FAZER LOGINElena’s Pov “Liam?!” Napatayo ako at hindi ko alam kung bakit bigla ko siyang pinuntahan at niyakap nang mahigpit. Ang buong akala ko ay sa susunod na buwan pa siya uuwi. Kumawala ako sa pagyakap sa kanya at tiningnan siya nang maigi. Tumingin siya sa akin, pagkatapos ay bumalik naman kay Enzo na nakatingin din sa amin—tulala. Mukhang hindi niya inaasahan ang ginawa ko. Kahit naman ako. Shit! Hindi ka talaga nag-iisip, Elena! Pinagmasdan ko si Enzo; nakita ko kung paano dumaan ang sakit sa kanyang mga mata, pero agad ding nawala, parang hindi man lang nangyari. Napalunok ako. Did I just… What a foolish action! Gusto kong singhalan ang sarili ko, ngunit sa huli, wala na rin akong nagawa at hinayaan na lang dahil wala naman na akong magagawa. Nangyari na. At bakit ko ba iniisip kun
Elena’s PovKanina pa nagtatalo ang puso at isipan ko, ngunit sa huli ay naglakad ako patungo sa lugar kung saan siya pumunta. Sinundan ko siya.Nasa labas siya. Mukhang nagpapahangin siya kahit siya ang pinakaimportante sa event na ito. Hinanap ko kung nasaan siya, ngunit hindi ko pa rin siya makita. Nagpasya na akong umalis dahil hinanap ko naman siya at hindi naman ako nagkulang. Kaso lang, nang paalis na ako sa aking kinatatayuan—napansin ko ang pamilyar na bulto na nakaupo sa bench, na hindi masyadong naaninag dahil sa matatayog na mga bulaklak. Huminga ako nang malalim bago ako naglakad patungo sa kanya. Mag-isa lang siya. May hawak na malborro. Hindi ko sinasadyang mapaubo, kaya napansin niya ako. Nilingon niya ako, pinanliitan ng tingin—mukhang tinitingnan kung sino ang sumusunod sa kanya. Hindi ako nagsalita; nakatingin lang sa kanya. Nang makumpirma niyang ako iyon, agad niyang inihulog sa damuhan (bermuda grass) ang sigarilyo at inapakan ng mamahalin niyang sapatos.
Elena’s Pov May mga umaya sa akin na sumayaw matapos magsalita ang mga panauhin sa entablado. Masyadong masaya ang lahat at nagkakasiyahan sa pagdiriwang, lalo pa’t minsan lamang ito mangyayari sa isang taon.Ngunit ang hindi ko maintindihan ay kung bakit si Enzo ang bigla na lamang pumipigil na maisayaw ako sa tuwing may mag-aalok sa akin na sumayaw.“Shes not going to dance.” May diin niyang sinabi habang pinalandas ang kanyang kamay sa aking baywang na tila ba tinatakan niya ang kanyang teritoryo. “Sino ka ba?” tanong nang lalaki. “Sa pagkakaalam ko, wala namang kasintahan si Miss Navarro lalo pa’t ipinagbabawal ni Mr. Monteverde iyon.” Hindi nagsalita si Enzo, ngunit ramdam ko ang higpit ng pagkahawak niya sa akin at sa tingin niya pa lang sa lalaki. Ramdam ko na inis na inis siya sa lalaki, ngunit nagtitimpi lamang siya. Ako na ang kumausap sa lalaki, “I'm sorry, but I don't really dance.” Nakangiting sagot ko. Tinanggap
Elena’s PovThe anniversary party of the company had finally come. Everyone was so busy; ganoon din ang dalawa, na halos hindi na alam kung anong susuotin. “Ito ba ang susuotin ko o ito?” tanong ni Stacey sa akin nang nasa kwarto ko silang dalawa at abala sa pagpili ng susuotin at pagme-make-up. “Kahit ano namang bagay sa’yo,” simpleng sagot ko. Maganda naman lahat at bagay talaga sa kanya dahil malalaki rin talaga ang kanyang suso, kaya sigurado akong luluwa ang kanyang cleavage sa parehong dress. “Piliin mo ang mas bagay sa kanya, Elena,” sabat ni Casaandrana habang nag-aayos na ng aking buhok dahil maganda raw ito kapag naka-curl. “Gusto kasi niyang siya ang pinakamaganda at pinakamakikinang sa lahat.” Napangiwi ako. “Bakit hindi siya naghanda kahapon at ngayon niya pa naisip na pumili ng damit?” “Ewan ko ba diyan, shunga-shunga din kasi minsan.” “Nandito lang ako sa tabi ninyo, oh.” Natawa kami nang m
