His Unbreakable Wife

His Unbreakable Wife

last updateLast Updated : 2026-05-15
By:  Adev_StoriesOngoing
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
Not enough ratings
9Chapters
433views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

“Kapag nailipat na sa pangalan ko ang kompanya, we’re getting divorced." "Isa pa, kung ano man ang nararamdaman mo para sa akin kalimutan mo na." Mga salitang nasa isip palagi ni Gorya, ngunit ginawa niyang lakas yun para ipagpatuloy at nakahanda siyang masaktan kahit mukhang desperada na siya at gagawin niya ang lahat huwag lang matuloy ang paghihiwalay nila. Ngunit paano ang gagawin ni Gorya kung si Lucas na mismo ang gumagawa ng paraan para siya na ang kusang bumitaw? Hanggang saan dadalhin ng paninindigan ni Gorya at tapang niya kung pati iyon ay unti-unti ng nawawala sa kanya. She will give up?

View More

Chapter 1

chapter 1

Note: Hello po sa lahat ng nagbabasa nito iibahin ko po ang story dahil hindi ko po magawang dugtungan, kaya gumawa ako ng bago at mas pinaganda. Salamat po sa pang-unawa. :)

__

GORYA

Nakatingin ako sa sarili ko sa salamin habang marahan kong hinahaplos ang engagement ring. 

"Don't forget what we talked about."

Gulat na napalingon ako dahil sa narinig ko ang boses ni Lucas.

“A-anong ginagawa mo rito? Hindi mo ako puwedeng makit–” nahinto ang sasabihin ko dahil sa mahina at nakakaloko niyang pagtawa.

“Naniniwala ka sa pamahiin? Don't worry because even if we leave together now, matutuloy ang kasal.”

Hindi ako nakasagot pakiramdam na napahiya sa kanya, dahan-dahan kong ibinalik ang mata ko sa salamin. Nakita ko sa gilid ng mata ko na papalapit siya sa akin, hanggang sa makita ko siya sa salamin.

Seryoso niya akong tiningnan, gusto kong umiwas pero hindi ko ginagawa.

“After marriage, you are free to do whatever you want. I will do whatever I want, no one will know our true relationship inside the house. Sana huwag mong kalimutan.” 

Marahan akong napatango at saglit niya lamg akong tiningnan at naglakad na siya papunta sa pintuan. Okay calm down Gorya, masisira ang make-up mo.

Pero nag-iinit ang dalawang sulok ng mata ko kaya tumingala ako para mapahinto at nahinto naman. Ngumiti ako sa harap ng salamin.

Mrs. Salvatore. Napangiti ako nang bahagya. Sa kabila ng lahat, hindi ko pa rin mapigilang maging masaya dahil magiging asawa ko na ang lalaking dating tinatanaw ko lang mula sa malayo.

Kahit hindi niya ako mahal at kahit alam kong hindi niya ginusto ang kasal na ito at kasunduan namin na after mailipat sa pangalan niya ang kompanya maghihiwalay na kami. Kami lang ang nakakaalam ng usapan na ‘yon.

Pumayag ako noon dahil alam kong hindi ko siya mapipilit na subukang mahalin ako. Pero habang papalapit ang araw ng kasal namin, parang pakiramdam ko papunta na ako sa sitwasyon na walang kasiguraduhan.

“Gorya.”

Napalingon ako nang marinig ang boses ng mama ko, nakangiti siyang nilapitan ako.

“Handa ka na?” masayang tanong niya.

Tumango ako. “Yes, Mom.” Lumapit siya at inayos ang belo ko.

“I'm so happy for you. Tandaan mo lang anak tayong mga babae hangga’t mahal natin ang asawa o nobyo natin hindi natin yun basta bibitawan lang basta kung walang malaking dahilan.”

Napatingin ako kay mama at dama ko ang ibig niyang sabihin dahil minsan ko ng sinabi bago pa ipakasal kay Lucas na may damdamin ako.

“Thanks mo’m.” Yakap ko sa kanya ng mahigpit.

“Kung kailangan mo ng kausap tawagan mo ako, itong kasal na ito hindi lang para sa negosyo o kahit na ano pa man dahil may dahilan.”

“Anong ibig mo mo’m?” Kuryos kong tanong.

“Malalaman niyo rin pareho, sa ngayon ang payo ko lang gawin mo lahat bago ka sumuko.”

Natigilan ako sa sinabi ni mama at kahit wala na siya ay hindi iyon mawala sa isipan ko at paulit-ulit na tumatakbo sa isipan ko.

____

Pagbukas nang p***o ng simbahan, nakita ko agad siya. He was my first crush and also my first love, Si Lucas.

Nakatayo siya may altar, suot ang itim niyang tuxedo at napakagwapo niya Kahit pa ang seryoso ng mukha niya.

Ito yung pangarap ko na wedding ngunit ang naiba lang yung groom ko hindi mo makikita sa mukha ang excitement hindi katulad sa karaniwang nakikita sa isang kasalan.

Huminga ako nang malalim bago nagsimulang maglakad. Bawat hakbang ko papunta sa kanya ay parang papalapit ako sa isang pangarap na maaaring sa huli ay maging pinakamalaking sakit na mararanasan ko. 

Bago ako makarating sa unahan ay tumayo ang aking ama kahit hirap dahil sa sakit ng tuhod. Sinamahan akong maglakad at hinatid kay Lucas.

