Tumingin si Charlie sa kanyang relo at naramdaman niya na hindi pa naman gano’n ka-gabi. Bukod dito, matagal na rin siyang hindi nakainom ng alak. Kaya, tumango siya at sinabi, “Sige. Ikaw ang pumili ng lugar!”Sobrang masaya si Jasmine sa sandaling ito at nagmadaling sumagot, “May alam akong magandang bar!”Pagkatapos, tinapakan ni Jasmine ang accelerator habang nagmaneho papunta sa gitna ng siyudad....Nagmaneho si Jasmine sa gitna ng siyudad at dumating sa isang bar na may pangalang Sunny.Inihinto ni Jasmine ang kanyang kotse sa harap ng pasukan ng bar bago niya pinasa ang susi ng kotse sa isang batang lalaki na nagtatrabaho bilang kamarero. Pagkatapos, mabilis niyang pinangunahan si Charlie papasok ng bar.Sa sandaling nakita siya ng waiter, binati niya siya nang magalang, “Magandang gabi, Miss Moore! Gusto mo bang pumunta sa iyong karaniwang lugar ngayon?”Tumango si Jasmine at sumagot agad ang waiter, “Mangyaring sundan mo ako.”Mayroong sahig ng sayawan sa unang palapa
Ngumiti si Jasmine pagkatapos makinig sa espesyal na hiling ni Charlie. Pagkatapos, sinabi niya, “Sige, gawin natin iyon! Dahil ito ang unang baso ng wine, ako na ang mauuna!”Pagkatapos, nilinis ni Jasmine ang kanyang lalamunan bago siya ngumiti nang matamis at sinabi, “Ang unang baso ng wine ay para pasalamatan ka sa pagligtas sa aking lolo ngayong araw! Gusto rin kitang pasalamatan dahil binigyan mo ako ng malaking pabor ngayon!”Tumango si Charlie at ngumiti habang sinabi, “Sige, kung gano’n inumin na natin agad ang baso ng red wine na ito!”Pagkatapos niyang magsalita, itinaas ni Charlie ang baso ng wine bago niya ito marahan na idinikit sa baso ng wine na nasa kamay ni Jasmine. Pagkatapos, inubos niya ang buong baso ng red wine sa isang inom.Sa sandaling ito, natapos dini agad ni Jasmine ang kanyang buong baso ng red wine. Pagkatapos, ngumiti siya bago tinanong, “Mr. Wade, bakit hindi mo sabihin sa akin kung bakit natin iinumin ang pangalawang baso ng red wine?”“Sige,” ngu
Sa sandaling ito, mabilis na nagtanong si Charlie dahil sa pagkausisa, “Anong ibig mong sabihin?”Sumagot nang seryoso si Jasmine, “Mr. Wade, mukha kang isang sobrang simple at kaswal na tao pero napakagaling mo talaga at may kakayahan. Gayunpaman, kahit na magaling ka, hindi ka mayabang. Pagkatapos kitang makilala nang mas mabuti, napagtanto ko na hindi mo sinusubukang ipakitang-gilas ang kakayahan mo o abilidad pero pag may taong lumpampas sa limitasyon mo o hinamon ka, hindi ka mag-aalangan na ipakita sa kanila ang kaya mong gawin. Bukod dito, ang mga pamamaraan mo para gumanti o dumepensa ay kadalasang hindi mawari at kakaiba sa ugali ng isang ordinaryong tao.”Pagkatapos, nagpatuloy si Jasmine, “Ang pinakamahalaga, hindi ko talaga maintindihan kung bakit ka nagpasya na maging manugang ng pamilya Wilson at manatili sa bahay kahit na napakagaling mo at talentado. Ang pamilya Wilson ay isa lamang karaniwan o marahil third-rate na pamilya. Sa tingin ko ay mas marami kang magagawa da
