Share

CHAPTER FIFTY TWO

MATAGAL bago nakaimik si Guiller tila pinag-iisapan nito ang kasunod nitong sasabihin.

"Pwedi ba Zeck, k-kapag namatay na ako. K-kapag wala na ako sa mundong ito, maari bang ikaw na ang pumalit sa pwestong maiiwan ko. Alagaan at pangalagaan mo ang pamilya ko. Sa ikalawang pagkakataon pinsan, buong puso kong ipagpapasalamat na ikaw ang taong magbibigay ng pagmamahal at proteksyon sa pamilya ko."

Hindi inaasahan ni Ezekiel ang bilin ni Guiller. Naroon na nasisiyahan siya dahil kahit paano ay natupad at nabigyan niya ng kasiyahan ito. Pero mas lamang ang kalungkutan sa nalalapit na sandali, kung saan tuluyan ng mamaalam si Guiller.

"Ipinapangako ko Guiller, gagawin ko ang lahat para sa ikabubuti nina Desiree. Hindi ko sila papabayaan,"wika ni Ezekie

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status