Ang Dominasyon Ni Luther Rutherford

Ang Dominasyon Ni Luther Rutherford

last updateLast Updated : 2026-01-15
By:  ZaligmaUpdated just now
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
Not enough ratings
6Chapters
8views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Isa sa mga tagapagmana ng pamilya Kingsley si Luther Rutherford, ang pinakamayamang pamilya sa buong Pilipinas. Ngunit sa edad na labingpitong taong gulang, napagpasyahan niyang talikuran ang kanyang pamilya dahil sa kagustuhan niyang magrebelde. Namuhay siya bilang isang ordinaryo sa loob ng maraming taon, kumpletong kasalungat ng pamumuhay na mayroon siya noong nasa puder pa siya ng pamilya Kingsley. Natutunan niyang mangalakal, mamalimos, tumira sa ilalim ng tulay, makipagbasag-ulo sa lansangan, pero ang pinakaimportante sa lahat ay ang tumayo sa sariling mga paa nang sarili lang ang inaasahan. Isang dekada ang lumipas. Isang araw, nakulong siya dahil sa kasong physical assault. Ngunit makaraan lang ang isang linggo, isang ubod na gandang babae ang bumisita sa kanya sa kulungan at piniyansahan siya nito. Wala siyang kaide-ideya kung sino ang babae at kung bakit nito ginawa iyon. Pero nabigla siya sa naging sagot nito nang tanungin niya ito, "Gusto kong magpanggap ka bilang kasintahan ko, kapalit ng kalayaan nating dalawa. It's a win-win, right?" Doon nag-uumpisa ang panibagong buhay ni Luther, bilang isang good-for-nothing boyfriend. Pero ang hindi nila alam, sa likod ng kanyang ordinaryong kaanyuan, ay ang mga katangiang ikagugulat at ikakaawang ng bibig nilang lahat.

View More

Chapter 1

Chapter 1 - Bailed Out

Nakaupo si Luther sa harap ng chessboard habang nakapangalumbaba, nababagot na nakatitig sa pinaghalong itim at puting mga piyesa. Pinupuno ang seldang iyon ng amoy ng pawis ng mga bilanggong nagtitipon-tipon sa paligid nila at tahimik na nanonood sa kanila.

Ang kalaban niya ay isang malaking lalaki na kapwa niya preso. Kilala ito sa tawag na Ramos. Kasabay ng pagdaloy ng pawis nito sa gilid ng noo nito ay ang antisipasyon sa maaaring sunod na ititira ni Luther at kung anong kanyang istratehiya.

"Kung ako sa'yo, mag-resign ka nalang. Hindi mo matatalo si Ramos!" natatawang wika ng isang preso na siyang bumasag ng katahimikan. Napatingin dito lahat ng tao roon maliban sa dalawang naglalaban. "Bakit?" kunot-noong tanong nito.

"Hindi mo ba nakikita, lamang na si Kano ng apat na puntos?" bulong na sambit ng katabi nito.

Dahil sa mukhang amerikano si Luther, unang tapak niya palang sa bilangguang iyon ay nabansagan na siyang kano. Idagdag pang Rutherford ang kanyang apelyido.

"Eh ano naman?" Gumuhit ang pagkaarogante sa mukha ng lalaki. "Sadyang mapagbigay lang talaga si Ramos. Kabayo at pawn? Tss! Nakalimutan mo na bang mahigit dalawang libo ang kanyang rating?"

"Oo nga. Dudurugin niya rin si Kano sa huli panigurado." gatong naman ng isa pa.

"Pwede bang magsitahimik kayo?" angil ni Ramos sa mga ito kaya agad din namang nagsitahimik ang mga ito.

Nagkatinginan nalang ang mga preso dahil sa inasta nito. Ibig sabihin lang niyon ay marahil totoong lamang na si Luther sa posisyon, hindi lang basta pinagbibigyan ni Ramos. At ibig sabihin lang din niyon ay mukhang sila ang matatalo sa pustahan.

Maya-maya lang, lumangitngit ang metal na pinto nang buksan iyon ng isang pulis. Pumasok ito habang may tila naiintrigang ekspresyon sa mukha.

