MasukAnim na taon ang lumipas mula nang talikuran ni Zephyra Arcadia ang lalaking kanyang minahal—ang tahimik at prinsipyadong si Wren Deveraux—para sa mas “tamang” desisyon sa mata ng mundo. Isang kasal na may pangalan, kapangyarihan, at proteksyon. Ngunit kapalit nito ang isang buhay na puno ng pananakit, takot, at unti-unting pagguho ng sarili. Nang tuluyan niyang piliing makipaghiwalay sa lalaking sumira sa kanya, akala ni Zephyra ay sapat na ang lakas ng loob. Hindi niya inasahan na ang mas mahirap na laban ay ang harapin ang lalaking iniwan niya noon—ang lalaking ngayon ay isa nang makapangyarihang abogado na kayang pabagsakin ang sinuman… at kasama siya. Wren Deveraux—ang lalaking minahal niya, at lalaking matagal nang itinuring na patay ang pangalan niya sa puso nito. Malamig, mapanupil, at may galit na anim na taong kinikimkim. Isang lalaking hindi tumutulong nang libre, at hindi nagpapatawad basta-basta. Isang gabi. Isang silid. Isang kompromisong walang malinaw na hangganan. Habang sinusubukan ni Zephyra na buuin muli ang sarili at ipaglaban ang kalayaan niya, mas lalo naman siyang hinihila ni Wren pabalik—hindi bilang minamahal, kundi bilang isang bagay na minsan nang naging kanya. Pero sa pagitan ng galit at paghihiganti, posible pa bang mabuhay ang pagmamahal na matagal nang inilibing? O sadyang huli na ang lahat para sa ikalawang pagkakataon?
Lihat lebih banyakCHAPTER 1
Tahimik na nakaupo sa tabi ng bintana ng isang Café si Zephyra, suot nito ang isang baseball cap at sunglasses na nagsisilbing takip ng kanyang mukha. Kanina pa itong pasulyap sulyap sa kanyang relo at sa pintuan ng café, nagbabakasaling dumating ang kausap niyang abogado sa telepono kagabi na magiging katagpo niya sa kanyang meeting ngayon para pag-usapan ang kanyang magiging kaso. Lampas na sa oras ng kanilang usapan, pero wala pa rin ito. Napabuntong hininga na lamang si Zephyra at nagbalak muli na tawagan ito nang biglang bumukas ang pinto ng café at iniluwa nito ang isang matangkad na lalaki, nakasuot ito ng gray na three-piece suit, itim na polo, at may guhit na kurbata. Mararamdaman mo sa aura nito na sanay itong masunod—isang lalaking sanay na siya ay nasa itaas. Sa pagpasok nito, halos sabay-sabay na napalingon ang mga kababaihan at namangha sa aura at itsura na mayroon ito, ang kanyang mukha ay ang tipong bihira mo lamang makita sa totoong buhay, hindi lang sapat ang salitang “gwapo” para idescribe ito. Ngunit sa kabila ng pagkamangha ng mga taong nasa paligid ni Zephyra, siya naman ay nanlamig at nanigas sa kanyang kinauupuan, dahil ang lalaking iyon ay walang iba kundi ang una niyang minahal, ang lalaking iniwan niya at pinagtabuyan, gamit ang salitang “I’m tired of sleeping with you, let’s break up”. Si Wren Deveraux. Anim na taon na silang hindi nagkikita at sa taon na dumaan, alam niyang madami na nagbago dito. Noon, palagi mo lang itong makikita na suot ang puting linen shirt, at gentle at magaan ang aura na nakapalibot dito. Pero ang lalaking nakaharap sa kanya ngayon ay hindi na ang lalaking minsang nakilala at minahal niya, ang mukha nito dati na makikitaan mo ng mga ngiti, ngayon ay matalim at misteryoso, ang mata nito na dati’y kumikislap sa saya, ngayon ay malamig at mapanganib, parang may lihim na handang pumutok anumang oras. Bumilis ang tibok ng puso ni Zeph. Nagbaba ito ng tingin, hinila pababa ang suot na cap at nagdasal sa isip na sana…sana hindi siya makita ni Wren. Ayaw niyang makita siya nito na namumuhay ng miserable. Gusto niyang tumatak lang sa isip nito na siya ay mapagmataas at malupit na babae kahit ang totoo, ginawa lang niya iyon para sa kapakanan nito. Ngunit kahit ano pang hiling ang ginawa niya, hindi pumanig sa kanya ang tadhana. Diretsong lumapit si Wren sa kinaroroonan niya, hinila ang upuan sa tapat at umupo