Medyo nahiya si Caden pagkatapos siyang ibunyag ng disipulo niya. Bumuntong hininga siya at sinabi nang walang magawa, “Sonia, magpapakatotoo ako sayo. Gumawa ako ng taya nang may masamang balak at nawala ko ang medicine cauldron dahil sa sarili kong masamang plano. Hindi mo masisisi si Master Wade para dito…”Tumingin si Sonia kay Caden, na medyo nahihiya, at tinanong sa sorpresa, “Master, pwede mo bang sabihin sa akin kung ano ang eksaktong nangyari?”Bumuntong hininga si Caden at sinabi kay Sonia kung bakit siya pumunta sa Aurous Hill sa una pa lang at kung paano niya sadyang niloko si Anthony pagkatapos dumating sa Aurous Hill.Pagkatapos itong marinig, hindi mapigilang magreklamo ni Sonia, “Master, medyo sumobra ka na talaga. Kung titingnan mo ito nang mas malinaw, hindi ba’t maituturing na fraud ito?”Tinakpan ni Caden ang kanyang mukha gamit ang isang kamay at sinabi sa malungkot na paraan, “Masyado akong sabik na magtagumpay sa sandaling iyon. Pakiramdam ko na isang henyong
Nag-isip saglit si Sonia at sinabi, “Marahil ay dahil may mababang kwalipikasyon ang mga disipulo natin at wala sa atin ang kalidad para maging mga Dark Realm expert…”“Kalokohan!” Suminghal nang malamig si Caden at sinabi, “Ganito rin ang naramdaman ko dati, pero pagkatapos kong makilala si Master Wade, nadiskubre ko na ang Taoist Sect Hanbloom Method na mahigit isang libo nang pinapamana at sinasabing isang kumpletong mental cultivation method ay isang bahagi lang pala ng dalawampu’t pitong parte ng buong Taoist Sect Hanbloom Method! Sa ibang salita, katumbas lang ng libro ng isang kindergarten ang mayroon tayo! Anong uri ng antas ang mararating gamit ang ganitong uri ng materyales sa pagtuturo?!”Natakot si Sonia at sinabi habang nakabuka ang mga mata, “Master, seryoso ka ba? Hindi ba’t karamihan ng mga sect sa buong mundo ay walang kumpletong set ng martial arts technique pero isa tayo sa kaunting sect na may kumpletong mental cultivation method?”“Hindi talaga ito kumpleto!”Tum
Pagkatapos itong sabihin, tinanong ulit ni Caden, “Kung sasabihan mo ako na palihim kong ibahagi ang laman ng Taoist Sect Hanbloom Method sa Taoist Sect, hindi ba’t maituturing na pagnanakaw ito?”Bigla itong napagtanto ni Sonia at sinabi nang nahihiya, “Master… Gusto… Gusto ko lang bigyan ng pagkakataon ang Taoist Sect na umunlad…”Tumango nang maunawain si Caden at sinabi nang seryoso, “Sonia, talentado at matalino ka, kaya siguradong may pagkakataon ang Taoist Sect na umunlad sa ilalim ng pamamahala mo. Iiwan ko na ang Taoist Sect sa mga kamay mo sa hinaharap!”Nanahimik saglit si Sonia. Makalipas ang ilang segundo, bigla siyang tumingala at tinanong si Caden, “Master, maaari rin ba akong manatili sa Aurous Hill?”Tinanong ni Caden sa sorpresa, “Gusto mo ring manatili sa Aurous Hill? Kung gano’n, paano naman ang Taoist Sect? Ikaw lang ang sinanay ko para palitan ako bilang leader ng Taoist Sect!”Sinabi nang nagmamadali ni Sonia, “Master, ang gusto ko ay hindi lang ako ang mana
Kilala ni Caden ang disipulo niya. Nang makita niya na mukhang nagpasya na siya, hindi na niya siya hinikayat at tinanong na lang, “Sonia, kailan mo balak bumalik sa United States?”Sinabi nang walang pag-aatubili ni Sonia, “Mas maganda kung mas maaga.”Pagkatapos, agad niyang nilabas ang cellphone niya para tingnan ang mga air ticket at binulong, “Walang flight pabalik sa United States mula sa Aurous Hill bukas. Mukhang kailangan ko lumipat ng flight sa ibang siyudad.”Pagkatapos nito, hindi niya mapigilang magreklamo, “Kung alam ko lang na mangyayari ito, sinabihan ko sana ang ama ko na maghanda ng isang private jet para sa akin.”Tinanong siya ni Caden, “Saan mo balak lumipat ng flight, kung gano’n?”Sinabi ni Sonia, “Sa Hong Kong! Sa ngayon ay ang Hong Kong ang may pinakamaraming flight, kaya pupunta ako sa Hong Kong bukas ng umaga.”Tumango si Caden at sinabi, “Kung gano’n, hindi na kita aabalahin pa, at hihintayin ko ang pagbalik mo sa Aurous Hill.”Sumagot si Sonia, “Okay
Dahil, malinaw na ipinahayag ni Charlie ang pandidiri niya sa mga taong mapagsamantala pati na rin sa mga mahilig mag palipat-lipat ng panig noong pinarusahan niya siya dati.Nang marinig ni Charlie na dadalhin ni Sonia ang buong Taoist Sect para sumali sa kanya, hindi niya mapigilang itanong nang nagdududa, “May malakas na pagkatao ang babaeng ito, akya bakit siya gagawa ng ganitong desisyon? Maaari bang may sinabi ka sa kanya?”Hindi nangahas si Caden na itago ang kahit ano at sinabi nang nagmamadali, “Master Wade, binanggit ko nga ang ilang bagay sa kanya…”Pagkatapos itong sabihin, ipinaliwanag nang tapat ni Caden, “Pero, ang layunin ko ay kumuha ng tao para sayo. May daang-daang miyembro sa Taoist Sect, at halos kalahati sa mga taong ito ay mga three-star martial artist o mas mataas pa. Kung ipapangako nila ang katapatan nila sayo, dodoble ang mga tao mo, Master Wade.”Ngumiti nang bahagya si Charlie sa kanya at tinanong siya, “Kung hindi ako nagkakamali, siguradong sinabihan
Alam ni Caden na ang pinakamagandang desisyon simula ngayon ay pagsilbihan si Charlie nang walang pag-aalinlangan. Dahil sinabihan na siya ni Charlie na gamitin ang first chapter ng Taoist Sect Hanbloom Method para sanayin ang mga martial artist, dapat ay ibuhos niya ang buong lakas niya at gawin ang lahat ng makakaya niya nang walang pagpipigil.Kaya, sinabi niya nang walang pag-aatubili, “Master Wade, makasisiguro ka na siguradong ipapasa ko nang ang mga natutunan ko sa first chapter ng Taoist Sect Hanbloom Method ng mga nagdaang taon sa mga martial artist na mag-eensayo dito nang walang pag-aalinlangan!”Sinabi nang kuntento ni Charlie, “Okay. Pwede kang pumunta sa Champs Elys Resort para mag-ulat kay Albert bukas ng umaga. Sasabihan ko siya na mag-ayos ng lugar para tirahan mo, at doon ka na magtatrabaho simula ngayon.”Sinabi nang nagmamadali ni Caden, “Okay, Master Wade. Pupunta ako doon bukas nang maaga!”Pagkasabi nito, nag-atubili siya at tinanong ulit, “Master Wade, tulad
Bukod dito, hinati niya nang makatwiran ang laman ng first chapter sa walong bahagi, ginawang matatag ang unti-unting bilis ng laman at ginawang madali ito para matutunan ng mga batang martial artist.Biniyayaan nga ng talento si Caden na maging isang guro.Pagkatapos basahin ang lesson plan na inayos ni Caden, napuno ng paghanga si Charlie habang pinuri niya siya, “Master Howton, ipinapakita ng lesson plan mo na may pambihirang pang-unawa ka nga sa Taoist Sect Hanbloom Method.”Nanabik nang sobra si Caden nang marinig niya ang papuri ni Charlie, pero sinabi niya pa rin nang mapagpakumbaba, “Master Wade, binobola mo ako. Wala akong mas malalim na pang-unawa sa Taoist Sect Hanbloom Method bukod sa pagiging pamilyar dito. Dahil, napakaraming taon ko nang sinasanay ang mental cultivation method na ito, kaya kahit ang isang tanga ay maiintindihan ito.”Kinaway ni Charlie ang kanyang kamay at sinabi, “Master Howton, hindi mo kailangan maging mapagpakumbaba nang sobra. Sa opinyon ko, maa
