Share

AIA. 05 - Or scared of having nothing left

The Legend of the Alien

Catherine Fe Cinco's

February 17, 2003

Nakangiti ako habang nakatingin sa cake na dala ko. Excited akong ibigay ito kay Kairos. Birthday niya kasi noong February 4 pero hindi ko siya napuntahan kasi nasa duty ako noon saka umuwi ako noong Qatar noong Feb 5 at Feb 10 na ako bumalik. Masyado naman siyang busy noong Feb 11 – hanggang kahapon kaya ngayon lang niya ako napagbigyan.

Kairos Vejar is a very busy man. Sa batang edad niya kasi president na siya ng sarili niyang kompanya. Dalawang taon na kaming makaibigan pero kahit ganoon hindi ko pa rin siya gets. Para kasing wirdo siya. Lahat sa kanya dapat by schedule pati nga itong pakikipagkita niya sa akin by schedule din.

I smiled when I saw him entering our favorite coffee shop. Wala siyang dalang kahit ano. Iyong mga nauna naming meet ups kasi kundi niya sakama iyong secretary niya, may body guard siya o kaya man si Dione – iyong bunso niyang kapatid na naging kaibigan ko na rin.

I waved at him. Hindi siya masyadong ready today. Hindi kasi naka-gel iyong buhok niya. Medyo mahaba iyong buhok kasi ni Kairos, hanggang sa may jawline niya, kulot pa iyon pero hindi kulot na unruly. I smiled widely when he sat in front of me.

"Yes, Miss Cinco, what is it that you want from me?"

I rolled my eyes. Sinipa ko siya sa ilalim.

"Kainis ka kamo." Ngumuso ako.

"I cancelled all my appointments for you. Hindi ako pumasok sa office tapos sasabihin mong nakakainis ako." He said. I just made a face. Dahan-dahan kong ni-push papunta sa kanya iyong cake na dala ko. Napakunot ang noo niya.

"I don't like sweets." Sabi niya pa.

"Alam ko. Bitter coffee cake iyan. Nagpuyat ako para diyan." Binuksan ko iyong box. "Happy birthday Kairos Be!" Tiningnan niya iyong cake ko. Itim lang iyon – favorite color niya tapos ay may nakalagay na Kairos Be na may smiling face sa gilid. Nagulat ako nang ngumiti siya tapos kinuwit niya ang gilid ng fondant.

"Bitter. Masarap! Thank you, Cachi Be." Sabi niya bigla. Natawa ako. Mukha kaming timang. Hindi ko alam kung paano kami naging magkaibigan nitong ugok na ito. Stranger lang naman siya noon, nagkakilala kami dahil sa ex kong si Sergio. Mahabang kwento iyon, kasi iyong ex niya, nakipag-sex sa ex ko na iyong ex ko naman nag-swear ng celibacy sa akin na magsesex lang daw kami sa gabi ng wedding naming eh p*****a! Sinungaling siya.

"Kamusta na iyong parents mo sa Qatar?" He asked me.

"Okay naman. Nagwo-work pa rin si Tatay sa Oil Comapany, si Nanay nasa Admin pa rin ng Oil company na iyon. Si Fatime na-diagnose na may butas pala siya sa puso. Si Ana, iyon, sixteen na siya pero iyong utak niya pang eight years old." Sadly, iyon ang pasang krus ng pamilya namin. Lahat kaming magkakapatid, may mga tama. Ako epileptic ako. Kung kalian ako tumanda, saka ako naging ganoon. Si Ana, she was diagnosed with epilepsy when she was eight. First attack niya nakaapekto sa utak nita kaya naging delayed ang pag-iisip niya.

"Kailan ka babalik doon? Sinabi mo na ba iyong work na gusto mo? Did you tell your mom that you don't want to be a nurse? That your trying to get in the events business?"

"Hindi pa rin." Tumayo ako tapos tumabi sa kanya. Hinawakan ko siya sa braso.

