Si Luke Cruise ay nagmula sa angkan ng pamilya Cruise na siyang pinakamayaman at pinakamakapangyarihang pamilya sa balat ng lupa. Nang dahil sa kanyang naging poverty training ay kinailangan niyang itago ang kanyang pagkakakilanlan, husay sa martial arts, iba pang talento at abilidad sa loob ng mahigit tatlong taon. Nakaranas siya ng panlalait, pang-iinsulto at pangmamaliit nang panahong iyon. Ngayon, sa kanyang pagbabalik bilang Young Master ng pamilya Cruise, ano kaya ang magiging reaksyon nila kapag nalaman nila ang tunay niyang pagkakakilanlan?
View More[Author's Important Note: This is volume 2, a continuation of volume 1, of course. THIS IS NOT, not a standalone novel so please read the volume 1 first bago ninyo basahin 'to. Kayo ang bahala, kung malakas ang trip ninyo ay okay lang naman sa'kin na dito na kayo mag-umpisa XD. No, just kidding. You can click my profile and there, makikita ninyo ang volume 1. Happy reading!]
Chapter 148 - A Gift For Alona Kasalukuyang nagkakaroon ng sports event sa La Fernandia University. Karamihan ng estudyante ay sa sports center nagtitipon-tipon. Nakaupo lang si Luke kasama ng karamihan habang nanonood ng basketball sa stadium. Nakasunod ang kanyang tingin sa mga naglalaro, partikular sa kung sinong may hawak ng bola. Pero ang kanyang isip ay wala roon kung hindi ay nasa ibang ibayo. Dalawang linggo na ang nakalipas simula nang magkausap sila ni Kina pero sa memorya ni Luke ay parang kagabi lang nangyari iyon. Detalyadong-detalyado pa sa kanyang isip kung anong pinag-usapan nila, kung anong suot ni Kina, kung anong amoy ng kanyang pabango. Higit sa lahat ay ang ginawa nitong pagtatapat ng pag-ibig sa kanya. Nagpakawala siya ng mababaw na buntong hininga kasabay ng pagtira ng isang manlalaro ng three points shot at pumasok iyon. Sabay-sabay na naghiyawan ang mga nanonood. Pero balewala iyon para sa kanya. Nasa malalim pa rin siyang pag-iisip. Simula ng pag-uusap nila ni Kina noong gabing iyon ay nagsimula rin itong umiwas sa kanya. Alam niyang ang dahilan niyon ay ang pagtatapat nito sa kanya ng nararamdaman nito. Sa madaling salita ay nahihiya si Kina sa kanya. Nagbalik siya sa sariling diwa nang may biglang bumatok sa kanya. Halos masubsob pa ang kanyang ulo. Nakasimangot na nilingon niya ang may gawa niyon at nakita ang mataray na mukha ni Alona. Nakapameywang ito habang nakatungtong sa upuan. Patalon na bumaba ito at naupo sa tabi niya. Susumbatan niya na sana ito nang unahan na siya nitong magsalita. "Are you stupid or what? Kaya naman pala iniiwasan ka na ni Kina ay dahil sa sarili mong kalokohan." Napataas ang dalawang kilay ni Luke. "H-huh?" "Huh?" mapang-asar na pag-uulit ni Alona at ginaya pa nito ang ekspresyon ng kanyang mukha. "Nabasa ko ang diary ni Kina at nalaman kong nag-usap pala kayong dalawa. And I can't fuckin' believe it! Siya pa ang nagtapat sa'yo, pero anong sinagot mo?" Nag-iwas ng tingin si Luke sabay nangalumbaba. "Alam ko, hindi mo ako kailangang pangaralan." Napairap si Alona sabay nailing-iling. Isinabit nito ang magkabilang siko sa sandalan ng upuan at ipinatong ang isang paa sa sandalan ng nasa unahang upuan. "Baluga ka talaga. 'Yong isda na mismo ang lumapit sa'yo, pinakawalan mo pa." Hindi umimik si Luke. Nang puntong sinabi ni Kina ang nararamdaman nito sa kanya ay mabilis niyang inanalisa ang kahihinatnan ng magiging relasyon nila kung sakali mang nagtapat din siya ng pag-ibig dito kasabay ng pagtatapat nito. Maraming bagay ang nakasaalang-alang kung magiging silang dalawa at kailangan niya muna iyong pag-isipan. Hindi niya inaasahan na may nararamdaman din pala si Kina para sa kanya. Isa pa ay alam din nito ang tungkol sa tunay niyang pagkakakilanlan. Noong wala pang banta ng sekretong organisasyon ay desidido siyang magtapat ng pagkagusto niya rito kung may pagkakataon man, pero iba na ang sitwasyon ngayon. Magiging kahinaan niya lang si Kina kapag ito ang pinuntirya ng organisasyon upang gamitin laban sa kanya. Bukod pa roon ay inaalala niya rin sina Dominica maging ang magiging desisyon ng sarili niyang pamilya kapag nalaman nilang nagkatuluyan sila ni Kina. Pero tama nga ba ang ginawa niyang iyon? Dapat niya bang mas alalahanin ang magiging desisyon ng pamilya niya kaysa sa proteksyon ni Kina? Wala rin namang pinagkaiba may relasyon man sila o wala. Si Kina pa rin ang magiging puntirya ng organisasyon. Hindi tanga ang organisasyon upang hindi mabatid na pinoprotektahan niya si Kina. Lalo pa ngayong merong palihim na nagmamanman sa kanya. At lalo pa ngayong miyembro na si Lance ng sekretong organisasyon. "Teka nga, anong ibig mong sabihing nabasa mo sa diary ni Kina ang ginawa niyang pagtatapat sa'kin? 'Wag mo sabihing nakikialam ka ng mga gamit niya?" Hindi agad nakatugon si Alona at gumuhit sa ekspresyon ng mukha nito ang pagkakatanto ng sinabi nito kay Luke. Ngumuso ito. "U-uhm, it was just an accident." Tumaas ang isang kilay ni Luke. "Aksidente?" "Yeah. Kagabi ay yayayain ko sanang kumain si Kina pero nadatnan ko siyang natutulog sa kanya mismong study table. And then nakita ko ang isang notebook na nakabukas sa kanyang tabi. Out of curiosity ay binasa ko kung ano man ang nakasulat doon. At iyon nga ang nabasa ko, ang tungkol sa kabobohan mo." Sumama ang tingin ni Luke kay Alona. "Baka nakakalimutan mo kung sino ang kausap mo?" birong pananakot niya. "As if I care," humalukipkip si Alona at inis na tiningnan si Luke. "Baka nakakalimutan mo ring may atraso ka pa sa'kin? Last week nang bumalik kami sa restaurant ay alam mo ba kung anong tinawag sa'kin ng manager? Kahit na kanilang mga staff ay iyon na ang pagkakakilala nila sa'kin." Natawa si Luke nang maunawaan ang ibig nitong sabihin. "Nasaan na ang card ko? Naubos mo na ba ang laman?" "Not yet. But don't worry, kung kailangan kong bumili ng planeta upang ubusin ang laman nito ay gagawin ko." Inilabas ni Alona ang kulay pink nitong wallet at ipinakita ang SVIP card sa loob. Napataas ang kilay ni Luke nang makita ang kulay ng wallet nito. Akala niya ba ay tigasin si Alona? "Hindi ba't sa'kin naman nakapangalan 'to? Bakit ko pa 'to ibabalik sa'yo?" panunudyo ni Alona. Nagkibit-balikat si Luke sabay muling ibinaling sa mga naglalaro ang atensyon. "Sa'yo na 'yan. Dagdag 'yan sa pasahod ko sa'yo. Gastuhin mo 'yan sa mahahalagang bagay. Kulang pa 'yan para makabili ka ng planeta." Natikom ang bibig ni Alona at napatitig nang husto kay Luke. Seryoso ba si Luke? Binibiro niya lang naman ito. Hindi niya lang iyon ibinabalik upang pagdusahin ito dahil sa ginawa nitong pang-aasar sa kanya. Ang totoo ay simula nang huli silang kumain nang magkakasama ay hindi niya na ginalaw pa ang laman ng card dahil una sa lahat ay hindi naman iyon sa kanya. "N-no, take it. I'm just kidding. Napakalaki ng laman niyan kaya hindi ko matatanggap 'yan." Saglit na pinagmasdan ni Luke ang iniaabot ni Alona bago kunin ang wallet niya sa kanyang bulsa at ipakita rito ang isa ring SVIP card. "Ngayon ay may anim na nito sa mundo. Kaya sa'yo