My Childhood Sweetheart

My Childhood Sweetheart

last updateLast Updated : 2026-01-13
By:  BM_BLACK301Updated just now
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
Not enough ratings
30Chapters
54views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Bata pa lang ng magkakilala si Mazel at Duncan, at kahit konting panahon lang ang kanilang naging pagsasama ay naging malapit sila sa isa't isa. Pero katulad sa mga hindi inaasahang pangyayari ay nagkalayo sila, ngunit tadhana ang maglalapit sa kanila at muli silang pagtatagpuin. Ang kanilang muling pagtatagpo ay hindi naging maganda dahil ang dating masayahin at makulit na si Duncan ay nagbago na marahil na rin siguro sa mga napagdaanan. Ngunit maikakaila ba ng puso ang nilalaman nito?

View More

Chapter 1

Chapter 1

Mazel

"Ma, maglalaro lang po ako sa labas," nakangiting paalam ko kay mama.

Naroon siya sa lamesa at nagbabalot siya ng mga turon na paninda dito sa tapat nang bahay namin. Iyan kasi ang hanap buhay ng mama ko at ang papa ko naman 'ay isang construction worker.

"Sige pero huwag kang lalayo dahil kabilin-bilinan ng papa mo huwag na huwag, kang pupunta doon sa subdivision. Naiintindihan mo ba? Mapapagalitan ka ng papa mo!" malakas ang boses na aniya.

Tumango lang ako at lumabas na pero ang 'di alam ni mama doon pa rin ako papunta kasi doon lamang tahimik at walang maingay kaya makakapag-drawing ako ng maayos. Ito ang libangan ko tuwing uuwi na ako galing sa school.

Papunta na ako ngayon dito sa likod bahay namin umikot lang ako sa ibang daanan para hindi ako makita ni mama.

Sorry talaga ma kung sobrang pasaway ako.

Kausap ko sa sarili ko habang napapangiting naglalakad sa likod dahil dito lang ang daan para hindi ako makita ni mama.

Wala naman dating butas dito at hindi ko rin alam kung bakit biglang nagkaroon ng crack 'yung pader at nabutas ito at parang sinadiya dahil saktong-sakto ako sa butas. Lumusot ako at nakapasok na nga ako sa lugar kung saan ay bawal kaming pumasok. Nakangiting pinagmsdan ko ang paligid tahimik at mahangin.

Tinakip ko ulit ang maliit na playwood na nakita ko lang dito sa gilid para walang ibang pumasok. Sumampa ako sa biak na bato dahil dito banda hindi pa maayos marami pang mga bitak na semento.

Bawal pumunta dito dahil maraming nagrereklamong mayayaman na nakatira dito dahil ninanakawan 'raw sila at kami na mga taga labas na eskwater ang tinuturo nila na may gawa sa lahat ng mga nawawala sa kanila.

Nagulat ako dahil may batang lalaki na nakaupo sa paborito ko na upuan na bato at natigilan ako dahil napasin kong may luhang tumutulo sa magkabilaan niyang pisngi.

"Hoy! Boy! Bakit ka umiiyak?" Malakas na tanong ko at napalingon naman siya sa akin.

"Sinong umiiyak?" Balik tanong niya sa'kin at nagmadali siyang nagpunas nang luha niya gamit ang kaniyang dalawang kamay.

"Weh? Kunwari ka pa diyan e, kitang-kita ko nga e," natatawa ako at sinabayan ko pa ng ngisi sabay simangot naman ng mukha niya na lalong ikinangiti ko.

"You're not funny!" asik niya.

"Nakakatawa ka naman talaga iyakin!" Pang-aasar ko pa.

"Tumigil ka na." malumanay niyang sabi.

Tumigil na ako sa pagtawa kasi seryoso na siya at mukhang galit na.

"Bakit nandito ka? Ngayon lang kita nakita dito," tanong ko sa kaniya at tumingin siya sa akin.

"Ikaw, bakit ka rin nandito? Hindi ba bawal pumasok dito kapag hindi ka naman dito nakatira? Saan ka dumaan?" Magkakasunod na tanong niya.

Tumawa ako dahil sa reaksyon niya at sa magkakasunod niyang tanong.

"Ang dami mo namang tanong e ikaw? Bakit ka umiiyak? Sabi ng lolo ko hindi 'raw dapat umiiyak ang mga lalaki para magmukha silang matapang," masayang sabi ko sa kaniya

Hindi siya sumagot sa halip 'ay lalo siyang nalungkot.

"Bakit? Pinalo ka ba ng papa mo?" mayamaya'y tanong ko kasi sobrang tahimik niya hangang sa marinig ko siyang huminga ng malalim.

"Ikaw? Kapag gusto mo mamasyal kasama ang magulang mo sinasamahan ka ba nila?" malungkot ang boses na tanong niya.

Natawa naman ako sa tanong niya. "Oo naman syempre!" mabilis kong sagot. "Bakit 'yun ba ang iniiyak mo? Akala ko naman pinalo ka na," natatawa ko na namang sabi at tiningnan ko siya.

"Ang swerte mo kasi ako lagi na lang si Yaya Chona ang kasama ko araw-araw," malungkot ang boses na sabi niya.

Naramdaman ko ang lungkot dahil sa boses niya pati sa kaniyang dalawang mata ay napakalungkot 'rin.

"Bakit wala ka na bang magulang? Patay na ba sila?" Magkasunod kong tanong sa kaniya.

"Hindi sila patay lagi lang sila na sa states for business at bihira ko lang silang makita," malungkot na sagot niya.

Natahimik lang ako dahil hindi ko naman alam kung anong sasabihin ko.

