Despised Relationships

Despised Relationships

By:  Mhadz_T.K  Ongoing
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
Not enough ratings
21Chapters
826views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Leave your review on App

Every woman's dream is to have a happy family, a loving husband who treats her like a princess. But no two are exactly alike, because on the other hand not everyone is lucky enough to have it. Brianna is the woman who dreamed about this kind of happy ending. But little did she know, she would experience the paradox of it. She married the man who cheated on her multiple times, hit her whenever he's drunk and doesn't even care about her pregnancy. Why is she staying with this kind of person? Almost an evil. She suffered a lot, because of her love for this man, yet she still chooses him. Will Briana long to this cruelty forever?

View More
Despised Relationships Novels Online Free PDF Download

Latest chapter

Interesting books of the same period

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

No Comments
21 Chapters

Prologue

“Buntis ako!” masiglang balita ko sa aking asawa pagkarating nito sa bahay. Ngunit ang maganda kong ngiti ay unti-unting nabura dahil sa reaksiyon nito. “Paano mo nasigurado na akin 'yan?” malamig nitong tanong sa akin. Literal na natigilan ako sa narinig. Paano n'ya natanong ang ganitong bagay? S'ya ang asawa ko, kaya malamang s'ya ang ama! “Dahil ikaw ang asawa ko, hindi ba?” “Pero hindi naman ako sigurado na ako lang ang nakakagalaw sa iyo.” Umismid pa ito at tiningnan ako na para bang nakakadiring bagay. “Ilang araw kang paalis-alis, and do you expect me to believe that? Are you kidding me?!” Nilampasan ako nito at dumiretso sa kusina para uminom ng tubig. “Hindi ibigsabihin na umaalis ako ay nakikipagkita na ako kung kanino! Ikaw ang ama nito!” naiiyak kong saad. “Puwede ba, Brianna, tigilan mo ako sa kaartehan mong 'yan?! Sa dami kong nâikama, ni isa wala akong nabuntis! Tapos ngayon, babalitaan mo ako na buntis ka?! Ginagago mo ba ako?!” galit nitong tanong muli sa
Read more

Chapter One

“Look, Brianna!” kinikilig na tawag sa akin ng kaibigan kong si Amirah. May kalakasan ito dahil nasa party kami ng ka-batchmate namin. “What?!” malakas kong sagot dito tapos ay lumagok sa bote ng alak na hawak ko. Medyo umaalon na ang paningin ko. “Your crush is here, too! Oh my goodness, girl! Retouch! Bilis!” “Nasaan ba?” Inilibot ko ang aking paningin sa paligid. Nagkalat ang mga tao sa malaking bahay, at karamihan ay lasing na. “Gaga! Ayon, oh!” Hinawakan ako nito sa panga at iniharap sa gawi kung nasaan daw ang crush ko. At nanlaki naman ang mga mata ko dahil nandoon nga ang lalaki. Nakikipagtawanan ito sa kausap nito at halata mo rin na nakainom dahil namumula na ang mukha. “T*ng*na! Hindi mo agad sinabi!” bulyaw ko sa kaibigan at nagmadaling kinuha ang aking pouch. Naglagay ako ng liptint at nagpulbos, nagsuklay din ako dahil medyo gulo na ang aking buhok. “Ang taray! Parang hindi lasing, pucha ah! Nagpupuso ang mga mata mo, girl!” pagbibiro ni Amirah. “Siyempr
Read more

Chapter Two

Paglabas ko ng banyo ay wala na si Steve. Hirap pa akong maglakad dahil medyo masakit pa ang maselang bahagi ko. Tapos tumakbo pa ako kanina papunta sa banyo, kaya para akong napunit! “Excited naman s'ya masiyadong makipagusap sa parents ko. Iniwan ba naman ako rito! Ang hirap kayang maglakad. Buwisit!” reklamo ko habang maingat na naglalakad palabas ng kuwarto. Panay ang ngiwi ko dahil sa sakit na nararamdaman ko. Kahit pagbaba ng hagdan ay nahihirapan ako. Bakit ganito?! Kangkang na ako, p*nyeta! Naabutan ko ang parents ko sa sala nina Rose, at seryoso ang mga mukha. Nandoon na rin si Steve na nakaupo sa tapat nina Daddy habang hinihilot ang kaniyang sintido. Hang-over siguro. Pinilit kong umayos nang lakad nang tumingin na sa gawi ko sina Daddy. Umupo ako malapit kina Daddy at Mommy. Narito rin si Rose. Nasa trabaho siguro ang parents n'ya kaya wala rito. Mabuti naman kung ganoon dahil mas nakakahiya. “Are you my daughter's boyfriend?” my Dad asked Steve. Walang emosyon
Read more

Chapter Three

“Girl! True ba ang tsismis mo?” bungad agad ni Amirah pagkarating n'ya sa Casa de Cafe kung saan kanina pa ako naghihintay. “Tss. Ang tagal mo! Kanina pa ko rito!” naiiritang sabi ko naman sa kaibigan. “Ito naman! End of the world na ba dahil naghintay ka nang matagal? Ilang taon ka bang naghintay?” “Ewan ko sa iyo!” “So, ano nga? True ba? Magpapakasal kayo ng crush mo?” ngiting-ngiting tanong nito, parang may kislap pa sa mga mata niya. “Oo,” walang gana kong sagot bago bumuntonghininga. “Oh my gosh! Malandi ka! Usapan, aakitin mo lang, girl! Grabe ka! Na akit mo na, pakakasalan mo pa?! Prayer reveal naman diyan!” Sobrang saya ng mukha n'ya. Siguro, kung tulad lamang noon, baka kinikilig na rin ako, kaya lang, may buhay na nasira. Buhay naming pareho, at relasyon nila ng girlfriend niya. Unti-unting nabura ang masayang awra ng kaibigan ko nang mapansin niyang problemado ako. “B, may problema ba?” Ikinuwento ko ang buong pangyayari, pati na rin ang galit sa akin n
Read more

