Share

Kabanata 3

Author: Lord Leaf
Kinabukasan, pagkatapos maghain ng almusal, sumakay si Charlie sa kanyang iskuter papunta sa opisina ng Emgrand Group.

Ipinarada niya ang kanyang iskuter sa gilid ng paradahan ng Emgrand. Sa sandaling pinatay niya ang kanyang iskuter, isang itim na Bently ang mabagal na pumarada sa harap ng kanyang lugar.

Tumingala siya nang hindi sinasadya at nakita ang magnobyo na papalabas ng kotse.

Ang lalaki ay may suot na may tatak na amerikana, gwapo, at matalino sa paningin. Samantala, ang babae ay mabulaklak ang suot. Kahit na matingkad, matatawag siyang maganda.

Ang babae ay si Wendy Wilson, ang pinsan ni Claire, at ang lalaki ay ang kanyang nobyo, si Gerald White.

Hindi alam ni Charlie kung bakit sila nandito, pero alam niya na ang pinakamabisang paraan upang makalayo sa gulo ay lumayo sa kanila.

Gayunpaman, kapag mas sabik siyang magtago sa kanila, mas malaki ang tyansa na makita siya nila.

Napansin siya ni Wendy sa sulok ng kanyang mga mata. Sinigaw niya nang malakas,

“Hoy, Charlie!”

Palakaibigan siyang tinawag ni Wendy, ngunit kinilabutan si Charlie.

Sa paggalang, huminto lang siya at hinintay silang lumapit. Siya ay ngumiti at tinanong, “Wendy, uy, bakit kayo nandito?”

Tumawa nang marahan si Wendy. “Ah, nandito si Gerald para kausapin si Doris Young, ang vice-chairman ng Emgrand Group! Nandito ako para samahan siya.”

Pagkatapos ay tumalikod siya at tumingin nang malambing kay Gerald at sinabi, “Maraming proyekto ang pamilya White kasama ang Emgrand Group. Hindi lang ito makakatulong sa pamilya white ngunit makakatulong din sa pamilya Wilson sa hinaharap.”

Hindi alam ni Charlie na ang pamilya White ay isa sa mga kasosyo sa negosyo ng Emgrand Group. Pagkatapos ng lahat, katatapos niya lang akuin ang kumpanya at walang oras para basahin ang mga detalye.

Hindi siya nagpakita nang kaibahan sa kanyang mukha. Sa halip, sinabi niya lang na may magalang na ngiti, “Napakatalentado at kamangha-mangha si Mr. White, bagay kayo sa isa’t isa!”

Mapanghamak na tinitigan ni Gerald si Charlie, mayroong bugso ng galit sa loob niya.

Ang talunan na to ay pinagalitan nang sobra ni Lady Wilson kahapon sa harap ng maraming tao, paano siya nakakangiti na parang payaso na parang walang nangyari?

Bakit pinakasalan ni Claire, isang napakaganda at nakakamanghang babae, ang talunang ito?

Kung hindi nabuhay ang talunan na ito, siguradong hinabol na niya si Claire! Sinong gustong maging kasintahan si Wendy, ang babaeng kulang sa lahat ng aspeto kumpara sa kanya?

Huminga nang pahabol si Gerald na may pagkadismaya at tinanong sa hambog na tono, “Bakit ka nandito?”

Kaswal na sinabi ni Charlie, “Nandito ako para maghanap ng trabaho.”

“Maghanap ng trabaho?” Masungit na kinutya ni Gerald. “Ikaw? Ang talunan na walang magawa ay gustong maghanap ng trabaho sa Emgrand? Niloloko mo ba ko?”

Sumimangot si Charlie. “Anong kinalaman nito sayo?”

Ang rason kung bakit tinawag ni Wendy si Charlie ay para ipahiya siya. Dahil nagsimula na si Gerald, agad siyang nangutya, “Bakit? Tama naman si Gerald diba?”

“Kung pag-uusapan ang pinag-aralan, mayroon ka bang kahit anong diploma?”

