“A-anong nangyayari dito?”“Inimbitahan ba ni Yuna si Lex?”“Imposible yun. Pinahiya ni Lex ang sarili niya sa labas ng military region at ipinatapon pa siya palabas ng heneral. Malamang napahiya siya ng husto, pero bakit siya inimbitahan ni Yuna?”“Hindi kaya pumunta siya dito ng walang imbitasyon?”…Pinag-usapan ng mga tao ang paglitaw ni Lex.Ang lahat ay napaatras, dahil sa ayaw nila na magkaroon ng anumang kinalaman kay Lex.Kampante si Tommy at sinabi ng may pagmamalaki, “Lolo, tignan mo sila. Dahil sa kilalang kilala ka na sa Cansington ay nagsisiatrasan na ang mga tao para magbigay-galang sayo.”Nang marinig niya ang pambobola ni Tommy, nasa alapaap si Lex at nagpakita ng hindi maitagong pagmamalaki sa kanyang mukha. Nakita niya si Yuna at nilapitan ito gamit ang kantang tungkod. Ng may ngiti sa kanyang mukha, sinabi niya, “Ms. Lawson, ikinararangal ko na personal niyo akong inimbitahan sa iyong kaarawan.”Napasimangot si Yuna. Bahagya siyang tumango at nagpakita
Subalit, kapag lalo lang nila itong tinatanggi, lalo lang lumalala ang mga tsismis na kumakalat sa labas.Napansin ni Lex ang mga nakatingin sa kanila at nakaramdam ng hiya dahil pati siya ay naisip na nakipagsiping si Thea kay Alex.Kahit na si Thea ang dahilan kung bakit nakipagkasundo ang Celestial Group na makipagtulungan sa mga Callahan, mas inalala ni Lex ang kanyang pangalan.“Ikaw—wala ka talagang hiya!” Dumilim ang mukha ni Lex.“Lolo, h-hindi iyon ang totoo!”“Kung ganun, ipaliwanag mo sakin kung saan mo nakuha ang pera para bilhin ang damit mo kung hindi ito dahil sa natulog ka kasama si Alex?” Tumayo si Tommy at sinigaw.“A-Ako…” Pakiramdam ni Thea na minali siya at malapit na siyang umiyak.Kailanman ay hindi siya natulog sa iisang kama kasama si Alex. Subalit, hindi niya alam kung paano ipapaliwanag ang sitwasyon. Ang pera ay galing kay James, pero hindi niya alam kung saan niya ito kinuha, at kapag sinabi niya sa kanila ito, baka magkaroon ng masamang kahihina
Ang lahat ng nasa handaan ay napalingon sa may entrance.Tatlong tao ang naglakad papasok sa bulwagan. Ang isa ay si Alex, ang chairman ng Celestial Group.Ang isa naman ay si Bryan, ang may-ari ng Gourmand. At ang huling matandang lalaki naman ay si Jay, ang presidente ng Doctor’s Association na may hawak ng titulo na henyong doktor ng Cansington.Ang tatlong to ay nakarango sa pinakamataas sa social pyramid ng Cansington.Si Alex ang pundasyon ng mga Yates sa kapitolyo. Madali lang para sa kanya na gawing mga pulubi ang Great Four sa isang salita lang.Si Bryan ay isang mapagkumbaba na tao pero may malakas na impluwensya.Sa kabilang banda naman, si Jay ay isa sa mga prominenteng tao.Ang Cnasington ay ang kapitolyo ng medisina, at siya ang henyong doktor.Sa mundong ito, kapag mas mayaman ka, mas takot kang mamatay.Ang pinagsamang impluwensya ng mga tao na nandito ngayon ay hindi kayang tapatan ang lebel ni Jay. Ang tatlo ay lumapit at ang naging sentro ng atensyon.
