Lumipas pa ang mga araw at naging buwan. Medyo nabawasan ang pagduduwal ko subalit napalitan naman ito ng pagkahilo. Mabuti na lang no'ng minsang nawalan ako ng malay, wala ang amo namin kung kaya't hindi pa rin nito alam ang tungkol sa kalagayan ko. Dahil wala pa rin akong sapat na lakas ng loob na sabihin dito sapagkat natatakot akong mawalan ng trabaho.Kasalukuyang nasa kuwarto ako nito at naglilinis. Dahil simula ng dumating ito ako na palagi ang naglilinis ng kuwarto niya ayon sa gusto niyang mangyari. Dati si Gemma ang naglilinis ng kuwarto niya noong nandito pa si Ate Tess sa tuwing umuuwi ito galing ng ibang bansa pero ngayon ayaw niyang ipagalaw ang kuwarto niya sa iba. Minsan ang weird niya, lalo na kapag kausap niya ang ibang mga tao ang bait niya pero pagdating sa akin wala pa nga akong ginagawa parang ang laki na ng kasalanan ko sa kaniya. Kung kaya't mas lalo akong natatakot na sabihin sa kaniya ang tungkol sa pagbubuntis ko. Nasa kalagitnaan ako ng aking paglilinis n
Tahimik ulit ito habang nasa biyahe kami pabalik ng villa. Pero kanina ko pa iniisip ang pagpapakilala nito sa akin na asawa raw ako nito sa doctora. Naguguluhan ako sa parteng iyon. Naisip ko na lang din na baka ginawa niya 'yon dahil ayaw niya ng maraming tanong pa ang doctor. Hindi ko rin mapigilan ang kiligin ngunit kaagad ko rin na pinutol ang kilig kong iyon dahil alam ko kung hanggang saan lang ako. At isa pa malabong mangyari na ang iniisip ko na magkakaroon ng kami.Subalit kanina ko pa rin pinag-iisipan kung paano ko sasabihin ang pasasalamat ko sa amo kong palaging may dalaw. Ngunit kahit ganoon pa man, may itinatagong kabaitan din naman pala ito. At mukhang tama nga ang sabi ni Winona at Gemma tungkol sa kaniya na mabait din naman pala ito kahit na may kasungitang taglay.Tumikhim muna ako bago nagsalita."Sir, salamat po," tila nahihiya kong sambit. "At pasensiya rin po kung hindi ko po sinabi sa inyo ang tungkol sa pagbubuntis ko. Natakot lang po kasi ako na mawalan ng t
Pagkalabas nito ng silid ko hindi ko mapigilan ang mapaluha dahil sa aking sinapit. Hindi ko akalain na mangyayari ang ganito sa akin na tila pinagkakaitan ako ng tadhana ng karapatan upang maging masaya. Pero pinangako ko pa rin sa sarili ko na balang araw makakaahon din ako."Basta anak, kumapit ka lang diyan, ha. Huwag kang bibitiw. Kaya natin 'to." Muli kong hinawakan ang aking tiyan.Nagdadalawang-isip ako kung uuwi na lang ba ako ng probinsiya o ipagpatuloy ko pa rin ang pakikipagsapalaran ko rito? Nahiya rin akong tawagan si Mira dahil alam kong buntis din iyon at ayokong mag-alala siya sa akin.Kung uuwi naman ako lalo lang maghihirap ang buhay namin doon ng anak ko dahil sa akin pa rin umaasa ang aking mga magulang at kapatid. At least dito hangga't kaya ko pang magtrabaho may kikitain pa rin ako at makapagpadala pa rin ako sa kanila. Naisipan ko na lang din na mag-apply bilang kasambahay upang kahit papaano wala akong babayaran na bahay buwan-buwan at libre rin ang pagkain.
