Home / Paranormal / Ang Lalaki Sa Salamin / Kabanata 5. Cecily's POV

Share

Kabanata 5. Cecily's POV

Author: Ced Emil
last update Huling Na-update: 2023-08-08 21:57:14

Fresh na fresh ang pakiramdam ko dahil naging mahimbing ang tulog ko. Gusto kong magpasalamat na naisipan ng aking Mama na magbakasyon ako rito. Wala pa akong isang araw dito ay relaxed agad ang utak at katawan ko. Ang dark circles sa ilalim ng mata ko na itinatago ko sa pamamagitan ng concealer ay wala na. Kumikislap din ang aking mata na hindi katulad noong palagi akong binabangungot na nangangalumata at walang kabuhay-buhay. Palagi pa akong inaantok pero dahil natatakot ako na matulog ay pilit kong dinidilat ang aking mata. Ngunit sa tuwina ay hinihila pa rin ako sa kadiliman ng aking panaginip.

Pero ngayon ay hindi ako natakot matulog dahil ito at hindi ako dinalaw ng panaginip ko. Nagtuloy-tuloy ang tulog ko hanggang umaga at kusa akong nagising sa tilaok ng manok. Pakiramdam ko nga ay wala akong napanaginipan dahil wala akong maalala. Kaya naman humihimig pa ako na bumaba ng hagdan at napapangiti. Maliksing tumalon pa ako mula sa huling baitang ng hagdan. Kung may makakakita lamang sa akin na kakilala at kaklase ko ay baka sabihin nilang nababaliw na ako. Pero wala akong pakialam dahil masaya ako. Baka kung sila rin ang nasa sitwasyon ko ay magtatalin sila sa tuwa. Mas nanaisin ko pa ang tumira na lang dito para 'di na muling bumalik ang panaginip ko na tatlong taong gumulo at nangmulto sa akin.

Sa halip na pumunta ako ng komedor para magkape ay dumeretso ako sa labas. Pero pagtapak ko sa labas ay nanginig ako sa lamig na sumalubong sa akin. Hindi pa kasi sumisikat ang araw. Tapos may nagtataasang puno ng prutas kaya kung uminit man ay baka tanghali na saka sikatan ng araw ang bakuran ng bahay ni Lolo. Hindi pa naman ako nakasuot ng jacket. Agad-agad akong bumalik sa loob ng bahay na nangangaligkig sa lamig at yakap ang aking sarili. Eksakto naman na lumabas si Tiya sa kusina at nagulat ng makita ako.

"Galing ka sa labas?" takang tanong niya sa akin.

"Opo, Tiya, ang lamig pala sa labas," I said while shivering.

Tumawa ito at kinuha ang malaking jacket na naka-hung sa tambuli o sungay ng kalabaw na idinikit sa dingding. Matagal na iyong tambuli noon pang nabubuhay si Lolo. Alagang kalabaw daw niya ang may-ari nun pero nang mamatay ay idinikit nito iyon roon para gawing remembrance. Medyo sentiment si Lolo sabi ni Papa, at mahal na mahal nito ang kalabaw kaya ayaw nitong itapon ang tambuli.

Ibinigay niya sa akin ang jacket para isuot.

"Salamat mo," polite na bigkas ko at isinuot. Halos lamunin na ako ng damit pero hindi ko ito alintana. Pagkatapos ay binuksan ko muli ang pinto at nagpaalam dito. "Maglalakad lang po ako sa labas, Tiya, at mamaya na ako magkakape."

"Sige, hija, mag-ingat ka sa daan," paalala nito. "At huwag kang masyadong lalayo."

"Opo, tiya, uuwi rin po ako agad," pagtango ko.

Binalot ko ang sarili ko sa suot kong malaking jacket na halos umabot sa aking tuhod. Tinitignan ko ang paligid na bawat dinadaanan ko. May isang napakaliit na ligaw na bulaklak ang nakita ko sa gilid ng daan. Pinitas ko iyon at napangiti pa ako sa morning dew sa maliliit na petals ng bulaklak.

