Share

Kabanata 2891

Author: Lord Leaf
Samantala, nag-aalala nang sobra at nababalisa sina Carvalho at Mason habang nakaupo sila sa loob ng hotel room sa Shangri-La.

Hindi pa maka-recover si Mason sa kakila-kilabot na karanasan kanina lang, at sobrang sama ng estado ng mentalidad niya sa sandaling ito.

Hindi rin nagsalita si Carvalho, at may hawak siya na ilang tansong barya sa kaniyang kamay habang patuloy niya itong tinatapon sa taas ng lamesa.

Ang hexagram na ipinakita ng mga tansong arya ay isa nang hexagram na hindi maintindihan ni Carvalho. Medyo nagduda si Carvalho dahil dito. Palaging may presensya ng magandang pagkakataon sa hexagram, pero sa parehong oras, hinding-hindi nawala ang panganib. Kahit ang malabong pakiramdam ng hindi alam ay mas malakas pa kaysa dati.

Walang malay na unti-unti ring nagbago ang mentalidad ni Carvalho.

Sa una ay akala niya na pinagsasamantalahan niya ang imbitasyon ni Cadfan na pumunta sa Oskia para kumita ng pera sa tabi habang hinahanap ang magandang kapalaran niya.

Hindi mahalag
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 6244

    Hindi na ito gaanong pinag-isipan ni Master Jeevika nang sabihin ni Nanako na gusto niyang sumubok muli. Tumango siya at iminungkahi, "Kung nais mong matagumpay na makapasok sa unconscious realm, ang pinakatiyak na paraan ay ang bitawan ang pitong emosyon at anim na pagnanasa."Sandaling natahimik si Nanako bago bumulong, "Ano pa ang saysay ng mabuhay kung aalisin ang lahat ng emosyon at pagnanasa?"Walang alinlangan na sinabi ni Master Jeevika, "Tanging sa pag-alis ng emosyon at pagnanasa magkakaroon ng pagkakataong maabot ang enlightenment at mas makapagsilbi para gabayan at iligtas ang iba."Umiling si Nanako at taos-pusong sinabi, "Patawarin mo ako sa pagiging prangka, pero hindi ba’t ang lubos na debosyon kay Buddha ay isa ring anyo ng emosyon? At ang palagiang pag-iisip na mailigtas ang iba—hindi ba’t iyon ay isa ring anyo ng pagnanasa? Walang masama sa kagustuhang gabayan ang iba, pero hindi naman lahat ng tao ay hindi kuntento sa kanilang buhay. Kung may taong masaya at paya

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 6243

    Ngumiti si Suzanne at sinabi, "Anim na buwan lang ang kinailangan mo para makamit ang enlightenment. Sa tingin ko, aabutin si Miss Ito ng dalawa hanggang tatlong taon."Umiling si Ashley at banayad na sinabi, "Hindi ako sang-ayon. Mas may talento si Nanako kaysa sa akin. Maaaring mas maikli pa ang panahon na kailangan niya kumpara sa akin. Baka magtagumpay siya sa loob ng isang buwan.""Talaga?" napasinghap si Suzanne sa gulat. "Sobrang taas ng tingin mo sa kaniya."Tumango si Ashley. "Mas dalisay siya kaysa sa karamihan ng matatanda. Kapag mas dalisay ang isang tao, mas madali para sa kaniya ang makamit ang enlightenment."Sa sandaling iyon, lumapit si Nanako sa futon sa bulwagan at umupo nang naka-krus ang mga binti. Pagkatapos, ipinikit niya ang kanyang mga mata, sabay na pinakilos ang kaniyang essential qi at divine sense, at pumasok sa introspection realm.Dahil gamay na niya ang buong proseso ng introspection, madali siyang nakabalik sa Sea of Consciousness.Sa mga sandalin

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 6242

    Nang maisip ni Nanako na maaari siyang maging kagaya ni Charlie, hindi niya mapigilang manabik. Tumingin siya kay Master Jeevika at magalang na nagtanong, "Master, maaari po ba ninyo akong gabayan kung paano tunay na makakamit ang enlightenment?"Habang sinasabi niya iyon, nakaramdam siya ng matinding pag-aalinlangan.Naniniwala siya na sa lipunan ngayon, karaniwan na ang may tinatagong sikreto. Kahit sa karaniwang martial arts, walang sekta o pamilya ang basta-basta nagbabahagi ng kanilang mga panloob na katuruan sa iba, lalo na pagdating sa mas mataas na antas ng cultivation.Sa kabila nito, nais pa rin niyang subukan ito dahil pakiramdam niya ay kung ganoon na karami ang ibinahagi ni Master Jeevika sa kaniya, baka handa pa siyang magturo ng kaunti pang dagdag na kaalaman upang mas luminaw ang lahat sa kaniya.Huminga nang malalim si Master Jeevika at sinabi, "Miss, isa kang bihirang henyo. Hindi ko kayang hayaang masayang ang iyong talento. Sa totoo lang, nahanap mo na ang susi

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 6241

    Gayunpaman, noong mga oras na iyon, ni si Nanako o si Charlie ay walang ideya kung ano ang kahulugan ng ganitong estado ng isipan.Balisa si Master Jeevika, halos sabik pa nga. Hindi niya mapigilang maglakad-lakad at bulong nang bulong, "Isa siyang bihirang henyo! Siya mismo ang nakatuklas ng Sea of Consciousness! Kung wala akong guro na gumabay sa akin, hinding-hindi ko malalaman kung paano papasok doon."Sa sandaling iyon, pati si Ashley ay nagulat.Narinig na niya noon mula sa kaniyang mga tauhan na napakabilis ng pag-unlad ni Nanako sa martial arts at isa siyang henyo. Kaya naman naniwala siya na bukod kay Charlie, si Nanako ang may pinakamalaking tsansang maabot ang enlightenment. Ito ang dahilan kung bakit hiniling niya kay Master Jeevika na gabayan si Nanako.Pero hindi pumasok sa isip ni Ashley na nasa kalagitnaan na pala si Nanako sa enlightenment!Bumilis ang tibok ng kaniyang puso at napatitig siya sa monitor, hindi makapaniwala.Samantala, sa bulwagan, hindi maintindi

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 6240

    Sinabi ni Master Jeevika, "Hayaan mong ipaliwanag ko ito sa ibang paraan."Pagkatapos, seryoso niyang ipinaliwanag, "Kapag nakadilat ang mga mata mo, nakatayo ka lang sa lupa at nakatingin sa langit sa harap mo. Kapag ipinikit mo ang mga mata at pumasok sa unconscious realm, nagiging globo ang mundo sa harap mo at para bang saklaw at tanaw mo ang lahat."Nakakunot ang noo ni Nanako, litong-lito. "May kaunti na akong naiintindihan sa introspection method, pero... hindi ko pa naranasang pumikit at parang makita ang buong universe.""Oh?" napabulalas si Master Jeevika. "Alam mo ang introspection method?"Tumango si Nanako. "Kaunti lang ang alam ko, at hindi rin ako siguradong iyon talaga iyon.""Maaari mo bang ikuwento kung paano mo ito ginawa?" tanong ni Master Jeevika.Nag-isip sandali si Nanako at sinabi, "Nagsasanay ako ng martial arts, at kapag pinaikot ko ang essential qi sa lahat ng meridians, pakiramdam ko ay para bang nakikita ko ang bawat meridian ng katawan ko."Umiling

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 6239

    Nalito si Master Jeevika sa sunod-sunod na pagtanggi ni Nanako.Hindi siya mangmang at alam niyang iyon ay paraan ni Nanako para tanggihan siya. Kahit na may panghihinayang, napaisip siya, “Nakikita kong pambihira ang kaniyang espirituwal na kakayahan. Kung papasok siya sa Buddhism at magtutuon ng pansin sa pag-aaral ng mga kasulatan, siguradong mas maiintindihan niya ang mga turo, at makikinabang din ang lahat ng tagasunod. Pero sa huli, mukhang ako lang pala ang umaasa—”Nang maisip iyon, napabuntong-hininga siya. “Patawarin ninyo ako. Ang hiling lang ni Mrs. Wade ay tulungan ko siyang maliwanagan, ngunit masyado akong nag-focus sa pangungumbinsi sa kaniya na pumasok sa Buddhism.”Tahimik siyang bumigkas ng ilang talata mula sa kasulatan at saka nagsabi, “Patawad sa aking pagiging ignorante. Patawarin mo sana ako.”Bahagyang tumango si Nanako. “Ayos lang, basta huwag mo na lang ulit akong hikayatin na maging madre.”Habang nagsasalita, maingat niyang kinuha mula sa bulsa ang isa

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status