ng Mommy niya ay sinuklay lang niya ang natural na straight niyang buhok at hinayaan niyang nakalugay iyon.
Wala din siyang kahit na anong kolorete sa mukha maliban sa face powder at blush-on na nilagay niya pagkatapos ay pinahiran lang niya ng manipis na lipstick ang labi niya. Banayad lang siya nagspray ng pabango sa magkabilang tenga niya bago niya sinuot ang sandals niya.
Akala mo’y disisais-anyos lang siya sa ganoong ayos niya. Bitbit ang kwadradong kahon na nakabalot sa magandang papel ay may ribbon pa. Lumabas na siya ng silid niya at pumunta siya agad sa kwarto ng abuela niya. Hindi niya maiwasang wag mamangha sa hitsura ng Lola Aurora niya nang makita niya ito sa suot nitong native Filipiniana dress. Hindi maiitanggi na nanalaytay din sa ugat nito ang pagiging isang magandang Filipina.
“Shēngrì kuàilè, Grandma.” Bati niya ng Happy birthday sa matanda.
H*****k siya agad sa pisngi nito at tsaka niya niyakap. “Nasa ibaba na ba si Antonio?”
Ngiti lang ang sinukli niya sa tanong nito. “Sobrang dami mong bisita ngayon.”
Hindi na ito muling umimik. Iniharap niya dito ang hawak na kahon. “I have something for you, La.”
Nagpalipat-lipat ang tingin nito sa kanya at sa hawak niya. “Para sa akin ‘yan?” “Shì.” Sabay tango niya.
Nakita niya ang pagkislap ng mga mata nito. Nalulungkot man siya minsan kung hindi nito naalala ang pangalan niya ay sapat na sa kanya na hindi siya nito itinataboy o ano man. Agad nitong hinawakan ang kahon at dahan-dahang hinila ang ribbon niyon. Kinalas niya at saka pinunit ang papel na nakabalot doon.
Hindi kayang itago ni Patricia ang saya na nadarama habang nakatitig siya dito. Hindi kasi niya nakilala ang Lola niya sa mother side niya. Sabi ng Mommy niya ay kolehiyala pa lang daw ito nang mamatay ang Mommy nito. Kaya si Lola Aurora na lang niya ang nakagisnan niyang Lola. Ang asawa naman nito ay sa mga pictures na lang niya nakikita.
Ang sabi ng mga Aunties niya ay kamukhang kamukha daw ng Lolo niya ang Daddy niya. Kaya daw kahit pangalan nito ay sinunod sa ama nito.
“Para kang si Patty. Mahilig magbigay ng mga regalo sa akin. Laging may mga dalang candies iyon galing sa school niya.” Nangilid ang luha sa mga mata niya ng tingalain siya nito. “Nariyan na ba si Patty?”
Ang Abuela lang niya ang tumatawag sa kanya ng ganoon. At palaging sinasabi ng mga kamag-anak nila na siya lang ang paborito nitong apo dahil sila lang naman daw kasi ang magkamukha.
Nginitian niya muli ito. “P-Parating na si Patty, Lola.”
Matapos nitong tumango ay bumalik ang atensyon nito sa kahon na hawak. “Tulungan na kita?” Tanong niya.
Tumango ito sa kanya. Ang nurse nito ay nakamata lang sa kanila. “Ano bang laman nito, hija?
“Surprise po.” Dahan-dahan nilang inalis ang papel at tsaka iniangat ang takip ng kahon. Tumambad sa paningin nito ang portrait na ginawa niya.
“A-Ako ito.” Manghang sabi nito. Humaplos ang mga daliri nito doon. “At ang aking si Antonio.”
Nakita na naman niya ang pangingilid ng luha sa mga mata nito. “Hindi mo na gaanong mamimiss si Lolo kasi isasabit natin ‘yan dito sa kwarto mo para palagi mong makikita pagtulog at pag-gising mo, ‘La,” aniya dito.
Pinahid niya ang luha sa mga mata nito. Nakatitig lang iyon doon at tila kay lalim na ng iniisip. Maya maya ay may pinakuha ito sa nurse nito na nasa loob ng maliit na drawer sa tabi ng kama.
Isang lumang journal iyon na may makakapal na spring sa gilid. Ang pabalat ay tila makapal na papel na lumang luma na rin. Inabot nito iyon sa kanya. “W-What is this, ‘La?”
“Iabot mo kay Patty. Gusto ko na sa kanya mapunta ‘yan sa oras na ako’y mawala na.”
“Lola bakit ka nagsasalita ng ganyan? Tignan mo nga at umabot ka pa ng one hundred years ngayon.” Binantuan niya ng ngiti ang kasalukuyang lungkot na nadarama. Alam niya na ang pangungulila nito sa sariling kabiyak ang pumipigil na dito para magpatuloy sa buhay. At nalulungkot siya sa parte na iyon dahil kahit anong klaseng saya ang ibigay nila dito ay hindi pa rin nila kayang ibigay ang totoong saya ng pag ibig.