"Be naman kasi sasabihin ko pa lang kinakabahan na ako. Alam mo iyon? Planado naman kasi lahat. Next year babalik na ako sa Qatar para mag-apply ng trabaho – nurse tapos after a year – dahil iyon ang pinag-usapan naming pahinga ko, papasok ako sa med school sa Canada. Ayoko nga mag-doctor. Gusto kong lumandi!" Humagikgik ako. Natawa na rin si Kairos sa akin. Napansin kong nakatitig siya sa akin habang nagsasalita ako. Kinurot ko siya sa tagiliran.

"Masyado kang close ha. Baka ma-in love ka sa akin."

"You're not much of a lady. I won't fall for you." Walang abog na sabi niya. Kinurot ko na naman siya. "It's true! Although I like women with small breasts, I won't fall for you – or your charms." Kinurot ko na naman siya sa tagiliran. Pero ngumisi ako.

"I have charms? Lalandiin ko na talaga si Dr. Fronda doon sa ospital."

"Ipaamoy mo muna kay Alejandros baka bakla iyon." Sabi niya na naman.

"Lahat na lang ng crush ko bakla!"

"Malay mo naman." Ngumisi na naman siya sa akin. Kinurot ko siya sa tagiliran.

"We should eat the cake." Sabi niya. "Buti masarap ito, kundi I'll throw it away."

"Ang sama – sama mo sa akin!" Pinadilatan ko siya ng mga mata. Tumawa lang naman siya. Nag-order siya ng pasta at coffee. Napakahilig ni Kairos sa kape. Nakaka-apat na tasa yata siya sa isang araw. Ang gusto niya pa iyong sobrang pait. Sabagay, mas okay iyon kaysa naman mag-yosi na naman siya.

Kumain na kami. He keeps on asking me questions about my visit in Qatar. Nagtatanong-tanong rin naman ako sa kanya kung anong ginawa niya noong birthday niya.

"Wala, we just went to CLPH. Had dinner with the family. I gotta spend time with Hyan Demitri – my cousin. We talked about the business probability, iyong mga future business ventures and we decided to build a company together. She's my favorite cousin. I think, we think alike when it comes to business."

"Alien din siya?" I asked.

"Hindi alien ang mga taong utak ang madalas ginagamit, Catherine Fe." Kinindatan niya ako. I shook my head.

"Gagamitin rin natin dapat ang puso, Kairos. Para hindi ka maging alien."

"Bahala ka nga." He retreated. Hahaba na naman kasi iyong discussion naming dalawa. Napansin ko rin na iyong cake ko lang iyong kinakain niya.

"Eat your pasta, Catherine." Utos niya sa akin.

"Ayoko na. Busog na ako."

Bumuntong – hininga siya.

"Kaya ka lalong pumapayat. Hirap ka na sa duty hours mo, hindi ka pa nagkakakain. Puro kopiko 78 iyang laman ng katawan mo." Umiling siya. "I'm going to have that company destroyed."

"Oo na. Kakain na. Ayoko namankasi ng pasta." Binelatan ko siya. Ngumisi lang siya sa akin.

Nang matapos kumain ay pinabalot niya iyong cake tapos ay sabay kaming lumabas ng coffee shop. Nagulat ako nang paglabas namin ay makita ko si Kuya Marvin – iyong driver niya. Ibinigay niya iyong cake sa kanya.

"Put this at the passenger's seat. Maglalakad – lakad lang kami ni Cachi."

Umuulan noon kaya inabutan siya ni Kuya Marvin ng yellow umbrella. He likes the yellow umbrella. Hindi ko alam kung bakit. Binuksan niya iyon tapos ay naglakad na kami. Nakapamulsa siya tapos iyong right hand niya nakahawak sa handle ng payong. Ako naman ay naka-abrisiete sa braso niya habang naglalakad kami.

"We should really celebrate your birthday." Sabi ko sa kanya.