“Matalik kong kaibigan si Thea! Binabastos niyo ba ako sa pamamagitan ng pagbastos sa kanya sa aking birthday party? May mag surveillance camera dito, at madali ko lang na makikita kung sino sa inyo ang bumastos sa kanya! Ito na ang huling pagkakataon para humingi kayo ng tawad sa kanya!” Nilapitan ni Yuna si Thea at pinanlisikan ang lahat habang pinagbabantaan ang mga ito.Natakot ang mga nagsalita kanina.Thump!Bigla, isang tao mula sa kulumpon ng mga tao ang hindi na kinaya ang pressure ng ilang mga bigatin at kaagad na lumuhod ng nakadikit ang noo nito sa lapag.Ang taong ito ay isang chairman ng isang korporasyon na may ilang daang milyong dolyar na net worth.Isa siyang bigatin sa labas.Subalit, sa mga sandaling ito, nakaluhod siya sa sahig na para isang mababang alipin.Nagulantang si Thea sa eksenang ito.Hinawakan nila James at Yuna ang isa sa mga kamay niya.Tumingin siya sa kanyang kaliwa at kanan.Una ay tinignan niya si Yuna, pagkatapos ay si James.Ang magand
Walang lakas ng loob si Thea para paluhurin si Lex. Lalo na, lolo niya ito.“Tumayo ka na, Tommy.I-Ikaw din, megan.” Kaagad niyang tinulungan sila Tommy at Megan na tumayo mula sa sahig.Sa wakas ay tumayo na din ang dalawa.Subalit, hindi nangahas ang iba na tumayo. "Ms. Thea, paano mo sila gustong parusahan?" Tanong ni Alex nang tinignan niya si Thea. "Ako?" Muling nataranta si Thea. Ngayon lang siya napadpad sa ganitong klase ng sitwasyon.Ang lahat ng mga taong nakaluhod sa kanyang harapan ay mga prominenteng tao na may mas maraming ari-arian kaysa sa mga Callahan.“Paano kung utusan natin sila na sampalin ang kanilang mga sarili ng ilang beses? Lalo na, kaarawan ngayon ni Ms. Lawson, at hindi naman tama kung dumanak ang dugo,” tanong ni Alex.Tinignan ni Alex si Thea at palihim na sinilip si James.May mahinahon na ekspresyon si James.“Mahal, anong gagawin ko?” Hindi alam ni Thea kung ano ang kanyang gagawin at tinignan si James para hingin ang opinyon nito.Na
Tinignan ni Thea ang tatlo ng naguguluhan at tinanong, “Hi-hindi ko naman kayo kilalang lahat. Bakit niyo ko tinutulungan? Pakiusap at ipaliwanag niyo sa kanila, kung hindi ay muli na naman na magkakalat ng tsismis ang mga tao tungkol sa akin." Labis siyang nag-aalala. Ang mga tsismis tungkol sa kanya ay kakalat na parang apoy kapag kumalat ang balita tungkol sa nangyari ngayong araw na to.Baka sabihin pa nga nila na nakipag siping siya sa kanilang tatlo.“...”Silang tatlo ay nabigla sa kanyang sinabi.‘Magpaliwanag? Paano naman kami magpapaliwanag?‘Paano naman namin ipapaliwanag na meron kang isang maabilidad na asawa?’Silang tatlo ay hindi nangahas na magsalita ni isang salita.Matagal nang naninirahan si James sa Cansington pero ayaw niyang ibunyag ang tunay niyang pagkatao. Daig pa nila ang nagpakamatay kapag ibinunyag nila kung sino siya. Natahimik sandali ang buong bulwagan.Ang lahat ng mga bisita na nandoon ay nakatingin sa kanilang lahat. Ang lahat ay nagtata
'Siya nga talaga 'yun.'Inasahan na ni Thea na mangyayari ito.Gayunpaman, medyo sumama lang ang loob niya dahil ang taong niligtas niya mula sa villa ng mga Caden at ang lalaking nakasuot ng maskara ng multo na nagligtas sa kanya ay pinatay ng Blithe King.Sa kasamaang palad, hindi na niya malalaman kung sino ang taong ito, at hindi na rin siya magkakaroon ng pagkakataon na makita ang taong palihim na tumutulong sa kanya.Nalungkot siya sa balitang ito. Noong sandaling iyon, isa pang bigatin ang dumating. Ang taong ito ay si Charles, ang executive chairman ng Abundant Group. Agad niyang nakita ang mga tao pagpasok niya sa bulwagan. Nang makita niya si James, nakaramdam siya ng matinding takot. Nanlambot ang kanyang mga binti at halos bumigay na ang mga ito. Lumapit siya at binati niya sila, at sinabi na, "Mr. Caden, Ms. Thea."“Dad!"Dad, pinaluhod ako ng mga taong 'to!" Agad na nanumbalik ang lakas ng loob ni Luke noong nakita niya si Charles at nagsumbong siya. Sa
