Share

Kabanata 2

Author: Lord Leaf
Sampung bilyong dolyar?!

Nagulat si Charlie. Dilat ang kanyang mga mata at ang kanyang bibig ay nakanganga.

Alam niya na napakayaman ng kanyang lolo, ngunit dati, masyado pa siyang bata upang maunawaan ang konsepto ng pera. Alam niya lang na ang pamilya Wade ay isa sa pinakamayamang pamilya sa Eastcliff, maging sa bansa, pero hindi siya sigurado sa kanilang buong kayamanan.

Ngayon, nalaman na niya.

Kung ang sampung bilyong dolyar ay maliit na pera lang, ang ibig sabihin ay mas malaki pa sa isang trilyong dolyar ang buong kayamanan ng pamilya Wade!

Sa totoo lang, sa sandalling ito, siya ay naantig at bumigay nang kaunti. Gayunpaman, nang maisip niya ang namatay niyang mga magulang at kung paano naging parte ng dahilan ang kanyang lolo sa kanilang pagkamatay, alam niya na hindi niya siya mapapatawad nang madali.

Nang maramdaman ang kanyang pagkabigo, sinabi nang mabilis ni Stephen, “Young Master, ikaw ay isang miyembro ng pamilya Wade, kaya sayo ang pera. Bukod dito, kung iisipin, ito ay pag-aari ng iyong ama.”

“Sinabi ng Master na kung handa ka nang umuwi, ikaw ang gagawin niyang tagapagmana ng isang-trilyong-dolyar na negosyo. Kung ayaw mo pang umuwi, gamitin mo ang pera na ito sa iyong pang araw-araw.”

“Ah oo, isa pang balita – Ang pinakamalaki at pinakakumikitang kumpanya sa Aurous Hill, ang Emgrand Group na may halagang merkado na isang daang bilyong dolyar, ay nakuha nang buo ng pamilya Wade kahapon. Ang lahat ng bahagi ay nasa pangalan mo, pwede mo nang kunin kung ano ang nararapat sayo sa kumpanya bukas!”

Nakinig nang nakatulala si Charlie sa kanya, talagang hindi makapaniwala.

Hindi ba’t masyadong malaki ang puhunan na binigay ng pamilya Wade para sa kanya?

Isang premium black card na may limitasyon na sampung bilyong dolyar, Ang Emgrand Group na may halagang isang daang bilyong dolyar!

Bagama’t ang Aurous Hill ay lupain ng mga talento, ang tanging itinuturing na pinakamataas na grupo ay ang Emgrand Group. Ito ang hari ng industriya ng negosyo sa Aurous Hill! Kahit sinong sikat at maimpluwensyang pamilya ay kailangang yumuko sa harap ng Emgrand Group, kasama ang mga pamilya na pinahiya siya ngayong araw – ang pamilya Wilson, at kahit ang pamilya Jones na ang habol ay ang kanyang asawa! Sila ay wala kundi mga tagapaglingkod sa harap ng Emgrand Group!

At ang kamangha-manghang kumpanya na ito ay sa kanya na?

Binigyan siya ng business card ni Stephen at sinabi, “Young Master, baka kailangan mo ng kaunting panahon upang huminahon at pag-isipan ito, kaya aalis na ako ngayon. Ito ang kard na may numero ko, pakitawagan mo ako kung may kailangan ka!”

Doon, umalis na si Stephen.

Nakatulala pa rin si Charlie pagkatapos niyang umalis.

Hindi niya alam kung tatanggapin niya ba ang kabayaran mula sa pamilya Wade.

Subalit, naalala niya ang nakaraang dekada nang pagdurusa at kahirapan at ang pagpapahiya na naranasan niya nang pinakasalan si Claire. Ito ang kabayaran na binigay ng pamilya Wade para sa kanyang paghihirap, kaya bakit niya ito hindi tatanggapin?

Bukod dito, kailangan ni Mrs. Lewis nang dalawang milyong dolyar para sa kanyang panggamot.

Nagngalit ang kanyang mga ngipin habang hawak nang mahigpit ang kard, pagkatapos ay tumalikod at pumunta sa kagawaran ng kahera. “Hi, gusto kong ayusin ang bayarin.”

Ang kard ay ginamit, ang password ay nilagay, at ang transaksyon ay natapos.

Dalawang milyong dolyar ang binigay sa account ng ospital nang ganun lang.

Naramdaman ni Charlie na siya ay parang naglalakad sa ulap.

Naging bilyonaryo ba siya sa isang kisap-mata?

***

Umuwi siya nang walang imik.

Sa sandaling ito, ang bahay ay puno ng poot at galit.