“Kung pag-uusapan ang kasanayan at abilidad, mayroon ka bang mga nagawa o resulta na maipapakita?”

“Magtiwala ka sakin, hindi nila papansinin ang isang talunang kagaya mo kahit na mag-apply ka bilang guwardiya. Alamin mo ang lugar mo, mas mabuti pa na mangalakal ka ng basura sa kalye, malay mo kumita ka ng dalawa o tatlong libo sa isang buwan!”

Pagkatapos, nagbato siya ng isang bote ng tubig sa paa ni Charlie at ngumisi, “Ayan, kunin mo at ibenta para sa pera! Huwag mong sabihin na wala akong pakialam sayo.”

Tumawa nang makasalanan si Gerald. “Isa kang basura, pero, magkamag-anak pa rin tayo. Nasa likod mo ko. Nangyari na kilala ko ang vice-chairman ng Emgrand Group, bakit hindi ako magbigay ng puri para sayo at tingnan kung paglilinisin ka niya ng banyo?”

Kinulot nang may pangungutya ni Charlie ang kanyang mga labi at sinabi. “Wala kang pakialam kung anong trabaho ang kukunin ko, dapat mong isipin yung sarili mong negosyo. Malaking kumpanya ang Emgrand Group, hindi nila gustong makipagtulungan sa isang basurang tulad mo.”

Namula sa galit ang mukha ni Gerald. “Sinong tinatawag mong basura?”

Sumagot nang may pangungutya si Charlie, “Ikaw, basura!”

Pagkatapos ay tumalikod siya papunta sa loob at hindi pinansin ang mga galit na sigaw ni Gerald sa likod.

“Hoy! Tumigil ka! Tumigil ka diyan, naririnig mo ba ko?”

Mabilis na naglakad si Gerald at naabutan si Charlie sa elevator hall.

Gusto niyang turuan ng leksyon si Charlie, bigyan ng dalawang sampal sa mukha para malaman ang mangyayari kapag ginalit siya, pero nasa loob na sila ng Emgrand Group. Nag-aalala siya na madudungisan ang reputasyon niya dahil sa mabagsik na gagawin niya at magagalit ang kanyang kasosyo sa negosyo, kaya wala siyang magawa kundi kalimutan ang ideya.

Nagngalit ang kanyang mga ngipin at nagbabala, “Pagbibigyan kita ngayon, pero hindi ka su-suwertihin sa susunod!”

Suminghal si Charlie at pumasok sa elevator. Bago sumara ang pinto, sinabi niya, “Gerald White, sa tingin mo ba ay makapangyarihan ka talaga? Magtiwala ka sa akin, malalaman mo ang kabayaran ng pagiging hambog at mayabang!”

“Ikaw…”

Ang mukha ni Gerald ay naging pangit at namula. Gusto niyang lumusob sa elevator ngunit hinila ni Wendy ang kanyang braso at sinabi, “Gerald, huwag kang sumakay sa elevator kasama ang talunan na yan, baka hindi tayo makahinga sa amoy niya.”

Tumango siya, alam niya na hindi matalino ang paggawa ng gulo dito. Kaya, suminghol siya. “Huh, swerte ka ngayon. Tuturuan kita ng leksyon sa susunod!”

***

Sa elevator, direktang pumunta si Charlie sa pinakamataas na palapag kung saan matatagpuan ang opisina ng chairman.

Inayos na ni Stephen ang lahat para sa kanya sa Emgrand. Ang taong namumuno sa pag-aayos ay isang babae na may pangalang Doris Young.

Nakuha ni Doris Young ang kanyang reputasyon bilang kilalang babaeng negosyante sa Aurous Hill. Hindi lamang siya kaakit-akit na babae, ngunit sobra rin siyang magaling. Siya ay naging vice-chairman ng Emgrand Group sa murang edad. Siya rin ay isa sa mga kadahilanan ng pagtagumpay ng kumpanya ngayon.

Ngayong nakuha na ng pamilya Wade ang Emgrand Group, ang dating chairman ay bumaba at nanatili si Doris upang tulungan ang bagong chairman.