Nang makarating ako sa tabi niya, hindi niya agad ako tiningnan at nang sa wakas ay lumingon siya, isang mabilis na tingin lamang ang ibinigay niya sa akin.

Napangiti pa rin ako dahil kahit paano ay tiningnan niya ako. Nagsimula na ang seremonya, nang isuot niya ang singsing sa daliri ko, napatingin ako sa kamay namin.

Mag-asawa na kami, hindi na ako basta isang babaeng nagmamahal lang sa kanya mula sa malayo dahil asawa na niya ako.

Paglabas namin ng simbahan, sinalubong kami ng mga camera at pagbati ng mga bisita.

“Congratulations!”

“Beautiful couple!”

“Smile, Mr. and Mrs. Salvatore!”

Ngumiti ako, ngunit ng bahagya kong hawakan ang braso ni Lucas para sa litrato, agad niyang inalis ang kamay ko.

Napatingin ako sa kanya pero hindi niya ako nilingon. Ngunit nakikita ko na nakangiti siya sa bawat taong bumabati sa amin. Hihintayin kong ngumiti ka sa akin ng ganyan. Bulong ko sa sarili ko habang nakatingin sa kanya na nakangiti.

___

Matapos ang mahabang reception ay nandito na kami sa loob ng kotse niya, wala kaming honeymoon at malinaw yun sa magulang namin. Sabi nila matutunan rin namin mahalin ang isa’t isa. Pero si Lucas tinawanan lang ang bagay na ‘yun.

Tahimik kami sa loob habang pauwi kami, may bahay na regalo sa amin ang magulang ni Lucas, doon kami titira na dalawa. May mga kasambahay na rin doon at guard inayos na yun lahat ng manugang ko.

Magkatabi kami habang siya seryoso na nagda-drive, napakaliit ng pagitan namin, pero parang napakalayo ng pakiramdam ko. Ilang minuto akong nag-ipon ng lakas ng loob bago nagsalita.

“Lucas.” lingon kong tawag sa kanya, napansin ko na gumalaw ang mata niya kaya alam kong nadinig niya ako.

“Gusto mo ba kumain pag-uwi natin? Ipagluluto kita alam kong hindi ka nakakain ng maayos–”

“Hindi.” Diretso at mabilis niyang sagot.

Bahagya akong napatango at binaling ang mata sa bintana. Pinaglaruan ko ang wedding ring ko at sa loob ko masaya ako. Nakahanda na akong masaktan Lucas, gagawin ko ang lahat.

“Sorry sa kasal natin.” Mahina kong sabi habang nakatingin sa singsing na suot ko.

Nanatili siyang tahimik. “But now that we're married..." Napatingin ako sa kanya. “Can we try?”

Lakas loob kong pagkakasabi pero mahina siyang napatawa.

"Are you serious? Do you hope we can become a real couple?" Naiiling niyang pagkakasabi.

“Wala naman sigurong mawawala?” sabi ko pa kahit ang kirot sa puso ko.

“Gorya, you know why I married you.” seryong sulyap niya.

Napahigpit ang hawak ko sa singsing at pinipigilan na maging emosyonal.

“Yes, I know.” mahina kong sagot at lihim na napahugot ng buntong hininga.

“Then don't expect anything from me. Isa pa kalimutan mo na kung ano naman ang damdamin mo para sa akin.”

Pakiramdam ko bigla akong nanghina at sobrang kirot ng puso ko pero nilabanan ko dahil hindi ko puwedeng ipakita sa kanya.

Tumitig ako sa bintana at kinalma ko muna ang sarili ko lalo na ang puso ko.

“Kapag nailipat na sa pangalan mo ang kompanya…” Huminga ako nang malalim “Talaga bang maghihiwalay tayo?” Tanong ko at ewan ko ba bakit ko pa yun tinanong kung alam ko na ang sagot, gusto ko talagang mas masaktan ako.

“Can you stop talking? I’m driving.”

“Okay,” tugon ko pero hirap ko ng sabihin ang salita na yun.

“Para mas malinaw sa’yo to stop asking kahit alam mo na ang sagot.  Once everything is transferred, we'll end this marriage.”

Napatingin ako sa kanya at gusto kong sabihin na ayaw ko, gusto kong sabihin na nagbago na ang isip ko pero hindi ko ginawa.

Kaya ngumiti na lang ako. “Okay, Lucas.” pagkasabi no’n natahimik na kami pero sa utak ko maraming tumatakbo at hindi ko susundin ang napag-usapan namin.

___

Pagdating namin sa bahay, nauna siyang bumaba at hindi man lang ako pinagbuksan na inaasahan ko naman.

Sinundan ko siya hanggang sa loob at sinalubong kami ng dalawang kasamabahay pero sumenyas ko na bumalik sila sa ginagawa nila.

Pagpasok namin sa master bedroom, inilapag niya ang bag niya sa sofa kaya napatingin ako sa kanya.

“I'll sleep in the guest room.”

“Lucas…” sambit ko, then he looked at me. “Mag-asawa na tayo.” sabi ko.

“Iniisip mo ba tatabi ako sa’yo? Why do you want a honeymoon?”

“Is not like that.” Pakiramdam ko nag-init ang dalawang tenga ko.

“Virgin? Well, save your virginity to the man you deserve at hindi ako ‘yon.” 

Nanghina ang tuhod ko at mabuti nalang hindi ako natumba, naglakad na siya at naiwan akong mag-isa rito. Ikaw ang lalaki na ‘yon Lucas.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.


No Comments
9 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status