"aa... Ganon ba? Sandali wala ka bang kapatid? O kaibigan?" Muling tanong ko pa ulit sa kaniya.

"Wala akong kapatid nag-iisa lang ako at kahit isa wala akong kaibigan. Ayaw ni mommy na makipagkaibigan ako lalo na kung hindi ko kilala kasi gagawan lang nila ako ng masama sabi ni mommy. Lalo na kapag mahirap lang sila," seryoso ang mukhang kuwento niya.

Napasimangot naman ako dahil sa sinabi niya at nasaktan ako kasi nga mahirap lang 'din ako.

"Nag-iisa lang ako'ng anak at hindi naman totoo na kapag mahirap ka 'ay gagawa na agad ng masama." sagot ko dahil nalungkot ako sa sinabi niya at nainis na rin.

"Mga bad 'daw sila sabi ng mommy ko,' sabi pa niyang muli.

"Kawawa ka naman pala kasi wala kang kaibigan at hindi rin pala kita puwedeng maging kaibigan," malungkot ang boses ko dahil akala ko madadagdagan ang kaibigan ko ngayon.

"Teka ang daya mo 'yung tanong ko hindi mo pa sinasagot. Saan ka ba dumaan? Sige isusumbong kita sa mga guard," pananakot niya sa akin.

"Huwag! Huwag mo akong isusumbong tara na halika dito ituturo ko sa'yo." Kinabahan na sabi ko at tumayo na kami para ituro ko sa kaniya kung saan ako dumaan.

"Dito, dito ako dumaan." Turo ko at hinawi ko 'yung nakatakip na playwood. May katam-tamang laki ang butas at kasiya lang ang mga katulad naming bata.

"Ang galing naman may daanan pala diyan," masayang bulalas niya.

"Hoy, sekreto lang natin ito ha? Pumupunta lang naman ako dito kapag magdo-drawing ako ng mga maiisipbko," masayang pagkakasabi ko sa kaniya na kinangiti niya.

"Talaga? Marunong kang mag-drawing? Ang galing mo naman patingin nga ako." excited niyang sabi.

"Ee... Ayoko nga nakakahiya naman hindi naman maganda ang drawing ko," nakanguso kong sagot sa kaniya.

"Bakit ka naman mahihiya? Patingin ako sige na," pangungulit pa niya.

"Sige, pero huwag mo pipintasan." Inabot ko sa kaniya ang drawing book ko dahil ang kulit niya. "Oh, ito tingnan mo na." nakita ko naman ang kaniyang pag-ngiti habang nakatingin sa mga drawing ko.

"Maganda siya at mas gaganda pa 'yan lalo kapag nagpatuloy ka mag-drawing, pero bakit bahay ang iginuhit mo?" Tanong niya sa akin na may halong pagtataka.

"Bakit bahay? Kasi wala kaming sariling bahay dahil umuupa lang kami, 'yan ang pangarap ko ang makabili ng sarili naming bahay para hindi na mahirapan ang mama at papa ko kapag nakapagtapos na ako sa pag-aaral.' Nakapangalumbaba kong sagot habang nakatigin sa langit.

"a, ok naintindihan ko na," sagot niya lang.

Ngumiti lang ako at binalik niya na sa akin ang drawing book ko.

"Ano pa lang panglan mo?" mayamaya'y tanong niya sa akin.

"a-ako? Mazel, ikaw?" tanong ko rin na nahihiya pa.

"Ako naman si, Duncan." masiglang sabi niya na nakangiti at nilingon niya ako.

"Ang panget naman ng name mo," react ko sa kaniya.

"Panget? Ang cool nga," mayabang na sabi niya at nakangisi pa.

Sabay na tumawa kaming dalawa.

"Duncan!"

"Duncan! Nasaan kana? Halika na umuwi na tayo!"

Nagkatinginan kami dahil sa narinig namin ang malakas na boses na tumatawag sa kaniya. Sabay kaming napalingon sa kung saan man nangagaling ang pagtawag na 'yun.

"Hinahanap na ako ni Yaya Chona, alis na ako bukas magkita tayo ulit dito," paalam niya na nakangiti.

Tumango naman ako sa kaniya na nakangiti rin.

"Sige pupunta ulit ako dito bukas maglaro tayo bye!" Pahabol ko pa na sigaw at paalam na rin sa kaniya. Tumakbo na siya doon banda sa may tumatawag sa kaniya.

Hindi pa siya nakakalayo ng muli siyang tumakbong pabalik sa akin.

"Oh? Ba't ka bumalik?" Nagtataka kong tanong sa kaniya dahil hinihingal siya sa ginawang pagtakbo pabalik sa akin.

"Hihingin ko 'yung drawing mo ilalagay ko sa kwarto ko," hinihingal na sambit niya.

Nagulat naman ako sa sinasabi niya. "H'wag na panget 'to," mabilis na sagot ko.

"Hindi 'yan, ibigay mo na bilis!" Pilit niya pa sa akin at nakalahad ang palad niya.

Wala na ako'ng nagawa at pinilas ko ang pahina nang drawing book ko at binigay ito sa kaniya. "Oh, ito na sige ingatan mo 'yan ah," masayang sabi ko.

Ngumiti lang siya at nagtatakbo na siya ulit palayo habang tumatalon-talon pa. At ako naman bigla na lang akong napangiti habang pinagmamasdan siyang papalayo hanggang sa mawala na siya sa paningin ko. Masaya akong umuwi ng bahay baon ang ngiti at excited na dumating na ulit ang bukas para magkita kami muli ni, Duncan.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

No Comments
30 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status