Share

Ang Maalindog na Charlie Wade
Ang Maalindog na Charlie Wade
Author: Lord Leaf

Kabanata 1

Author: Lord Leaf
Magarang ilaw at palamuti ang nagpaliwanag sa mamahaling mansyon ng pamilya Wilson.

Sapagkat ngayong gabi ay ipinagdiriwang ang ika-70 kaarawan ni Lady Wilson, ang pinuno ng pamilya Wilson.

Ang kanyang mga apo at mga asawa nito ay lumapit sa kanya upang ibigay ang kanilang mga mamahaling regalo.

“Lola, narinig ko na gusto niyo raw po ng Chinese tea. Kung saan-saan po ako naghanap upang mabili itong isang daang taong gulang na Pu’er tea na may presyong kalahating milyong dolyar upang iregalo sa inyo.”

“Lola, isa ka matapat na Buddhist. Itong estatwa ni Buddha ay inukit mula sa tunay na Hetian jade, ito ay nagkakahalaga ng $700,000…”

Habang nakatingin sa mga regalong nakabalot nang maayos sa kanyang harapan, si Lady Wilson ay masayang tumawa. Ang paligid ay nabalot ng kasiyahan at kapayapaan.

Matapos ang ilang saglit ay biglang dumating ang pinakamatandang manugang ni Lady Wilson na si Charlie Wade at nagsabing, “Lola, maaari mo ba akong pahiramin ng ilang milyong dolyar? Si Mrs. Lewis na mula sa welfare home ay na-diagnose sa sakit na uremia at kailangan ko ng pera para sa kanyang pagpapagamot…”

Ang buong pamilya Wilson ay napanganga dahil sa labis na pagkagulat.

Lahat sila ay naguluhan at gulat na napatitig kay Charlie.

Itong manugang na ito ay masyadong bastos at mayabang! Hindi na nga siya naghanda ng regalo para sa kaarawan ni Lady Wilson ay mayroon pa siyang lakas ng loob upang humingi ng isang milyong dolyar!

Tatlong taon ang nakalilipas, kung saan si Lord Wilson ay malakas at buhay pa, ay umuwi nang kasama si Charlie at pinilit itong magpakasal sa kanyang apong babaeng na si Claire Wilson. Noong mga araw na iyon, si Charlie ay isang mahirap at miserableng pulubi.

Si Lord Wilson ay namatay matapos ang kanilang kasal. Magmula noon, lahat ng miyembro ng pamilya Wilson ay sinubukang paalisin si Charlie sa kanilang pamilya. Subalit, si Charlie ay palaging tahimik at walang pakialam na parang estatwa kahit na siya ay sabihan ng mga pang-iinsulto at pangbabastos, at siya ay tahimik na namuhay sa loob ng pamilya Wilson bilang isang manugang.

Siya ay wala nang maisip na ibang paraan kaya kinailangan na niyang humiram ng pera mula kay Lady Wilson.

Si Mrs. Lewis, na nag-alaga at nagsalba ng kanya buhay ay mayroong uremia. Kahit papaano ay kailangan niya ng isang milyong dolyar para sa kanyang dialysis at kidney transplant. Si Charlie ay wala nang maisip na ibang paraan liban sa paghingi ng tulong kay Lady Wilson.

Naisip niya na dahil kaarawan naman ni Lady Wilson ngayon, ay maaaring maawa ito sa kanya at tulungan siya nito.

Subalit, si Lady Wilson ay tumatawa pa nang masigla nang bigla itong sumimangot at nagsalubong ang kanyang dalawang kilay.

Inihagis niya ang tasa na nasa kanyang kamay papunta sa sahig at nagsabing, “B*stardo! Narito ka ba upang ipagdiwang ang aking kaarawan o upang manghiram ng pera?”

Si Claire ay mabilis na lumapit ang nagsabing, “Lola, si Charlie ay wala sa kanyang tamang pag-iisip, sana ay mapatawad po niyo siya.” Pagkasabi niya nito ay galit niyang hinila papunta sa isang gilid ang kanyang asawa.