ng kalmado. “Sorry, got stuck in traffic.” Sambit nito sa malamig na boses. Natigilan naman si Zeph dahil sa narinig. Ako ba ang kausap niya? Sino ba ka-meeting niya? Mali ba ng naupuan ang lalaking to? Tanong ni Zeph sa kanyang sarili at tila hindi na mapakali. “Sir, mali po ata ang naupuan niyo? May ka-meeting po ako” maingat niyang sabi, at pilit na iniiba ang boses. Hindi pa rin siya naglakas-loob na magtaas ng tingin, mahigpit ang hawak sa laylayan ng kanyang damit na parang doon na lang siya kumukuha ng lakas ng loob. “Miss Arcadia, stop pretending. I will still recognize you even if you were ashes.” Matalim ang boses na ani nito. Miss Arcadia. Parang binuhusan ng malamig na tubig si Zeph. Matagal na niyang hindi narinig ang tawag na iyon—Miss Arcadia—ang paboritong tawag sa kanya ni Wren noon sa tuwing ito ay naglalambing. Sa tuwing yakap siya nito nang mahigpit, ibinubulong niya iyon sa tenga niya na puno ng pagnanasa at lambing. “Miss Arcadia, let’s cuddle” “Miss Arcadia, do you still want me?” “Miss Arcadia, say that you love me” Ang dating pagkausap ni Wren sa kanya na maingat at malambing, ngayon ay wala na, ang mararamdaman mo nalang sa bawat pagbigkas niya ay galit. “Hindi ako ang taong hinahanap mo” matigas niyang sabi. “Please leave. Darating na ang lawyer ko.” “Na-uh, I’m the one who will handle your case” sabi nito habang na-order ng kape. Napataas ng tingin si Zeph sa kanyang narinig at nagsalubong ang kilay nito. “What? I have an appointment with Attorney Flores!” madiin at pasigaw niyang sabi. “Finally, you deigned to look at me” tumaas ang sulok ng labi nito. “Don’t change the subject. Where’s Attorney Flores?” seryosong tanong ni Zeph. Sumeryoso din ang mukha ni Wren. “He was removed earlier,” Mahinahon niyang sabi. “Multiple Violations” “Impossible,” mariing sagot ni Zeph. “Magkausap lang kami kagabi. Wren…ginawa mo ba ’to?” “For what?,” mapanuyang tanong nito. “To see you? Do you think I still have feelings for you?” Alam niyang galit sa kanya si Wren. Sino ba ang hindi magagalit sa babaeng yumurak sa dignidad mo? “Hindi ’yun ang ibig kong sabibin” nahihiyang ani nito. “Then what?” “That maybe…you want to see me miserable” mahinang boses na sambit ni Zeph. “That’s it” diretsong sagot ni Wren, na walang pag aalinlangan. Nanikip ang dibdib ni Zeph sa narinig niya. Inaasahan na niyang makarinig ng masasakit na salita mula rito, handa na ang isip niya, handa na ang loob niya, ngunit sa kabila niyon, tumagos pa rin ang bawat salita, mas masakit kaysa sa inaakala niya, at tila muling binuksan ang mga sugat na pilit na niyang isinasara. Sa loob ng anim na taon mula nang mapangasawa ni Zeph ang pamilya Montclair, puno ng alitan at lamig ang kanyang naging buhay may-asawa. Hindi siya kailanman nagustuhan ng kanyang mga biyenan, at nang tuluyang bumagsak ang sarili niyang pamilya, lalo na siyang binalewala ng mga Montclair. Marami ang naghihintay na makita siyang bumagsak. Marami ang nanonood, nag-aabang, nasisiyahan sa bawat pagkatalo niya. Ngunit kung may iisang taong tunay na may karapatang masaksihan ang kanyang pagkawasak—iisa lang iyon. Si Wren. Napabuntong hininga si Zeph at tumitig ng diretso kay Wren habang inaalis ang kanyang suot na salamin at sumbrero. She wasn’t wearing any makeup. Her fair skin only made the red wound on her forehead and the bruise beneath her eye stand out even more, impossible to ignore—silent evidence of something she hadn’t said out loud. Nag-iba ang anyo ng mukha ni Wren. Humigpit ang hawak niya sa tasa ng kape hanggang sa halos manginig ang laman nito, at unti-unting umumbok ang mga ugat sa kanyang kamay. Fuck you, Montclair.CHAPTER 14 “Don’t move.” Mababa at mariing bulong iyon ni Wren Deveraux, halos may banta. “If you don’t want your leg anymore, then go ahead and struggle.” Napatingin