Masayang tumawa si Charlie pagkatapos marinig ang sinabi ni Jasmine. “Mukhang ayaw mong matali sa panuntunan ng pamilya Moore.”Tumango si Jasmine at sinabi, “Hindi ko talaga gustong matali sa mga panuntunan ng pamilya Moore pero wala akong paraan para makaalis dito.”“Bakit?” tinanong ni Charlie nang seryoso. “Sa tingin ko ay magbabago ang isip ng lolo mo pagkatapos maranasan na malapit na siyang mamatay dahil sa malubha niyang sakit. Bukod dito, ikaw ang dahilan kung bakit naligtas ang buhay niya at bakit maaari siyang mabuhay nang ilang taon pa. Kung nagpapasalamat talaga siya sayo, pwede mong gamitin ang pagkakataon na ito na hilingin sa kanya ang kalayaan na magmahal at magpasya kung sinong lalaki ang gusto mong pakasalan. Naniniwala ako na siguradong bibigyan ka niya ng kalayaan na pumili ng gusto mong asawa.”Ngumiti nang mapait si Jasmine at umiling siya bago sinabi, “Imposible. Kahit na mahal talaga ako ni Lolo at naaawa sa akin, hindi siya mangangahas na pumayag doon.”“B
Sinong mag-aakala na nananampalataya lang si Lady Wilson sa Budismo sa panlabas, pero sa loob niya ay isa pala talagang sobrang sakim at walang hiyang tao!Sa oras na iyon, handa siyang lumuhod sa harap ng kahit sino kung ang taong iyon ay aalukin siya ng isang milyong dolyar.Walang makakalaban sa akit ng pera kapag sila ay nangangailangan.Ang mga taong itinuturing na madumi ang pera ay ang mga taong may sapat na pera upang gumastos.Ano na ang sampu o dalawampung milyong dolyar kay Charlie ngayon? Mayroon siyang sampu-sampung bilyong dolyar sa kanyang bank account at ang Emgrand Group ay kumikita ng sampu-sampung bilyong dolyar kada taon. Hindi niya na alam kung saan niya gagastusin ang kanyang pera.Kaya, anong punto ng pagtanggap niya ng dalawampung milyong dolyar sa kanila ngayon? Mas gugustuhin niya na hindi tanggapin ang pera, sa halip ay hahayaan silang galangin siya at tratuhin siyang tagapagligtas nila upang biyan nila siya ng mas maraming respeto sa hinaharap.Iyon ta
Bumalik si Jasmine sa mansyon ng pamilya Moore pagkatapos niyang ihatid si Charlie sa gabing iyon.Hindi nakinig si Lord Moore sa bilin ni Charlie na magpahinga sa kama. Sa halip, nakaupo siya sa sala sa sandaling ito habang kinakausap ang ama at tito ni Jasmine na inuulat ang buong sitwasyon ng pamilya kay Lord Moore.Sa sandaling nakita niya na dumating si Jasmine sa mansyon ng pamilya Moore, iwinasiwas ni Lord Moore ang kanyang kamay at sinabi, “Jasmine! Hinihintay kitang umuwi!”“Lolo!” Sumagot nang magalang si Jasmine bago niya tinanong, “Bakit mo po ako hinihintay?”Sa sandaling ito, sumagot si Lord Moore, “Ikaw ang nag-imbita kay Mr. Wade ngayong araw, hindi ba? Maaari mo bang i-detalye ang buong pangyayari kung paano mo siya nakilala?”“Sige po, Lolo!”Nagmamadaling ipinaliwanag ni Jasmine ang kanyang sarili. “Nagkataon kong nakilala si Mr. Wade sa Vintage Deluxe. Sa oras na iyon, kasama ni Mr. Wade ang kanyang biyenan na lalaki…”“Biyenan na lalaki?” Tinanong ni Lord Mo
Nagmamadaling sumagot si Jasmine, “Lolo, pakisabi ang gusto mong ipagawa sa akin!”Biglang sinabi ni Lord Moore, “Gusto kong gawin mong manugang ng pamilya Moore si Mr. Wade!”“Ano?” Ang lahat ng tao sa sala, pati si Jasmine, ay tumingin lang nang gulat kay Lord Moore.Sa sandaling ito, nakaramdam ng bugso ng pagkasabik si Jasmine sa kanyang puso.Gayunpaman, labis na maingat pa rin siya at sinabi, “Lolo, si Mr. Wade ay… kasal na.”“Ano naman?” Sumagot nang matatag ang matandang lalaki. “Wala akong pakialam kung kasal na siya o kung marami siyang asawa o maybahay. Kahit marami pa siyang anak, kailangan natin siyang makuha! Gusto kong magkaroon ng manugang na tulad niya. Kung siya ay magiging manugang ng pamilya Moore, siguradong malaki ang ikauunlad ng negosyo ng pamilya Moore at makakaakyat na rin tayo sa ranggo ng ibang makapangyarihan at prestihiyosong mga pamilya. Magkakaroon na ng pagkakataon ang pamilya Moore na maging isa sa pinaka makapangyarihang pamilya sa bansa!”Nag-a
