Kumakain kami ngayon ng tanghalian at tahimik lang ako. Randam ko ang tensyon sa hapag dahil sa palaging sumusulyap ang aking mama sa akin. Ang aking ama naman ay animo wala itong pakialam sa kanila dahil tahimik lang din itong kumakain.
Nang hindi na makapagpigil ang aking ina ay ibinaba na nito ang kutsara at tumingin sa akin. Kita ang disappointment sa mata nito kaya naman nagyuko na lang ako ng aking ulo. Ayaw kong salubungin ang mata niya dahil mas lalo lamang akong makakaramdam ng sakit at hinagpis. Dahil sa mata niya ay wala akong makitang pagmamahal doon."Ano na naman ba ang ginawa mo at sinabi ng kasambahay natin na nagbasag ka ng salamin? If you're trying to seek attention then go to the plaza and play dead. Araw-araw mo na kaming binibigyan mg kunsumisyon!" galit na sita niya sa'kin. Mariing kinagat ko ang aking mga labi para pigilan ang mapaiyak. Dapat ay immune na ako sa mga lumalabas sa bibig niya pero nasasaktan pa rin ako sa tuwing inuulit niya iyon.Hindi rin ako sumagot at nagpaliwanag sa kaniya. Ilang beses ko nang sinubukan noon na ipaliwanag pero hindi ito nakikinig. Sinabi pa nito na mas importante ang business meeting nito kaysa ang makinig daw sa mga walang katuturan na bagay na lalabas sa bibig ko. Simula 'nun ay hindi ko na muli pang sinubukan na magsabi ng problema ko sa kanila. Wala rin naman silang pakialam kung nasasaktan man ako, nalulungkot o kaya ay nagkakasakit."Kumain na muna tayo at mamaya mo na sermonan ang anak mo," singit ng aking ama. At mas lalo akong nasaktan dahil sa malamig na tono ni Papa. Kahit na sigaw-sigawan ako ni Mama ay hindi man lang ito nagre-react at tahimik lang."Hindi puwede! Mamaya ay magkukulong na naman iyan sa kuwarto niya," giit ni Mama pagkatapos ay muling binalingan ako. "Pagkatapos ng exam ninyo ay sasabihan ko si Yaya Tacing na magbakasyon kayo sa probinsya ng Lolo mo. Baka 'pag pumunta ka roon ay ma-relax ang utak mo at hindi kung anu-ano ang naiisip mong gawin," she said in displeasure. "Bakit kasi hindi mo tularan ang ibang mga bata riyan na matured na mag-isip at hindi iyong gumagawa ka ng mga kalokohan."Humigpit ang pagkakahawak ko sa kutsara. Hindi nsman kalokohan ang mga ginagawa ko. Hindi rin ako nagsisinungaling dahil totoo lahat ng mga nararanasan ko. Sino ba ang taong gusto ang nangyayari ng tulad sa akin?"Naiintindihan mo ba ako, Cecily?" Nang hindi ako sumagot ay naiinis nang sita sa'kin ni Mama."O-Opo, Mama," mahinang tugon ko at itinago ang lungkot na nakaukit sa aking mga mata.Alam ko ang probinsya ng Lolo ko na sinasabi ni Mama dahil minsan na rin akong pumasyal doon noong nabubuhay pa si Lolo. Pero bata pa lamang ako noon at nasa edad na sampu. Pero natatandaan ko pa rin na maraming mayayabong na puno ng mga prutas na gustong-gusto kong akyatin noon. May mga tanim pa si Lolo roon na kapag hindi nila nakikita ay pinipitas ko at niluluto 'pag naglalaro ako ng bahay-bahayan. Wala ring kapitbahay si Lolo dahil halos ilang metro ang layo ng mga bahay doon.'Mabuti pa nga na pumasyal muna ako roon,' aniya ng maliit na tinig sa ulo ko."Pinasasakit mo lang lalo ang ulo ko," sambit ni Mama bago tinapos ang kinakain at narinig ko ang papalayong boses nito na tinatawag si Nana Tacing para siguro sabihin ang pagpunta namin sa probinsya.Tinapos din ni Papa ang kinakain nito at iniwan akong mag-isa rito sa komedor.Nang pumasok si Nana ilang minuto ang nakakalipas ay hindi pa ako tapos kumain. I was fiddling my fingers while thinking deeply. Bakit ba nakapalayo ng magulang ko sa akin? Hindi ko maintindihan kung bakit ganito ang trato nila sa'kin. Feeling ko ay hindi nila ako tunay na anak."Anak, tapusin mo na iyang kinakain mo," masuyong sabi ni Nana.May lambong ang mukhang ngumiti ako sa kaniya. Lumapit siya sa akin at hinagod ang aking likod."May kinalaman ba ang bangungot mo sa salamin?" maingat na usisa niya sa'kin."Opo, Nana," hindi ako nag-aangat ng mukha na tugon ko sa kan'yang tanong. "May kamay na biglang lumabas sa salamin at hinihila ako papasok sa loob. Takot na takot talaga ako, Nana." Nabasag ang aking boses at muling may nalaglag na luha sa aking mga mata.Bumuntong hininga si Nana at naupo sa bakanteng silya sa tabi ko. Sinuklay niya ang magulo kong buhok gamit ang daliri nito."Alam mo ba na noon ay ginagamit nila ang salamin sa isang ritwal para makita ang kanilang soulmate? Noon ay may sumubok gawin iyon pero sa huli ay isang demonyo ang lumabas sa salamin. Anak, hindi mo ba minsan sinubukan na gawin iyon. Naalala ko na may pinanood kang documentary tungkol sa ritwal?" tanong niya.Matigas akong umiling at sumagot, "nanonood ako ng ganun, Nana, pero hindi ako naniniwala sa ganung bagay. Kaya hindi ko minsan naisip na gayahin 'yon."Naramdaman ko ang matiim niyang titig sa'kin kaya sinalubong ko ang mata niya. I resolutely said, "promise, Nana, hindi ko ginawa ang sinasabi mo. Fifteen ako noong napanood ko 'yon. At pagkatapos kong magkaroon ng bangungot ay hindi na muli ako nanonood ng ganung klaseng documentary."Naniwala naman ito sa sinabi ko kaya niyakap niya ako. "Huwag kang mag-aalala, anak, titigilan ka rin ng bangungot mong 'yan at makakapamuhay ka ng tahimik.""Sana nga po," mahinang turan ko at pumikit. Fresh pa rin sa utak ko ang nakita ko sa salamin kaya bahagyang nanginginig pa rin ako. Natatakot na rin akong matulog mamayang gabi. Ayaw kong dalawin na naman ako ng mysteryosong lalaki at pipiliting samahan siya."Manalig ka sa diyos, hija, hindi ka niya pababayaan. Ang kahit anong klaseng bangungot ay mawawala kapag humingi ka ng tulong sa kaniya," wika ni Nana.Malalim ang pananalig ko sa diyos noon pa. At araw-araw akong nananalangin na sana ay tulungan niya ako. Nagsisimba rin ako tuwing linggo. Pero minsan ay nawawalan ako ng faith dahil patuloy pa rin akong dinadalaw ng aking bangungot.We had a solemn expression on our face as we stood in front of our grandparents' tombstone. Magkatabi nga talaga ang dalawang libingan at may litratong nakalagay sa lapida nila. Sa paglipas ng panahon ay luma na ang mga larawan pero mabibistahan pa rin ang wangis nila. Saka ko natanto na halos magkamukha sina Don Isagani at Leonides. Mas mestiso lamang ang Don at mas obvious ang pagiging lahing kastila nito.Kami lamang na dalawa ni Leonides ang pumarito. At tahimik na nagsindi ng kandila. Habang nakatitig ako sa libingan ni Lola Amalia ay naalala ko ang sinabi ni Papa.'Ang ritwal na ginawa ni Tita Amalia ay sagrado at bawal. She used her blood and soul so she can't redeem herself. Her soul scattered and she has no chance to be born again. I feel pity for her. Kung sana ay kinompronta at kinausap niya si Don Isagani at ang kaibigan niyang si Senya, siguro ay hindi siya nabalot ng matinding pagkapoot. Hindi sana umabot iyon sa ganito. Huwag mong tularan ang mali na nagawa niya, Cecily
Pagsapit ng sabado ay sumama ang magulang ko at si Nana pabalik sa probinsya. Ayon kay Papa, pagkalipas ng maraming taon ay magagawa na rin daw niyang bumalik sa lugar kung saan siya isinilang. Nang pumanaw kasi si Lolo noon ay bumalik agad kami pagkatapos ng burol. Iyon pala ay may tinatakbuhan si Papa. Pero ngayon na tapos na ang sumpa ay nawala na raw ang malaking bato na nakadagan sa dibdib niya ng maraming taon.Sa mansyon ng Nuevas kami dumeretso at hindi sa bahay ni Lolo. Naghihintay na ang pamilya ni Leonides sa harap ng mansyon nang makarating kami roon. Kinakain ako ng hiya nang mamataan ko sila pagpasok ng sasakyan sa bakuran. Ni hindi ko namalayan na kinukurot ko na pala ang binti ni Leonides. Hindi naman siya nagrereklamo pero hinuli niya ang kamay ko at marahang pinisil.Bakas sa mukha ko ang kaba nang tumingin ako sa kaniya kaya ngumiti siya at masuyong hinaplos ang pisngi ko."Are you nervous?"Tumango ako at sumilip sa bintana. "I'm afraid they won't like me and will