"We are." He answered. "Last time sa yahoo messenger you told me na magbi- videoke tayo. Ilibre mo ako."

"Ang yaman – yaman mo!"

"But you promised, Be." Sabi niya sa akin. I rolled my eyes.

"Fine." Dinala ko siya doon sa favorite hang out ko – doon sa videoke bar. Nag-rent ako ng isang cubicle para sa aming dalawa. Tinamanang! Tanghaling tapat kumakanta ako ng Isang Linggong Pag-ibig!

O kay bilis ng iyong pagdating, pag-alis mo'y sadyang kay bilis rin natulog akong ikaw ang kapiling ngunit wala ka nang ako'y gumising...

Si Kairos, nakaupo siya doon, tawa nang tawa habang kumakanta ako. I seldom see him laugh kapag nasa mga meetings siya. Madalas kasi niya akong kinukwentuhan tungkol sa mga meetings niya or kapag may talk siya sa mga university. Hindi daw siya natatawa kasi malalim daw siyang tao pero heto siya ngayon, mukha siyang magkakakakabag na.

"Ikaw naman. Kanina pa ako kumakanta." He took the mic. Kairos is a very good singer. Iyon siguro iyong isang bagay na hindi alam ng kahit na sino tungkol sa kanya. He plays the piano and he sings good. Mahilig siya sa mga classing songs.

Ang napili niya ay iyong Love me for a reason ng Boyzone.

"Alright! 90's ang peg! Nagkakalabasan ng edad!" Tumawa ako. Pinanlakihan niya ako ng mga mata.

"Sira ulo!"

Girl when you hold me, how you control me

You bend and you fold me, anyway you please

It must be easy for you, the loving things that you do

But just a pastime for you, I could never be

And I never know, girl

If I should stay or go

'Cos the games that you play

Keep driving me away

May pangiti-ngiti pa siya sa akin habang kumakanta siya ng ganoon. Ang sira ulo rin niya no! Pero hindi ko naman makakaila na medyo kinikilig ako habang kumakanta siya. Ang gwapo kaya ni Kairos! Jusko ang swerte ko kasi magkaibigan kaming dalawa. Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit kinaibigan niya ako after niyang mapaghigantihan iyong jowa niya. Pero thankful naman ako, Kairos is a good man, masarap siyang kakwentuhan.

Umisa pa siya ng kanta. Boyzone ulit. Every Day I love you.

Sumigaw ako.

"Edad mo boy! Lumalabas!"

Tiningnan niya lang ako tapos nagsimula na siyang kumanta.

I don't know, but I believe

That some things are meant to be

And that you'll make a better me

Everyday I love you

I never thought that dreams came true

But you showed me that they do

You know that I learn something new

Everyday I love you...

"Be, come here, sing with me."

And I did. Tumabi ako sa kanya tapos ay nag-share kami sa mic.

'Cos I believe that destiny

Is out of our control (don't you know that I do)

And you'll never live until you love

With all your heart and soul.

It's a touch when I feel bad

It's a smile when I get mad

All the little things I am

Everyday I love you

Natapos iyong song. Tawa ako nang tawa kasi kung makatitig siya akala mo may utang ako sa kanya. Hindi naman kami umalis pa. Nagkantahan pa kami tapos ay nag-inuman na rin. Kung ano-ano na nga lang ang kinakanta namin. Kumanta pa siya ng Ang kawawang Cowboy.

Magna-nine o'clock nang napagdesisyunan naming sumakay na ng taxi para makauwi. Sabi ko magpasundo na lang siya kay Kuya Marvin sa condo unit ko pero sabi niya doon na lang daw siya matutulog.

Wala namang kaso, matagal na niyang ginagawa iyon. Kapag nag-aaway sila ni Uncle Zeus, nagpapalipas siya ng gabi sa unit ko.

"Ligo ka na, Be." Sabi ni Kairos sa akin. "Amoy kabayo ka."