Nang umalis si Winona kaagad na pumasok ako sa kuwarto ng kaniyang tiyahin. Nakapagtataka lang talaga dahil halos wala rin mga gamit sa loob. Kahit na ang aparador ay wala ring kalaman-laman pero may iilang kahon na naka-tape na nakatago sa ilalim ng higaan. Siguro nga baka kagamitan iyon ng kaniyang tiyahin kung kaya't hindi ko na pinakialaman pa iyon. At may isang picture frame rin na nakapatong sa itaas ng tukador na hindi ko napansin kanina. Isang babaeng may edad na, baka iyon na nga 'yong tiyahin ni Winona. Upang matanggal ang mga negatibong iniisip ko sa aking utak ay minabuti ko na lamang na lumabas ng bahay at magpahangin muna saglit. Sobrang sarap sa pakiramdam ang hangin na aking nalalanghap, na-miss ko tuloy ang buhay namin sa probinsiya.Napabuntong hininga na lamang ako habang nakatingin sa kulay asul na kalangitan. Minsan naisip ko na sana naging ibon na lang ako upang malaya akong makalipad at walang iniisip na problema. Hindi ko namalayan ang oras at malapit na pal
Pumunta ako sa bayan upang maghanap ng trabaho. Dala-dala ko ang aking folder na sa tuwing mag-a-apply ako, ito ang palagi kong bitbit. Panay ang sambit ko ng panalangin na sana ay matanggap ako. Ilang establishment na ang pinasukan ko ngunit walang hiring. Kahit na ang grocery store ay wala rin. Pakiramdam ko pinanghihinaan na ako ng loob, ngunit hindi ako puwedeng tumigil. Sandaling nagpahinga ako sapagkat nakaramdam ako ng gutom, kung kaya't pumasok ako sa isang kainan. Um-order lang ako ng isang order na kanin at ulam dahil hindi rin puwede magutom ang anak ko sa aking sinapupunan. "Ate, may bakante pa po ba rito? Puwede kaya ako mag-apply rito?" tanong ko sa sebedura ng maihatid na nito ang in-order kong pagkain."Wala na eh, puno na kami. Kakaumpisa ko pa nga lang din," sabi nito."Ay, ganoon ba. Sige, salamat po." Bahagya akong ngumiti rito.Ngumiti rin ito bago tumalikod.Kumain na lamang ako upang makapag-isip ng maayos. At ng sa ganoon ay may resistensiya ako habang nagha
Kinabukasan, maaga ulit akong gumising dahil unang araw ko sa bago kong trabaho. Nag-almusal muna ako bago umalis at nakapagbaon na rin ng pagkain upang hindi na ako bibili pa sa labas. Hindi na rin ako gaanong nakakaramdam ng pagkahilo at pagsusuka. Mukhang nakisama rin ang aking anak sa aking sinapupunan. Muli kong nadatnan si Lolo Berto na nagdidilig ng mga halaman. Minsan gusto ko nang akuin dito ang paglilinis at pagdidilig, ngunit hindi ito pumayag dahil sayang daw ang sasahurin niya rito at kaya pa naman niyang magtrabaho. At isa pa hindi pa rin naman daw siya pinapatigil ng amo niya. Dahil hangga't walang sinasabi sa kaniya, itutuloy pa rin niya ang kaniyang ginagawa. Laking pasasalamat ko dahil nakatagpo ako ng tao na mabait katulad ni Lolo Berto. "Magandang umaga po." Bati ko sa kaniya sabay mano."Magandang umaga rin sa iyo. Ang aga mo yata?" Bumaling muna ito sa akin bago pinatay ang gripo ng hose. "Bihis na bihis ka yata?""Kailangan ko po kasing pumasok ng maaga dahi
Hindi ko ito tiningnan kung sino ito. Nanatiling nakapikit pa rin ang mga mata ko. Lalong lumalakas ang kabog ng dibdib ko nang hawakan nito ang magkabilang braso ko. Ramdam ko ang init ng kaniyang mga kamay sa aking balat kahit na long sleeve ang suot kong damit. Maya't maya ang paglunok ko lalo na, nang marinig ko ang yabag ng mga paa at pagbukas-sarado ng pintuan. Parang gusto ko na lang magpalamon sa semento lalo na ng marinig ko itong tumikhim. At naramdaman ko rin ang unti-unting paglayo ng katawan ko sa katawan niya habang mariin pa ring nakapikit ang aking mga mata. Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung ano ba dapat ang mararamdaman ko para rito. "Yuyuko ka na lang ba habang buhay?" seryosong wika nito.Muli akong napalunok sa itinuran nito. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko rito. Kung babatiin ko ba siya o ano? Alam ba niya na ako ang bago niyang sekretarya? "Sorry, sir," mahinang tugon ko rito. Unti-unti ko namang iniangat ang ulo ko sabay mulat ng aking mga mat
Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako habang nakayakap dito. Madilim na nang magising ako. Nakayakap pa rin ito sa akin kung kaya't nahirapan akong kumilos. Akmang aalisin ko ang braso nitong nakapulupot sa aking baywang, ngunit lalo pa nitong hinigpitan ang pagyakap sa akin. Sinubukan kong alisin ulit ang kamay niya kaya lang mas lalo pa itong sumiksik sa akin. Kaagad na sinalat ko ang noo nito. Wala na itong lagnat at hindi ko na rin naramdaman ang panginginig ng katawan niya, pero ang weird ng kinikilos niya. Ano kaya ang nangyayari sa taong ito at nagkakaganito?Maya maya ay naramdaman ko na medyo lumuwag ang pagkayakap nito sa akin kung kaya't nagmadali akong bumangon. Ngunit hindi pa man ako nakakatayo nang hapitin niya ang aking baywang kung kaya't napahiga ulit ako."Dito ka lang. Huwag mo akong iwan," mahinang wika nito habang nakapikit ang mga mata. "Hindi na kita hahayaang makalayo pa."Napalunok ako sa huling sinabi nito. Ano ba ang ibig sabihin nitong hindi niya