“Ang tunay na sakit ay hindi nagmumula sa mga kalaban, mula ito sa mga pinahahalagahan natin.” Si Charlie Rae na dalawampu’t isang taong gulang ay natutunan ito mismo ng pagktaksilan siya ng mga taong mahal niya. Nangako siyang tatapusin na ang ugnayan sa kanila ng pang habambuhay. Pero ang pag drop out mula sa unibersidad ay hindi kasama sa kanyang pagpipilian, at imposible an iwasan sila sa campus. Ang kaisa-isa niyang paraan para tumakas? Ang lumipat sa tinutuluyan ni Taylor West–ang pinakamalaking karibal ng ex-boyfriend niya at kilalang bad boy ng unibersidad. Pansamantala lang ito dapat, pero habang tumitindi ang tensyon, napaisip si Charlie: tunay ba siyang nakatakas sa mga problema niya, o baka makakagawa na naman siya ng isa pang pagkakamali? *** “Linawin natin ito–housemates lang tayo. Hindi kita type, kaya huwag ka magtatangkang pagsamantalahan ako!” Nilinaw ni Charlie ang kasunduan. Ngunit, isang umaga, nagising si Charlie sa kuwarto ni Taylor. Ang gray niyang mga mata ay nakatitig sa kanya habang mapaglaro ang boses niya ng magtanong, “Ang akala ko ba hindi mo ako type. So, sinong nananamantala dito?”
Lihat lebih banyak“Okay ka na?” tanong ni Taylor matapos ubusin ni Charlie ang omelet niya at tinapay.Ngayon at busog na si Charlie, humikab siya, hindi na maitago ang kanyang pagod. Noong nakita ito ni Taylor, nagtanong siya, “Hindi ka nakatulog ng maayos?”“Kasi nag-aalala ako sa iyo,” galit na sagot ni Charlie. “Puyat na naman ako dahil sa iyo. At kailangan ko pa naman mag-aral para sa exam! Dapat nagtext ka man lang.”Natawa si Taylor. Sumagot siya, “Pasensiya na, Babe. Nainis talaga ako sa bahay, kaya di ko natignan ang phone ko. Anyway, tulog ka muna ng ilang oras. Ako na maglilinis dito. Gigisingin kita ng alas tres, okay?”Tumango si Charlie at pumunta sa kuwarto niya, pero bago matulog, gusto niyang kumpirmahin ang hinala niya. Tinawagan niya ang kanyang ama, at sumagot si Adrian King sa unang ring.Nagtanong si Charlie, “Ama, nakipagkita ka ba sa dean namin?”“Dean mo?” nilinaw ni Adrian.“Oo, dean ng College of Business dito sa Luxford University,” sambit ni Charlie. “Dahil pakiramdam
“Tutulong ako sa kahit na anong paraan na kaya ko,” alok ni Charlie. “Dadaan ako every now and then sa College of Engineering.”“Hindi na kailangan,” sagot ni Taylor. “Hindi kita gustong pahirapan—”“Hindi iyon pahirap. Puwede din ako sumali sa therapy sessions ni Tristan para mas maintindihan ko,” alok ni Charlie.Tumitig ng matindi si Taylor. Napangiti siya ng magtanong, “Paraan mo ba ito para sabihin na gusto mo maging hipag ni Tristan?”Hindi mapigilan ni Charlie ang matawa. Sobrang natutuwa siya na halos maiyak siya kakatawa. “Seryoso ang pinag-uusapan natin dito, Taylor.”“At seryoso ako doon,” mahinang sinabi ni Taylor, hindi siya umiwas ng tingin.Ilang segundo na naging tahimik si Charlie, nakatitig lang sa kanya. Pagkatapos ng ilang sandali, nagtanong siya, “Sandali. May trust issues ka di ba? Kaya hindi ka pumapasok sa relasyon simula noon.”Noong tumango si Taylor, nagtanong si Charlie, “Anong ipinagkaiba ko? Bakit bigla may tiwala ka na sa akin kahit na hindi mo pa
