He's a demon prince, playful and deceiving. A cunning and favorite is to lie. His name is Beelzebub, a demon. While She's a normal woman, a blind and pitiful one. Solo in life, and bullied by everyone. Her name is Rana, a human. Paano kung isang araw ay magkasalubong ang mga landas nila? Paano kung ang isang tao ay mapatino ang prinsipe ng demon realm, may malaking epekto kaya ito sa magka-iba nilang mundo? What if, the woman fell first but the demon fell harder Will love wins when Beelzebub wants Rana to be his Queen, yet the king of demon is against it?
View MorePrologue
NAGKAKAGULO sa isang bahagi ng Demon Realm habang naguumpukan ang iba't-ibang klaseng demons at pinapanuod ang dalawang kasamahan nila na naglalaban.
Sobrang ingay ng lugar na kinalalagyan ng mga demons habang ang prinsipe nila ay nakaupo sa isang batong inihanda ng mga demonyo para sa kaniya habang nanunuod siya ng laban, na nag-uumpisa ng maging boring sa kaniya.
"Oi, hindi pa ba matatapos 'yan? Nawawalan na ako ng ganang manuod sa inyo."pahayag na sita ni Beelzebub, prinsipe ng Demon realm at bunsong anak ng Hari ng Demon Realm na si Dagon.
Dahil sa pagka inip na nararamdaman niya ay sinabihan niya ang mga alagad ng kaniyang ama na bigyan siya ng kaaliwan, pero simula ng laban ng dalawang alaga ng kaniyang ama, at tanging ibang demons ang nageenjoy sa nangyayaring laban pero si Beelzebub ay naiinip at nawawalan ng gana sa pinapanuod niya.
" Hindi na ako natutuwa sa pinagga-gagawa niyo."pahayag ni Beelzebub na ikinatayo nito sa pagkakaupo sa may bato at mabilis ang kilos na nakalapit sa isang demonyo na nakikipaglaban at madiin itong sinakal pataas, na ikinagulat ng mga ibang demons at kalaban ng hawak ni Beelzebub.
"P-prinsipe Beelzebub, a-ano pong ginagawa nyo?" gulat at kabadong tanong ng demonyo kay Beelzebub na ikinasama niya ng tingin dito.
"Ano sa tingin mo ang ginagawa ko? Naiinip na ako sa boring niyong laban, hindi na ako natutuwa. Anong klaseng mga demonyo kayo kung hindi niyo magawang magpatayan. Kung hindi mo alam paano pumatay tuturuan kita." Pahayag ni Beelzebub na ikinabaling niya ng tingin sa sakal-sakal niyang demonyo at mas diniinan niya ang pagkakasakal dito bago siya nag palabas ng itim na apoy sa kamay niyang nakahawak sa leeg nito, na agad nitomg ikinatupok ng itim na apoy na ikinabitaw na ni Beelzebub dito.
"Ganiyan ang tamang pagpat--"
"Beelzebub, kanina ka pa hinahanap ng Hari."
Hindi natuloy ni Beelzebub ang sasabihin niya at nilingon ang kaniyang tagapagbantay na si Endemion na kalalapag lang sa lupa habang nakabukas ang itim nitong mga pakpak.
"Aish! Ano na naman ang kailangan sa akin ng matandang demonyo na 'yun?" Angal na ani ni Beelzebub na ikinabaling ni Endemion sa mga demonyo.
"Magsibalik na kayo sa mga trabaho niyo!" Pahayag na utos nito na agad nagliparan paalis ang mga alagad na demonyo ng ama ni Beelzebub.
"Bakit ako pinapatawag ni ama?" Tanong ni Beelzebub kay Endemion na ikinabuka na ng itim na pakpak ni Beelzebub at ikinalipad na nito patungo sa palasyo ng kaniyang na mabilis na ikinasunod ni Endemion sa kaniya na nasa tabi niya na.
"Aakyat ka sa mundo ng mga tao, may ipapagawa si Haring Dagon sayo na 'yung ama." Sagot ni Endemion na ikinalingon ni Beelzebub sa kaniya.