Nagtaka nang sobra si Claire nang marinig niyang kinukumbinsi siya ng kanyang ina na bumalik sa Wilson Group. Kaya, tinanong niya lang ang kanyang ina, “Ma, anong klaseng gamot ang pinainom sa iyo ni Lola? Bakit palagi mo akong pinipilit na bumalik sa Wilson Group?”Nabalisa nang sobra si Elaine sa sandaling ito at mabilis na sumagot, “Kung magtatrabaho ka sa Wilson Group, magkakaroon ka ng nakapirming sahod kada taon. Hindi ba’t mas mabuti iyon kaysa magsimula ka ng sarili mong negosyo? Paano kung mawala ang lahat ng pera mo dahil nagpasya ka na magsimula ng sarili mong negosyo? Ano nang gagawin ko at ng ama mo?”Sumagot nang matatag si Claire, “Ma, itigil mo na ang pagpilit sa akin! Hindi na ako babalik kahit kailan sa Wilson Group. Kahit na kailangan kong manglimos ng pagkain sa mga kalye, hindi ako babalik sa Wilson Group kahit kailan! Marahil ay kailangan kong manglimos ng pagkain pero hindi mawawala ang dangal at dignidad ko!”Tumingin nang masama si Elaine kay Claire bago sin
Sa halip, hinati nila ang lahat ng ilegal na transaksyon at ibinaba iyon sa mga mukhang walang kinalamang puppet gangs. Palihim nilang pinalalawak ang impluwensiya ng mga gang na iyon sa New York at sa buong East Coast para mas lumaki ang kapangyarihan at ilegal na kita ng kanilang grupo.Samantala, ang pampublikong imahe ng mga Zano, na pinamumunuan ng kasalukuyang ulo ng pamilya na si Antonio, ay todo-kayod sa pagpapaputi ng kanilang imahe at paglalapit ng sarili sa mga makapangyarihan sa lipunan.Alam na alam ni Antonio na kailangan din ng mga nasa mataas na lipunan ang mga grupong gaya ng mafia. Pero dahil sa pagkukunwari nila, hindi sila pwedeng makitang lantaran na nakikipagtulungan sa mafia. Kaya kung gusto ng isang mafia family na mapansin ng high society, ang unang dapat gawin ay linisin ang sarili nila.Sa madaling salita, hindi na sila naghahanap ng parang arinola na tinatago sa ilalim ng kama. Ang kailangan nila ngayon ay isang inidoro, malinis, walang amoy, at pwedeng i
Habang nagsasalita si Charlie, may plano na agad na nabuo sa isip niya.Dahil nasa New York na rin siya, naisip niyang ayusin na nang tuluyan ang ilang problema. Dahil pati ang Oskiatown at ang tindahan ni Uncle Janus na ilang dekada niyang pinaghirapan ay pinakialaman na ng mga Zano, wala na silang karapatang magreklamo kung magiging bastos siya.Kaya sinabi niya kay Angus, “Angus, magpalit ka ng damit. Sumama ka sa akin.”Tumingin si Angus sa limang miyembro ng Burning Angels at agad na nagtanong, “Mr. Wade, anong gagawin natin sa kanila? Paano kung patayin ko muna sila? Isang bala bawat isa, walang masasayang.”Takot na takot ang limang lalaki kaya nanginig sila sa kaba. Hindi nila inakalang ang maliit na chef na dati nilang inaapi sa punto na hindi siya nangahas na umutot ay handa na ngayong patayin silang lima!Nang makita ni Charlie na seryoso si Angus, ngumiti siya at sinabi, “Masyado pang maaga para patayin sila. Hayaan mo muna silang bantayan nina Uncle Janus at Daves. Hi
Pinasimulan ni Janus, na nasa tabi lang, ang pagpapakilala kay Charlie, “Matalino ang kasalukuyang pinuno ng mga Zano. Hinati niya ang dating simpleng operasyon sa ilang bahagi, tapos ang bawat hakbang ay ipinasa sa ibang grupo. Ang mga grupong ito ay nagtutulungan, nagba-balanse, at nagbabantayan sa isa’t isa.”Napataas ang kilay ni Charlie at sinabi, “Uncle Janus, pakipaliwanag pa nang mas detalyado.”Paliwanag ni Janus, “Base ito sa mga narinig at nakita ko lang mula sa labas, kaya maaaring hindi ito eksaktong tama, pero malapit-lapit na rin siguro.”Seryosong ipinagpatuloy ni Janus, “Sa totoo lang, ang pangunahing pinagkakakitaan ng mga Zano ay ang smuggling at pagbebenta ng droga. Meron silang sariling gang para sa smuggling at isa pa para sa pagbebenta. Bukod pa roon, may mga mas maliliit silang grupo gaya ng Burning Angels, na ang trabaho ay sakupin ang mga teritoryo sa iba’t ibang bahagi ng U.S.”“Ang sistema nila ay pagpapakilos ng mga mababang-lebel na gang para palawakin
Nahiya si Daves nang marinig niya ito. Totoong hindi naman ganoon kataas ang tingin niya kay Angus.Bukod pa roon, si Charlie ay isang estranghero na bigla na lang lumitaw, kaya hindi siya naniniwalang may kakayahan itong tulungan siya o si Angus na buhayin muli ang Oskian gang sa ilalim ng pang-aapi ng Burning Angels.Pero kailangan niyang aminin na si Angus, bagamat bata at kulang pa sa karanasan sa mundo, ay mas matapang kaysa sa kanya.Kahit wala siyang tiwala sa kakayahan ni Charlie, may sarili rin siyang pangamba. Kung tatanggihan niya ito, kailangan pa rin niyang magtago kung saan-saan, at baka wala na siyang pagkakataong makabawi sa buong buhay niya.Pero kung makikipagtulungan siya kay Charlie, baka may tsansa pa siyang makabalik at bumangon.Habang iniisip niya iyon, hindi niya naiwasang mapatingin kay Janus na nasa tabi lang.Sa tingin niya, si Janus ay isang kahanga-hangang tao.Kahit matagal na itong naipit sa pagluluto ng roast goose sa tindahang ito, siya pa rin a
Pagkasabi noon, napakagat siya sa labi at mahigpit na sinabi, “Pero bago ako umalis sa United States, kailangan ko munang ipaglaban ang mga kababayan kong namatay sa Oskiatown! Kailangan kong makaganti, kahit ilan man lang sa kanila ang madala ko!”Gustong magsalita ni Janus pero napigilan niya ang sarili niya at napatingin na lang kay Charlie, hinihintay ang sasabihin nito. Tumingin si Charlie kay Angus at seryosong sinabi, “Angus, kung ikaw ang babaril, may dalawang pagpipilian ka. Una, papalabasin kita sa United States ngayong gabi. Tulad ng sinabi mo, hindi ka na babalik.”Pagkasabi niyon, saglit siyang tumigil, tapos tinaasan nang kaunti ang boses niya. “Ang pangalawa, manatili ka rito, at tapusin ang lahat ng dapat tapusin!”Nagtatakang tinanong ni Angus si Charlie, “Mr. Wade, ano pong ibig mo sa pangalawa?”Seryoso ang mukha at boses ni Charlie habang sinabing, “Manatili ka rito, tutulungan kitang buuin ang bagong Oskian gang. Simula ngayon, kahit sino pang manghamak sa’yo a
Agad na natakot nang husto ang lima, pati na si Will, sa sinabi ni Charlie!Paano nila naisip na kahit tiniis na nila ang lahat ng kahihiyan at pagpapahirap mula kay Charlie hanggang ngayon, at umaasa pa rin sila na palalayain sila ni Charlie, pero sino ang mag-aakalang ilalabas pa ni Charlie ang lider ng Oskian gang at uutusan pa siyang patayin sila.Takot na takot ang lima, at halos hindi na malinaw ang boses ni Will habang may dugo sa bibig. “Mr. Wade… ginawa na po namin ang gusto mo… pakiusap, huwag mo po kaming patayin…”Ngumiti si Charlie at sinabi, “Kung sapat na ang pakiusap para makaligtas, edi sana wala na kayong pinatay. Naalala niyo ba ‘yung mga biktima niyo? Nakiusap din ba sila bago niyo sila pinaslang?”Pagkasabi nito, hindi na pinansin ni Charlie si Will. Inilagay niya ang baril sa kamay ni Daves, tapos malamig niyang sinabi, “Bakit nakatayo ka pa rin diyan?”Halatang nag-aalangan si Daves habang nakatitig sa baril sa kamay niya. Malalim ang galit niya sa Burning A
Napakunot-noo si Charlie at sinabi, “Halos isang daan kayo, tapos hahayaan niyo lang na magyabang ang limang hinayupak na ito dito sa Oskiatown?”Nahihiyang sagot ni Daves, “Mr. Wade, may suporta po kasi ang limang yan mula sa Burning Angels, at ang Burning Angels naman ay sinusuportahan ng mga Italian. Sila ang may hawak ng maraming gang dito sa New York, libo-libo ang mga tao nila. Wala kaming laban sa kanila...”Malamig na sinabi ni Charlie, “Kahit pa libo sila, ano naman? Hindi ko pa narinig na may gang fight dito sa United States na libo-libo ang kasangkot. Sa tingin mo ba, kaya nilang dalhin ang libo-libong tao sa Oskiatown?”Nahihiyang paliwanag ni Daves, “Mr. Wade, hindi niyo lang po siguro alam, pero napakabagsik ng mga taong ito. Ilang beses na silang pumatay ng mga importante naming miyembro, harap-harapan o palihim. Natakot ang mga tauhan ko, kaya isa-isa silang umatras.”Tinanong ni Charlie, “Ilan na sa mga tao mo ang pinatay ng Burning Angels?”Mabilis na sagot ni D
Pagkarinig ni Angus sa utos ni Janus, agad siyang tumakbo palabas. Kahit komplikado ang komunidad ng Oskiatown, maliit na lugar lang ito. Kaya halos magkakakilala na ang lahat ng tao dito sa tagal ng pagsasama nila.Tulad ng pangalan nito, isa lang itong kalye, pero isang kalye na puno ng mga Oskian. Parang magkakapitbahay ang relasyon ng lahat dito.Kahit may mga kapitbahay pa ring tuso at makapal ang mukha, karamihan sa kanila ay nagtutulungan at sinusuportahan ang isa’t isa.Sa mga naunang taon, ang mga Oskian na bagong dating sa United States ay dumanas ng matinding diskriminasyon. Napilitan silang magsama-sama para mabuhay, at dito na rin unti-unting nabuo ang Oskian gang.Sa una, para maprotektahan ang sarili nila, nagsama-sama ang mga batang malalakas na Oskian para labanan ang mga umaapi sa kanila. Habang lumilipas ang panahon at lumalago ang lipunan, nagkaroon ng kanya-kanyang papel ang bawat isa. Yung dati ay nagtatanggol lang paminsan-minsan, ginawa na nilang trabaho ito
Sinabi ni Angus, “Ang pangatlong beses ay dalawang noong nakaraang gabi. Nakaupo siya sa isang Cadillac na nakaparada sa kanto ng kalsada. Kakagaling lang ni Clinston ng Oskian gang mula sa nightclub nang hilahin siya ng nakababatang kapatid na lalaki niya papasok sa kotse. Pagkatapos, nakarinig ako ng putok ng baril at nakita ko ang pagsabog ng dugo sa likurang pinto ng kotse. Tinulak palabas ang katawan ni Clinston, tapos umalis na ang Cadillac…”Tumango si Charlie at tinanong, “Madalas bang inaapi ni Clinston ang mga tao dito sa Oskiatown?”Umiling si Angus at sinabi, “Medyo maayos naman dito sa Oskiantown ang Oskian gang. Oo, naniningil din sila ng protection fee, pero tinutulungan naman talaga nila kami lalo na kaming mga ilegal dito. Laging may mga nang-aapi sa amin, pero sila ang tumutulong sa amin. Tsaka makatuwiran ang singil nila. Sa totoo lang, kahit hindi kami nagbabayad ng tax dito sa America, hindi talaga pwedeng walang protection fee. Kaya kung tutuusin, mas disente an