Sa sandalling ito, si Wendy na pinsan ni Claire ay mapanghamak na nang-insulto. “Claire, tignan mo naman ‘yang basurang pinakasalan mo! Si Gerald ay aking fiancée pa lamang ngunit niregaluhan na niya agad si lola ng isang jade Buddha. Tignan mo ang iyong walang kwentang asawa. Hindi lang siya dumating nang walang regalo, mayroon pa siyang lakas ng loob upang manghiram ng pera kay lola!”

“Tama ka! Charlie, parehas tayong manugang sa pamilya Wilson ngunit isa kang malaking kahihiyan!”

Ang lalaking nagsasalita ay si Gerald White, ang fiancée ni Wendy, na nagmula rin sa isang mayamang pamilya sa kanilang lugar.

Kahit na si Gerald ay ikakasal na kay Wendy, sa kanyang mga mata ay labis na mas maganda at elegante si Claire kumpara sa kanyang fiancée.

Si Claire Wilson ay ang sikat na dyosa ng kagandahan sa Aurious Hill, kaya naman si Gerald ay labis na naiinis at naiirita dahil ang kagandahan nitong taglay ay ipinakasal lamang sa isang talunan.

“Mabuting pang umalis na ang walang kwenta at talunang ito sa pamilya Wilson, ngayon rin!”

“Tama! Isa siyang kahihiyan sa ating pamilya!”

“Marahil ang kanyang tunay na intensyon ay hindi upang humiram ng pera, ngunit ang sirain ang masiyang kaarawan ni lola!”

Madiing kinuyom ni Charlie ang kanya mga kamao habang ang buong pamilya Wilson ay pinapahiya at binabastos siya. Kung hindi lamang dahil sa tawag ng pangangailangan ay matagal na siyang umalis sa nakakainis na lugar na ito.

Subalit, ang mga salita na kanyang ama ay umalingawngaw sa kanyang isipan. Itinuro nito sa kanya na maging mapagpasalamat sa mga tulong na natatanggap at ibalik ito ng sampung beses. Dahil dito, napigilan niya ang galit at pagkamuhi na nabubuo sa kanyang kalooban at sinabi niya kay Lady Wilson, “Lola, kung sino man ang magliligtas ng isang buhay ay siya ring magliligtas ng buong mundo. Parang awa niyo na, nakikiusap po ako sa inyo.”

Mayroong isang tao ang malakas na suminghal. “Mr. Wade, tumigil ka na sa pagpupumilit kay lola. Kung mayroon kang gustong iligtas, kaya mo na ‘yan gawin nang mag-isa. Sino ka sa tingin mo para humingi ng pera kay lola?”

Ito ay ang kuya ni Wendy, si Harold Wilson.

Ang masama at salbaheng magkapatid na ito ay may pagkamuhi na simula pa lamang kay Claire. Ngunit si Claire ay mas mataas sa kanila sa lahat ng aspeto, kaya naman ay palagi nilang tinitira si Charlie kung magkakaroon man sila ng pagkakataon.

Si Claire na may bahagyang bakas ng pagkahiya sa kanyang mga mukha ay nagsalita, “Lola, ang ama ni Charlie ay namatay noong walong taong gulang pa lamang ito. Si Mrs. Lewis na nagmula sa welfare home ang umaruga sa kanya. Siya ay labis na nagpapasalamat dahil sa kabaitan nito kaya naman ay gustong-gusto niya ibalik ang nagawang kabutihan nito sa kanya. Maaari mo ba siyang tulungan…”

Si Lady Wilson ay nagmaktol nang may galit na itsura, “Gusto mong tulungan ko siya? Sige, hiwalayan mo siya ngayon at pakasalan mo si Mr. Jones! Kung susundin mo ang aking sinabi ay agad ko siyang bibigyan ng isang milyong dolyar!”

Si Mr. Jones na nabanggit ni Lady Wilson ay si Wendell Jones, isang lalaking matagal nang nanliligaw kay Claire kahit na ito ay kasal na. Ang pamilya Jones ay isa sa mga tanyag na pamilya sa upper social circle sa Aurous Hill, ang pamilyang ito ay labis na mas makapangyarihan kung ikukumpara sa pamilya Wilson. Kaya naman ay matagal nang gusto ni Lady Wilson na magkaroon ng magandang ugnayan sa kanilang pamilya.