"Ulol!" Hindi naman ako amoy red horse. Sinimangutan ko siya at inamoy ang sarili ko. Amoy alak na nga ako.

"Diyan ka. Mag-init ka ng tubig. Magkape ka."

"Hindi ka pa ba inaantok?" He asked. Nag-ikot na siya sa kusina ko.

'Hindi. Papanoorin ko pa kasi iyong Gone with the wind. May bala ako, sayang naman."

"Ah! The infamous Scarlett O' Hara and her lover Rhett Butler. You are really a sucker for this." Sabi pa

"Everyone wants a love story like Miss O' Hara and Mr. Butler."

"But that's ideal. In business, we settle for what's convenient."

"I'd rather take risk than live my life with regrets no. Diyan ka na nga. Maliligo na ako!"

Pumasok ako sa kwarto ko at naligo na. Nang muli akong lumabas ay nakita ko siyang nakaupo na sa living room, nagkakape habang nanonood ng Gone with the wind. Tumabi ako sa kanya. I was weaing an oversized shirt – t-shirt niya iyon eh, hiningi ko kasi ang ganda ng kulay – tapos sweat pants. Nakataas na rin iyong buhok ko.

Sumandal ako sa dibdib niya habang nanonood kami. Sanay na sanay na si Kairos sa akin. Mukhang hindi naman siya nagugulumihanan kapag ganoon kami ka-close.

"Have you watched this?" I asked him. I sipped from his coffee cup.

"Three times already. Paborito ni Amal ito saka ni Mama. I also watched Breakfast in Tiffany's with Alele. Ang dami ko kasing kapatid na babae. Nakikinig lang ako sa kanya. Muli akong uminom ng kape niya.

"Cachi, meron pa roon sa loob. Gusto mo ba?"

"Ayoko Be. Nakikitikim lang ako. Oh my god, para na tayong nag-indirect kiss!" Pinanlakihan ko siya ng mga mata.

"In your dreams." Sabi niya. Muli akong humilig sa dibdib niya. Ang gwapo talaga ng best friend ko.

xxxx

Kairos Vejar's

"Who is the father of the twins?!"

I hissed at Alejandros. Kinuwelyuhan ko na nga siya. I feel so frustrated and so stupid! Pakiramdam ko hindi ako gumamit ng utak! Si Rem na mismo ang nagsabi sa akin na hindi si Ody ang ama noong mga bata! Why would I think that?! Putang ina!

"Mommy refuses to say his name because she said that he's in Mars. Mommy said that Daddy is an alien."

I am the alien.

I am the father.

Hindi ko na kailangan magbilang pa. The similarities, why Rem looked like me, why Rem's hair looked like Alele's. Putang ina!

"Sino, Alele?! Sino?!"

"Wit ko knows!" Itinulak ako ng kapatid ko. The door opened again and I saw Ody. Nakakuyom na ang mga palad ko. Why would I ever think that he is the father! Walang basehan! Hindi dapat naging basehan na nakita ko silang magkasama noong kasal ni Oliver at mas lalong hindi basehan na nandito siya noong araw na dumating ako.

Putang ina!

"Ano? Jojombag ka?! Wala akong ideya! Jusko day!"

Tiningnan ko si Ody. Siya naman ang nilapitan ko. Hinawakan ko siya sa kwelyo at saka ibininggo sa pader.

"Alba! Stay with Rem and get inside your room!" Narinig kong sigaw ni Elisha.

"Sino iyong tatay noong kambal!" Sinigawan ko si Ody. Hindi naman siya makasagot kaagad. Namumutla si Ody. Alam niya siguro kung gaano ko siya bubugbugin kapag hindi ko nagustuhan ang sagot niya.

Sumigaw na si Elisha at pinapaalis kami pero hindi ko pa rin inaalis ang tingin ko kay Ody. Huminga ako nang malalim at binitiwan si Ody. Inayos ko ang nagulong kwelyo ng coat niya.