"Ang ganda!" bulalas ko at nagpatuloy sa paglalakad. Hindi ko napapansin na napapalayo na ako hanggang sa lumiko ako sa isang mabatong kalsada na halatang hindi na nadadaanan ng mga tao. Matataas na rin ang mga ligaw na damo sa gilid na umaabot hanggang sa baywang ko. Sa una ay hindi ko ito pinansin at nagpalinga-linga pa ako habang namamanghang tinitignan ang mga puno. Pero nasa kalagitnaan na ako ng kalsada nang biglang napahinto ako sa paghakbang at napalingon sa pinangalingan ko. Medyo foggy pa ang daan kaya hindi ko makita ang dulo ng pinangalingan ko. Nagkibit-balikat ako at nagpatuloy sa paglalakad. May nakita muli akong ligaw na rosas na kulay pink kaya tumigil ako at pumitas ng isa.

I hissed when it's thorn prick my finger. May dugo agad na lumabas doon at pumatak iyon sa batong nasa paanan ko. Natulala ako at nag-flash sa balintataw ko ang naging panaginip ko. Katulad na katulad ng pagpatak 'nun sa pawis ko na naging pool ng dugo. Pinagpawisan ako ng malapot at animo naipako ang paa ko at hindi ako makahakbang. Nagsisimula na rin akong maging hysterical at mataranta. Bumibilis na rin ang pagsasal ng aking puso dahil sa takot.

Sa imahinasyon ko ay tumataas na ang dugo sa aking tuhod. Ni hindi ko namalayan na nagsisigaw ako sa takot. Umaalingawngaw sa tahimik na lugar na 'to ang matinis kong pagtili. Namamalisbis na ang luha ko sa mata nang may biglang kumalabit akin.

Sa takot ko ay nahimatay ako at kung hindi maagap ang lalaking lumabas ng kasukalan para mangahoy ay bumulugta na ako sa sahig.

Nang muli akong magmulat ng mata ay nasa ilalim ako ng mayabong na puno at nakahiga. Pagkaalala sa nangyari sa'kin kanina ay nangatog muli ang buo kong katawan. Bumalikwas ako ng bangon pero napadaing ako at ngumiwi nang makaramdam ng kirot sa aking ulo at likod. Siguro ay dahil sa pagkakahiga ko sa matigas na lupa.

"Maayos ba ang iyong pakiramdam, magandang binibini?"

Namutla ako at agad na nagtaas ng ulo nang marinig ang tinig na umagaw sa aking pansin. Ang mas lalo pang nangsindi sa takot ko ay ang pagtawag ng estranghero sa akin. Nakasuot ito ng lumang damit at may hawak pa itong itak. Nakaupo ito may ilang dipa ang layo sa akin at may damo pa sa bibig nito. Nakatitig siya sa akin at kahit halatang mabait ito ay kinain pa rin ako ng takot. Nagsimulang mangatog na naman ang buong kalamnan ko.

"Ako pala si Makisig. Isang tubong taga-rito sa probinsya. Narinig ko ang sigaw mo kaninang papunta ako sa kasukalan para kumuha ng panggatong. Akala ko ay may ligaw na hayop ang umataki sa'yo kaya dali akong tumakbo para sundan ang sigaw mo. Bago ka lang ba rito, binibini?" polite na paliwanag at tanong niya sa'kin.

Nang marinig ko ang tanong niya ay saka nawala ang kaba ko at napatango.

"Apo ako ni Lolo Francois. K-Kahapon lang kami nakarating dito," tugon ko. Nakahinga ako ng malalim na normal na tao ang kaharap ko. Ayaw kong himatayin muli dahil sa takot.

"Ah, iyong may-ari ng bahay na binabantayan ni Tiya Consuelo?" pamilyar na bigkas nito. "Pero anong ginagawa mo rito? Ito ang daan papunta sa mansion ng Nuevas. Gusto mo bang pumasyal sa lumang mansion? Walang nakatira roon labinlimang taon na ang nakakalipas kaya walang mag-eestima sa'yo," mahabang hayag nito.