Sa sandaling ito, ang mayordoma ay mabilis na lumapit at sinabing, “Si Mr. Jones ay nagpadala ng regalo para sa iyong kaarawan, Lady Wilson! Isa itong anting-anting ni Buddha na inukit pa mula sa jadeite stone at nagkakahalaga ng tatlong milyong dolyar!”

Si Lady Wilson ay labis na napangiti at mabilis na sinabing, “Dalhin mo sa’kin! Patingin ako!”

Mabilis na ipinakita ng mayordoma ang kulay luntiang anting-anting ni Buddha na naging dahilan upang magkaroon ng matinding eksklamasyon sa loob ng sala.

Ang kulay luntiang anting-anting ay labis na malinaw at mayroong matingkad na kulay, walang bahid ng anumang karumihan. Isa ito sa may mga pinakamagandang kalidad ng jade.

Si Gerald na nagbigay ng estatwa ni Buddha ay mabilis na nalungkot at nainis. Hindi niya inakala na si Wendel Jones, na walang kinalaman sa Wilson family, ay magiging sobrang galante!

Masayang hinimas ni Lady Wilson ang anting-anting at sinabing, “Oh, napakabuti mo naman Mr. Jones! Matutupad na ang aking matamis na panaginip kung sakaling ikaw ay aking magiging manugang!”

Pagkasabi nito ay ibinaling niya ang kanyang tingin kay Claire at nagtanong, “Ano ang iyong masasabi? Tinatanggap mo ba aking mga tuntunin at kondisyon?”

Umiling si Claire at mariing nagsalita, “Hindi po, lola. Kailanman ay hindi ko hihiwalayan si Charlie.”

Isang madilim at mabagsik na ulap ang pumaling sa mga mata ni Lady Wilson. Siya ay galit na sumigaw, “Wala kang utang na loob! Ano bang mayroon sa talunang iyan? Bakit gusto mong sayangin ang oras mo sa kanya? Sipain ang talunang iyan palabas ng aking bahay! Hindi siya pwede rito sa aking piging na kaarawan! Ayaw kong makita ang kanyang pagmumukha!”

Si Charlie ay bumuntong-hininga nang may pagkabalisa at pagsisisi. Hindi niya na gustong manatili pa sa pamilya Wilson, kaya naman ay sinabi niya kay Claire, “Claire, pupunta ako sa hospital upang bisitahin si Mrs. Lewis,”

Mabilis na sumagot si Claire, “Sasama ako sa iyo.”

Sumigaw muli si Lady Wilson, “Kung aalis ka ngayon ay hindi na kita ituturing bilang aking apo! Dalhin mo ang iyong ina, ama, at ang talunang iyan palabas ng pamilya Wilson!”

Si Claire ay natulala sa kanyang lola dahil sa pagkagulat. Hindi niya inakala na makaririnig siya ng masasakit na salita mula sa kanyang lola.

Sumabat si Charlie, “Manatili ka rito, ‘wag kang mag-alala sa akin.”

Bago pa man makapagsalita si Claire ay agad na tumalikod at umalis si Charlie.

Tumawa si Harold sa kanya likod. “Huy, mahal kong Charlie, kung aalis ka nang walang laman ang tiyan, pupunta ka ba sa lansangan at mamamalimos ng pagkain? Kung gagawin mo man iyon ay madudungisan mo ang aming apelyido! Ito ang isang dolyar, bumili ka ng tinapay o kahit anong gusto mong kainin!”

Naglabas si Harold ng isang dolyar sa kanya bulsa at itinapon ito sa paa ni Charlie.

Ang buong pamilya ay malakas na nagsitawanan at umalingawngaw ito sa buong bahay.

Si Charlie ay nagngalit dahil sa kanyang pagkainis at umalis sa bahay nang hindi lumilingon patalikod.

***

Nang si Charlie ay makarating sa hospital, mabilis siyang pumunta sa kahera ng departamento upang makiusap ng dalawang araw na palugit sa pagbabayad ng kanilang bayarin.

Subalit, nang nilapitan niya ang mga nurse ay ipinagbigay-alam ng mga ito na si Mrs. Lewis ay inilipat sa Fairview Hospital, isang tanyag na ospital sa Eastcliff, para sa pagpapagamot.