"Hindi pa tayo tapos." Sabi ko habang nakatingin kay Ody.

"Tapos na..." Narinig ko ang boses ni Cachi. I looked back and saw her standing near the door. She looks weak. Hinihingal pa siya habang naglalakad. Bukas iyonng blouse niya and I really want to button that. May ibang tao, may nakakakita! Lumakad siya papunta sa direksyon ko.

"Umalis ka na. Please naman. Hindi ka nakakatulong sa akin o sa mga anak ko." Iyak siya nang iyak. How can she say that? Anak ko rin iyong bata. Ang mas inaalala ko ay iyong batang maliit sa ospital. Si Rom. He's weak. He's very ill. Nakuyom ko ang mga palad ko. Bakit hindi ko napansin? Bakit hindi ko naisip na kaya siya umalis noon ay dahil malaki ang posibilidad na buntis siya. Knowing he, she wants to keep things quiet.

"Ayoko na..." Hinang-hinang wika niya. "Ayoko—"

Napatiim ang mga bagang ko. She's going to have another one again. Agad ko siyang sinalo. Why is she always doing this to me? This is the second one for this day and it's not healthy. Nang kumalma si Cachi ay sinabi ko kay Alele na kailangan na siyang dalhin sa ospital. Hindi naman nagtagal ay dumating ang 911. Sumama ako sa kanila hanggang sa makarating kami sa ospital.

I am really worried about her. Kapag tumatlo ang atake niya, pwede siyang magka-cardiac arrest. Hindi ko maintindihan. I know she's in a lot of stress now. It's one of her trigger spots, stress.

Palakad-lakad ako hanggang sa tawagin ako ng nurse para sabihin sa akin na okay na daw si Catherine. Nasa private room na siya. When I got there, gising naman na siya pero nang tingnan niya ako ay nag-iba na naman ang hitsura niya. She seemed so disappointed.

"Umalis ka naman na..." She whispered.

Lumapit ako sa kanya.

"Why didn't you tell me?" I asked her in a much calmer voice now and it surprised me. Gusto ko siyang sisishin pero mali ang pagkakataon. Hinang-hina siya.

"About what?" Kunwa'y tanong niya.

"My kids... with you."

Bigla na lang siyang umiyak. Hinawakan ko ang kamay niya.

"Ayoko. Umalis ka na. Please naman. Hayaan mo na lang kami. Ayoko... Ayoko..."

Bigla siyang naging frantic. Napansin ng nurses na umiiyak na naman siya. Pinaalis nila ako. Wala akong pupuntahan ngayon. Ayokong bumalik sa hotel... and then I remembered the weak little boy. Umakyat ako sa fourth floor at habang naglalakad ako, ang lakas – lakas ng kabog ng dibdib ko.

I reached his room. This time, gising siya. He was watching tv. Dahan-dahan akong pumasok. I wore the precautionary clothing before I approached him.

Napatingin siya sa akin.

Hindi ako makapaniwala.

I had twins...

Halos mag-wa-walong taon na silang buhay pero ngayon ko lang nalaman.

"Hi..." Rom spoke in a low voice. "Who are you?"

I reached for his hand. He was so thin, napakaputla niya. Pinipigilan kong mapaiyak.

"I'm..." I wanted so much to tell him that I am his dad. But I couldn't. All I could come up with is – "I'm an alien..." I whispered to him. He smiled. Kahit napakaliit ng ngiting iyon ay kahit mabuti ang layunin ng ngiting iyon ay nasaktan ako.

Para kasing ang daming lakas na nasayang nang ngumiti siya sa akin. My tears fell.

"Dad is an alien..." He said. Napatango ako. I kissed the palm of his hands. Hinayaan ko na lang ang sarili kong lumuha.

"I'm sorry...." I whispered. "I'm so sorry.... I'm very... sorry..."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status