Umiling ako at malugod na ngumiti rito. "Salamat sa pagtulong mo sa'kin. Hindi rin ako pupunta roon. Naglalakad lang ako at napadpad ako rito."

"Ganun ba? Ihahatid na kita kung babalik ka sa bahay ni Lolo Francois," alok niya kaya tumango ako.

Nauna itong naglakad at sumunod naman ako. Pero hindi ko maiwasang lingunin ang mabatong kalsada. Aminin ko na may kuryusidad na unti-unting lumulukob sa puso ko na puntahan ang lumang mansyon. As if something is dragging me to go there.

Binawi ko na ang tingin ko at hindi na muling sinulyapan ang kalsada hanggang sa makalayo kami roon. Naging tahimik na rin ang binata hanggang sa makabalik kami sa bahay ng Lolo ko.

Ang araw na rin ay nagsimulang sumikat kaya inalis ko na ang suot kong jacket.

"Makisig? Anong ginagawa mo rito? Teka, bakit kasama mo ang alaga ni ate Tacing?" takang tanong ni Tiya Consuelo nang makita kami na papasok sa bakuran.

Nahihiyang ngumiti ako kay Tiya at nagpaliwanag, "naligaw po ako, Tiya, at siya po ang nakakita sa'kin. Inalok po niya ako na ihatid ako rito."

"Hindi po siya nagsisinungaling, Tiya, narinig ko po na su—"

Maagap na pinutol ko ang sinasabi niya dahil ayaw kong mag-alala ito. "Pasok ka muna, Makisig, at magkape ka muna. Pasasalamat ko sa paghatid mo sa'kin."

Sumulyap siya sa akin na parang nauunawaan niya ang punto ko sa pagsabat dito.

"Maraming salamat, pero nagkape na ako sa bahay. Mauuna na po ako, Tiya, at kailangan ko na pong mangahoy para may panggatong kami sa bahay," magalang na pagtanggi nito.

"Ganun ba. Sige mag-ingat ka, hijo," turan ni Tiya.

Tumango ang binata. Nang mawala sa paningin namin si Makisig ay pumasok na rin kami sa loob ng bahay.

"Sa susunod ay sasamahan na kitang pumasyal. Saan mo ba gustong pumunta? Sa ilog ba?"

"Gusto ko pong tignan ang lumang mansyon ng mga Nuevas, Tiya," tugon ko at nilinga siya.

"Anong gagawin mo roon? Ang layo-layo at hindi na kaya ng tuhod ko na maglakad ng matagal," may himig pagtutol sa tonong bigkas nito.

"Kung ganun po ay kahit ako na lang pong mag-isa," wika ko at umakyat sa hagdan.

"Cecily, hija," tawag niya kaya napahinto ako at nilinga siya.

"Ano po 'yon?"

Ilang segundong tinitigan niya ako bago umiling. "Bakit ka pa aakyat sa taas? Bumaba ka na at nang mag-agahan na tayo. Baka nakapagluto na ang Nana mo."

Kumurap muna ako para siguruhin na namalikmata lang ako sa nakitang pag-aatubli sa mukha nito nang tawagin niya ako. Nang makitang nakangiti siya ay ikiniling ko ang ulo. Siguro ay namalikmata lang talaga ako.

Bumaba ako muli at pumunta kami sa komedor para kumain. Tama nga si Tiya dahil nakaluto na si Nana at naihanda na rin nito ang lamesa. Nang makita ako ni Nana ay ngumiti siya.

"Ang aga mong lumabas, anak, nagustuhan mo ba ang mga nadaanan mo?" tanong niya.

Malawak ang ngiting tumango ako. Kung buburahin ko ang takot na naramdaman ko kanina ay nag-enjoy talaga ako sa paglalakad kanina.

"Ang tahimik po rito at wala akong naririnig na tunog ng mga sasakyan. Parang mas gusto ko pong tumira na lang dito," saad ko habang naglalagay ng pagkain sa pinggan.

"Hindi kaya mababato ka lang dito? Nasanay ka sa buhay na meron ka sa syudad," diskumpiyadong bigkas ni Tiya.