Si Claire at ang kanyang mga magulang ay hindi nanirahan sa villa ng pamilya Wilson at sila ay nanatili sa isang ordinaryong bahay lamang.

Dahil pinakasalan ni Claire si Charlie pagkatapos mamatay ni Lord Wilson, sila ay pinalayas sa villa.

Ang kanyang biyenan ay sumisigaw sa sobrang dismaya, “Charlie Wade, ang talunan na yon! Siya ay kahiya-hiya! Kung hindi mo siya hihiwalayan ngayon, maaaring palayasin ka ng iyong lola sa Wilson Group!”

Sinabi nang kalmado ni Claire, “Kung gagawin niya yon, maghahanap na lang ako ng bagong trabaho.”

“Ikaw…” galit na angal ng kanyang ina, “Anong maganda sa talunan na yon? Bakit hindi mo siya hiwalayan at pakasalan si Wendell? Kung pakakasalan mo si Wendell Jones, ang buong pamilya natin ay titingalain!”

Dinagdag ng kanyang ama, “Tama ang ina mo! Kung pakakasalan mo si Wendell, ang ating pamilya ay magiging mahalagang kayamanan sa pamilya. Mamahalin ka ng lola mo at araw-araw kang bibigyan ng pansin!”

Sinabi ni Claire, “Tumigil na kayo. Hindi ko hihiwalayan si Charlie.”

“Ikaw!”

Gustong ipagpatuloy ng dalawang magulang ang pagpilit kay Claire nang tinulak ni Charlie ang pinto at pumasok.

Tinignan siya nang marumi ng kanyang mga biyenan nang makita siya.

Nangutya ang kanyang biyenang-babae. “Kala ko nakalimutan mo na ang daan pauwi, talunan!”

Nagbuntong-hininga nang tahimik si Charlie. Lagi siyang minamaliit ng kanyang biyenang-babae, ngunit anong gagawin niya kapag nalaman niya na siya na ang nagmamay-ari ng Emgrand Group at mayroong sampung bilyong dolyar na pera?

Gayunpaman, hindi ito ang panahon upang ibunyag ang kaniyang pagkakakilanlan.

Matagal na siyang umalis sa pamilya Wade, sinong nakakaalam kung ano na ang nangyayari doon? Paano kung puntiryahin siya ng isang tao mula sa pamilya kapag nagpakilala siya?

Ang pagtatago ay ang pinakamahusay na pagpipilian sa ngayon.

Kaya, binaba niya ang kanyang ulo at mapagkumbabang sinabi, “Ina, patawad sa lahat ng gulo na ginawa ko ngayon.”

Sumigaw ang kanyang byenang-babae, “Gulo? Mas malaki pa ito sa gulo, nilalagay mo kami sa tulos! Hindi ka ba magkakaroon ng kahit kaunting kagandahang-asal at umalis sa bahay namin?”

Mabilis na sumingit si Claire, “Ma, paano mo nasabi yan? Manugang mo si Charlie!”

“Kalokohan!” nagmaktol ang kanyang ina, “Wala akong manugang na talunan! Mas mabuti kung lalayo siya hangga’t kaya niya!”

Siniko ni Claire si Charlie at sinabi, “Bilis, bumalik na tayo sa kwarto.”

Tumango nang nagpapasalamat si Charlie at tumakas pabalik sa kwarto.

Tatlong taon na silang kasal, ngunit hindi pa sila nagtatalik, kahit isang beses. Si Claire ay natutulog sa kama habang siya ay sa sahig sa gilid.

Ngayong gabi, nahihirapang matulog si Charlie.

Ang mga nangyari ngayon ay talagang nakakagulat at nakakataranta at hindi niya pa ito natatanggap.

Bago matulog, sinabi ni Claire, “Kamusta na si Mrs. Lewis? Mayroon akong halos isang daang libong dolyar ngayon, pwede mo itong gamitin bukas.”

Sinabi ni Charlie, “Ayos na. Mayroong nagbayad sa kanyang panggamot at nilipat siya sa Eastcliff para gamutin.”

“Talaga?” Namanghang sinabi ni Claire. “Wow! Kaya magiging maayos na si Mrs. Lewis?”

“Oo,” Sinabi ni Charlie, “Maraming kabutihan ang ginawa ni Mrs. Lewis sa kanyang buhay at tinulungan ang maraming tao. Ngayon, may nagbalik ng pabor sa kanya.”

“Nakakatuwang marinig iyon.” Tumango habang nakangiti si Claire. “Magiging mapayapa na ang isip mo ngayon.”

“Oo.”

“Gusto ko nang matulog. Maraming ginagawa sa kumpanya ngayon, pagod na pagod na ako.”

“Anong nangyayari sa kumpanya?”