na 'yan dahil may sarili na rin ako." Muli niya ring ibinalik agad iyon sa kanyang bulsa sa pag-aalalang baka may makakita niyon. "Siya nga pala, pinapalitan ko na ang pangalan niyan kay Mr. Rivera. Alona Garcia na ang pangalan ng card na 'yan. Kung gusto mong papalitan ang pin code niyan ay pumunta ka lang sa Light Metrobank at hanapin mo si Louis Rivera." Natulala si Alona habang nakaawang ang bibig. Hindi ito lubos makapaniwalang ibibigay ni Luke ang SVIP card nito sa kanya. Halos sampung bilyong dolyar ang laman niyon at hindi lang sampung milyon! Ubod ba talaga ng yaman ang pamilya Cruise upang ipamigay lang ni Luke ang ganoon kalaking halaga? Sa puntong iyon ay tatlong kalalakihan ang hinihingal ang huminto sa kanilang tapat. Sina Andrie iyon kasama si Jonas at Isaac. "Andito ka lang pala," saad ni Andrie habang direktang nakatingin kay Luke. "Kailangan namin isang player sa volleyball, pwede ka bang sumali sa grupo namin?"Bumukas ang pintuan ng conference room at pumasok mula roon sina Duncan kasunod ang magkapatid. Kasabay ng pagtahimik ng mga tao roong ipinapakita lang sa pamamagitan ng hologram, sabay-sabay na napatingin ang mga ito sa magkapatid.Makikita sa paraan ng tingin na ginagawa ng mga ito ang pagkakaiba-iba ng iniisip ng mga ito ngayon."I thought they were abducted?" biglang wika ng isa sa mga ito. Roy Wilbur ang pangalan nito.Walang imik na napalingon dito ang ibang konsehal, dahilan para mamayani ang saglit na awkward na katahimikan."What?" taas balikat na tanong nito, tila nagmamaang-maangan pa sa halata namang dahilan kung bakit nila ito pinagtitinginan."Mr. Wilbur, si Mr. Chairman na mismo ang kumumpirma na totoong dinukot nga sila." wika ng isang ginang, mahahalata ang pagkadismaya sa tono ng boses nito.Evelyn Roosevelt naman ang pangalan nito. Ang bukod tanging babae sa organisasyon.Iginala nito ang paningin nito sa ibang miyembro na para bang iniisa-isang tingnan ang mga ito.
Pagkarating sa Green Palace, sinalubong sila ng mga security personnel. Partikular na ginabayan ng mga ito ang magkapatid.Nandoon din si Duncan, magkasalikop ang mga kamay sa likod na naghinhintay. Mahahalata sa kulubot ng mukha nito ang pagod na itinatago lang nito sa bahagyang pagngiti habang nakasunod ang tingin sa magkapatid. Pero agad na naglaho iyon nang dumako ang tingin nito kay Luke na kakababa lang ng sasakyan.Kasama sina Leon ay lumapit si Luke rito at magalang na binati ito. Hindi agad ito umimik. Base sa ekspresyon ng mukha nito ay hindi ito masayang makita si Luke roon.Batid din naman ni Luke ang dahilan niyon."Pasensya na po 'lo kung... nanghimasok man ako. Pero hindi ako pwedeng basta nalang maupo." paliwanag niya, pero tinugon lang iyon ni Duncan ng pagsalubong ng kilay.Noong huli nilang pag-uusap, pagkatapos mismo ng araw ng hukom, hinabilinan na siya ni Duncan na huwag nang makisali pa sa labang ito ng kanilang pamilya. Masama ang loob nito sa naging desisyon n
Matapos na maisalba ang magkapatid na Doe, inihatid ito nina Leon sa Green Palace kung saan naghihintay ngayon sina Duncan at buong miyembro ng DCIG. Hindi naging madali ang operasyon, pero salamat kay Luke. Kung hindi dahil sa kakayahan niyang hindi saklaw kahit na mismo ng kalawakan ay hindi magiging madulas ang lahat."Excuse me? Hindi mo ba alam kung gaano ako nagtiis sa amoy ng lalaking iyon?" Mataray na sambit ni Joanna kay Warren.Nasa loob ang mga ito ng sasakyan at nagbabangayan na naman.Binalingan ni Joanna ng masamang tingin si Dylan. "Ni wala ka man lang sinabi na ubod pala ng pangit ang Jovert na 'yon. Hmph!" inis na sambit nito."Aba'y malay ko ba? Nakasuot sila ng bonet eh." natatawang pagrarason ni Dylan. "Saka kahit nakita ko man ay hindi ko pa rin sasabihin sa'yo ang tungkol do'n." pang-aasar nito. Parehas na tumawa ito at si Warren saka nag-apir pa ang mga ito."It was Mr. Cruise who did all the part so stop spouting nonsense," wika ni Warren sa mapang-uyam na tono