Napanganga si Charlie dahil sa labis na pagkagulat at mabilis na nagtanong, “Magkano ang aabutin nito sa pagpapagamot? Hahanap ako ng paraan upang mabayaran ito!”

Sumagot ang nurse at sinabing, “Ang bayarin ay aabot ng tatlong milyong dolyar sa kabuuan. Ang isang milyong dolyar ay nabayaran na, ngunit ang dalawang milyong kulang ay kailangan bayaran sa linggong ito.”

“Sino ang nagbayad ng isang milyong dolyar?”

Umiling ang nurse. “Wala po akong ideya.”

Kumunot ang noo ni Charlie dahil sa pagkalito sa kanyang isip. Nang siya ay lumingon upang malaman kung sino ito ay isang lalaking nasa edad 50-taong gulang na may suot na itim na damit at may kulay abo na buhok ang nakatayo sa kanyang likuran.

Nagkasalubong ang kanilang mga tingin at ang lalaki sa kanyang harapan ay yumuko at sinabing, “Young Master! Nahanap ka rin namin! Pasensya na sa lahat ng problema at pasakit na iyong dinanas sa mahabang panahon!

Kumunot ang noo ni Charlie at nagtanong ito na parang may kausap na isang ganap na estranghero. “Ikaw ba si Stephen Thompson?”

Ang lalaking ito ay napanganga dahil sa pagkagulat. “Young Master, kilala mo pa pala ako!”

Si Charlie ay bahagyang nagulat at bumulong sa kanyang sarili, “Siyempre naman! Naalala ko kayong lahat! Ikaw ang nagpumilit sa aking ina at ama upang umalis sa Eastcliff na kasama ako at tumakas sa bayan na iyon. Ang aking mga magulang ay namatay habang paalis kami at ako ay naging isang ulila. Anong kailangan mo sa akin ngayon?”

Si Stephen ay nagkaroon ng malungkot na ekspresyon at nagsalita, “Young Master, si Lord Wade ay labis na nalungkot nang malamang niya ang tungkol sa pagkamatay ng iyong ama. Hindi siya tumigil sa paghahanap sa iyo. Halika, umuwi na tayo at kitain natin siya!”

Si Charlie ay sumagot nang may malamig na tono, “Umalis ka na lang, hindi ko siya gusto makita.”

Si Stephen ay nagtanong, “Young Master, galit ka pa rin ba sa iyong lolo?”

“Siyempre!” Pasigaw na sagot ni Charlie. “Kailanman ay hindi ko siya papatawarin!”

Malungkot na bumuntong-hininga si Stephen. “Bago ako pumunta rito, sinabi na ni Master na hindi mo siya papatawarin.”

“Mabuti naman! Maswerte siya at marunong pa siyang makiramdam!”

Patuloy na nagsalita si Stephen, “Alam ni Lord Wade na nagkaroon ka ng mahirap na pamumuhay sa loob ng mahabang panahon kaya naman ay sinabihan niya akong tulungan ka. Kung ayaw mong umuwi, bibilhin niya ang pinakamalaking kumpanya sa Aurous Hill at ibibigay niya ito sa iyo. Siya nga pala, ito, kunin mo ang card na ito, ang pin number ay ang iyong kaarawan.”

Iniabot ni Stephen ang premium black card mula sa Citibank.

“Young Master, sa buong bansa ay mayroon lamang limang ganitong card.”

Mariing iniling ni Charlie ang kanyang ulo. “Hindi, hindi ko ‘yan gusto, kunin mo ‘yan.”

“Young Master, si Mrs. Lewis ay mayroon pang utang na dalawang milyong dolyar para sa kanyang mga medikal na bayarin. Kung hindi siya makakapagbayad ay maaaring malagay siya sa alanganin…”

“Pinagbabantaan mo ba ako? Kasama ba ito sa masama mong plano?”

Mabilis na ikinaway ni Stephen ang kanyang kamay. “Ay hindi! Hindi namin magagawa ang ganiyang bagay! Kunin mo ang card na ito at magkakaroon ka ng sapat na pera upang mabayaran ang iyong mga bayarin.”