Si Doris ay medyo nagulat nang una niyang makita si Charlie. Hindi niya inaasahan ang bata at kaakit-akit na lalaki nang marinig ang tungkol sa kanya mula kay Stephen!

Mabilis siyang huminahon at magalang na bumati. “Maligayang pagdating, Mr. Wade. Pakisundan po ako sa aking opisina.”
Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 6383

    Pagkatapos ay nagmungkahi si Matilda, "Ganito na lang—tatanungin ko muna siya bago ako magpasya.""Hindi ko na rin iimbitahan ang mga dati kong kaklase. Masyado silang mayabang at mahilig magkumpara, kaya mas mabuting huwag na lang akong makisali doon. Pero nandoon pa rin ang mga Korean nating kaibigan na matagal nang nagsasabi na imbitahan daw natin sila pag nagpakasal tayo. Kailangang tuparin natin ang pangako natin, hindi ba?""Oo—kung gano’n, ayos na. Bukod kay Charlie, iimbitahan natin ang mga kasamahan natin sa trabaho at ang mga Korean na kaibigan natin habang hinihintay natin ang sagot ni Jacob."Tumango si Yolden at sinabi, "Ngayon, pag-usapan naman natin ang honeymoon—sabihin mo agad kung may gusto kang baguhin."Tumango si Matilda, ipinatong ang baba sa mga kamay niya at ngumiti. "Sige, sabihin mo. Nakikinig ako."Medyo nahiya si Yolden sa tingin ni Matilda kaya uminom muna siya ng malamig na tubig bago nagpatuloy, "Ang naiisip ko, pumunta tayo sa States para sa honeymo

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 6382

    “Oh, si Jacob…?”Medyo naiilang na tumawa si Matilda. “Kanina lang, niyaya niya akong maghapunan, pero sinabi kong wala akong oras, at nabanggit ko rin sa kanya ang tungkol sa kasal natin… Kaya siguro dapat pa rin natin siyang imbitahin, dahil alam na rin naman niya.”“Si Jacob ang nagyaya na maghapunan kayo?” gulat na tanong ni Yolden. “Sinabi ba niya kung bakit?”“Hindi,” sagot ni Matilda sabay ngiti at kibit-balikat. “Baka simpleng hapunan lang naman ng dating magkaklase.”Pero alam naman ni Matilda kung ano talaga ang pakay ni Jacob, kahit nagyaya lang siya sa lugar malapit sa university.Kaya sinadya niyang sabihin na ikakasal na siya kay Yolden habang tinatanggihan si Jacob, para tuluyan na siyang sumuko.Matapos niyang tuluyang makalimot ang kanilang nakaraan, ayaw na niyang bigyan pa si Jacob ng maling pag-asa bago siya tuluyang ikasal.At dahil ayaw rin niyang mag-alala si Yolden, sinadya na rin niyang pahinain ang loob ni Jacob.Pero matalino rin si Yolden.Alam niya

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 6381

    Bago dumating si Charlie, galit pa si Jacob sa ideya na ikakasal na si Matilda kay Yolden.Pero pagdating ni Charlie, bigla namang nagbago ang iniisip niya at nag-alala na baka padalhan pa siya ni Matilda ng imbitasyon sa kasal.Samantala, abala sina Matilda at Yolden sa pag-uusap tungkol sa listahan ng mga iimbitahin nila.Magkaiba sila ng mga nakakahalubilong tao, pero karamihan sa mga kaibigan nila ay nasa America, at iilang malayong kamag-anak lang nila ang nandito sa bansa.Gayunpaman, pareho silang may mga kasamahan sa trabaho sa Aurous Hill. May mga kaklase rin si Matilda, pero si Jacob na lang talaga ang madalas niyang nakikita.Habang pinag-uusapan nila kung sino ang iimbitahin, unang minungkahi ni Matilda, “Sige, isa-isahin natin. Una, ‘yung mga kaibigan natin sa America… sa tingin ko ay huwag na natin silang sabihan dahil malayong biyahe iyon at parang nakakahiya kung iimbitahin pa natin sila. Ano sa tingin mo?”Tumango si Yolden at ngumiti. “Pareho tayo ng iniisip. Ma

