Seraphina's life as a nun is upended when she confronts a dark past and powerful forces. Navigating a world of temptation and conflict, she must uncover hidden truths and face daunting challenges.
View MoreThis is book 1 of Temptations trilogy
Book 1: Sacred Temptation ............... Completed Book 2: Echoes of Temptation ............Ongoing Book 3: Eternal Temptation ..............Upcoming All characters, events, and occurrences portrayed in this story, are fictitious. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental. This story, contains mature themes, including explicit sexual content and/or violence. Reader discretion is advised. The content is intended for mature audiences and is purely fictional. The depiction of these themes is not meant to endorse or promote such behavior. This story is a work of pure fiction and is intended solely for entertainment. It does not aim to disrespect or harm any religion or belief system. The characters, events, and themes are entirely imaginary and should be viewed as such. Thank you for understanding. ******** The photos being used in this story are from various sources. Credits to the respective owner. Hope you support me. Votes and Comments are very much appreciated!! An Empyreal Soul... 1 in a billion people in the world possesses this unique and powerful soul. While the physical body may not have any special advantages, the Empyreal soul is immensely valuable to demons who seek to consume it. The individual with an Empyreal soul is relatively safe as long as they are not marked by a demon. The mark, however, makes the Empyreal soul detectable by demons who are drawn to it. Although the mark protects the individual by keeping them safe from energy depletion, it also attracts demons who will relentlessly pursue them. If you are one of these rare individuals with an Empyreal soul, how will you survive? Year 1977 Nasa loob kami ng isa sa pinakalumang simbahan dito sa gitnang bahagi ng bayan namin. Biyernes santo na naman at naghahari na naman ang mga diyablo dito sa bayan namin. Kakapasok ko pa lang bilang isang madre at ito na kaagad ang kinakaharap ko. "Anak!"pagsusumigaw ng ale habang pinipigilan ang nagpupumiglas niyang anak na sinasapian ng masamang espirito. "Ama namin na nasa langit, Sambahin ang ngalan mo. Mapasaamin ang kaharian mo. Sundin ang loob mo dito sa lupa para nang sa langit. Ibigay mo sa amin ngayon ang aming kakanin sa araw-araw. At patawarin mo kami sa aming mga sala," Paulit-ulit akong nagdasal habang nakaluhod sa harap ng lalaking sinasapian. Ramdam ko ang malamig na hangin na humahampas sa mukha ko habang ang mga mata ko'y nakapikit. Iminulat ko ang mga mata ko at nakita ang mga kandilang tanging nagbibigay ng liwanag sa buong simbahan ay isa-isang namamatay dahil sa pagdaan ng malakas na hangin. Nakasara ang malalaking pintuan ng simbahan at salamin ang mga bintana dito kaya kahinahinala kung paano nakapasok ang malakas na hangin sa loob. "Father Joseph!" sambit ng isang madre nang dumating ang pari. "Tulongan niyo po ang anak ko. Parang awa niyo na po father!" pagmamakaawa ng nanay ng nasapiang binata. Maraming pari dito sa bayan namin ngunit si Father Joseph lang ang pinakamagaling sa lahat sa pagpapaalis ng mga masasamang espirito. Agad na nilapitan ni Father Joseph ang binata na ngayo'y parang halimaw kung gumalaw. Nag iba ang kaniyang mukha, na parang naging demonyo na ito. "Sindihan niyo ulit ang mga kandila at maglagay ng insenso sa paligid" wika ni Father Joseph habang binubuklat ang librong hawak niya. Ang mga mata niya ay nakafocus sa maliit na libro habang tinitignan ang bawat pahina nito. Hindi nagtagal ay lumiwanag muli ang paligid dahil sa mga kandila at dahil sa dagdag na liwanag na dala ng sinag ng buwan na pumasok mula sa bintana ng simbahan. Ang malakas na amoy naman ng insenso ay agad na bumalot sa buong paligid habang ginagawa ang ritwal. "At huwag mo kaming ipahintulot sa tukso, Kundi iligtas mo kami sa masama." patuloy kong pagdarasal. "In nomine Patris, et Filii, et Spiritus Sancti. Amen." pagsisimula ni Father Joseph. "Sancte Michael Archangele, defende nos in proelio, contra nequitiam et insidias diaboli esto praesidium." dagdag niya. Bawat bigkas niya ng mga salitang iyon ay parang umaabot ito sa aking kaluluwa. Muling lumakas ang hangin dahilan upang mapatigil ako sa aking pagdasal at mapatingin sa binata na ngayo'y pinupunit ang kaniyang damit dahilan upang mawalan ito ng damit pang itaas at masugatan ang kaniyang maskulusong katawan dahil sa kaniyang kuko. "Pinapalayas kita maruming espirito! bumalik ka sa pinanggalingan mo. Sa ngalan ng diyos! Sa diyos na buhay, sa diyos na totoo, sa diyos na banal," sambit ng pari na tinawanan lang ng binata. "Hindi mo 'ko kaya!" Wika ng binata na parang may dalawang boses na kakaiba at nakakatakot. "O Masamang espirito na ngayo'y nasa katawan ng anak ng diyos. Sa ngalan ng ating panginoong diyos, sabihin mo sa akin kung ano ang iyong pangalan," wikang muli ni Father Joseph na tinawanan lang ng lalaki. "Ama namin na nasa langit, Sambahin ang ngalan Mo. Mapasaamin ang kaharian-" napatigil ako sa pagdadasal nang tinignan ako ng nanlilisik na mga mata ng lalaking sinasaniban ng masamang espirito. Ngumiti siya at sinubukan akong lapitan ngunit pinigilan siya ng ibang madre at ng kaniyang nanay. "Isang birhen na may katangitanging kagandahan"sambit ng lalaki na may humahalong nakakatindig balahibong boses na sumasabay sa kaniyang natural na boses. "Calista," sambit ni Father sa pangalan ko. "Huwag kang tumingin sakaniya" dugtong ni father Joseph. Hindi ko alam pero hindi ko mapigilang mapatingin sa mga mata niya. "Calista!" sigaw ni Father Joseph upang tigilan ako. Dahil sa mabilis na galaw at kakaibang lakas ng lalaki ay nabitawan siya ng mga nakahawak sakaniya tsaka tumalon papunta sa direksiyon ko na parang isang hayop sa isang gubat. "F-Father" Nanginginig kong sabi habang nilalapitan ako ng lalaki. Gumagapang patungo sa akin. Dahil sa takot ay umupo ako at dahan-dahang umatras palayo sa naglalaway na lalaki. "Gusto kong galugarin ang katawan mo" wika ng lalaki nang tuloyan na siyang makalapit sa akin. Iginala niya ang kaniyang daliri mula sa binti ko papunta sa ilalim ng itim kong palda. "Layuan mo 'ko" wika ko na nanginginig ang boses sa takot habang ang mga gilid ng mga mata ko ay may lumalabas na mainit na likido. "Ano ba ang gusto mo? Itong daliri ko o itong dila ko?" tanong niya na may halong pang-aakit sa boses. "Hindi ka lang isang masamang espirito," sambit ng pari na parang may napagtanto sa sitwasyong ito. Ngumisi ang lalaki habang nakatingin sa akin tsaka lumingon kay Father Joseph. "Isa kang demonyo. Ikaw ang demonyo na si Asmodeus, ang demonyo ng pagnanasa." wika ni Father Joseph. "Napakatalino mo naman, Father Joseph,"nakangising sabi ng lalaki kay Father Joseph. "pero huli ka na padre" dagdag niya tsaka hinalikan ako dahilan ng paglaki ng mga mata ko. Mabaho at hindi ko mapaliwanag ang lasa ng kaniyang bibig. Nagkuro-kuro ang mga kilay ko tsaka itinulak ang lalaki palayo sa'kin. "Ite, maledicti, in ignem aeternum, ubi non est pax, ubi non est requies, ubi non est amor," sambit ng pari habang sinasabuyan ng banal na tubig ang lalaki na ngayo'y nangangapa sa kaniyang katawan sa nararamdaman niyang sakit. "Hindi ka tatagal dito, Asmodeus! Sa kapangyarihan ng Diyos, binibigyan kita ng huling babala: umalis ka!" dagdag niya. "Hindi!" pagsusumigaw ng lalaki. "O Asmodeus, spiritus immunde, in nomine Domini nostri Iesu Christi, ego te exorcizo ut exias ab hoc servo Dei! In nomine Patris, et Filii, et Spiritus Sancti. Amen." Huminahon at biglang nawalan ng malay ang lalaki tsaka bumagsak sa malamig na sahig. Mabilis na lumapit sakaniya ang kaniyang ina na puno ng pag-aalala. "Anak! Father, anong nangyari?" nag-aalalang tanong ng nanay nito. "Tapos na, wala na ang sumaping demonyo sakaniya," Napabuntong hininga kami nang matapos na ang lahat ng kagulohan sa loob ng lumang simbahan na ito tsaka tumayo at napatingin sa malaking bintana na gawa sa salamin dahilan upang masilayan ko ang malaking bilog at maliwanag na buwan sa kalangitan. Napahawak ako sa aking noo at nagsalubong ang dalawa kong kilay nang makita ang buwan na nahahati at unti-unting nagiging dalawa. Ang paningin ko ay naging malabo at ang mga boses ng mga tao sa paligid ko ay humina na parang nasa ilalim ako ng tubig. Hanggang sa nawalan ng lakas ang aking mga tuhod dahilan upang ako'y mawalan ng balanse at matumba. "Calista!" paulit-ulit na sambit ng mga madre sa paligid ko habang ang mga talukap ng mata ko ay dahan-dahan na sumasara hanggang sa tuloyan na akong nawalan ng malay.Seraphina's POVKung hindi dahil kay Michael, hinding-hindi namin matatalo si Draegan. Buti nalang at nakaisip siya ng paraan upang linlangin si Draegan."He's still here, I can feel him," wika ni Astaroth habang tinitignan ang paligid namin. "Draegan is somewhere close. We need to draw him out, but we have to be careful. His power to manipulate emotions and create illusions can easily trap us." dagdag niya."May naiisip akong paraan," wika ni Michael na ikinagulat ko. Wala namang salita na lumalabas sa kanyang bibig pero malakas at malinaw ang narinig ko. Kaya sigurado akong boses niya 'yon."Seraphina, makinig ka ng mabuti. Wag kang magsalita, wag mo kong sagutin. Alam kong naririnig mo 'ko ngayon. Gagawa ako ng kwentas na kahawig sa kwentas na pagmamay-ari ni Draegan at ilalagay ko ito sa bulsa mo. Magpanggap ka na yan ang totoong kwentas, kung saan naipasa ang iyong kapangyarihan.""Nakakainip na!" wika ko pagkatapos kong bumuntong hininga. "Tumigil na kayo," sambit ko sabay kuha
Seraphina's POVHabang patuloy na naglalabasan ang mga itim na usok mula sa lagusan, ako naman ay napaupo na lamang sa lupa at hindi pa rin makapaniwala sa nangyari sa akin. Paano? Anong nangyayari?"Seraphina!" sigaw ni Michael, ang boses niya ay puno ng pangamba. "Kailangan mong lakasan ang iyong loob!""Hindi!" wika ko habang tinitignan pa rin ang aking mga kulubot na kamay."Seraphina, makinig ka sa akin. Ikaw lang ang may kakayahang isarang muli ang lagusan. Kaya tumayo ka dyan!" singhal ni Michael."Wala na kong kapangyarihan kinuha na ni Draegan. Wala na akong kakayahan na isara ang lagusan na yan," sagot ko habang nagugulohan pa rin sa nangyari sa akin."Teka nga! You already replaced Seraphina as the Angel of Vengeance, right? So, bakit kailangan niyo pang pilitin si Seraphina dito?" tanong ni Astaroth na halatang nalilito sa kinikilos at nais ng anghel na si Michael."Anong gusto mo? Dalhin ko dito ang anghel na 'yon? Kailangan naming magpaalam sa diyos upang maisama namin a