“Pakiusap sabihin mo sa akin na nasa kulungan si Amber,” sambit ni Charlie matapos bumitaw kay Taylor.Patuloy na nakahawak si Taylor kay Charlie sa gilid. Tumango siya at sinabi, “Kabilang ang kalaban ni lolo sa pulitika, si Harrison Witmore. Gusto niya tumakbo para maging gobernador, pero ngayon, siya at ang mga taong responsable sa pagtatanim ng espiya ay nakakulong na.”“Noong nagkaalaman na ng totoo, naaalala ko na nagmamaakaawa sa akin si Amber. Umiyak siya at lumuhod sa harap ko, sinasabi na pinilit siya. Nagkataon na nagtatrabaho ang mga magulang niya para kay Harrison Witmore. Pangkaraniwan silang mga tao, pero mula sa naintindihan ko, may problema silang pinansyal at ang alok ni Mr. Witmore ay nakita nilang paraan para makaahon sa utang.”“Pero may choice naman siya,” sambit ni Charlie. “Puwede naman niya aminin ang totoo at humingi ng tulong sa pamilya mo.”Tumango si Taylor at sumangayon. “Iyon din ang sinabi ni Lolo.”“Si Mr. Witmore at pamilya Collins ay kinasuhan ng
“Nagsimulang paghinalaan ng nanay ko si Amber, pero gustong-gusto ko siya noon at ipinaglaban ko siya. Sinabi ko sa nanay ko na hinding-hindi iyon gagawin ni Amber. Naglayas pa ako ng dalawang linggo, dahilan para magkaroon ng isa pang headline na sinasabing nawawalan na ng kontrol si Lolo sa pamilya niya.”“Si Amber ang may kasalanan ng lahat?” tanong ni Charlie, humarap siya sa kanya ng nag-aalala.“Sa kasamaang palad, tama ang nanay ko. May ilang mga impormasyon, na ako pa mismo ang nagbigay sa kanya,” sagot ni Taylor, napuputol ang boses niya na parang nahihiya siyang aminin ito. “Hindi ko talaga nakita ang mga senyales.”“High school ka pa lang noon,” sambit ni Charlie. “Puwede ka naman magkamali.”Pagkatapos, mula sa kawalan, namula ang mukha ni Taylor. Paulit-ulit siyang napapalunok at humihinga ng malalim hanggang sa sabihin niya, “Siya ang dahilan kung bakit kami nag-away bilang pamilya, at ang pinakamasakit sa lahat ay kung paano niyang ipinahiya si Tristan.”Sumarado an
Noong alas nuwebe ng umaga, nagluluto si Charlie ng itlog para sa almusal. Nanigas siya ng biglaang tumunog ang doorbell.Bumilis ang tibok ng puso niya, pero kasabay nito, galit din siya!Hindi bumalik si Taylor kagabi. Dahil doon, hindi siya nakatulog, at kinailangan niyang mag-aral para sa exam sa susunod na araw. Nag-aalala siya na baka inaway ni Taylor ang nanay niya, pero hindi man lang niya sinabi kung anong nangyayari! Walang tawag o text!”Pumunta siya sa pinto at inihanda ang kanyang sarili. Noong buksan niya ito, nakita niya is Taylor na nakasandal sa hamba, at sinabi, “Namiss mo ako?”“Talga, Taylor? Wala man lang text?” tanong ni Charlie. “Tumawag ako sa iyo. Isang daang beses ata ako nagtext—”“Pasensiya na,” sambit ni Taylor, hindi niya pinatapos si Charlie sa sermon. Pumasok siya sa loob ng may naamoy siya. “Nagluluto… ka?”“Oh Diyos ko!” sumigaw si Charlie at tumakbo papunta sa kusina.Hinabol siya ni Taylor. Habang pinapatay ni Charlie ang induction stove, nagh
Si Grayson, ang ama ni Taylor, ay lumapit at interesado na nagtanong, “Charlie, magkuwento ka naman tungkol sa sarili mo?”Si Mr. West ay katulad ng mga anak niya—matangkad na lalaki at blonde ang buhok. Hindi tulad ni Taylor, nakasuot siya ng salamin. Base sa mga linya sa mukha niya, maaaring ang edad niya apat apatnapu’t walo o apatnapu’t siyam na taong gulang na. Nakasuot siya ng long-sleeved blue shirt na kapit sa katawan niya. Kitang kita ni Charlie kung saan nagmana sina Tristan at Taylor.Sa tapat ni Charlie nakaupo ang nanay ni Taylor, si Savannah Carrington West. Light brown ang buhok niya na nakaponytail. Business suit ang suot niya at maputi ang balat habang tusok ang ilong.Nakaupo ang lahat sa dining table. Nagsimula sila ng hapunan sa salad. Sumagot si Charlie sa tanong ni Mr. West, pero nilunok muna niya ang pagkain sa bibig niya at sinabi, “Business Administration student po ako. Nasa ika-apat na taon na po.”“Top student siya, Ama,” dagdag ni Taylor, proud ang itsu
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Komen