Umiling ako at sumubo. Nang manguya at malunok ko ang nasa bibig ko ay sinabi kong, "hindi po. Dito po ay walang gumagambala sa pagtulog ko."

Kumunot ang noo ni Tiya pero ngumiti lamang ako. Hindi ko ipinaliwanag dito ang sinabi ko at nagpatuloy sa pag-kain ng almusal. Saka ko na ikukuwento rito kung tuluyan nang nawala ang bangungot ko.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • Ang Lalaki Sa Salamin   Extra 2. Cecily's POV - Wakas

    We had a solemn expression on our face as we stood in front of our grandparents' tombstone. Magkatabi nga talaga ang dalawang libingan at may litratong nakalagay sa lapida nila. Sa paglipas ng panahon ay luma na ang mga larawan pero mabibistahan pa rin ang wangis nila. Saka ko natanto na halos magkamukha sina Don Isagani at Leonides. Mas mestiso lamang ang Don at mas obvious ang pagiging lahing kastila nito.Kami lamang na dalawa ni Leonides ang pumarito. At tahimik na nagsindi ng kandila. Habang nakatitig ako sa libingan ni Lola Amalia ay naalala ko ang sinabi ni Papa.'Ang ritwal na ginawa ni Tita Amalia ay sagrado at bawal. She used her blood and soul so she can't redeem herself. Her soul scattered and she has no chance to be born again. I feel pity for her. Kung sana ay kinompronta at kinausap niya si Don Isagani at ang kaibigan niyang si Senya, siguro ay hindi siya nabalot ng matinding pagkapoot. Hindi sana umabot iyon sa ganito. Huwag mong tularan ang mali na nagawa niya, Cecily

  • Ang Lalaki Sa Salamin   Extra 1. Cecily's POV

    Pagsapit ng sabado ay sumama ang magulang ko at si Nana pabalik sa probinsya. Ayon kay Papa, pagkalipas ng maraming taon ay magagawa na rin daw niyang bumalik sa lugar kung saan siya isinilang. Nang pumanaw kasi si Lolo noon ay bumalik agad kami pagkatapos ng burol. Iyon pala ay may tinatakbuhan si Papa. Pero ngayon na tapos na ang sumpa ay nawala na raw ang malaking bato na nakadagan sa dibdib niya ng maraming taon.Sa mansyon ng Nuevas kami dumeretso at hindi sa bahay ni Lolo. Naghihintay na ang pamilya ni Leonides sa harap ng mansyon nang makarating kami roon. Kinakain ako ng hiya nang mamataan ko sila pagpasok ng sasakyan sa bakuran. Ni hindi ko namalayan na kinukurot ko na pala ang binti ni Leonides. Hindi naman siya nagrereklamo pero hinuli niya ang kamay ko at marahang pinisil.Bakas sa mukha ko ang kaba nang tumingin ako sa kaniya kaya ngumiti siya at masuyong hinaplos ang pisngi ko."Are you nervous?"Tumango ako at sumilip sa bintana. "I'm afraid they won't like me and will

  • Ang Lalaki Sa Salamin   Kabanata 42. Cecily's POV

    Si Nana na galing sa kusina ay narinig ang lahat ng kuwento ni Leonides kaya nang lumapit siya sa amin ay panay ang paglaglag ng luha sa kaniyang mata. Kaya naman muli siyang niyakap ng huli at sinabing okay na ang lahat. Na bumalik na siya at hindi na biglang maglalaho muli. Hindi ko na ring napigilan ang aking sarili at yumakap sa kanila.Ang sabi ni Leonides ay nagpaalam ito sa pamilya na hahanapin niya ako rito kaya sa isang hotel muna ito nakatira. Pero nang marinig ko iyon ay agad na nagpahatid kami sa driver sa hotel para mag-check out at kunin ang mga gamit niya at dito na lang siya rito sa bahay. Nakiusap ako na hanggang sa sabado muna siya rito bago ko siya sasamahan na umuwi sa probinsya at makilala ko na rin ang kaniyang pamilya.Naikuwento na rin daw niya ang mga nangyari sa kaniya sa nakalipas na taon at binanggit niya ako sa kanila. They want to meet me at magpasalamat na rin daw na napalaya ko siya.Pagkatapos naming makuha ang bagahe niya ay bumalik kami sa bahay. Naa