’Nakuha niya ang respeto ng napakaraming bigating tao sa pagligtas lang sa isang tao.‘Sino ba ang taong ‘to?’‘Ngayong patay na yung lalaking ‘yun, bakit nagpapakita pa rin ng respeto kay Thea ang mga taong ‘to?’Pagkatapos tulungan ng ilang mga maimpluwensyang tao si Thea, hindi na siya sinubukang guluhin ng lahat. Naguluhan ang lahat dahil dito, at nagsimula silang gumawa ng mga sarili nilang hinuha. 'Posible kaya na may utang na loob talaga ang mga taong 'to sa lalaking naka suot ng maskara ng multo? 'Ngayong naibalik na nila ang pabor, titigil na kaya sila sa pangingialam sa mga problema ni Thea? 'Oo, ganun nga siguro ang mangyayari.' Maraming tao ang palihim na gumawa ng mga prediction nila. Pagkatapos nilang magkaroon ng isang konklusyon, hindi na sila sumipsip kay Thea. Sa halip, pinaligiran nila ang mga maimpluwensyang tao upang subukang mapalapit sa kanila. Sa sofa sa sulok.Natulala si Thea. Umupo si James sa tabi niya at nagtanong siya ng may malungkot na
Alam na alam ng lahat ang background ni Wynnstan. Siya ay isang napaka prestihiyosong powerhouse mula sa Doom Race at may napakalaking lakas. Sa kabila noon, napakadali niyang naalis. Hindi lamang nawasak ang kanyang pisikal na katawan, ngunit ang kanyang kaluluwa ay hindi rin nakaligtas sa pagpatay.Matapos masaksihan ang pagkamatay ni Wynnstan, ang mga nakapaligid na nilalang ay natakot. Kahit ang mga gustong pumatay kay James ay natakot sa kanyang lakas.Napaatras ang lahat kay James."Anong uri ng apoy ang mga iyon? Bakit napakalakas ng mga ito?""Hindi ko pa nakita o nabasa ang tungkol dito dati.""Napakahusay niyang itinago ang kanyang lakas.""Sa palagay ko hindi niya ito itinatago. Dapat ay nakuha niya ito sa Palace of Compassion."…Matapos patayin ni James si Wynnstan, isang powerhouse ng Doom Race, ang lahat ay lubos na natangay. Hindi makapaniwala ang lahat ng naroroon, ngunit nasaksihan nila ito ng kanilang mga mata.Inalis ni James ang Ignis, at huminga ng malali
Ipinagmamalaki ni James ang pambihirang lakas. Alam ni Wynnstan na kung ang mga banta ni James ay tinakot ang mga nilalang na ito, magiging mahirap na patayin siya nang walang sama samang lakas ng lahat. Ang tanging paraan para patayin si James ay ang magkaisa sila.Pinagmasdan ni James ang mga nilalang na nanatili sa lugar. Sa pamamagitan ng paghihikayat ni Wynnstan, pinili ng maraming nilalang na huwag tumakas. Sumang ayon sila kay Wynnstan. Kung hindi nila pinatay si James ngayon at pinayagan siyang gumaling, sa huli ay papatayin niya silang lahat.Isang nilalang ang sumigaw, "Sabay sabay nating salakayin at patayin siya."Maraming nilalang ang agad na naglabas ng kanilang mga sandata.Tumingin si James sa kanila at mahinahong sinabi, “Malamang na hinihiling ninyong lahat na mamatay.”Dumadagundong ang mga simpleng salita niya. Ang kanyang boses ay nagpasabog ng ilang mga nilalang na may mas mahinang cultivation base, at sila ay natigilan sa takot."Sa tingin ko mas lumakas si