“Hindi maganda ang nangyayari nitong mga nagdaang araw. Gustong makipagtulungan ni lola sa Emgrand, ngunit masyadong maliit ang Wilson Group kumpara sa kanila. Hindi man lang nila kami tinignan.”

“Oh? Hindi ba’t nakipagtulungan ang Wilson Group sa Emgrand dati?”

Sarkastikong tumawa si Claire. “Syempre hindi! Ano ba kami sa mata ng Emgrand? Sa tingin ko ay mukha kaming maliit na butil ng alikabok sa kanila! Kahit ang pamilya ni Gerald, ang pamilya ng kasintahan ni Wendy, ay hindi makamoot ang buntot ng imperyo ng negosyo ng Emgrand.

Sadyang tumango si Charlie.

Ginawa na ng Wilson family ang lahat ng kanilang makakaya upang makipagtulungan sa Emgrand Group.

Gayunpaman, hindi maiisip ni Lady Wilson na siya na ang nagmamay-ari sa Emgrand Group ngayon…

Habang iniisip ito, nagdesisyon si Charlie na akuin ang Emgrand Group at tulungan si Claire sa kanyang negosyo. Hindi siya tinatrato nang patas ng pamilya Wilson at masyado siyang inapi. Bilang kanyang asawa, mayroon siyang responsibilidad na pataasin ang kanyang katayuan sa pamilya.

Sinabi niya nang tapat sa kanyang puso, ‘Claire, iba na ang iyong asawa ngayon! Hindi ko hahayaan na maliitin ka ulit ng kahit sino! Papayukuin ko ang buong pamilya Wilson sayo!”

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (2)
goodnovel comment avatar
Ryan Joey Mejia Ferrer
nasa kabanata 700 plus na ako pero nung nagpalit ako ng bagong phone bumalim ako sa kabanata 1. hayzz
goodnovel comment avatar
Rose Jane Nieva
may kaparehas syang story iba lmg title,,hayss
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 6143

    Pagkatapos magpahayag ni Keith, agad na sumang-ayon si Christian, "Kung may matibay na ebidensya na si Charlie, sinusuportahan ko rin iyon!""Oo, Pa!" tumango si Kaeden. "Buong-buo ang suporta ko sa desisyon mo."Naramdaman ni Merlin ang pag-aalala ni Keith kaya napailing siya at sinabi, "Suportado rin kita, pero kapag nangyari na ang lahat, magiging ayos lang ba si Lulu? Baka magalit siya kay Charlie?"Kumaway lang si Keith. "Hindi ganyan kamangmang ang pamilya natin. Mauunawaan niya iyon."Pagkatapos ay mariing sinabi ni Keith, "Pero bukod kay Charlie, tayong apat lang ang dapat na makaalam tungkol dito. Pagkatapos ng lahat ng ito, kahit ano pa ang maging reaksyon ni Lulu, huwag na huwag na natin itong babanggitin. Ililihim natin ito habambuhay."Sabay-sabay na tumango ang tatlo.Walang salitang kasunduan ang pinakamainam para sa ganitong sitwasyon.Sandaling natahimik si Keith, pagkatapos ay marahang pinunasan ang luhang dumaloy sa gilid ng mga mata niya. Matapos nito, sumago

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 6142

    Kinuha ni Charlie ang file at pinag-aralan ito. Ang pangalan ng pasyente ay Joel Carr. Na-admit siya sa ospital matapos masagasaan ng sasakyan, at nagtamo ng maraming pasa at mabababaw na sugat. Pero wala namang pinsala sa mga buto o kalamnan niya, kaya mukhang hindi naman malala ang kalagayan niya.Lumingon si Charlie kay Pitt at nagtanong, "Hindi naman malala ang kondisyon niya. Hindi ba’t hindi na siya kailangan i-admit? Hindi ba sapat na i-obserbahan lang siya sa ER?"Napasinghap si Dr. Pitt at agad na nagpaliwanag, "Baka hindi niyo po alam, pero assistant ni Mr. Zekeiah Cash ang pasyente. Sikat si Zekeiah sa New York, at miyembro ng pamilya Acker ang asawa niya. Siya mismo ang tumawag sa hospital director para ipalipat ang pasyente sa ward sa 17th floor para doon gamutin.""Anong sabi mo?" napakunot-noo si Charlie. "Si Zekeiah Cash? Asawa ni Lulu Acker?""Oo!" tumango si Dr. Pitt.Pinisil ni Charlie ang kamao niya at nagngalit ang mga ngipin.Mukhang ang tatlong tao sa Ward

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 6141

    Sinabi ni Ruby na si Mr. Chardon ang pinakamalakas sa apat na Earl.Pero kahit na hindi siya nagpakamatay, hindi pa rin niya kayang tapatan si Charlie.Kaya malinaw na kay Charlie kung gaano kadali para sa kanya ang patayin si Mr. Zorro.Pero iba ang may plano, at iba rin ang pagkakaroon ng tamang pagkakataon para maisakatuparan iyon.Alam ni Charlie na mahirap patayin si Mr. Zorro habang nasa New York.Ang makipaglaban sa gitna ng isang abalang lungsod ay mas makakasama kaysa makakabuti. Baka nga bago pa niya mapatay si Mr. Zorro, nai-broadcast na ito nang live sa internet.Kaya hindi matalinong hakbang ang direktang harapin si Mr. Zorro.Bukod pa rito, hindi niya rin maaaring gamitin ang Reiki para patayin ito agad sa isang iglap.Malamang na magdulot ito ng matinding kaguluhan at mga kakaibang balita kung biglang tamaan ng kidlat ang Manhattan Hospital at may isang tao roong mamatay.Ibig sabihin, kailangan niyang makaisip ng paraan para patayin si Mr. Zorro nang walang aba

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 6140

    "Maabswelto?" tanong ni Charlie. "Kung ganoon, gaano katagal bago matapos ang lahat?"Sagot ni Julien, "Kailangan pa rin ng court hearing bilang bahagi ng proseso. Sa normal na sitwasyon, matagal iyon, pero dahil malaki ang naging epekto ng kasong ito, gusto ng judicial department na maresolba agad. Pinipilit din ng tatay ko na ituring ito bilang special case, kaya magpapadala ang korte ng New York ng team ng mga hukom sa ospital para magsagawa ng hearing at doon na rin ibaba ang hatol. Aalis sila sa loob ng ilang oras, at kung isasama ang lahat ng kailangang oras, matatapos ito mga lima pang oras mula ngayon, mga alas-siyete ng gabi."Nakahinga nang maluwag si Charlie nang marinig iyon.Kailangan pa ni Fleur ng hindi bababa sa sampung oras bago makarating. Kung maabswelto si Raymond sa loob ng tatlong oras, makakaalis na sila agad ng United States. Ipapabalik niya si Raymond sa Oskia, at hindi na maglalakas-loob si Fleur na habulin sila.Sa totoo lang, kahit habulin pa sila ni Fle

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 6139

    Sa Ward 02, 03, at 04, may tig-aapat na ahente sa bawat kwarto, habang sa Ward 1701, bukod kay Raymond, may anim na ahente na mahigpit na nagbabantay sa kanya.Bukod pa roon, lahat ng ahente ng FBI ay may dalang mga totoong bala. Kapag may biglang sumugod babarilin nila agad ito nang walang pag-aatubili.Kapag may nangyaring putukan, siguradong lalala ang sitwasyon.Wala namang alitan si Charlie sa FBI, at ayaw din niyang atakihin nang walang awa ang mga ahenteng nagbabantay kay Raymond, kaya kung gagamit siya ng dahas sa ganitong sitwasyon, magiging imposible na ang solusyon.Pero wala ring matinong paraan kung magiging mahinahon lang siya.Hindi naman pwedeng sabay-sabay niyang manipulahin ang halos dalawampung tao, hindi ba?Kahit mapatakas pa niya si Raymond, magiging wanted siya. Ayon mismo kay Raymond, mas gugustuhin pa niyang mabulok sa kulungan kaysa maging isang wanted na kriminal.Habang naguguluhan pa si Charlie sa kung anong dapat gawin, biglang may lumabas na mensah

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 6138

    Alam ni Charlie na mas low-profile na ngayon ang Qing Eliminating Society, kaya hindi niya inasahang makakasalubong niya sila sa biyahe niya ngayon sa New York.Pero ngayong bagong dating pa lang siya sa 17th floor ng Manhattan Hospital at may sugatang miyembro ng Qing Eliminating Society na agad na inilipat roon, imposibleng nagkataon lang iyon.Pakiramdam ni Charlie, si Raymond ang pakay ng Qing Eliminating Society, at ang dahilan kung bakit nila siya lalapitan ay dahil sa Four-Sided Treasure Tower.Mahinang sinabi ni Charlie sa sarili niya, "Sinabi sa akin ni Vera na nabanggit ni Marcius sa ama niya ang Four-Sided Treasure Tower, kaya malamang alam ni Fleur ang tungkol dito. Malamang siya lang din ang tanging tao sa Qing Eliminating Society na nakakaalam ng tunay na pinagmulan ng tore. At ngayong tinututukan na ng society ang lugar na ito, sigurado akong utos ito ni Fleur."Dahil dito, naging mas maingat si Charlie.Alam niya na bukod kay Fleur, may tatlong elder at isang earl

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status