LOGINLabing-isang taong gulang pa lamang si Iris Dimasalang nang unang tumibok ang puso niya. Ngunit, may problema, hindi sa isang lalaki tumitibok ang puso niya kundi sa isang dalaga na sa unang tingin pa lang niya ay nahulog na kaagad ang kanyang loob.
View MoreBalik eskwela na naman ulit kami ng mga kaibigan ko, sila mukhang excited samantala ako naman ay kinakabahan. Maninibago kasi ako sa bago kong paaralan at mga kaklase, parang gusto ko tuloy bumalik ulit ng elementary.Kagabi ko pa kasi iniisip kung ano ang magiging araw ko ngayon, natatakot ako na maging palpak ang unang araw ng klase ko. Minsan kasi ay parang tatanga-tanga ako, iyong tipong lumilipad talaga ang utak ko sa tuwing inaatake ako ng kaba.Maaga pang gumising si Nanay kanina upang ipaghanda ako ng agahan, plinantsa pa niya ang bago kong uniporme at nilagyan pa ng kiwi ang black shoes ko. Parang nakaka-excite rin naman dahil lahat ng mayroon ako ngayon ay bago pero parang nakakailang din dahil nakapalda ako pagkatapos ay pang-lalaki pa ang gupit ko.Kung alam ko lang na ganito ang mararamdaman ko baka siguro hindi ko na tinuloy ang pagpapagupit kay Mang Domeng.Hindi ko naging kaklase ang mga kaibigan ko: sina Jolo at Rhea ay nasa section two, si Mary Anne naman ay nasa sect
Yakap-yakap pa rin ako ni Nanay habang naglalakad kami pauwi ng bahay. Panay pa rin ang pag-aalo niya sa akin ngunit hindi ko talaga mapigilan ang hindi umiyak. Hindi ko alam kung umiiyak ba ako dahil sa nasasaktan ako ngayon o 'di kaya'y umiiyak ako dahil nagsisisi ako sapagkat wala man lang akong nasabing matino bago umalis si Hanna.Pagkarating namin ng bahay ay pinaupo ako ni Nanay sa may kawayang upuan, kumuha siya ng isang basong tubig at ipinainom niya sa akin. "Tahan na, Iris. Babalik naman ang Ate Hanna mo." Pagpapatahan nito sa akin saka umupo sa aking tabi.Humihikbi pa rin ako sa harapan ni Nanay, sa buong buhay ko ngayon lang ako nagkaganito sa harapan niya --- na parang ang drama ko na sa buhay. Malungkot ang mga mata ni Nanay na nakatingin sa akin, parang nasasaktan din ito sa tuwing nakikita niya ako."N-Nay, noon ba n-nasaktan din kayo?" humihikbi kong tanong sa kanya. Simpleng ngumiti si Nanay at saka marahang tumango."Lahat naman tayo nasasaktan, anak. Araw-araw, p
Patakbo akong umuwi ng bahay pagkatapos kong gumawa ng kahihiyan sa harapan ni Hanna. Kahit anong gawing pag-aalo sa akin ay hindi niya ako magawang patahanin. Maiintindihan naman niya siguro kung bakit, hindi naman sigurong madaling magpatahan ng isang batang na-basted ng taong gusto niya."Oh, anak, anong nangyari sa'yo?" bungad kaagad ni Nanay sa akin pagkarating ko ng bahay at saka sinapo niya ang magkabila kong pisngi. "Ba't ka umiiyak?"Mas lalo akong umiyak ng tanungin ako ni Nanay. Naalala ko ang nangyari kanina sa burol, ang reaksyon ni Hanna sa pag-amin ko at ang mga sinabi niya patungkol sa nararamdaman ko. Bakit niya sinabi sa akin 'yon? Ang pigilan ang nararamdaman ko para sa kanya. Hindi naman gano'n kadali 'yon. Gusto ko si Hanna. Gustong-gusto ko siya."Iris?" untag ulit ni Nanay habang pinapahiran ang mga luha ko."M-Masakit po, N-Nay..." humihikbi kong sagot sa kanya. Rumehistro sa mukha niya ang kaba nang marinig niya ang sagot ko."Sa'n ang masakit? May sakit ka ba
Habang nagtatawanan sina Hanna at ng mga kaibigan ko ay siya namang paglipad sa kawalan ng isip ko. Parang hindi pa tinatanggap ng utak ko na aalis si Hanna rito sa probinsya. Pakiramdam ko, parang hindi na siya babalik. O, baka naman, mali lang talaga ang iniisip ko. Pero, hindi, nauunawaan ko naman ang sinabi niya, pupunta siya roon upang mag-aral... mag-review para sa licensure exam na sinasabi niya. Pangarap niya talaga ang makapasa, mukhang hindi naman niya bibiguin si Ninang Carmen ngunit paano naman ako? Mukhang matatagalan ang aming muling pagkikita 'pag nagkataon."Uy," sundot ni Mary Anne sa tagiliran ko. Napatingin naman ako sa kanya na abala pa sa pagkain ng sandwhich. "Malalim yata ang iniisip mo, Iris."Umiling-iling ako at tumingin kay Hanna na nakikipag-kwentuhan kina Jolo at Jimboy. Tuwang-tuwa naman ang dalawa sapagkat nasa kanila ang atensyon ni Hanna."Selos ka?" asar ni Mary Anne sa akin sabay hagikhik."Hindi, 'no. Ba't naman ako magseselos?" pabulong kong tanong
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.