Nagtanong si Charlie. “Magkano ang nasa loob ng card na ito?”

“Sinabi ni Lord Wade na naglagay siya ng kaunting pocket money para sa’yo sa card na ito. Hindi ito gaanong malaki, nasa sampung bilyong dolyar lamang!”
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Mga Comments (9)
goodnovel comment avatar
Violeta Implica
next chapter po plz
goodnovel comment avatar
Ella Aguirre
Pls po sana mapgbigyan nyo ang aking request
goodnovel comment avatar
Ella Aguirre
Hello to GoodNovel Author Ako ay ngrerequest n kong pwede trasfer ung mga chapters n nabasa ko dito po s bago kong Celphone s kadahiln n nasira po ang luma kong celphone n kong saan ko sinusubaybayan ko ang nobel ni Charlie Wade… nasa chapters 5425 n po ako…
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 6538

    Gabi na sa Dubai habang hinihila ni Jacob ang pagod niyang katawan pabalik mula sa hotel papunta sa airport.Dahil economy ang lipad niya ngayon, napaupo siya sa matigas na upuan malapit sa boarding terminal habang hinihintay na magbukas ito.Habang naghihintay, masakit ang puso niya habang binuksan niya ang website ng Aurous Hill Charity Fund, hinanap ang donation account nila, at ipinadala roon ang buong 300 thousand na kinita niya.Pinili niya ang Aurous Hill Charity Fund dahil pinag-uusapan sa mga kolektor ng antiques sa Aurous Hill na idninonate ni Raymond ang kalahati ng 20 million na kinita niya sa parehong charity fund.Simula nang sumikat nang husto si Raymond sa Antique Street at naging tanyag, hindi maikakailang marami ang humanga sa husay niya.Pero may mga naiinggit din sa galing niyang bumaligtad ng sitwasyon, at mayroon ding nagseselos dahil kumita siya ng 20 million sa isang gabi.Gayunpaman, kumilos agad si Raymond—pagkalat pa lang ng balitang kumita siya ng 20 m

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 6537

    Mabilis na nagtanong si Elaine, “Eh paano kung hindi mo matapos?”Kabado si Jacob kahit napabuntong-hininga siya. “Kapag talagang pinilit nila, mukhang hindi na ako pwedeng manatili sa Calligraphy and Painting Association… Tingnan na lang natin. Kapag lumala, magre-resign na lang ako. Wala na akong hihilingin, basta huwag lang akong makulong.”Tumango si Elaine. “Kaya kausapin mo muna si Raymond Cole o humingi ka ng tulong kay Charlie kung sakaling kailangan. Mas mabuti nang mapahiya kaysa makulong.”“Sige!”-Gabi na sa Aurous Hill nang makarating sa hotel sina Elaine at Jacob.Kakatapos lang kumain nina Charlie at Claire, at kinuha ni Claire ang cellphone niya. “Nag-check ako sa flight app, at sabi, dalawang oras na dapat nakarating sina Mama at Papa. Nasa hotel na siguro sila, kaya susubukan kong i-video call sila.”Hindi pa niya nabubuksan ang WhatsApp nang tumawag na si Elaine sa video call.Plano ni Jacob na tawagan sina Claire at Charlie para hindi sila mag-alala bago si

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 6536

    Nang marinig ni Elaine ang sinabi ni Jacob, kinabahan siya at agad siyang tinanong habang ibinababa niya ang tawag, "Anong nangyayari? Aalis ka? Kararating lang natin! Wala pa ngag alikabok ng Dubai sa sapatos ko, bakit aalis na agad tayo—"Pero pinupunasan ni Jacob ang pawis sa noo niya habang pabulong na sinabi, "Eh, sa ngayon, kailangan ko talagang umalis kung ayaw kong mawala ang posisyon ko bilang vice president."Agad nangalit si Elaine. "Kasal tayo sa kalahati ng buhay natin at honeymoon natin ito, tapos aalis agad tayo? Nag-post pa ako sa social media—ang daming naghihintay ng mga update sa trip natin!"At huwag mong kalimutan—ang mahal ng ticket natin at ng hotel! Hindi rin refundable ang mga booking!"Napangiwi si Jacob. "Eh, anong magagawa natin? Bakit hindi ka na lang manatili dito? Uuwi muna ako para ayusin ito…""Gaano katagal naman 'yon?" tanong ni Elaine."Paano ko malalaman?" buntong-hininga ni Jacob, halatang balisa at naiinis. "Sabi ni Don Albert na kailangan k