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 6380

    Ibig sabihin, kapag nasangkot na si Matilda sa usapan, bigla na lang magiging parang African honey badger si Elaine, puno ng tapang at bangis na parang may black air force energy talaga.Kaya kung naglakas-loob lang sana si Jacob noon at umatras ng isang hakbang, tutulungan sana siya ni Charlie na pigilan si Elaine na guluhin si Jacob o si Matilda.Pero sa totoo lang, sinayang ni Jacob ang pagkakataong binigay sa kanya ni Matilda.Kaya ang pinakamagandang gawin ngayon ay tanggapin ni Jacob na hindi na talaga sila pwedeng magsama ni Matilda, para matahimik na rin ang isip niya.At dahil likas na duwag siya, nakatulong nang malaki ang kaunting pananakot ni Charlie para luminaw ang isip niya.Napabuntong-hininga siya. “Ganoon talaga ang buhay—hindi mo laging makukuha ang gusto mo, at hindi mo dapat angkinin ang hindi mo kayang makuha. Hindi ko pinili si Matilda mahigit tatlumpung taon na ang nakaraan, kaya makatwiran lang na hindi rin kami magkakatuluyan ngayon.”“Ngayon, ang ipagda

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 6379

    Mabilis na sumingit si Jacob, "Anak, baka pwede kang manatili muna dito ng ilang araw imbes na kumuha ulit ng trabaho. Para naman may pipigil kay Elaine kung bigla siyang magwala.""Sige," natatawang sagot ni Charlie. "Huwag kang mag-alala—babalik din si Claire sa loob ng ilang araw, kaya magiging ayos ka lang habang nandito kami. Tsaka ikaw naman, iniisip mo rin namang magloko…"Pagkatapos ay huminto siya sandali at nagpaalala, "Pero kung talagang magwawala siya, tiisin mo na lang ang hampas at kalmot niya. Ganoon talaga, may sari-sariling buhay ang tao."Napangiwi si Jacob. "Bwisit! Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari, dapat dinala ko na siya sa korte at nakipaghiwalay nang maayos! Siguradong nagkatuluyan na kami ni Matilda noon. Hindi man lang makakalaban si Yolden!"Pinilit ni Charlie na manatiling seryoso. "Hindi tama ‘yan, Pa—alam mo ba kung ano ang mangyayari sa asawa mo kapag dinala mo ito sa korte?"Malamig na singhal ni Jacob, "Eh di magwawala lang si Elaine, sasa

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 6378

    "Puta!"Nang marinig ni Jacob ang sinabi ni Charlie, natakot siya nang sobra.Tinanong niya nang kinakabahan, "Hindi naman pupunta si Matilda sa bahay para mag-abot ng imbitasyon, hindi ba? Kapag nalaman ni Elaine na tinago ko sa kanya ang pagbabalik ni Matilda, yari talaga ako!"Matagal nang alam ni Charlie na hindi kailanman makakaalis si Jacob sa anino at kamay ni Elaine. Umiling siya at sinabi, "Hindi ko alam kung iimbitahin ka nila o hindi. Pero kung kinakabahan ka, sabihin mo na lang kay Matilda na ayaw mong maimbitahan sa kasal niya at ayaw mong pumunta."Napabuntong-hininga si Jacob. "Panandaliang solusyon lang iyon. Kahit hindi pa niya alam ngayon, malalaman din niya balang araw. Marami sa mga kakilala namin ang nakakaalam na bumalik na si Matilda. Nandoon ka rin sa get-together. Pero dahil hindi naman masyadong close kay Elaine ang mga kaibigan na iyon, kaya hindi pa niya nalalaman."Ngumiti si Charlie at sinabi, "Medyo sensitibo ang oras ng pagbabalik ni Matilda. Kung h

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status