Nagpasya si James na umalis sa Palace of Compassion at pumunta sa Planet Desolation upang masuri ang kasalukuyang sitwasyon bago gumawa ng anumang karagdagang mga plano.May ilang oras pa bago ang mapagpasyang labanan, kaya hindi niya kailangang magmadali sa kanyang paglilinang. Siya ay magiging sapat na malakas upang talunin ang lahat hangga't maaari niyang maabot ang Quasi Acme Rank at linangin ang Tatlong Pagbabagong Apoy ng Flame Art.Itinabi ni James ang Ignis at iniunat ang kanyang katawan, na naging tugon nito.Ang pagsipsip at pagpino ng Ignis ay epektibong nagpainit sa kanyang katawan. Kaya, ang kanyang pisikal na lakas ay mas matatag kaysa dati. Gayunpaman, hindi pa nito naaabot ang huling stage ng Quasi Acme Rank, ngunit sa kabutihang palad ay hindi siya nalalayo rito. Malamang na maabot niya ito sa lalong madaling panahon kung nakakuha siya ng ilang higit pang mga kayamanan.Matapos masipsip at pinuhin ang Ignis, pinili ni James na huminto sa paglilinang at naghanda na
Malaking bahagi ng Ignis ang pumasok sa bibig, ilong at pores ni James.Bagama't naubos na ni James ang Frost Pill, sinunog pa rin ng apoy ang kanyang katawan. Hindi nagtagal, natatakpan ng mga duguang sugat ang kanyang balat. Nasunog din ang kanyang mga laman loob at meridian.Maliban doon, wala itong ibang ginawang pinsala.Ang kapangyarihan ng Frost Pill ay nagpoprotekta sa kanya at ang kanyang pisikal na lakas ay sapat na malakas upang matiis ang mga pinsala. Bukod dito, mayroon din siyang karunungan sa Life Path. Kaya naman, mabilis siyang makaka recover sa kanyang mga sugat hangga't siya ay nabubuhay.Pinatatag ni James ang kanyang sarili at ginamit ang kapangyarihan ng Life Path upang gamutin ang kanyang mga sugat. Kasabay nito, ipinagpatuloy niya ang pagpino sa Ignis.Lumipas ang mga minuto.Sa isang kisapmata, lumipas ang isang milyong taon sa pagbuo ng oras.Ang epekto ng Frost Pill ay halos nawala.Buti na lang at naubos na ni James ang halos lahat ng Ignis at kaunti
Sa loob ng manwal ng Three Fire Transformations ng Flame Art, nakasaad na ang tagal ng epekto ng Frost Pill ay tumagal lamang ng humigit kumulang 1,000,000 taon. Kaya, kinailangan ni James na sumipsip at irefine ang Ignis sa loob ng panahong ito. Kung hindi, magiging imposible para sa kanya na irefine ang Ignis gamit ang kanyang kasalukuyang lakas kapag nawala ang epekto ng Frost Pill.Sa kasamaang palad, ang limitasyon sa oras ay ganap at hindi umaayon sa oras na ginugol sa totoong mundo. Kaya, ang epekto ng Frost Pill ay mawawala pa rin kahit na gumugol si James ng isang milyong taon sa pagbuo ng oras.Lumapit si James sa Ignis at tumayo ng isang metro ang layo dito.Ang Ignis ay naglalagablab ng matindi at ang nakakapasong mga alon ng init ay nahuhugasan siya ng tuluy tuloy. Natunaw ng mataas na temperatura ang yelo sa kanyang katawan. Gayunpaman, ang kanyang katawan ay patuloy na nilagyan ng Cold Energy, na nakatulong sa kanya upang labanan ang init.Matapos inumin ang Frost Pi
Umalis si Wotan sa Palace of Compassion.Tumayo si James sa bangin, pinagmasdan ang malalim na kalaliman sa unahan niya at nakita ang isang bola ng puting apoy sa ibaba. Ang apoy ay patuloy na kumikislap ng paiba iba at nagbabago ng mga hugis. Kasabay nito, nagbuga ito ng napakainit na init. Bilang karagdagan, ang bola ng apoy ay protektado ng isang formation. Kung hindi, mas mataas pa ang temperatura sa lugar.Kahit na sa kasalukuyang cultivation rank ni James, mahirap tiisin ang init. Nagsimula siyang pawisan ng husto at tumulo iyon sa kanyang damit.Nagsalubong ang mga kilay ni James. Alam niyang hindi magiging madali ang pag absorb ng Ignis. Kahit na nakuha niya ang Frost Pill, isa pa rin itong mahirap na gawain. Kung matagumpay niyang na absorb at napino ang kapangyarihan ng Ignis, matutupad niya ang mga kinakailangan para macultivate ang Three Fire Transformations ng Flame Art. Labis na tataas ang kanyang lakas kapag natutunan na niya ang Three Fire Transformations ng Flame Ar
