LOGINHabang labis na nanghihina si Zachary sa kawalan ng pag-asa, kumalat na parang apoy ang balita na kumita si Raymond ng 20 million sa loob lamang ng isang araw.Kahit na tinakot na ni Zachary si Mick para hindi ito ipagkalat, ang problema ay alam ng buong Antique Street ng Aurous Hill na may mahigit isang dosenang customer ang dumagsa sa shop ni Raymond pagkabukas pa lang ng umaga.Kaya lalo lang silang naintriga—kahapon lang daw nagkamali si Raymond, pero ngayong araw ay dagsa ang mga tao sa shop niya? Ano bang ginagawa niya?Kaya nang nag-uwian na ang karamihan sa mga kolektor matapos hindi makuha ang bronze sculpture, nilapitan sila ng mga usisero para magtanong.Sa panig ng mga kolektor, hindi naman nila itinago ang totoo, kaya ibinahagi nila ang buod ng nangyari.Di nagtagal, napaisip ang lahat ng antique dealer sa Aurous Hill kung ano pa ang silbi nila sa mundong ito.Sinasabi pa naman na naghanda ang mga kolektor ng 20 million bago nagmadaling bumiyahe papuntang Aurous Hill
Nakahinga agad nang maluwag si Zachary nang marinig niyang paalis na ang flight ni Jacob.Mabigat ang problema, pero magkakaroon siya ng oras para makapag-isip ng paraan kung bibigyan siya ng kaunting panahon.Bukod pa roon, walang alam si Jacob at nasa Dubai na siya pagkalipas ng ilang oras. Higit sa lahat, hindi siya maaabala ng mga tsismis sa Aurous Hill pagdating niya, kaya mas may oras si Zachary para ayusin ang gusot na ito.Kaya mabilis na sinabi ni Zachary, “Ah, wala naman, Mr. President. Tumawag lang ako para kumustahin ang flight niyo, pero dahil lilipad na kayo, siguradong sasabihin na ng flight attendant na i-on ninyo ang flight mode. Hindi na ako mang-aabala pa—ingat sa biyahe kasama ang misis!”Nang marinig ang magiliw na boses ni Zachary, natawa si Jacob. “Ayos ka talaga. Bibilhan kita ng mga local souvenir!”“Ay, salamat agad, Mr. President!” sinabi ni Zachary, parang alipin pa rin ang tono.“Uh-huh,” sagot ni Jacob. “Sige, ibabana ko na. Mag-usap tayo sa susunod.
Ang grupo ni Mr. Cardensky ang gumawa ng pekeng bronze sculpture—ang ginawa lang talaga ni Zachary ay kumbinsihin si Jacob na bilhin iyon, at kumita pa nga si Jacob nang bilhin iyon ni Raymond.Ibig sabihin, wala talagang kinalaman si Zachary sa buong plano dahil tagapamagitan lang naman siya.Sa madaling salita, kung wala palang halaga ang bronze sculpture, wala siyang talo… pero kahit maging 100 million pa ang halaga niyon, wala rin siyang kikitain.Pero kilalang-kilala niya kung anong klaseng tao si Jacob Wilson.Sa totoo lang, si Charlie lang ang mas nakakakilala kay Jacob kaysa sa kanya—pati sina Claire at Elaine ay hindi uubra sa kanila.Patay na talaga siya.Iyon agad ang pumasok sa isip ni Zachary sa oras na malaman ni Jacob ang nangyari.Siyempre, isa si Jacob sa mga taong walang pakialam sa kung anumang patakaran—Pagsisisi ng buyer? Pagsisisi ng seller? Wala siyang pakialam sa mga iyon.Hindi siya magre-refund kahit pa Diyos ang mabiktima niya. At kabaligtaran, kung m
Dahil nakagawa na si Mick Crane ng sirang hierarchy sa Vintage Deluxe, kailangan niyang siguraduhin na hindi kailanman magiging banta si Raymond sa posisyon niya.Kaya gusto niyang mawala si Raymond, at kitang-kita rito kung gaano kahalaga sa kanya ang pansariling kapakinabangan.Pero kahit na pinagplanuhan niyang protektahan ang trabahong ito na may sweldo na ilang daang libo kada taon at mga bonus na ganito rin ang halaga, hindi niya inakala na dahil dito, mapapalampas niya ang 20 million.At dagdag pa sa sugat, napunta ang 20 million sa bulsa ni Raymond.Hindi lang nagulantang si Mick—gusto na niyang mamatay.Pagkatapos niyang ibaba ang tawag kay Trippy, tinawagan niya agad si Zachary, dahil sinabi noon ni Zachary na nakapatay ang text notification mula sa number niya.Malapit nang makatulog si Zachary nang magsimulang tumunog ang cellphone niya.Dahil naiinis na siya nang pinulot ang cellphone niya, agad siyang sumagot nang galit kay Mick nang makita kung sino ang tumatawag.
Habang tumalikod at umalis ang trio ni Ian Cash mula sa Treasure Measure, nakatayo pa rin si Trippy roon, nakatitig nang walang direksyon habang papalayo sila, talagang nanghihina ang pakiramdam niya.Nakita iyon ni Raymond, ibinalik ang cellphone kay Trippy at sinabi nang kalmado, "Nagkasundo tayo sa ilang patakaran, pero hindi mo lang ito nilabag, sinubukan mo pa akong siraan.""Dahil ayaw mong maging marangal, hindi mo ako pwedeng sisihin kung magiging malamig ako—simula ngayon, wala na tayong kinalaman sa isa’t isa. Magiging estranghero tayo kahit magkasalubong pa tayo."Nahihirapan na si Trippy sa emosyon, at kinuha agad niya ang cellphone niya bago tumakbo palabas ng Treasure Measure, tinawagan si Mick Crane sa sandaling lumabas siya.Kadarating lang ni Mick sa Vintage Deluxe at hindi pa nakakaupo nang tawagan siya ni Trippy, at agad niyang tinanong pagkasagot ng tawag, "Kumusta? Anong nalaman mo?"Pero, sa sobrang inis ni Trippy, agad siyang napaiyak, "M-Mr. Crane… Mahal ko
Nang makita nilang tapos na ang transaksyon at nakuha na ang deal, nagpaalam na ng ibang collector at umalis.Pagkatapos mailagay ni Ian ang bronze sculpture sa bag, tumango siya kay Raymond. “Pasensya na kung aalis ako nang maaga, Mr. Cole, pero kailangan ko nang bumalik sa Eastcliff. Pero, maaari mo akong tawagan kapag may nakuha ka pang ibang kayamanan. Maluwag ako sa gastos, at nagbabayad agad ako kung maganda ang item at tama ang presyo.”Ngumiti si Raymond. “Sige. Ikaw ang una kong tatawagan kapag may makuha akong maganda.”Tumango si Ian at handa nang umalis kasama ang dalawa niyang kaibigan nang habulin sila ni Trippy.“Pakiusap, Mr. Cash!” Sigaw ni Trippy, nalulunod sa kaba. “Huwag mo ’yang bilhin! Peke ’yan!”Kumunot ang noo ni Ian. “Sinusubukan mo bang siraan si Mr. Cole? Hindi ba kaibigan mo siya?”“Hindi!” mabilis na sagot ni Trippy. “Hindi ko siya kaibigan—nandito lang ako para manood, pero hindi ko inaakala na lalakasan niya ang loob niya na lokohin ka sa halagang