Hindi pinigilan ni Charlie si Caden nang makita niya na lumuhod si Caden sa dalawang tuhod. Alam niya na karapat-dapat siya para luhuran ni Caden. May awtoridad at kakayahan siyang magturo!Kaya, ang mga guro ang pinakadakila sa tradisyon sa Oskia.Dati ay binigyan niya si Caden ng isang pill para tulungan siyang maabot ang Great Perfection Realm ng Illuminating Realm. Kahit na pabor din iyon, hindi iyon maituturing na pagtuturo.Tinuturuan at nagbabahagi ng kaalaman talaga ngayon si Charlie kay Caden nang pinasa niya ang laman ng second chapter ng Taoist Sect Hanbloom Method.Lumuhod nang sumasamba si Caden habang yumuko siya sa harap ni Charlie.Hinintay ni Charlie na matapos ang paggalang niya bago niya inabot ang kanyang kamay para tulungan siyang tumayo at sinabi, “Master Howton, aralin mo muna sana itong mental cultivation method. Hindi na kita aabalahin pa. Sasabihan ko si Albert na ipaalam sayo bago dumating ang mga estudyante.”Pinagdaup ni Caden ang mga kamay niya, iti
Agad siyang napuno ng matinding takot nang makita niya ang seryosong ekspresyon ni Charlie at ang halatang intensyon nitong pumatay.Sa oras na iyon, hindi na siya nagduda sa babala ni Charlie. Kapag hindi niya sinunod ang utos na lunukin ang mga bala, siguradong papatayin siya.Pero ang ideya na lulunukin niya ang mga bala ay labis na nakakatakot para sa kanya. Marahil ay madali lang lunukin ang mga ito, pero siguradong hindi simple ang paglabas nito.Sandaling pumasok sa isip niya kung gagamitin ba niya ulit ang pangalan ng Burning Angels para takutin si Charlie, o kung makikipag-ayos na lang siya gaya ng madalas gawin sa underworld, para makita kung kahit papaano ay magpapakita ng respeto si Charlie. Kapag kuntento ang dalawa, baka nga maging magkaibigan pa sila sa inuman.Hindi lang sa Oskia uso ang ganitong sitwasyon, kundi pati na rin sa buong America. Ang mahalaga, alam mo kung paano kunin ang kiliti ng kabila.Pero pagdating sa paghingi ng kapayapaan, hindi siya makalakas-
Halos patay na ang leader, at nawala na ang lahat ng yabang niya. Kita sa mukha niya ang matinding takot at kaba.Tinitigan siya ni Charlie at sinampal siya nang malakas sa mukha.Umalingawngaw sa buong roast goose shop ang tunog ng sampal.Nang makita niyang mabilis na namaga ang pisngi ng lalaki, ngumiti si Charlie at sinabi, “Mga siga ba talaga kayo? Burning Angel daw? Sinong nagbigay sa inyo ng pangalan na yan? Tingnan mo ang namumula at namamagang mukha mo. May kinalaman ba yan sa pagiging anghel?”Sobrang sakit ng pisngi ng lalaki pagkatapos siyang sampalin, pero wala siyang magawa kundi umiyak at sabihin, “Pasensya na po, patawad talaga! Hindi ko alam na marunong pala kayo sa martial arts. Patawarin niyo kami, hindi na po kami babalik dito!”Napakunot-noo si Charlie at muling sinampal siya nang malakas.Sa lakas ng sampal, parang nasaktan pati pandinig ng apat na kasamahan niya.Pagkatapos ng pangalawang sampal, nakangiti siyang tinanong Charlie, “Hindi ba ang tapang mo k
Wala ni isa ang naglakas-loob na kumontra nang tanungin ni Charlie ang ama, lolo, at maging ang lolo sa tuhod ni Homer kung kumbinsido silang siya nga ang pumatay kay Homer.Ngayon naman, ilang miyembro ng gang na walang alam ang naglakas-loob na takutin si Charlie gamit ang baril. Hindi basta-basta palalampasin ni Charlie ang mga iyon.Tinitigan ng leader si Charlie, pero hindi man lang natakot si Charlie. Sa halip, tumingin si Charlie kay Angus at sinabi, “Kunan mo ako ulit ng kanin. Sayang ang pagkain dahil sa basurang ito. Pero paluluhurin ko siya at ipapaligpit ko lahat ng butil ng kanin sa sahig gamit ang dila niya na parang aso.”Halos mabaliw na ang lalaki. Pinaputok na niya ang baril pero hindi pa rin natakot si Charlie. Kaya mas lalong nainis siya.Ibinuka niya nang malaki ang bibig niya, pinagtampal ang makakapal niyang labi, at galit na sinabi, “Oskian! Dahil gustong-gusto mong mamatay, ako na mismo ang maghahatid sayo sa Diyos!”Pagkasabi noon, madiin niyang hinila an
“Letse!” Galit na galit ang lalaki nang makita niyang hindi man lang natakot si Charlie, at tinutukso pa siya.Ginamit niya ang ilalim ng baril para itulak sa sahig ang lahat ng bote at garapon sa mesa, pagkatapos ay tumayo at itinutok ang dulo ng baril sa ulo ni Charlie habang galit na galit na sumigaw, “Oskian! Nasa America ka! Kapag nagwala ka dito, walang magpapauwi sayo sa Oskia at babarilin ka nila direkta sa ulo!”Ngumiti si Charlie at sinabi, “Sobrang yabang mo talaga.”Pagkasabi noon, nawala ang ngiti niya at may pangungutya niyang sinabi, “Ang malas mo lang, hindi ako natatakot kahit kaunti.”Nagngalit ang lalaki at sinabi, “Letse! Sawa ka na siguro mabuhay!”Kalmado lang na iniunat ni Charlie ang mga kamay niya at sinabi, “Nandito ako ngayon, kaya kahit nasusunog na anghel ka pa o ligaw na aso mula sa crematorium, kapag naglakas-loob kang harapin ako, kailangan mo muna akong aliwin. Kung maaaliw ako, baka pagbigyan ko ang buhay mo. Pero kung mabwisit ako sa'yo, pupuguta
Umupo lang si Charlie at ngumiti habang sinasabi, “Sa totoo lang, hindi pa ako nakakakita ng mga gangster na naniningil ng protection fee. Magandang pagkakataon ito para makita ko ito mismo. Angus, kunan mo nga ako ng isang pinggan ng roast goose rice para makakain ako habang nanonood.”Nagmamadaling sinabi ni Angus, “Mr. Wade, pumapatay po talaga sila! Dapat ay…”Bago pa matapos si Angus, ginambala siya ni Janus, tinapik ang balikat niya, at sinabi, “Dahil sinabihan ka na ng young master na ipaghanda mo siya ng roast goose rice, magmadali ka na. Gawan mo na rin ako para matikman ko kung bumaba na ba ang galing mo sa pagluluto.”Sa oras na iyon, pumasok ang limang maitim na lalaki na nakasuot ng mga uso at istilong-kalye na damit. Ang pinuno nila ay payat at matangkad, nakasuot ng malaking hoodie na halos natatakpan ang ulo at kalahati ng mukha niya.Nasa loob ng mga bulsa ng hoodie ang mga kamay niya, at para siyang may dalang armas.Nang pumasok ang lalaki at nakita si Angus, ag
Nang makita ni Charlie ang kaba ni Angus, agad niyang naisip na baka para kay Angus ang papalapit na ingay ng mga makina ng motorsiklo sa labas.Doon na rin napagtanto ni Janus na mukhang nasangkot si Angus sa malaking gulo, kaya seryoso niyang tinanong, “Angus, sabihin mo ang totoo. Sino ang nakaalitan mo?”Nang makita ni Angus na hindi na niya kayang itago ang nangyari, napilitan siyang magpaliwanag, “Uncle Janus, mga tao po sila mula sa bagong gang dito sa New York…”Nagulat si Janus at sinabi, “Nangutang ka ba sa ilegal na paraan?”Agad na ipinaliwanag ni Angus, “Hindi po, Uncle Janus! Sinakop nila ang Oskiatown ilang araw na ang nakakaraan, tapos ngayon, nag-iikot sila para maningil ng pera para sa proteksyon. Three thousand US dollars kada buwan ang hinihingi nila, at kapag hindi mo ito mabayaran, bubugbugin ka nila at pagbabantaan na sisirain ang tindahan mo.”Kumunot ang noo ni Janus at tinanong, “Hindi ba noon pa man, ang mga Oskian gang na ang namamahala sa Oskiatown? 30
Sinabi ni Janus, "Hindi pa. Nagmamadali kasi ako ngayon kaya hindi ko siya nasabihan. Baka kasi hindi rin ako makahanap ng oras para makadalaw sa kanya, kaya hindi ko na sinabi."Ngumiti si Charlie at sinabi, "Kung ganoon, huwag mo na siyang tawagan. Puntahan na lang natin siya para sorpresahin.""Okay!" Agad pumayag si Janus, kitang-kita ang pananabik sa mukha niya. Hindi niya napigilang sabihin kay Charlie, "Young Master, sa totoo lang, itinuring ko nang parang tunay na anak si Angus. Matagal na rin mula nang huli ko siyang makita, kaya miss na miss ko na talaga siya."Lubos na naunawaan iyon ni Charlie.Mahirap ang naging buhay ni Janus sa United States noon. Sa mga unang taon, kahit papaano ay medyo magaan ito dahil sa pag-alalay ni Jenna na naging kaagapay niya sa mga pagsubok. Pero matapos umalis si Jenna, naiwan siyang mag-isa, pinatatakbo ang roasted goose stall habang illegal immigrant pa ang katayuan niya. Talagang naging mabigat at walang pag-asa ang buhay na iyon para s
Gabi na sa Qi Temple.Sa isang liblib na meditation room na sarado para sa publiko, nakaupo ang isang magandang babae sa isang upuang gawa sa rattan habang nakatingala sa mabituing kalangitan ng taglagas. Lumapit ang isang matandang kalbong babae at inilagay ang kumot sa mga binti ng babae, sabay sinabi nang may paggalang, “Madam, nakalipad na po ang eroplano ni Young Master.”“Umalis na siya?” tanong ng magandang babae habang lumilingon sa direksyon ng airport nang marinig iyon.Nang makita niya ang ilang kumikislap na ilaw sa malayo sa kalangitan, napabuntong-hininga siya at sinabi, “Alin kaya sa mga kumikislap na ilaw na iyon ang eroplano na sinasakyan ng anak ko?”Tinanong niya ang matandang babae, “Kasama ba ni Charlie si Janus?”Ang magandang babaeng ito ay si Ashley, ang ina ni Charlie. Ang matandang babae sa tabi niya ay si Jade Sun, ang nagkunwaring madre. Matagal nang nagsisilbi si Jade kay Ashley bilang isang tagapamahala ng bahay.Sinabi ni Jade kay Ashley, “Madam, ma
Hindi naging komportable si Jacob nang makita niyang umakyat si Charlie, at mas lalo siyang nawalan ng gana mabuhay nang makita ang ngiting panalo ni Elaine.Habang umaakyat si Charlie, hindi niya maiwasan na bumuntong hininga at isipin kung kailan matatalo ng biyenan niyang lalaki ang pag-aalinlangan at kahinaan at mabuhay talaga sa gusto niyang buhay.-Pagkatapos iimpake ang lahat, umalis si Charlie nang mag-isa sa gabi balak magmaneho papunta sa airport. Nang makababa siya sa elevator sa unang palapag, nakita niya si Jacob na may hawak na sigarilyo na tumayo sa sofa at ngumiti, sinasabi, “Mahal kong manugang, aalis ka na ba ngayon?”Tumango nang bahagya si Charlie at sinabi, “Oo, Pa. Pupunta na ako sa airport ngayon.”Pinagkuskos ni Jacob ang kanyang mga kamay at magsasalita na sana nang biglang bumaba si Elaine na pilay ang lakad at malakas na sinabi, “Oh, mahal kong manugang, hayaan mong ihatid kita!”Pareho sina Elaine, na nakatanggap ng isang milyong dolyar, at si Jacob,