  • Ang Lalaki Sa Salamin   Kabanata 41. Cecily's POV

    Ang mga naipon na lungkot at pagka-miss ko sa binata ay sabay na bumuhos at inignora ko ang mga tao sa paligid namin. Ni hindi ko tinawag ang pangalan niya at tumakbo ako sabay patalon na sumakay sa kaniyang likod. Nagulat man si Leonides ay napahawak naman sa aking binti at maingat na inalalayan ako upang bumaba sa kaniyang likod.Dahan-dahan siyang humarap at nang magtama ang mata namin ay umiiyak na tumawa ako sabay yakap ng mahigpit sa kaniya. Parang lumiwanag ang buong paligid ko na isang buwan na walang kalatoy-latoy. Bawat himaymay ng aking katawan ay nagsusumigaw ng kaligayahan ngayong muli kong nasilayan ang mukha niya. Hindi ko man maipaliwanag kung bakit bigla siyang sumulpot dito ay gusto ko pa ring magdiwang.May mga bulungan akong narinig kaya agad akong humiwalay sa kaniya at hinila siya paalis. Pumara ako ng taxi at sumakay kami. Ni hindi ko pinansin ang natatarantang tawag ni Tyra sa akin.Nang tumatakbo na ang sinakyan namin ay halo-halong emosyon ang nararamdaman ko

  • Ang Lalaki Sa Salamin   Kabanata 40. Cecily's POV

    Kulang ang salitang sakit upang ilarawan ang nararamdaman ko habang nakatingin ako sa basag na salamin. Nanginginig ang buong katawan ko at gulong-gulo ang utak ko. Gusto kong magsisigaw at magwala pero parang may bikig sa aking lalamunan at walang tinig na lumalabas. Animo tumigil na sa pag-inog ang mundo ko.Akala ko ay may kaunting oras pa kami na magkasama pero hindi ko inaasahan na agad na mapuputol ang sumpa 'pag binigay ko na ang sarili ko sa kaniya.I feel so weak and empty. And my heart was numb. Everything was like a dream just like in the past. Ngunit alam ko na lahat ng 'to ay reyalidad at hindi bangungot lang. Ang kinakatakot ko na mawala si Leonides ay nangyari na.Lumuhod ako at hindi alintana kung matusok man ako sa maliliit na basag ng salamin. Unti-unting nagkakaroon ng ingay ang aking pag-iyak hanggang sa humahagulgol na ako. Kipkip ko ang aking dibdib na paulit-ulit na tinatawag ang pangalan ng binata. At mas lalo lang nanikip ang puso ko ng wala akong narinig na t

  • Ang Lalaki Sa Salamin   Kabanata 39. Cecily's POV

    Napamulagat ako at biglang uminit ang aking pisngi. Lahat ng eksenang nangyari sa amin sa salamin ay nag-play sa utak ko at parang gusto kong matunaw sa hiya. Napasulyap pa ako kay Leonides na nasa salamin at nakamasid sa nangyayari rito.Nagkatinginan kaming dalawa at parang nagkahiyaan kami na mabilis ding nagbawi.Napatingin muli ako kay Darlin na hinaharangan si Amalia sa tuwing gusto niya akong sugurin. Para silang nagpapatentiro na dalawa."Gusto ko na ring magpahinga at makalaya sa sumpang 'to kaya gusto kitang tulungan, Cecily. Ilang taon na akong nagdurusa at pagod na akong makipaghabulan at makipagtaguan kay Amalia. Tutulungan kitang makapasok muli sa salamin —""P-Pero may nangyari na sa aming dalawa!" bulalas ko."Iyon ba ang aktwal mong katawan? Hindi ba at kaluluwa ka lamang nang makulong ka rin sa loob? Kaya ang naging kinalabasan ay nabuhay ang paboritong bulaklak ni Amalia na rosas at nagkaroon din ng buhay ang mundo sa salamin pero hindi naputol ang sumpa," paliwanag

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status