Paglabas ng pinto ng magkapatid ay nadatnan nilang wala na roon sina Leon. Talagang iniwanan sila ng mga ito?"Where did they go?" kinakabahang tanong ni Ashley."Let's hurry up," saad lamang ni James. Paniguradong hindi na talaga sila bubuhayin ng mga kidnapper sakaling maabutan sila ng mga ito.Tinakbo nila ang kahabaan ng pasilyo. Pero bago pa man nila marating ang pinto ay bumukas na iyon at pumasok roon ang mga armadong kalalakihan. "Ayon sila!"Walang pagdadalawang isip na pinaulanan sila ng mga ito ng bala ng baril. Mabilis na nagkubli ang magkapatid sa malaking haligi sa kanilang gilid.Nang makitang lumabas naman ng pinto ng fire exit ang mga kalalakihang humahabol sa kanila kanina ay parehas na nanlaki ang mata nila at lumipat sa kalapit na haligi, kung saan iyon na ang pinakakagilid ng pasilyo.Wala na silang ibang mapupuntahan.Parehas na napayuko ang magkapatid nang paputukan sila ng mga ito ng baril. Nagkabitak-bitak ang haligi.Napatakip nalang sa magkabilang tainga si
"May nakakatawa ba sa sinabi namin?" may pagkadiskumpyado sa tonong tanong ng lalaking nagngangalang James habang nakataas ang isang kilay.Nginitian ito ni Luke sa pamamagitan ng kanyang mata. "Mukhang kayo ang hindi nakakaunawa ng nangyayari sa inyo ngayon. Sarili n'yong niluto pero hindi n'yo alam kung ano ang mga sangkap at kung anong mga rekado."Ipinagsalikop niya ang kanyang mga kamay sa kanyang likod saka marahang lumapit sa magkapatid. Bahagyang nakaramdam ng pagkailang ang mga ito sa paraan ng ginagawa niyang pagtitig kaya nag-iwas ang mga ito ng tingin."Gustong-gusto kong ipaunawa sa inyo kung bakit may kinalaman dito si Jason Zheng, pero may kailangan akong unahin kaysa pagpapaliwanag sa inyo," kampanteng wika niya, ang tinutukoy niya ay ang mga papalapit na kalalakihan. Hinarap niya si Leon. "Sundan n'yo lang ako." utos niya rito."On it, Mr. Cruise.""W-wait, what are you going to do? Napakarami nila." May pag-alala sa boses na wika ni James. "Fighting them head-on will
Sa security room ng gusali, nagkukumpulan sa isang monitor ang tatlong nagbabantay roon kung saan ang kaganapan ay ang nangyayari ngayon sa tapat ng gate. Hindi nila napansin ang pagbabago ng anggulo ng CCTV sa pasilyo kung nasaan ngayon sina Luke.Matapos sungkitin ni Warren ang CCTV at baguhin ang pagkakatutok niyon ay hinudyatan nito sina Luke sa pamamagitan ng pag-thumbs-up.Dali-dali nilang tinahak ang pasilyo at nagtungo ng fire exit. Kahit na nagmamadali ay napaka-ingat ng ginagawa nilang paghakbang sa hagdan.Bumagal ng paghakbang si Luke nang marinig niya ang bulungan sa ilalim ng hagdan. Sa kanyang hudyat ay nagsihinto sila sa paghakbang. "May tao." wika niya.Kumunot pare-parehas ang noo nina Leon sabay dungaw sa ibaba ng hagdan. Wala naman silang makita at wala rin silang naririnig. Gayunpaman ay sinundan pa rin nila si Luke nang umuna na itong pumasok sa pintong dinaanan nila upang magtago roon saglit. Isa iyong maliit na storage room kaya nagsiksikan sila sa loob.Maya-m
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments