happy Monday everyone! trabaho na naman po tayo, opo! ingat sa mga work poo.
TAHIMIK NA naglalakad si Naomi patungo sa parking area ng Phantom Building. Nagpaalam na siya kay Martin na mauuna na siyang umuwi dahil may meeting pa itong pupuntahan. Inutusan na lang ni Martin ang driver nito na ihatid siya sa bahay.Nang malapit na siya sa kotse ni Martin nagulat siya nang bigla na lang may humawak sa braso niya at marahan siyang hinila patungo sa kabilang bahagi ng parking area."G-Grayson?!" gulat na sabi niya nang makilala niya ito. Biglang nagbago ang expression ng mukha niya. Pilit niyang binawi ang braso rito pero ayaw nitong bitawan iyon. "Let me go!" inis niyang sabi."Hindi kita bibitawan, Naomi hanggat hindi mo ako kinakausap," sabi nito. "Please, talk to me! Hayaan mong magpaliwanag ako," giit nito.Ngumisi siya. "I don't need your damn explanation, Grayson dahil kahit anong sabihin at gawin mo, hindi mo na mababago ang lahat ng nangyari at hindi mo na maalis pa ang matinding galit ko sa inyong lahat," madiin niyang sabi."M-matatanggap ko ang galit mo
"NGAYON NA pinirmahan na ni Owen ang almost billion deal na ipinain natin sa kaniya, madali na nating mapapabagsak ang kompanya nila at sisiguraduhin nating hindi na sila muling makakaahon pa," masayang sabi ni Martin kay Noami habang naglalakad sila sa ground floor ng Phantom building."Hindi na ako makapaghintay na makita ang pagbagsak ni Owen, Martin. Hindi tayo titigil hangga't hindi sila tuluyang bumabagsak sa lupa," aniya."Kapag nabaon sa utang ang kompanya ni Owen, wala na silang choice kung 'di ibenta ang natitirang assets nila at bitawana ang kompanya," anito pa.Mayamaya'y napatigil sila sa gitna nang ground floor nang makita niya si Ivy na parang leon na handang manlapa ng tao. Mabilis itong naglalakad papunta sa direksyon niya. Napakunot ang noo niya."Naomi!" galit na banggit nito sa pangalan niya at nagulat siya nang ibato nito ang isang bagay. Kapagkuwa'y napangiti siya nang makita ang USB na pinadala niya rito. "Alam kong ikaw ang nagpadala sa akin niyan at kung sa ti
"NAKUHA ng kompanya ang isang almost billion deal na siguradong magbibigay ng malaking benefits sa kompanya, ate," masayang balita ni Owen sa kapatid nito."Talaga, Owen? That's good news for the company," nakangiti ani Levie, kita ang saya sa mukha nito. "Tuluyan na nating maiaahon ang kompanya at mas mapapalago pa ito, Owen.""Sabi ko naman sa iyo, ate Levie, eh may tiwala ako kay Owen at alam kong kaya niyang makuha ang isang ganoong kalaking deal. Look he did it," puri naman ni Ivy hahang nakakapit sa braso ni Owen. Nasa sala sila ng mansyon. "Ito na ang simula para mas lumago pa ang negosyo ng pamilya ninyo."Tiningnan ni Owen si Ivy at ngumiti ito. "No, it's not just for me kung bakit nakuha ko ang deal, dahil din iyon sa tulong mo, Ivy," balik nito.Inihilig pa ni Ivy ang katawan nito sa nobyo. "Hindi ba't sinabi ko naman sa iyo na tutulungan kita.""Thank you, hon for your help." Hinalikan ni Owen si Ivy sa pisngi at kinilig naman ito.Napangiti na lang si Levie at napailing p
"HI, OWEN!" mapang-akit na bati ni Tricia kay Owen habang palapit siya rito, suot ang kulay pula at napaka-sexy na dress na kahit sinong lalaki sa loob ng bar ay mapapatingin sa kaniya. Kumunot ang noo ni Owen nang tingnan nito si Tricia mula ulo hanggang paa pero sa huli'y napakagat labi ito dahil sa suot niya habang hawak nito ang baso na may alak. Ininom nito iyon habang may pagnanasang nakatingin sa kaniya. "Have you missed me, Owen?" malumanay niyang tanong nang tuluyan siyang makalapit dito. Umupo siya sa tabi nito habang ang mga palad niya'y hinihimas ang balikat nito pababa sa braso. "Ilang araw ka ring hindi pumunta dito kaya akala ko hindi ka na babalik," patuloy nito sa pang-aakit dito. Ngumiti ito. "I'm stressed, Tricia kaya kailangan kong libangin ang sarili ko at alam kong nandito ka para gawin iyon," sabi nito at inakbayan siya. "Are you sure, Owen? Hindi ba malalaman ng fiance mo na nandito ka kapag stress ka at hinahanap sa ibang babae ang init ng katawan?" "No, s
"PAANO MO itatago kay Grayson ang pinagbubuntis mo, Naomi? Habang tumatagal nahahalata na ang paglobo ng tiyan mo at hindi mo na maitatago pa yan sa kaniya," nag-aalalang tanong ni Luna sa kaniya habang nasa sala sila ng mansyon ng mga Phantom."Kung gusto mo, pwede muna tayong manirahan sa America habang hindi mo pa ipinanganganak ang bata," suhestiyon ni Martin."Sigurado ka bang itatago mo kay Grayson ang tungkol sa anak niya? Dahil habang nandito ka sa Pilipinas malalaman at malalaman ni Grayson ang tungkol sa batang dinadala mo," segunda naman ni Jack habang nakatingin sa kaniya. "Tama si Martin, habang hindi ka pa nanganganak pwede ka munang manatili sa America."Hindi agad siya nakasagot. Lalayo ba muna siya para ipanganak ang kaniyang anak? Paano ang paghihiganti niya sa mga Alcantara, isasantabi ba muna niya iyon? Tiningnan niya ang kaniyang tiyan na lumulubo na at sa mga susunod pang araw hindi na niya iyon maitatago pa."P-pero paano ang lahat ng plano natin para pabagsakin
LAHAT ay naghihintay at kinakabahan sa magiging hatol ng korte kay Naomi. Base sa mga arguments at ebedensiyang hawak nila, malakas ang laban nila pero hindi pa rin niya maiwasang kabahan dahil alam niya ang kakayahan at impluwensiya nila Levie, na kaya nilang baliktarin ang totoo at iyon ang kinatatakot niya. Naramdaman niyang hinawakan ni Martin ang kamay niya at marahan iyong pinisil habang nakatayo silang lahat at naghihintay sa magiging hatol sa kaniya. Tiningnan niya ito. Ngumiti ito at tumango. "Mananalo ang katotohanan, Naomi," mahinang sabi nito sa kaniya. Hindi siya umimik dahil pakiramdam niya'y bumibilis ang tibok ng puso niya. Tiningnan din niya si Jack at Luna na kapwa tango lang din ang binalik sa kaniya na parang sinasabi nilang mananalo sila. Kapagkuwa'y binalingan niya si Grayson, na saktong nakatingin sa kaniya. Seryoso lang ang mukha nito at hindi niya mabasa kung anong iniisip nito. Ramdam naman niya ang matatalim na tingin nila Levie sa kaniya at parang confide