"Chief," bati ng ilang preso rito pagkatapos ay gumilid upang paraanin ito, pero hindi pinansin ang mga ito ng pulis. Diretso lang ang tingin nito kay Luther.

"Rutherford," tawag nito. "Mayroon kang bisita. May nagpiyansa sa'yo."

Walang kabuhay-buhay ang ekspresyon ng mukhang dinampot ni Luther ang kanyang kabayo at ipinuwesto iyon sa hindi pangkaraniwan na posisyon, walang suporta na kahit ano. Kaya naman ay napakunot nalang ang noo ni Ramos sa pagtataka.

'Mali ba siya ng itinira?' tanong nito sa isip.

"Kung sa tingin mo ay nanay ko, pakisabing hindi ko kailangan ng tulong niya." malamig na wika ni Luther sa pulis, hindi nag-abalang tingnan man lang ito.

Mahigit isang linggo palang siya sa kulungang iyon. Sa unang araw niya palang ay binisita na siya ng kanyang ina para sana piyansahan siya pero binigyan niya lang ito ng malamig na balikat.

Mas gugustuhin niya pang manatili sa bilangguang iyon kaysa sa makatanggap ng tulong mula sa kanyang ina. O kahit na kanino mula sa kanyang pamilya.

Magkasalikop ang mga kamay sa likod na lumapit ang pulis sa tabi ng maliit na mesa kung saan nakapatong ang chessboard upang malapitang pagmasdan ang posisyon ng mga piyesa. Kumurbada ang ilalim ng labi nito nang mapagtantong nasa lamang na posisyon na si Luther at naiintindihan nitong isinasakripisyo nito ang kabayo para sa isang pamatay na tira.

Bahagyang tumaas ang isang kilay ng pulis. "Tingin ko hindi," seryosong wika nito. "Para sa'kin mas mukha siyang kasintahan mo kaysa sa nanay mo."

Napabilog ang nguso ng ilang preso habang nagpapalipat-lipat ang tingin ng mga ito kay Luther at sa pulis. Samantalang nagsalubong naman ang kilay ni Luther dahil sa pinaghalong pagtataka at pagkairita.

'Mukhang kasintahan ko?'

"Sino, si Alexi Halls?" biro niya sa kaswal na mukha.

Si Alexi Halls ay isang sikat na Hollywood actress, tinaguriang isa sa pinakamagandang artista sa balat ng lupa. Ang bukod tanging artistang hinahangaan ni Luther.

Mahinang natawa ang pulis. "'Wag mo sabihing wala ka pang kasintahan?"

Tinugon lang ito ni Luther ng katahimikan. Wala pa sa kanyang bokabularyo sa ngayon ang salitang relasyon. Para sa kanya ay dagdag responsibilidad lang iyon. Pero kung si Alexi Halls ang pag-uusapan ay marahil bigyan niya pa ng konsiderasyon.

"Wala akong inaasahang magpapiyansa sa'kin. Pakisabi sa kanyang umalis na siya." malamig na wika niya makalipas ng ilang saglit.

Kung sinuman ang tinutukoy ng pulis, kung hindi man ito ang kanyang ina ay marahil isa naman ito sa ipinadala nito o ng pamilya Kingsley para aluin siya at pabalikin sa kanilang pamilya.

'Nagsasayang lang sila ng oras.' dismayadong sambit niya sa kanyang isip kasabay ng mababaw na pagbuntong-hininga.

Mas lalong naintriga ang pulis, pilit na binabasa kung anong iniisip ngayon ni Luther sa pamamagitan ng nanliliit nitong mga mata. "Bakit hindi mo muna silipin kung sino ang babaeng tinutukoy ko?" Tiningnan nito ang suot nitong singsing. "May asawa na ako. Pero kung bibigyan ako ng pagkakataong lokohin siya para sa babaeng 'yon, ay hindi ako magdadalawang isip na gawin iyon."

Napasimangot si Luther dahil sa kanyang narinig, pero hindi siya umimik. Nakatuon lang sa chessboard ang kanyang atensyon.

"Hindi lang ang kasuotan niya ang mamahalin kung hindi ay pati siya mismo." pagpapatuloy ng pulis. "Mukha siyang laki sa gatas at natutulog sa gintong kama. Artistahin kumbaga."

"Gano'n siya kaganda Chief?" naiintrigang sabat na usisa ng isang preso.

"Ang mas nakakapagbigay pa interes sa kanya ay mukha siyang desperada. At kapag desperada ang isang maganda at mayamang babae ay tiyak na malaking pabor iyon sa lalaki." dagdag pa ng pulis, hindi pinansin ang tanong ng preso.

Tumaas ang isang kilay ni Luther matapos marinig ang sinabi nito. Tiningnan niya ng gilid niyang paningin ang pares ng sapatos nito.

'Desperada huh?'

May ilan siyang kakilalang babae, pero wala ni isa sa mga ito ang pasok sa isinalarawan ng pulis. Bukod sa kanyang ina, wala naman siyang kakilalang babae na maaaring magpiyansa sa kanya. Lalo pa kaya ang isang maganda o mayamang babaeng hindi niya naman kakilala?

Sinundan niya ng tingin ang kamay ni Ramos nang damputin nito ang reyna nito. Ipinuwesto nito iyon sa pangmate na posisyon at inignora ang kanyang pain.

"Tingin mo ba ay mahuhulog ako sa munti mong patibong?" Mahina itong natawa, walang pakialam sa paksa ni Luther at ng pulis. "Ngayon, paano mo didepensahan 'yan?" nakangising ani nito sa hambog na itsura.

Nagsiliwanag ang mukha ng mga preso nang makitang tila nabaliktad pa ni Ramos ang sitwasyon. Nag-apiran ang mga ito.

"Sabi na nga ba eh, pinaglalaruan lang ni Ramos si Kano." ani ng isa na sinabayan ng malakas na tawa.

"Ano boy? 'Kala mo mananalo ka kay Ramos? Suntok sa buwan kung mangyari man 'yon!" umaaksyong sambit pa ng isa pagkatapos ay pinagkiskis ang mga palad. "Easy money. Hehe."

Naiiling-iling na tumalikod ang pulis. Makikita sa ekspresyon ng mukha nito at paraan ng pag-ismid nito ang pangungutya sa mga ignoranteng bilanggo. "Masamang pinaghihintay ang grasya, Rutherford." wika nito.

Saglit itong sinundan ng tingin ni Luther karugtong ng pagpapakawala ng malalim na buntong-hininga. "Think don't have a choice," bulong niya.

Itinulak niya paatras ang kanyang upuan at tumayo pagkatapos ay sumunod sa pulis.

Napangisi si Ramos sa isiping aalis si Luther nang hindi tapos ang kanilang laro. "Suko ka na ba?" tanong nito sa mabilog at malalim na boses.

Huminto si Luther pagkatapos ay umismid. Bumalik siya sa tapat ng mesa habang nakapako ang tingin sa kanyang reyna. "Bakit ako susuko kung panalo na ako?" natatawang wika niya sabay dampot sa reyna at kinain ang h7 pawn. "Mate. Ngayon ay may utang kayo sa'kin."

Umalis si Luther at iniwang tulala si Ramos. Ang ibang preso ay nagsimulang magkumpulan sa palibot ng mesa upang ianalisa ang board.

Napaawang nalang ang bibig ng mga ito nang maunawaan ng mga ito kung para saan ang sakripisyong ginawa ni Luther sa kanyang reyna. Hindi iyon direktang mate, pero doon din ang bagsak niyon dahil pwersado na iyon.

"Ilan nga raw ulit ang rating niya?" tanong ng isang preso.

"Isang libo," nakatulalang bulong na tugon ng isa.

"Imposible..." naiusal nalang ni Ramos, ang mukha nito ay puno ng hindi pagkapaniwala.

Kung isang libo lang ang rating ni Luther, paano nito natalo si Ramos na mayroong mahigit dalawaang libong rating?

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

No Comments
6 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status