Kinuha niya ang notebook na inabot nito sa kanya. Ipinatong muna niya iyon sa chest drawer at saka nagpatulong sa nurse na isabit nila sa dingding sa harapan ng kama ni Aurora ang portrait na ginawa niya. Nakamasid lamang ang matanda sa kanila hanggang sa bumukas ang pinto at sumungaw doon ang daddy niya.
“Guys, are you all ready?” Tanong ng Daddy niya napaka-gwapo sa suot nitong long sleeve na puti.
Bumalatay ang saya sa mukha ni Aurora ng makita ang ama niya. “Antonio!”
Agad na lumapit ang ama niya dito at niyakap ito. “Shēngrì kuàilè mama,” bati nito sa wikang Chinese.
“Nǐ háishì hěn shuài, wǒ de àirén,” puri nito. Magandang lalaki daw si Antonio dahil ang akala nito ay ang kaharap nito ay ang lolo niya.
“Jīn wǎn nǐ huì gèng měilì.” And you are more beautiful tonight. Sabi naman ng Ama niya sa Lola niya.
Inalalayan ng Daddy niya palabas ng silid ang Lola niya habang nakasunod siya sa mga ito at ang nurse na kasama nila. Sa bakuran nila ay pumapailang ang 50’s hit song ni Frank Sinatra na, Love is here to stay. Ang love song na parehong paborito ng Abuelo at Abuela niya na kalaunan ay naging theme song ng mga ito. Nagsasayawan ang mga bisita nila sa gitna ng ballroom habang inaawit ang lumang sikat na kantang iyon.
It's very clear, our love is here to stayNot for a year. But, ever and a dayThe radio and the telephone and the movies that we knowMay just be passin' fancies, and in time may go...But, Ooooh my dear, our love is here to stayTogether we're - goin' a long, long wayIn time The Rockies may crumble - Gibralter may tumbleThey're only made of clayBut, our love is here to stay...
Ang musika na bumabalot sa malamig na gabi na sinabayan ng malamyos na tinig ay sapat na upang tila ka bumalik sa nakaraan. Nakaraang alam mong naging bahagi ng iyong kabataan. Kabataang nagturo sa ‘yo ng kahalagahan ng tunay na pag-ibig. Nakatingin lamang si Pat sa mga taong may kanya-kanyang kapareha at nagsasayawan sa saliw ng magandang musika. Kasabay ng bawat titik sa kanta ay ang banayad na pagsayaw ng mga ilaw na tila mga bituin sa langit at nakikisaya.
Ilaw…
Mula sa kinatatayuan niya ay natanaw niya ang isang pigura na nakatayo di kalayuan sa harapan ng bahay nila sa mismong poste kung saan may maliwanag na ilaw ang nakasindi. Ang tindig at pigura pa lang ng taong iyon ay tila alam na niya kung sino iyon. Tinambol ng kaba ang dibdib niya nang isiping posibleng ang makakita dito ay isa sa mga magulang niya.
M-Max…
Hindi na niya alam kung paano pa niya iwawaglit sa buhay niya ang lalaki. He appeared in everywhere. He was like a stalker, a bodyguard or everything. Kahit saan siya lumingon ay nakikita niya ito. And Patricia isn’t sure anymore kung paano niya sasabihin sa lalaki that she is not the right one for him. Masasaktan lang niya ito. Even how bad he is sa paningin ng ibang tao. He still deserved to be loved. But unfortunately, she isn’t that woman for him. Masasayang lang ang pagmamahal nito sa kanya.
Ipinikit niya muli ang mga mata sa pag-asang sa pagmulat niya ay wala na iyon doon at hindi na nakatanaw sa kanya. But she was wrong. When she opened her eyes once again. Max was still standing there. Only looking at her.