Si Nana na galing sa kusina ay narinig ang lahat ng kuwento ni Leonides kaya nang lumapit siya sa amin ay panay ang paglaglag ng luha sa kaniyang mata. Kaya naman muli siyang niyakap ng huli at sinabing okay na ang lahat. Na bumalik na siya at hindi na biglang maglalaho muli. Hindi ko na ring napigilan ang aking sarili at yumakap sa kanila.Ang sabi ni Leonides ay nagpaalam ito sa pamilya na hahanapin niya ako rito kaya sa isang hotel muna ito nakatira. Pero nang marinig ko iyon ay agad na nagpahatid kami sa driver sa hotel para mag-check out at kunin ang mga gamit niya at dito na lang siya rito sa bahay. Nakiusap ako na hanggang sa sabado muna siya rito bago ko siya sasamahan na umuwi sa probinsya at makilala ko na rin ang kaniyang pamilya.Naikuwento na rin daw niya ang mga nangyari sa kaniya sa nakalipas na taon at binanggit niya ako sa kanila. They want to meet me at magpasalamat na rin daw na napalaya ko siya.Pagkatapos naming makuha ang bagahe niya ay bumalik kami sa bahay. Naa
Ang mga naipon na lungkot at pagka-miss ko sa binata ay sabay na bumuhos at inignora ko ang mga tao sa paligid namin. Ni hindi ko tinawag ang pangalan niya at tumakbo ako sabay patalon na sumakay sa kaniyang likod. Nagulat man si Leonides ay napahawak naman sa aking binti at maingat na inalalayan ako upang bumaba sa kaniyang likod.Dahan-dahan siyang humarap at nang magtama ang mata namin ay umiiyak na tumawa ako sabay yakap ng mahigpit sa kaniya. Parang lumiwanag ang buong paligid ko na isang buwan na walang kalatoy-latoy. Bawat himaymay ng aking katawan ay nagsusumigaw ng kaligayahan ngayong muli kong nasilayan ang mukha niya. Hindi ko man maipaliwanag kung bakit bigla siyang sumulpot dito ay gusto ko pa ring magdiwang.May mga bulungan akong narinig kaya agad akong humiwalay sa kaniya at hinila siya paalis. Pumara ako ng taxi at sumakay kami. Ni hindi ko pinansin ang natatarantang tawag ni Tyra sa akin.Nang tumatakbo na ang sinakyan namin ay halo-halong emosyon ang nararamdaman ko
Kulang ang salitang sakit upang ilarawan ang nararamdaman ko habang nakatingin ako sa basag na salamin. Nanginginig ang buong katawan ko at gulong-gulo ang utak ko. Gusto kong magsisigaw at magwala pero parang may bikig sa aking lalamunan at walang tinig na lumalabas. Animo tumigil na sa pag-inog ang mundo ko.Akala ko ay may kaunting oras pa kami na magkasama pero hindi ko inaasahan na agad na mapuputol ang sumpa 'pag binigay ko na ang sarili ko sa kaniya.I feel so weak and empty. And my heart was numb. Everything was like a dream just like in the past. Ngunit alam ko na lahat ng 'to ay reyalidad at hindi bangungot lang. Ang kinakatakot ko na mawala si Leonides ay nangyari na.Lumuhod ako at hindi alintana kung matusok man ako sa maliliit na basag ng salamin. Unti-unting nagkakaroon ng ingay ang aking pag-iyak hanggang sa humahagulgol na ako. Kipkip ko ang aking dibdib na paulit-ulit na tinatawag ang pangalan ng binata. At mas lalo lang nanikip ang puso ko ng wala akong narinig na t
Napamulagat ako at biglang uminit ang aking pisngi. Lahat ng eksenang nangyari sa amin sa salamin ay nag-play sa utak ko at parang gusto kong matunaw sa hiya. Napasulyap pa ako kay Leonides na nasa salamin at nakamasid sa nangyayari rito.Nagkatinginan kaming dalawa at parang nagkahiyaan kami na mabilis ding nagbawi.Napatingin muli ako kay Darlin na hinaharangan si Amalia sa tuwing gusto niya akong sugurin. Para silang nagpapatentiro na dalawa."Gusto ko na ring magpahinga at makalaya sa sumpang 'to kaya gusto kitang tulungan, Cecily. Ilang taon na akong nagdurusa at pagod na akong makipaghabulan at makipagtaguan kay Amalia. Tutulungan kitang makapasok muli sa salamin —""P-Pero may nangyari na sa aming dalawa!" bulalas ko."Iyon ba ang aktwal mong katawan? Hindi ba at kaluluwa ka lamang nang makulong ka rin sa loob? Kaya ang naging kinalabasan ay nabuhay ang paboritong bulaklak ni Amalia na rosas at nagkaroon din ng buhay ang mundo sa salamin pero hindi naputol ang sumpa," paliwanag