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 6535

    "Pero gumastos ako ng 98 thousand para sa bronze sculpture na iyon!"Hindi na namalayan ni Jacob na napasigaw siya sa inis. "Kumita ako ng 300 thousand mula roon, kaya ibig sabihin ang kita ko ay 200 thousand sa pinakamataas, pero kailangan ko pa rin ibalik iyon sa kanya?! Ibig sabihin ay mawawala pati ang puhunan ko!""Hindi kita matutulungan kung hindi mo kayang bitawan ang perang iyon, Mr. Wilson," mahinahong sinabi ni Don Albert. "Kung ganoon, ikaw na lang ang bahala dito.""Teka, teka, teka!" agad na nataranta si Jacob at sinabi, "Pakiusap, Don Albert! Ibabalik ko ang pera! Ibabalik ko, okay?! Lahat ng kinita ko—202 thousand, okay? Kahit papaano ay hayaan mong itira ko ang pera na ginastos ko, okay?""Sa ganitong rason, Mr. Wilson, kapag sinabihan ng pulis ang isang phone scammer na isauli ang perang nakuha niya sa panloloko, dapat ba niyang itira ang perang ginastos niya sa telco charges?""Ah, Ako…" napahinto si Jacob at walang masagot.Nagpatuloy si Don Albert, "Mr. Wilso

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 6534

    "Mr. Wilson, talagang kasuklam-suklam ang ginawa niyo!" galit na sinabi ni Don Albert. "Pinagalitan ko mismo si Zachary nang malaman ko ito, at ako rin ang nagsabi sa kanya na i-post ang pahayag na iyon!"Nagulat si Jacob. "Pero bakit, Don Albert? Kaibigan mo ba si Raymond Cole?""Hindi ko pa nakikilala ang lalaki," sagot ni Don Albert.Lalo pang nalito si Jacob. "Kung ganoon, bakit mo siya kinakampihan?""Pinipilit kong linisin ang aking imahe nitong mga nakaraang taon," malamig na sagot ni Don Albert. "Bihira akong makialam sa negosyo ng mob o anumang ilegal, at alam ng lahat sa Aurous Hill na si Zachary ang kanang kamay ko, pero inamin niya ang paggawa ng kasuklam-suklam na krimen sa likod ko. Ano pa ito kung hindi paninira sa reputasyon ko?"Napalunok si Jacob sa gulat dahil hindi niya inaasahan na magiging ganito kaseryoso si Don Albert, pero agad siyang nagpaliwanag, "Patawad. Hindi ko inaasahan na maaapektuhan ka nang sobra… Kasalanan lahat ni Zachary! Hindi ko sana malalam

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 6533

    Sa puntong ito, pwede nang ituring ni Jacob si Don Albert bilang kanyang personal na tagapagligtas.Kahit na binantaan niya si Zachary na tatawagan niya si Charlie, sa totoo lang, hindi niya talaga magagawa na tawagan si Charlie.Dahil, paano niya sisimulan ang pagpapaliwanag na kasangkot siya sa isang krimen?At ang pagsabi kay Charlie ay parang pagsasabi sa kanyang anak na babae—ano ang iisipin nila sa kanya pagkatapos nito? Magagawa pa ba niyang itaas ulit ang kanyang ulo sa pamilya?Kaya, ang tanging pagpipilian niya ngayon ay hilingin ang tulong ni Don Albert at tingnan kung tutulong siya.Ang hindi niya alam, kasama ni Don Albert si Charlie, na inaasahan na ang gagawin ni Jacob.Kapag napagtanto ni Jacob na hindi niya mapipigilan si Zachary, hahanap siya ng taong makakagawa nito, at si Don Albert ang pinakamahusay para sa trabahong iyon!Hindi nakapagtataka, agad na tumunog ang cellphone ni Don Albert dahil sa tawag mula kay Jacob.Hindi agad sumagot si Don Albert, sa hal

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status