"Bakit ako ang inuutusan niyang umakyat sa mga lupain ng mga tao? Bakit hindi si Zeldris o Escanor?" Pahayag na angal ni Beelzebub.
"Nasa mundo din ng mga tao ang 'yong mga kapatid para mag-decieved ng mga taong kukuhanan nila ng mga kaluluwa para madala dito sa Demon Realm, ayaw ng iyong ama na nauungusan siya ni Hades ng underworld." Sagot ni Endemion na ikinaningos ni Beelzebub.
"Ayoko sa lugar na 'yun, ayoko sa mundo ng mga tao." pahayag na angal ni Beelzebub pero alam niyang pag may iniutos ang hari ay kailangan niyang gawain, kahit pa ang tumaas siya sa mundo ng mga tao para sa ipapagawa ng kaniyang ama.
HINDI MAWALA ang ngiti ni Reina habang naglalakad siya sa hallway papasok sa classroom niya. Hindi niya maiwasan kiligin dahil bukas na ang araw ng kaarawan ni Abel at may date sila nito kaya sobrang excited ni Reina. Hanggang ngayon ay hindi siya makapaniwala na may relasyon na sila ni Abel, at kahit kailangan nilang ilihim iyon para sa ikabubuti nilang dalawa ay ayos lang para kay Reina dahil ang mahalaga sa kaniya ay parehas na sila ng nararamdaman ni Abel sa isa't-isa."Excited na ako para bukas, saan kaya kami pupunta para i-celebrate ang birthday niya? Hindi na ako makapaghinta---" hindi natapos ni Reina ang sasabihin niya ng may umakbay sa kaniya at sa paglingon niya ay Peter ang nakita niya."Mukhang maganda ang gising mo, Reina. Kanina pa ako sa likuran mo, pansin ko ang maaliwalas mong awra. Sinong may birthday ah?" ani na tanong ni Reina na inalis niya ang pagkakaakbay ni Peter sa kaniya."Huwag ka ngang bigla-biglang susulpot diyan Peter, pasalamat ka wala akong sakit sa p
Chapter 07MATAPOS ANG dinner ng pamilya ni Reina kasama si Abel ay sinabihan siya ng kaniyang ama na dalhin si Abel sa may rooftop nila para ipakita ang mini auditorium na pinagawa ng kaniyang ama. Habang tumutulong ang kaniyang ama sa ligpitin ng kaniyang ina ay excited na pinasunod na ni Reina si Abel sa kaniya.Hindi mawala ang ngiti ni Reina habang naglalakad siya sa hallway at alam niyang nakasunod si Abel sa likuran niya. Hindi mapigilan ni Reina ang saya na may halong kilig sa mga oras na 'yun dahil sa labas ng university nila, may mutual relationship na sila ni Abel. Masaya si Reina na ang umusbong niyang pag-ibig kay Abel ay agad din namang natugunan nito kahit nasungitan muna siya nito."Magugustuhan mo ang auditorium na pinagawa ni Daddy, may malaking telescope doon para makita mo ang buwan at bituin. May maliit na shelves din ako dun kung saan madaming history books na nakadisplay na puwede mong basah--"Hindi natapos ni Reina ang sasabihin niya ng mapalingon siya sa kamay
"Sigurado bang okay ka lang, Reina? Baka dapat hindi ka muna umalis ng clinic at nagpahinga ka pa ng maayos." ani ni Farrah kay Reina dahil kanina pa niya napapansin na tulala ito simula ng bumalik ito sa next calss nila pagkagaling nito sa clinic.Hindi maiwasan ni Reina na matulala dahil sa nangyaring paghalik ni Abel sa kaniya. Sobrang kabog ng puso niya sa mga oras na 'yun, na kahit si Abel ay ng marealize ang ginawa ay namumulang mabilis na lumabas ng clinic.Buong class ay walang ibang naiisip si Reina kundi angga labi nila ni Abel, ang mga sinabi nito. Ang pag amin din nito na gusto na din siya nito, pero may part na kinakabahan si Reina dahil pag nagkita sila ni Abel ay baka sabihin nito na mali ang mga sinabi nito, at hindi tama ang paghalik nito sa kaniya."Gusto mo bang samahan na kita pauwi sa inyo? Nag-aalala ako sayo, Reina." ani ni Paul."O-okay lang ako, hindi mo na ako kailangang ihati dahil ibang way ang daan mo pauwi, Paul. Salamat sa pag-aalala pero okay na naman a
BREAK TIME AT nakapangalumbaba lang si Reina sa may upuan niya. walang ibang tumatakbo sa isipan niya kundi ang nalaman niya sa mga nag uusap na guro about sa kaarawan ni Abel na ngayong darating na sabado mangyayari. Naguguluhan si Reina kung bakit interesadong-interesado siya sa kaarawan ni Abel, hindi niya alam kung bakit ganito ang nararamdaman niya sa bagong guro nila na ilang araw palang niya nakikita."Ano bang nangyayari sa akin?" tanong ni Reina sa kaniyang sarili ng mapalingon siya kay Farrah na umupo sa harapan niya."Wala kang balak mag break time? Uupo ka lang diyan?""Busog pa naman ako, tsaka ayokong lumabas ng room." sagot ni Reina.Iniiwasan lang niyang makasalubong si Abel dah hindi niya alam paano ito haharapin lalo pa at bahagya siyang nasaktan ng sabihin nitong hindi big deal ang pagkakayakap nito sa kaniya."So tutunganga ka dito? Dahil mabait akong kaibigan, ibibili kita ng makakain mo. Bawal kang mamayat." ani ni Farrah na tumayo na at lumabas na ng room.Baha
"Damn it! What the heck did I do that?! She's my student, bakit ko siya niyakap!" angil ni Abel habang mag-isa siyang umiinom ng ilang can ng alak na binili niya kanina bago siya umuwi sa apartment niya.Naguguluhan si Abel sa kung anong nangyayari sa kaniya, hindi niya alam kung bakit simula ng makita niya si Reina ay may kakaibang nangyayari sa kaniya. Pakiramdam niya ay nakilala na niya ito, at ang kakaibang pakiramdam na biglang sumulpot ng makita niya si Reina ay may idea siya pero ayaw niyang i-entertain dahil maliban sa mali ay apat na taon ang tanda niya kay Reina."Get a hold of yourself Abel, you cannot have an interest with your student." ani pa na singhal ni Abel sa kaniyang sarili ng magpambuntong hininga siya at isandal niya ang likuran niya sa kaniyang maliit na sofa."At sino ang Rana na biglang pumasok sa isipan ko? Bakit sa kaniya ko nakikita ang Rana na lumilitaw sa utak ko? What hell! Ano bang nangyayari sa akin?" ani ni Abel.Walang ideya si Abel sa kung sino ang
LUNCH TIME na at bago pumunta si Reina sa canteen para kumain ay dumaan muna siya sa teacher's office upang silipon kung kinakain ni Abel ang binihlgay niyang lunch box dito. Alam ni Reina na may rules ang bawat paaralan na bawal magkaroon ng romantic relationship ang isang estudyante at isang guro, pero sinasabi ni Reina sa kaniyang sarili na hindi iyon ang rason bakit kakaiba ang nararamdaman niya para kay Abel. Ang pakiramdan na parang matagal na niya itong kilala, ang wirdong pagkabog ng dibdib niya na tanging kay Abel niya lang nararamdaman, ay ayaw niyang isipin na pag-ibig o love at first sight.Bahagyang nakasilip lang si Reina sa may pintuan pero hindi niya nakikita si Abel sa loob, kahit sa mesa nito ay wala ito."Nasaan kaya si Sir Abel?" pagka-usap ni Reina sa kaniyang sarili."Lunch time na, anong sinisilip mo diyan?"Gulat na napaayos ng tayo si Reina sa kinatatayuan niya bago nilingon si Abel na kadarating lang at may hawak na mga lesson plan at libro."S-Sir...""May
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments