Share

AURORA 1922
AURORA 1922
Author: dehittaileen

PROLOGUE

PROLOGUE

A sound of waves. A chirping of birds. Naririnig ni Patricia ang mga ingay na iyon. She could hear someone calling her.

“Aurora…”

Hindi siya si Aurora. But she is Maria Patricia. Hindi niya matandaan na may ganoong ngalan sa pangalan niya. But that voice? Kilala niya. Madilim ang paligid at wala siyang nakikita, ang tanging liwanag na gusto niyang abutin ay tila landas ng kahapon na kay hirap abutin. Sinubukan niyang i-angat ang kamay at abutin ang talang tila gustong tumanglaw sa kanya ngunit ang  pangalang iyon pa rin ang naririnig niya.

“Aurora…”

Hindi niya alam kung ano na nga ba ang nangyayari sa paligid niya. Kung bakit siya naroroon sa kadilimang iyon at tila siya nagmula sa malayong baybayin. Pinilit niya ang sarili na abutin ang liwanag nang maramdaman niya ang mga palad na pumigil doon. Kasunod ay ang bawat hagulgol sa paligid.

“Patricia!”

Mom? That’s her mom. Alam niya na tinatawag siya nito. Pero bakit hindi niya ito makita? Naririnig niya ang magulong paligid bago sumunod ang tinig ng mga taong hindi niya kilala. Naramdaman ni Pat ang tila paghila ng kung anong bagay sa dibdib niya. That people arounds her zapped her with cold paddle before she heard them shouts, Clear!

Isa, dalawa hanggang sa naging tatlo. Hagulgol at kanya-kanyang pagtangis ang naririnig niya. Mga panaghoy ng mga taong hindi niya alam ang dahilan kung bakit nila ginagawa iyon. Samantala siya ay heto, pilit pa ring nilalandas ang daan na tinatahak ng nag-iisang talang nakita niya sa dilim. Takot siyang mag isa sa dilim. Kaya nga hindi niya pinapatay ang ilaw sa kanyang silid sa tuwing natutulog siya. Hindi niya kayang pumikit gayong alam niyang madilim ang paligid niya. Ilaw?

Natatandaan niya iyon. Sa labas ng bahay nila may poste ng ilaw at nakita niyang katayo doon si Max. ang lalaking iyon.

“What are you doing here?” Tanong ni Patricia sa lalaki nang matanawan niya itong nakatayo sa posteng nasa tapat ng gate nila. Nakapamulsa ito at nakasuot ng maong na pantalon at puting t-shirt na pang-ibabaw. Sa balikat nito ay itim na jacket habang nakalugay ang mahaba nitong buhok.

“Gusto kitang makausap, Pat.” Hinithit nito ang sigarilyo pagkatapos ay basta na lamang initsa sa lupa at inapakan hanggang sa mapulbos iyon.

Nakasunod lamang siya ng tingin sa bawat gawin nito. Max is always an opposite of a guy na gusto niya para sa kanyang sarili. At alam niyang tama siya na ‘wag itong piliin dahil alam niyang wala itong idudulot sa kanya kung hindi gulo. Tinanaw niya ang maingay at mailaw nilang bakuran. Today is her Grandmother’s centenarian birthday. At hindi niya gustong masira ang masayang okasyong iyon dahil lamang sa makikita siya ng pamilya niya na kausap si Max.

“Mabuti pa umalis ka na bago pa may makakita sa ‘yo.” Pagtataboy niya sa lalaki.

Ngunit matiim lang itong nakatitig sa kanya. “Hindi ako aalis hangga’t hindi mo sinasabi sa akin na hindi mo nga ako gusto.” Doon namilog ang mga mata niya.

“A-Ano bang pinagsasabi mo?” Gusto na lamang niyang makalayo sa binata at iwan ito. Ngunit huli na dahil hawak na nito ang kamay niya.

“That kiss, Pat. Alam kong may ibig sabihin din sa ‘yo ‘yon.”

Binawi niya ang kamay niya na hawka nito. “That was nothing, Max. kung ano-ano lang ang ini-imagine mo.”

“Talaga ba? Nag-i-imagine nga lang ba ako? The way how you respond to my kisses. Ini-imagine ko nga lang ba iyon?” alam niyang hindi panunukso iyon dahil nababasa niya ang kaseryosohan sa mga mata nito.

“Umuwi kana. Hindi ko gustong makita ka ng parents ko ditto,” aniya sa binata.

But Max grabbed her hand once again. Napatitig siya doon. Kabaliktaran ito ng lahat ng katangian ng lalaking gusto niya. Hindi niya alam kung bakit dumating ito sa buhay niya at isa-isa nitong sinisira ang mga bagay na mayroon siya. Max is her schoolmate. Kaklase niya ito sa isang subject niya noong freshmen siya at magmula nang araw na iyon ay hindi na siya nito tinantanan. Napakalayo ng agriculture building sa college of nursing pero hindi naging hadlang iyon para araw-araw siyang sundan ng lalaki. He almost her stalker na nakasunod sa kanya saan man siya magpunta.

“Ano? Tama ako hindi ba? Na hindi lang iyon imahinasyon ko,” sabi nito.

That fated kiss. Hindi niya sinasadya iyon. Nadala lang siya. “You better go now, Max. Bago ka pa nila makita.”

Alam niya kung gaano kaayaw ng mga magulang niya sa lalaki particular na ang kanyang ama. Dahil hindi ito chinese. Not a single drop of chinese blood that runs in his veins.

“I love you, Pat. Ano ba ang kailangan kong gawin para maniwala ka sa ‘kin?” may pagsusumamo sa tinig nito. “I can change if you want. Bigyan mo lang ako ng chance.”

“Hindi ganoon kadali iyon, Max. We are two opposite people na hindi dapat nagkakasama.”

“Dahil ano? Chinese ka? Ano bang pakialam ko sa bagay na iyan? Lahi lang ‘yan!” ani nito na tila may inis na s atinig.

Kumalas siya sa pagkakahawak nito sa kamay niya. “I’m sorry, Max but—.”

Naputol ang sinasabi niya nang marinig niya ang kanya-kanyang sigawan sa loob ng bakuran nila. Maya-maya’y iyakan na.

“Mama!”

Narinig niya ang pagtawag na iyon ng ama niya. Tinambol ng kaba ang kanyang dibdib. Walang lingong tinawid niya ang kalsada. “L-Lola…”

Pero huli na, bago pa man humakbang ang paa niya sa gitnang kalsada ay narinig niya ang pagsigaw ni Max sa pangalan niya at ang pagsalubong sa kanya ng nakakasilaw na liwanag na siyang kumain sa kanya sa kadiliman.

“Patricia!”

That voice again. Naririnig na niya ang mga taong tinatawag ang pangalan niya. She almost reach the light nang may tinig na pumigil mula sa likuran niya.

“Aurora?” 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status