It’s grooming day for Maxi. Sa mall na lang naisipan ni Patrcia na dalhin si Maxi. Sinubukan niya kasing pumunta sa Veterinary Clinic kung saan niya huling dinala si Maxi pero sarado naman ‘yon. And when she checked it online, sarado sila kapag Friday. Usually ay Saturday and Sunday sarado ang mga establishment na ganoon pero iba ang Clinic ni Doc Maxi. She giggled at her thought of Maxi the puppy has the same name with the Vet doctor. Pumarada ang driver niya sa parking lot ng mall at naiwan na ito doon. Mabuti na lamang at wala siyang session ng therapy niya ngayon kaya malaya silang nakalalabas ni Maxi. The thought of being free makes her feel so happy. Sabi ng Doctor niya ay malaki na daw ang nagiging improvement sa kanya. And if that will continue, mabilis ang change for her recovery. &n
Ika- 15 ng Pebrero taong 1922, sa isang makulay at masayang kasiyahan ay nakatadhanang mag-tagpo ang dalawang buhay na parehong babago sa hinaharap. Isang bagay na nagpapatunay na ang nakaraan ay bumabalik sa kasalukuyan at may pagkakataong baguhin ang hinaharap. Ang magdadalawang-taong gulang na batang babae ay mahigpit na nakahawak sa kamay ng kanyang ina habang papalapit sila sa pagdarausan ng, Manila Carnival. Ang taon-taong pagdaraos ng piyesta ng karnibal. May mga payaso at mga patimpalak. Mga makukulay na kasuotan at musika. Inilahad ng kanyang ina ang singkwenta centavo, bayad upang sila’y makapasok sa loob ng pagdarausan ng kasiyahan. Maraming nagkalat na sundalong Amerikano sa paligid. Ang Pilipinas sa taong iyon ay nasa ilal
The Doctor diagnosed her with positive symptoms of schizophrenia. A brain disorder that can caused delusions and hallucinations, and hearing voices or seeing things that do not exist. Her Doctor adviced her a psychological treatments like, cognitive behavioral therapy or supportive psychotherapy that may reduce symptoms. Kailangan niyang maka-recover sa kondisyon niya. Sinabi rin daw ng doctor na malaki ang posibilidad na nakuha na niya ang sakit na iyon bago pa man ang aksidente at ang pagka-coma niya ang nagpalala sa kondisyon niya. Nasa Garden siya habang nilalaro si Maxi. Katatapos laman ng therapy niya at nakaalis na ang therapist niya. Slowly, she started to believed that Max was never been part of her reality. That he was just made by her mind and all her collected memories through out the time she was with him ay i
A sound of waves. A chirping of birds. Naririnig ni Patricia ang mga ingay na iyon. She could hear someone calling her.“Aurora…”Hindi siya si Aurora. But she is Maria Patricia. Hindi niya matandaan na may ganoong ngalan sa pangalan niya. But that voice? Kilala niya. Madilim ang paligid at wala siyang nakikita ang tanging liwanag na gusto niyang abutin ay tila landas ng kahapon na kay hirap abutin. Sinubukan niyang iangat ang kamay at abutin ang talang tila gustong tumanglaw sa kanya ngunit ang pangalang iyon pa rin ang naririnig niya.“Aurora…”Hindi niya alam kung ano na nga ba ang nangyayari sa paligid niya. Kung bakit siya naroroon sa kadilimang iyon at tila siya nagmula sa malayong baybayin. Pinilit niya ang sarili na abutin ang liwanag nang maramdaman niya ang mga palad na pumigil doon. Kasunod ay ang bawat hagulgol sa paligid
It’s been a year or two, but Patricia couldn’t remember when was the last time she saw the city. Nang araw kasi na lumabas siya ng bansa ay nanghihina siya at ilang beses siyang nawalan ng malay. Nang tumawag ang Massachusetts General Hospital ng Boston, USA at para sabihing may nakuha nang donor niya ng bone marrow they immediately fly off to the USA. Mabilis na naisagawa ang operasyon at bumilang lamang ng ilang lingo bago siya tuluyang gumaling.Nakatanaw si Patricia sa bawat batang nakikita niyang naglalaro sa park. Walang pinagbago ang siyudad maliban sa mas lalong tumaas ang mga buildings at dumami pa. Wala na sanang balak bumalik ng Pilipinas ang mga magulang niya pero siya ang nagpumilit na bumalik sila. Hindi siya matahimik doon. Paulit-ulit niyang naaalala si Max. Paulit-ulit din niyang iniisip kung may mababalikan pa ba siya.May butil ng luha ang sumilay sa mga mata niya. Agad niyang pinalis iyon at saka ngumiti. H
Patricia’s condition is getting worse. They cannot schedule the transplant operation for a reason that they can’t find a donor. Hindi match ang bone marrow ng mga magulang ni Patricia sa kanya. Pero ang pagkawala ni Max at di nito pagbisita sa asawa ang lalong nagpapahirap sa kondisyon nito.Inaabot na siya ng sobra-sobrang pag-aalala dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin bumabalik si Max. Natatandaan niyang nagising siya isang umaga na ang gamit niya ay nasa loob na ng private suite niya. Ang sabi ng nurse niya ay iniwan lang daw iyon at ibinilin na ipagbigay alam sa kanya. Pero maski anino ni Max ay hindi na nagpakita sa kanya.Ilang araw siyang nilalagnat dala ng inpeksyon niya. Patuloy ang gamutan niya habang nakaantabay lamang sila sa ospital kung may magiging donor na siya.“M-Max?”Pabiling-biling ang ulo ni Patricia habang nakapikit at natutulog. Nakikita niya sa isip niya si Max. nalulungkot ito at nag iisa. Kailangan siya