si Zephyra sa sariling binti. Ang benda ay muling nababasa ng dugo. Biglang nahilo siya. Agad siyang napatigil. Hindi na siya gumalaw. Ngunit ang posisyon nila ngayon ay lalong nagpapagulo sa kanyang isip. Mahigpit ang mga braso ni Wren sa kanya—parang bakal na pumipigil sa kanya. Ang katawan niya ay nakadikit sa matigas nitong dibdib, at malinaw niyang naririnig ang mahinahon ngunit malakas na tibok ng puso nito. Matagal na panahon na ang lumipas— pero pamilyar pa rin ang tunog na iyon. Noon, isa sa mga paboritong ginagawa ni Zephyra ay ang humiga sa dibdib ni Wren pagkatapos ng mahahabang gabing magkasama sila. Tahimik lang siyang nakikinig sa tibok ng puso nito—malakas, mainit, parang walang kontrol. Para sa kanya noon, iyon ang pinakatunay na patunay na ang lalaking tila hindi maaabot ay nap
CHAPTER 13Pagkatapos malagyan ng benda ang sugat sa binti ni Zephyra, sabay silang lumabas ng clinic ni Wren.Tahimik ang gabi sa paanan ng bundok. Mahina ang ilaw mula sa karatula ng maliit na tindahan sa tapat ng clinic, at tanging kuliglig lang ang maririnig sa paligid.Napalingon si Zephyra kay Wren habang naglalakad sila palabas.“Bakit ka bumalik?” tanong niya.Hindi siya agad sinagot ng lalaki.“Elias was worried about you.”Napakunot ang noo ni Zephyra.“Kung si Elias ang nag-aalala, bakit ikaw ang bumalik?”Hindi man lang siya tinignan ni Wren.“Your leg is injured. Talk less.”Natigilan si Zephyra.Ano ’yon?Anong klaseng lohika iyon?May sinabi bang ganoon ang doktor?Pagdating nila sa labas, naroon pa rin ang itim na Cullinan na nakaparada sa harap ng clinic. Binuksan ni Wren ang pinto sa passenger seat at bahagyang tumango.“Get in.”Hindi gumalaw si Zephyra.“Mauna ka na. May naiwan lang akong gamit. Kailangan kong balikan.”Bumaba ang tingin ni Wren sa binti niyang may
CHAPTER 12 “I won't give you a free ride, remember to pay the fare.” malamig na sagot nito. Napatingin si Elias sa rearview mirror, halatang sanay na sa ugali ng amo. Magkakrus ang mga mata nina Zephyra at Wren sa loob ng sasakyan. “Magkano?” tanong niya. “Five hundred.” Napaangat ang kilay ni Zephyra. “Five hundred? Mula bundok pababa ng highway? Ginto ba ang gas mo? Bakit kaya hindi ka nalang nagnakaw sa iba!” "Robbery is a criminal offense, I won't break the law." sagot naman ni Wren na mukhang nasisiyahan sa ginagawa. "But drivers who overcharge are also subject to administrative penalties!" salubong ang kilay at pasigaw na sabi ni Zephyra "Miss Arcadia, is this a taxi? Dalawang daang kilometro pabalik ng Quezon City,” sagot ni Wren. “Alam ko namang hindi.” Saglit siyang tumingin sa interior ng Rolls-Royce. “Pero hindi rin ito ride-hailing app.” “Transfer it to me.” dagdag pa nito. Binuksan ni Wren ang WeChat QR code sa phone niya at iniabot iyon sa kanya.
CHAPTER 11 Saglit na natahimik ang dalawa. Sa labas, naririnig ang mahinang ingay ng mga sasakyan at mga batang naglalakad papasok sa eskwela. Normal ang lahat, pero alam nilang hindi na normal ang sitwasyon nila. “Kung wala kang ebidensya laban kay Magnus at wala rin siyang kabit, ano ang plano mo?” tanong ni Keira. Tumingin si Zephyra sa bintana. “Hindi kailangang sa kanya manggaling ang kahinaan.” “Ang pamilya niya?” hula ni Keira. Tumango si Zephyra. “Si Mayor Ramon Montclair ang pundasyon ng pangalan nila. Kung may bahid ang reputasyon niya, babagsak ang buong estruktura. At kapag nangyari iyon, mapipilitan si Magnus na makipag-ayos.” Nalala niya ang mga bulong ng driver at ang templong madalas puntahan ng mayor. “May pupuntahan ako bukas,” sabi niya. “Saan?” “Sa Bulacan.” Tumayo si Keira at naglakad papunta sa kusina. Pagbalik niya, inilapag niya ang mangkok ng sabaw sa harap ni Zephyra. “Kain ka muna. Kailangan mo ng lakas kung lalaban ka.” Bahagyang
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Ulasan-ulasan