Share

Kabanata 62

“Maria, anong ibig sabihin nito? Bakit gulo-gulo ang kwarto mo at nakabukas pa ang bintana? Nako ka, alam mo naman na delikado ngayon tapos binubuksan moa ng bintana mo ng ganitong oras. Paano na lang kung pasukin ka ng mga masasamang loob at wala kaming kaalam-alam?” Nag-aalala ang mukha na sabi ng Ina nito.

Napatikhim naman ang dalaga at napaiwas ng tingin sa Ina. Wala itong kaalam-alam na may tao lang kanina doon. “Ina naman, napaka-imposible ng sinasabi mo na may papasok sa bintana ko. Sino naman ang ipapahamak ang sarili kung alam naman niyang wala siyang makukuha dito.” Saad nito, mas lalo namang kumunot ang Ina ng Ginang.

“Maganda na rin ang sigurado, malay mo naman ay may mga lalake talagang handing umakyat sa bintana mo para gawaan ka ng masama, yung mga ganoong tao hindi dapat pagkatiwalaan kaya nga may pintuan para doon dumaan.” Sermon nito sa dalaga.

Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status