Share

Kabanata 28

Tahimik na kumain si Philip, naiinis siya sa mga magulang niya. Bakit kailangan ng mga ito na palayuin siya sa babae? Hindi naman ito ang pumilay sa kaniya, siya ang hindi nang-iingat kaya siya nahulog.

"Philip, huwag kang bumusangot sa harap ng pagkain. Kung naiinis ka samin, wala kaming magagawa tungkol diyan ang sa amin lang naman ay ilayo mo ang sarili mo sa kapahamakan, hindi ko sinasadya na I-judge ang kaibigan mo at ganoon din siguro ang papa mo pero baka naman kasi tama siya na walang magandang mangyayari kung--" hindi na niya pinatapos ang Mama niya sa sinasabi ng lumingon siya dito.

"Na walang mangyayari na maganda kung lalapit pa ako sa kaniya? Ma, parang pilay lang nangyari sakin tapos ganiyan na kayo mag react, tsaka tulad nga ng sabi ko, hindi niya kasalanan yun. Kasalanan ko 'yon kasi hindi ako nag-ingat, bakit naman kailangan sabihin agad ni Papa na kapahamakan lang dulot ni Isabel." Naiinis na sabi niya, ngayon lang siya nakaramdam ng ganoong pagkainis

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status