Elena's Pov I stared at the chocolate I was holding that Enzo gave me after we ate our dinner together. Naapuot ako habang nakatingin doon. Kanina ko pa iyon pinagmamasdan, ngunit hindi ko pa rin mahanap kung ano ang magandang gawin. "Kainin na lang natin," narinig kong suhestiyon ni Stacey sa likuran ko na mukhang kanina pa nakatayo. Huli na para itago ko ang tsokolate dahil agad itong hinablot ni Cassandra. "Nakita kitang hinatid ni Mr. Monteverde." Sa tsokolate pa rin ang tingin niya. Pagkatapos ay unti-unting tumingin sa gawi ko. Naniningkit ang mga mata. "Did he give you this?" Itinaas niya ang tsokolate na hawak niya. Nag-iwas ako ng tingin; ayaw kong salubungin ang mapanghusga nilang mga titig. Kinagat ko ang aking pang-ibabang labi at pinigilan ko ang aking sarili na magsalita ng mga bagay na maaaring ikapahamak ko. Ngunit dahil kaibigan ko sila, alam kong hindi nila ako titigilan hangga't hindi sila makakakuha ng sagot mula sa akin. "Yes, he gave me
Elena’s Pov Tiningnan ko ang paligid. Malawak at maraming tao ang nagpupunta dito. Napakaganda rin naman talaga ng lugar, kaya siguro maraming nagpupunta dito. Maging ang kanilang mga menu dito, halata mo agad na mamahalin at masasarap sa amoy pa lang at sa texture nito. Nanatiling tahimik si Enzo, kaya ganoon na rin ang ginawa ko. Hindi ko naman kasi ugaling magtanong sa kanya kung anong problema, ngunit alam kong ang pinag-usapan namin ang problema niya. At dahil ayoko nang mamilit pa na sabihin niya sa akin kung saan ba ako nagkamali, kumain na lamang ako ng bangus na ginrill at tuna na may pipino. Mas gusto ko kasing kumain ng daing ngayon kaysa sa karne. Siya naman ay simpleng hindi ko maintindihan na main dish iyon. Sa dessert ko naman, simpleng cake lang iyon. Tanging mga usapan ng ibang tao ang aking naririnig sa sobrang tahimik naming dalawa. “You're heartless, aren’t you?” Napatingin ako sa kanyang gawi nang basagin niya ang katahimikan na nangibabaw
Elena’s Pov Pagdating ko sa condo ay agad na bumungad sa akin ang mukha ng dalawa kong kaibigan. Sa unang pagkakataon simula nang lumipat ako ay ngayon ko lang sila natagpuang gising dahil weekend bukas at hindi naman busy ang kumpanya. Nagtaas si Stacey ng soju. Mukhang umiinom pala sila, k
Elena’s Pov “Huwag kang masyadong lumapit diyan kay Stella,” bulong ng isa naming katrabaho. Kumunot ang aking noo. Naghahanda ako para sa aking kliyente mamayang alas tres nang tumabi siya sa akin. May pinuntahan kasi si Stella, kaya malaya silang malapitan ako. Napapansin kong madalas ay t
Elena’s Pov Pagkababa ko ay mahigpit ang hawak ko sa folder, taas ng noong naglalakad patungo sa kotse. Binuksan ko iyon at natagpuan ko si Mr. Monteverde na may ginagawa. Hindi siya lumingon pero agad na nagtanong. “Shall I guess it? Or is it really nothing?” Inabot ko sa kanya ang folder,
Elena’s Pov Ngayong nasa tapat na ako ng pintuan niya ay gusto nang umalis at hayaan na lamang siya, pero dahil nandito na ako ay wala na akong nagawa kundi ang kumatok nang tatlong beses. Walang nagsalita pero pumasok pa rin ako. Wala siya sa sala o kahit saang parte man ng paligid. Whe