Si Wotan ay lubos na nagtitiwala sa kanyang sariling lakas. Gayunpaman, si James ay isang cultivator na may hindi masasabing potensyal. Siya ay isang tao at naabot na ang median ng Seventh Stage ng Omniscience Path. Bilang karagdagan, nakuha niya ang Three Fire Transformations ng Flame Art.Nabawasan ang kumpiyansa ni Wotan habang nakatayo sa harap ni James.Ngumisi si James at sinabing, "Hindi pa tayo nakakarating sa huling stage. Kung talagang mapawalang bisa ko ang formation sa paligid ng Planet Desolation, talagang gagawin ko ito at tutulungan kitang umalis."Ng marinig ito, gumaan ang loob ni Wotan. Malaki ang pananalig ni Wotan kay James at naniwala siya na sa kalaunan ay magiging isa siya sa mga pinakatanyag na cultivator sa Greater Realms kung mabubuhay siya.Kapag dumating ang oras na iyon, ang paniniil ng Ten Great Races ay magwawakas at ang mga tungkulin ay mababaligtad. Ang Human Race na nagdurusa sa lahat ng mga taon na ito ay muling babangon at magiging isa sa mga pan
Inalis ni James ang sinaunang aklat, na iniwan si Wotan na bahagyang nabigo. Ang Three Fire Transformations ng Fire Art ay isang kahanga hangang Supernatural Art at ito ay pinagnanasaan maging ng mga Acmean. Gayunpaman, nagkaroon sila ni James ng naunang kasunduan, kaya hindi niya maipahayag ang kanyang mga pagtutol."Ang natitirang mga kayamanan ay magiging akin, kung gayon. Ayos ka ba dito?" Napatingin si Wotan kay James.Sumenyas si James na nagpalakas ng loob. "Lahat ng iba pa sa silid ng silid aklatan ay sayo."Ang Three Fire Transformation ng Flame Art ay ang pinaka mahusay na biyaya sa pinakamataas na palapag. Dahil nakuha na ni James ang pinakamagandang biyaya sa palasyo, wala siyang interes sa iba pang mga manual.Tumalikod si Wotan at bumaba. Maraming top-notch at mahuhusay na Supernatural Power manual ang inimbak sa ikawalong palapag, na lahat ay mahirap hanapin sa labas ng palasyo.Hindi sila tiningnan ni Wotan ng maayos at itinago na lamang ang lahat. Pumunta siya sa
"Ito ay akin."Nagsalita si James bago nagkaroon ng pagkakataon ang iba at sinabing, "Napagkasunduan na namin noon pa na may makukuha kaming bawat isa."Pagkatapos magsalita, humakbang pasulong si James at humarap sa bola ng liwanag. Isa itong sinaunang aklat na kumikinang sa puting liwanag. Lumapit si James at kinuha ang libro.Sa sandaling hinawakan niya ito, ang puting liwanag mula sa sinaunang libro ay biglang lumabo at nag iwan lamang ng isang ordinaryong librong sinaunang itsura. Sa pabalat ng sinaunang aklat ay ilang sinaunang kasulatan—Three Fire Transformations ng Fire Art. Bagama't medyo lipas na ang mga banal na kasulatan, nakilala ito ni James.Nakita ni Wotan, na kasama niya, ang libro sa kanyang kamay. Nakahinga siya ng maluwag matapos basahin ang sinaunang kasulatan sa pabalat. Ang ekspresyon ni Wotan ay nagpapahiwatig na tiyak na alam niya kung ano ang Three Fire Transformation ng Flame Art.Tumingin sa kanya si James at nagtanong, "Ano ang problema? May alam ka ba