Seraphina's POV"Pakawalan mo na ako," usal ko na halos ako nalang ang nakakarinig sa sobrang hina ng boses ko dulot ng panghihina.Napapikit ako habang nararamdaman ko ang dahan-dahang pagkawala ng init sa aking katawan. Hindi ko na mabuksan nang buo ang aking mga mata, at lalo pang dumadagdag ang bigat sa aking mga braso at binti."Sa wakas!" Halos humiyaw si Draegan sa tuwa, na tila nakakakita ng isang napakagandang premyo sa harap niya. Ang kanyang mga mata ay kumikislap habang nakatingin sa akin, at ang mga ngiti sa kanyang labi ay halos umaabot sa kanyang tainga.Ramdam ko ang panginginig ng aking mga tuhod, ngunit pilit kong pinanatili ang sarili kong nakatayo. Hindi ko gustong magpakita ng kahinaan, kahit na alam kong halos wala na akong natitirang lakas. Gusto ko nang mahulog, gusto ko nang mahiga at magpahinga, ngunit ang kadena na nakatali sa aking katawan ang pumipilit sa akin na manatiling nakatayo."Napakahina mo na ngayon, Seraphina," bulong ni Draegan habang papalapit
Seraphina's POVNang magising ako, nadama ko kaagad malamig na metal na nakadikit sa aking balat. Muli kong ipinikit ang aking mga mata nang hindi ko masyadong maaninag ang aking paligid dulot nga ng bagong gising pa lang ako. Nang muli ko itong idinilat ay mas malinaw na ang paligid ko dahilan upang makita ko ang mga apat na malalaking bato sa paligid ko.Napakunot ang aking noo nang mapansin ang gintong kadena na nakatali sa aking katawan. Napakabigat at nakakabahalang tingnan ito, lalo na nang marinig ko ang tunog ng bakal habang sinusubukan kong kumilos."Nasaan ako?" bulong ko sa aking sarili, sinusubukang kilatisin ang aking paligid.Muli kong iginala ang aking paningin upang tignan ng mas malawak ang aking paligid dahilan upang makita ko ang gubat sa likod ng malalaking bato na nakapalibot sa akin."Anong ginagawa ko dito?" tanong ko, na puno ng pagkalito at takot. Sinubukan kong gumalaw, ngunit ang mga kadena ay masyadong mahigpit."Gising ka na pala, Seraphina. Kamusta naman
Seraphina's POV Nangangapa pa ako sa sakit habang pilit na bumabangon mula sa pagkakahiga sa malamig na lupa. Tumutulo ang dugo mula sa aking labi, at pakiramdam ko'y halos mabali ang aking mga buto dahil sa tindi ng impact.Tinitigan ko ang lalaking nag-aabot ng kamay. Maliwanag ang sikat ng buwan, ngunit nakakapagtaka na hindi ko maaninag ang kanyang mukha, na tila natatakpan ng anino."Hindi ako sasama sa 'yo!" Pilit kong inalis ang tingin sa kanya, tinatanggihan ang alok, kahit alam kong wala akong laban kay Asmodeus nang mag-isa."Seraphina!" sigaw ni Astaroth nang makita niya ako.Napalingon ako agad sa kanya. Nakita ko siyang mabilis na lumabas mula sa loob ng mansyon, kitang-kita ang gulat sa kanyang mga mata habang nakatingin sa direksyon ko."Watch out!" muling sigaw ni Astaroth, nakatingin sa misteryosong lalaki, na ngayo'y may hawak nang itak at bahagya na itong itinaas, handang salakayin ako.Mabilis kong itinaas ang aking kanang kamay upang subukang pigilan siya gamit a
Seraphina's POV"What the hell?!" singhal ni Astaroth, halos sumabog sa galit. "Ganun na lang 'yon?" tanong niya, halatang hindi makapaniwala sa sinabi ko.Pinagmasdan ko siya, tahimik ngunit may halong pagka-irita. Hindi na ako katulad ng dati, at hindi ko na kailangan ang kahit sino para diktahan ako. Asmodeus? Para saan pa?"Bakit naman ako magsasayang ng lakas para palayain si Asmodeus doon?" malamig kong tanong habang umupo ako sa swivel chair sa opisina ni Asmodeus, ang upuan kung saan siya palaging nakaupo. Pero ngayon, ako na ang nakaupo dito. Bahagya akong napangiti, isang ngiting puno ng kumpiyansa at kayabangan. Tumagilid ako, at pinagkrus ang mga braso, tsaka tiningnan siya nang matalim."Hindi ko na siya kailangan. Kung gusto mo siyang palayain, gawin mo 'yan ng mag-isa," dagdag ko pa."You know, only Asmodeus can help you. You can't control your power on your own!" wika niya, pilit sinusubukan akong kumbinsihin, pero halata sa tono ng boses niya ang takot. Alam niyang
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments