Share

Kabanata 1185

Penulis: Lord Leaf
Nagmaneho pauwi si Paul pagkatapos ihatid si Charlie sa villa sa Thompson First.

Naglakad nang mag-isa si Charlie pabalik sa villa. Ang kanyang biyenan na lalaki, si Jacob, ay nagmamadaling umabante para batiin siya at tinanong, “Mabuti kong manugang, nakita mo ba ang Tita Hall mo pagkatapos niyong umalis ni Paul ngayon?”

Sumagot nang walang magawa si Charlie, “Pa, bakit ako makikipagkita kay Tita Hall kung may gagawin kami ni Paul?”

Hindi maiwasang magbuntong hininga ni Jacob dahil nalungkot siya nang sobra.

Miss na miss na niya si Matilda sa mga nakaraang araw. Pero, dahil nasa bahay si Elaine, hindi siya naglakas-loob sumugal na makipagkita kay Matilda.

Kaya, sa sandaling ito, hindi niya maiwasang mabalisa nang sobra at malito.

Tinanong niya ulit si Charlie, “Kung gano’n, tinanong mo ba si Paul sa kalagayan ngayon ng Tita Hall mo? Kamusta siya?”

Ngumiti si Charlie bago siya sumagot, “Maganda ang gawain ni Tita Hall sa mga nakaraang araw. Narinig ko kay Paul na nagtuturo si Ti
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 6204

    Nagulantang si Julien sa seryosong sinabi ni Charlie at naniwala siya sa bawat salita niya.Narinig na niya noon na ang AI company kung saan nag-invest ang pamangkin niya ay nagkaroon ng malaking tagumpay at naging sikat sa internet industry.Pero hindi niya ito gaanong pinansin dahil naka-focus talaga ang pamilya Rothschild sa finance at energy sector. Palagi silang maingat pagdating sa internet bubble at sa hirap kumita ng pera sa larangang iyon.Namangha siya sa kakaibang kakayahan ng AI. Kitang-kita ang galing nito habang hinahanap ang Four-Sided Treasure Tower. Sa totoo lang, kung nasa New York pa ang tower at ginamitan pa ng AI, malaki ang tsansang nahanap na ito.Dahil dito, napabuntong-hininga siya sa ginhawa.Masaya pa nga siya na pinili niyang pumanig kay Charlie at medyo pagtaksilan ang ama niya.Kung hindi siya naging maingat, baka nawala na ang lahat ng benepisyong hawak niya.Kung hindi dahil sa lihim na pakikipag-alyansa niya kay Charlie at sa pagtataksil niya, ba

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 6203

    Simula nang maihatid palabas ng United States ang Four-Sided Treasure Tower, inaasahan ni Julien na nakarating na ito sa Oskia sa mga oras na ito, pero wala pa siyang naririnig na anumang balita.Tuwang-tuwa na siyang marinig ang masamang balita mula sa kanyang pamilya pag nailabas na ang balita mula sa Oskia.Pero dahil walang balita o update, hindi siya mapakali.Sa sandaling iyon, kumatok si Charlie at pumasok sa kwarto. Agad siyang sinalubong ni Julien at sabik na nagtanong, “Mr. Wade, kamusta na? Nakarating na ba sa Oskia ang Four-Sided Treasure Tower? Bakit wala pa ring balita?”“Relax ka lang,” natatawang sagot ni Charlie. “Oo, nakarating na ito, pero kailangang i-check at suriin muna ng gobyerno ang authenticity nito. Malaking bagay ito kaya kailangan nilang tiyakin na walang magiging pagkakamali. Kailangan pa nilang i-process ang mga larawan, video, at kung anu-ano pa, tapos ang TV station kailangan pang i-edit, ayusin, gawin ang post-production, at i-check lahat ng mali b

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 6202

    Sigurado akong hindi pa rin siya makakaalis ng New York pag nailabas na ang balita," dagdag ni Charlie.“I-delay na lang kaya natin ang anunsyo?” tanong ni Vera. “Pabayaan nating magpakahirap si Fleur makapunta roon, tapos maranasan niya kung ano ang pakiramdam ng pagsisikap nang sobra pero wala ring napala sa huli.”“Naisip ko na rin ‘yan, pero hindi ko alam kung matatapat natin nang tama ang timing,” sabi ni Charlie na may pag-aalala. “Paano kung mas maagang dumating ang eroplano kaysa kay Fleur? Paano natin masisiguro na walang magiging problema?”Ngumiti si Vera at sinabi, “Lalapag ang eroplano mga mahigit isang oras mula ngayon, pero dahil nagkagulo na ang Homeland Security, siguradong magsasagawa sila ng masusing inspeksyon para matiyak na walang kakaiba. Sinuri ko na rin ito, at nirenta ni Zekeiah ang Gulfstream G650. Hindi ito kalakihan pero mahigit 30 metro rin ang haba. Aabutin ng ilang oras ang inspeksyon. May sapat na oras si Fleur para lumipad mula New York.”Pagkasabi

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 6201

    Hindi pa gaanong nauunawaan ni Charlie ang mga AI model noon, pero matapos marinig ang paliwanag ni Vera, unti-unti siyang nagkaroon ng interes.Ang lakas ng AI ay hindi lang dahil sa basic intelligence at logical reasoning nito, ang mas mahalaga, umaasa ito sa makapangyarihang computer, supercomputing power, malaking memory, at malawak na knowledge base.Bago pa ang AI, kung gusto mong ipa-compute sa computer ang flight trajectory ng isang kometa, kailangan mo munang alamin kung paano ito i-compute, tapos isulat ito gamit ang wika na naiintindihan ng computer. Pagkatapos, kailangang tumakbo ito sa isang supercomputer at doon mo ilalagay lahat ng data tungkol sa kometa para matapos ang kalkulasyon.Pero ang AI model ay matagal nang natutong mag-compute ng trajectory ng kometa sa pamamagitan ng tuloy-tuloy na pag-aaral at pag-update ng human knowledge base. Kaya nitong i-compute ang trajectory ng mortar, ballistic missile, intercontinental missile, at kahit ng badminton racket.Ibig

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 6200

    Ottawa, kabisera ng Canada.Umaga na. Habang nagkukuwentuhan sila ni Helena, panay ang silip ni Charlie sa kanyang cellphone, sabik sa balita tungkol sa pagbabalik ng Four-Sided Treasure Tower sa Oskia.Pero naunahan pa ng tawag ni Vera ang balita.Sinabi ni Charlie kay Helena, “Kailangan kong sagutin ‘to.”“Sige,” tumango si Helena. “Gagawan kita ng tsaa.”Pagkasabi niyon, tumayo siya at lumabas ng kwarto.Sinagot ni Charlie ang tawag at nakangiting tinanong, “Miss Lavor, ang aga pa. Anong okasyon?”Tumawa si Vera at malambing na sumagot, “Sir, gabi na rito sa amin.”“Ah,” tumawa rin si Charlie. “Nakalimutan ko ang pagkakaiba ng oras.”Ngumiti si Vera at tinanong, “May balita ako para sayo. Pwede ba ngayon?”“Oo naman!” sagot ni Charlie. “Sige, tuloy mo.”Simula ni Vera, “Narinig ko na ginamit ng NSA ang special force nila para paikutin pabalik ang isang eroplano papuntang America, yung eroplano ni Zekeiah. Pauwi na raw ito ngayon. Ikaw ba ang gumawa nito?”“Paano mo nalam

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 6199

    Mula nang maliwanagan siya, ngayon lang nagduda si Fleur sa sarili niya nang ganito katindi.Pakiramdam niya, ang lahat ng nangyayari sa paligid niya ay parang mga kadena na mahigpit na pumupulupot sa kanya, at wala siyang paraan para makawala.Sa sandaling ito, sobra ang pagkainis at panghihina ng loob niya, pero wala rin siyang magawa.At patuloy na lumilipas ang oras.Ang eroplanong nirenta ni Zekeiah ay papalapit na sa US-Canada border, papunta sa itinakdang paliparan.Lumipas na ang kalahating oras, at may siyam pang helicopter sa pila bago kay Fleur. Sa bilis ng pila, aabutin pa ng isang oras bago siya masuri. Kapag tapos na ang inspeksyon at nabigyan na siya ng clearance, inaasahan niyang nakalapag na ang eroplano.Kaya kailangan niyang mamili sa dalawang pagpipilian.Una, pwede niyang paatakehin ang mga miyembro ng Qing Eliminating Society sa paliparan at subukang kunin ang Four-Sided Treasure Tower. Pero baka matalo ang mga Scout dahil wala siya roon.O kaya hintayin n

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status