LOGINAkala ni Elena ay handa na siyang umalis sa nakaraan matapos ang pagkakanulo ng kanyang pamilya at ang planong kasal na para lang sa kapatid niyang paborito. Sa isang gabing wasak ang puso at puno ng galit, nagpakalunod siya sa alak at sa yakap ng isang estrangherong lalaki-gabing akala niya'y mananatiling lihim magpakailanman. Pero hindi niya inaasahan na nakatakda na pala silang muling magkita. Ngayon, boss at sekretarya ni Enzo Monteverdi. Sa bawat titig na puno ng alaala at bawat sandaling sila lamang ang magkasama, unti-unting nabubuhay ang isang pagnanasa na hindi dapat maramdaman. Isang pag-ibig na kailangang itago. Isang lihim na maaaring sumira sa kanilang reputasyon, pamilya, at prinsipyo. Hanggang saan sila lalaban kung ang pagmamahal ay bawal... at ang mundo ay handang humusga?
View MoreElena's Pov
"Elena," kinuha ni mama ang aking kamay at marahan iyong hinaplos. "Alam kong ayaw mo pang ikasal pero gusto mo bang mawala sa'yo si Spencer?" Tanong niya na nagpatigil sa akin. Si Spencer ang bagong CEO ng Vallamor enterprises kaya lahat ng mga tao ay halos nakadikit sa kanya at isa na doon ang mga pamilya ko. Hindi ko mawari kung bakit gustong-gusto na niya kaming ikasal pero sana pala ay natunugan ko na ito noon pa. "Ma, next year na lang po." Mahina kong sagot, ayaw ng magkaroon pa ng gulo. "Besides, aalis pa papuntang New York si ate." Mahigpit ang pagkakahawak ni mommy sa kamay ko, tila may halong gigil pero pinigilan ko ang aking sarili na magreklamo. Humugot siya ng isang malalim na buntonghininga bago muling nagsalita ng may ngiti sa labi. Hinaplos ang likod ng aking kamay, nakatitig sa aking mga mata at bumuka ang bibig handa na sanang magsalita pero naunahan ni ate. "Sige na kasi, Elena." Si ate iyong nagsalita na kanina pa nanonood sa amin. Naglakad siya patungo sa gawi namin, dala ang ngiti sa kanyang labi. "Elena, I want to see you walk in the aisle before I fly to New York." Nakapuot niyang sinabi, "magtatampo ako sa'yo niyan." malambing niyang sinabi. Nakipagtitigan ako sa kanya, sinsero ang bawat salita at kanyang mga mata kaya wala akong nagawa kundi ang tumango. Fiancee ko na kasi si Spencer, halos tatlong taon na rin pero hindi ako pumayag na magpakasal agad kami kasi para sa akin ay gusto ko pang makilala ng lubos ang sarili ko bago ako tuluyang makipag-isang dibdib kay Spencer. Pero sadyang hindi ako titigilan ng pamilya ko kung hindi ko sila susundin. Pero sana ay nakita ko na agad na may malalaman ako pagkatapos ng gabing iyon. Isang araw ay nagpaalam ang pamilya ko na bibili ng mga gamit para kay Margaux. At dahil busy ako sa kompanya ay hinayaan ko na lamang sila. Ngayon-ngayon lang rin ay nalaman ko na nagbakasyon sila sa may beach dito sa Palawan, nakita ko sa post ni Margaux. Hindi ko naman iniisip iyon. Sanay na akong hindi nila sinasama sa kanilang trip. Pero habang tumatagal na mag-isa lang ako sa bahay ay lumakas ang kumabog ng aking dibdib. Kakaibang kabog na may halong kirot na hindi ko maipaliwanag. Na alam kong hindi ko dapat babalewalain pero inalis ko iyon sa isip ko. Marahil ay kakape ko lamang ito. Tinawagan ko si Spencer upang sana may makausap, weekend kasi kaya wala akong trabaho at gusto kong may makausap. Pero nakailang ring ako ay wala paring sumagot. Hanggang sa tumawag ito pabalik sa akin, mabilis kong sinagot. "Hi little sis, nasa banyo si Spencer. Sasabihin ko na lang na tumawag ka." pahayag niya at pinatay din ang tawag pero bago iyon ay narinig ko ang mahina niyang pagdaing at isang tunog ng lalaki na dumaing. Gumapang ang kaba sa aking dibdib. Hindi ako tanga upan hindi maintindihan ang nangyayari. Ang lakas ng tibok ng puso ko, parang lalabas na sa dibdib ko. Hindi naman siguro tama itong iniisip ko, mali ito...hindi magagawa sa akin ni Spencer iyon at...talagang sa ate ko pa? "Come on, that's very impossible," I murmured to myself. Mabilis akong nagpalit ng damit, isang khaki na trouser and simpleng white t-shirt lang naman. Nagtungo ako sa aming garahe, pinaandar ang BMW na second hand na nabili ko sa sarili kong pera upang puntahan sila sa isang beach resort. Mahina akong natawa dahil hindi man lang talaga nila ako naisip. Habang nasa byahe ay nanginginig ang aking kamay habang nagmamaneho, hindi ko alam kung anong gagawin ko kapag tama nga ang hinala ko. Paano kung si ate at...si Spencer nga iyon? Kasi paanong matagal niyang sinagot at paanong nalaman niya kung nasaan si Soencer kung may ka—ipinilig ko ang aking ulo. Sana mali ako. *** Nang makarating na ako sa beach ay biglang nablangko ang isip, nabingi sa ingay ng mga taong nandoon. Halos manlabo na ang aking mata pero pinilit ko parin na maglakad patungo sa dagat ng tao, hinanap ang pamilya ko. Nakita ko sila sa may cottage pero wala si Spencer at si ate, maging sa swimming pool o saan ay wala. My hands were shaking as I walked through my mother. Pero hindi pa man ako tuluyang makalapit ay narinig ko ang kanyang sinabi. "That fool, Elena. Akala niya talaga ay gustong-gusto ko si Spencer sa kanya." "You're right, mare," Spencer's mother agreed. "I love Margaux to be my daughter-in-law rather than her," she said, smirking. "Well, pagtatyagaan ko na lang siguro siya bago bumalik si Margaux." "Of course balae," si mama naman ngayon. "Utuin mo lang ang isang iyon at siguradong luluhuran ka pa no'n." My fist formed into a ball, gritting my teeth hard while staring at their back. Silang dalawa na lang kasi sa cottage at nakatalikod pa sa banda ko kaya hindi nila ako napapansin. "Hay, sana nga ay may mabuo sa ginagawa nilang milagro sa kwarto upang hindi na makaalis si Margaux." Tumawa pa si tita, ganoon din si mama. Nanginig ang aking tuhod, naglakad paatras. Hindi maproseso sa isipan ko ang bawat detalyeng sinabi nila lalo na nang biglang lumabas sina Margaux at Spencer sa pintuan at naglalampungan parin patungo sa cottage. My world collapsed, but I stood by my ground. They shouldn't see my weakness. So, I didn't hide. I made sure they saw me. And when they finally turned their eyes towards me, Margaux's eyes widened while Spencer didn't look shocked or sorry—he even smirked faintly. So this is it? I was just a tool to be used, huh? After all the sacrifices I've been making for my family and for Spencer. I swallowed real hard, then clicked my tongue while staring at them coldly. "I enjoy the entertainment," mahina pero malinaw kong sinabi. "But I hope you all won't regret this," I said firmly while turning my back to them, making sure I was still standing steady. Pero pagpasok ko sa loob ng BMW ay halos manghina ang buong katawan ko. I gasped for air, but it still wasn't enough. They betrayed me. They make me believe that they love me. Humigpit ang kapit ko sa manibela, pressed my teeth together hardly, while my vision was darkening. "I'll swear, lalong-lalo ka na Spencer ay magmamakaawa sa akin." Bulong ko at pinaandar na ang sasakyan, palayo sa kanila.Stacey's PovHindi ko maintindihan ang trip ni Matteo. Kailangan raw niya ako, kaya nagpaiwan ako kasama siya, lalo na at sabi niya ay may gagawin daw ako at dadagdagan niya ang sahod ko. I even texted Caspian to not wait for me because I have some important things to do, then this is what I'm doing all night? I stared at him while he was busy working.Bumuga ako ng marahas na hangin at ipinikit ang aking mga mata dahil sumasakit ang ulo ko sa kakatingin sa kanya. Napahikab ako. Tinakpan ko ang aking bibig upang huwag niya akong marinig, pero mukhang narinig niya pa rin ako dahil bigla niya akong sinulyapan. Ngumisi ako. Pero seryoso lamang ang mukha niya; mukhang wala siyang balak na makipagbiruan sa akin, kaya unti-unti ring naglaho ang aking ngiti at naging seryoso na rin ako. Pero dahil hindi naman ako matahimik, tumayo na ako. Naglakad palapit sa kanya habang nakatingin lang siya nang diretso sa kanya, tapos na
Stacey’s Pov Napalingon ako sa kabilang way, tapos sa kabila naman. Nang makumpirma kong walang tao doon. Napatili ako habang naglalakad sa hallway patungo sa cafeteria. Gosh! “Did he really say thank you to me?” I asked myself and I'm not impit na napasigaw habang binabalikan kung paano siya nagsabi ng thank you sa akin. Ugh, ang hot pa rin niya kapag soft boy siya! Gosh, para na akong mababaliw. I inhaled and exhaled to calm myself and stay composed, then opened the cafeteria. Pagdating ko, everyone was chitchatting with their friends or colleagues—lahat sila ay may kanya-kanyang mga ginagawa at sariling mundo. Bigla ko tuloy na-miss yung kami naman ng mga kaibigan ko na magkasama, tapos si Elena ang lagi naming puntirya dahil nahahalata naming may gusto si Enzo sa kanya. Oh, how I miss
Stacey’s Pov “Good morning, Mr. Delgado,” aniya, nag-angat lang siya ng tingin, ngunit wala siyang sinabi, kaya alam kong wala akong gagawin ngayong araw na ito. Hahakbang na sana akong paatras nang bigla siyang magsalita. “Stay,” he muttered. My heart fluttered when I heard his voice, not too… cold or ruthless. It was more gentle. Pakiramdam ko, sandali akong natigilan habang nakatingin sa kanya. Kasi hindi ko ito kailanman narinig sa kanya, noon pa man. Napakurap ako. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko, pero inayos ko ang sarili ko at diretso ang tingin sa kanya. Unti-unti siyang nag-angat angat nang tingin, ang lakas ng tibok ng puso ko. Lalong-lalo na nang magtama ang paningin namin. Shit! Ang gwapo niya. Putangina talaga ang lalaking ito. Kahit tingnan ko lang siya, malulunod na ako habang nakatingin
Stacey’s Pov Lunes na naman. Kailangan ko na namang magtrabaho para mabuhay. Kailangan ko na namang makipagplastikan sa mga tao doon dahil kung hindi, ako ang matatalo sa huli. Huminga ako nang malalim. I need to breathe out just to fvcking be at my best before I enter the Delgados’ building. Sa araw na iyon, hindi naging madali sa akin ang lahat. Pero mabuti na lamang at hindi naman naging mainit ang ulo ni Matteo, kaya naging magaan ang araw ko. Caspian went to my place, agad ko siyang pinakyuhan nang nagpakita siya sa akin, “Pvtangina mo!” Sigaw ko sa mukha niya. Tumawa lang siya at pumasok na kami sa loob ng condo. Alas, sais-tu na. Hindi ko alam kung bakit nandito na naman siya. Isinalampak ko ang aking sarili sa sofa at inihagis ko kung saan ang aking bag. Damn, kailangan ko nang magpahinga. Baka tuluyan na akong mamatay dahil dito. Ipinikit ko ang aking mga mata. Naramdaman kong may biglang humarang para hindi masinagan ng ilaw ang aking mga mata. I o
Enzo’s PovDid I do it? Yes, I did. I set up the two-week vacation. According to Arthur, it was a good start to say what I want to say finally. And Amanda keeps pushing on me, before I lose the girl I only want.But this? This was never my plan. I never wante
Elena’s Pov The father of Mr. Buenaventura was very approachable, taliwas sa aking nalaman na sadyang masungit at hindi siya approachable. He knows when to start and end the conversation. He wa
Elena’s Pov “I need to see you working efficiently, and you can ask me about things you didn’t understand.” Patuloy niya, at hindi ko maintindihan kung bakit para akong disappointed sa kanyang sinabi. Tamad akong umupo sa upuan na nasa tabi niya. I opened my laptop and got the papers one by on
Elena’s Pov Mas mabuti nang ilayo ko ang aking sarili kay Mr. Monteverde bago pa man may mangyayaring hindi ko inaasahan. Alam kong kaya kong pigilan ang aking sarili, ngunit alam ko rin naman na kapag si Mr. Monteverde ay nag-aaway ang aking puso at isipan pagdating sa kanya. Kaya sa mas madal










![MAFIA BOSS SERIES: THE FIFTH WIFE [Mr. X]](https://www.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)







Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.