Chapter Four

Ngayon ang araw na nakatakda para sa lunch kasama ang family ni Steve. Kinakabahan ako sa maaaring sabihin sa 'kin ng parents niya. Malamang alam nila na hindi naman ako 'yong inalok niya ng kasal, pero ako ang pakakasalan. Kahit na labag sa loob ko ay naligo at nag-ayos pa rin ako ng aking sarili. I'm dressed in a black bodycon dress and black pumps. I simply pinned a cute hairpin near my ear to the side of my hair. I look like I'm on my way to a funeral. However, the reality is, pinagluluksaan ko na ang mga natitirang sandali ng buhay pagkadalaga ko. Bumaba ako sa sala at doon naabutang naghihintay sina Mommy at Daddy. Tumaas ang isang kilay ni Daddy habang tinitignan ang kabuuan ko na nababa ng hagdanan. Pagkarating ko sa gawi nila ay bigla itong umismid. “Hindi masiyadong halata na nagluluksa ka sa pagpapakasal, Czes. Let's go...” ani Daddy. Sumunod lamang ako sa kanila palabas. Gustuhin ko man na kausapin si Mommy, hindi ko magawa. Ito na agad ang naiwas kapag malapit na a
Read more

Chapter Five

Sumakay ako ng taxi papuntang mall, habang nasa taxi ay pinunasan ko ang aking mukha. Pagkarating ko ay pumasok ako sa loob at naghanap ng coffee shop. Hindi naman ako nahirapan maghanap, umorder agad ako at tinawagan ang aking kaibigan. “Amirah...” Basag na boses kong tawag sa pangalan niya. Nagsisimula na naman manubig ang aking mga mata. [B! Hey... Are you crying? Where are you? Are you okay? Please tell me where are you, I'm coming.] Napangiti naman ako sa sunod-sunod nitong tanong sa 'kin. Pangalan pa lamang niya ang sinasabi ko, sobrang nagaalala na s'ya. “A-Are you free today?” Tanong ko habang nagpipigil na maiyak dahil ibinaba na ang order kong coffee at bread. [I'm always free for you B, you know that...] Oo, ni minsan hindi niya ko tinanggihan. We're best friends since ten years old kami. Bagong lipat sila sa subdivision namin noon dahil friends pala ang mga parents namin. “Can you pick me up?” [Of course! Where?] Mabilis nitong sagot. “Mall, I'll text yo
Read more

Chapter Six

Ilang araw na akong namamalagi sa rest house ni Amirah. Pareho naming pinatay ang mga phone namin para walang istorbo. So far, I feel relax because of the ambiance and because of the sea. Pero, hindi naman ako gano'n kasama para hindi isipin kung nagaalala ba sila sa'kin. Lalo na si Mommy, baka nai-istress na. Pero kay Daddy? Alam ko namang hahanapin n'ya lamang ako dahil sa pag merge ng company nila ni Mr. Harrison.“Girl! Halika rito dali!” Sigaw ni Amirah mula sa baba, dahil nakatambay ako sa veranda ay nakatingala ito sa'kin.“Bakit?” “Basta! Ngalay na batok ko pisti ka! Bumaba ka na lang!!” Tinawanan ko naman ito bago napag pasyahan na bumaba.Pagkababa ko ay may mga kasama na ito. “Come here B, I want you to meet these beautiful family!” Masiglang sabi ni Amirah at hinila ako palapit sa pamilyang tinutukoy nito.“A... Baka mamaya maisumbong tayo n'yan kina Daddy...” Bulong ko rito.“Gaga! Hindi nila kilala 'yon!” Nakangiti na ang mga ito sa'min, mag-asawa ito na may dalawang
Read more

Chapter Seven

Kanina pa ako sa harap ng salamin, kanina pa ako nakaayos. Pero, ang sarili ko ay hindi pa rin handa. Magkikita na naman kami, ngayong gabi ang plano nilang pag-set kung kailan ang kasal na magaganap.Nakatingin lamang ako sa aking sarili, walang emosyon, pero pagod na pagod ang pakiramdam. Nagising ang diwa ko sa katok na nagmumula sa labas ng kuwarto ko. Hindi ko na pinansin ito at hindi na rin nag-abala pang buksan ito.Mommy . . .Naglakad ito nang mabagal papunta sa kinauupuan ko. Pinanood ko lamang siya sa salamin, gano'n din naman ang kaniyang ginawa. Pumuwesto ito sa likuran ko habang hindi kami nag-aalis nang tingin sa isa't-isa.“I hope, you wouldn't hate us for doing this, Czes.” “You want me to marry that guy who really hates me to death, and you expecting me not to hate you? Mom, this is torture. Is that how dad really hates me?” Nagyuko ito ng kaniyang ulo, ako naman ay nagsisimula na naman manubig ang mga mata.“I'm sorry, no. He didn't hate you,” Mom said.“He
Read more

Chapter Eight

Imbes na maglibang para sa natitira kong araw bilang malaya, eto ako at nagmumukmok sa aking kuwarto. Walang lakas na lumabas o mamasyal manlang para malibang. Kahit anong gawin ko, nasa isip ko pa rin ang mga nangyayari.Paano ako maglilibang, kung ang bigat-bigat nang pakiramdam ko dahil sa sama ng loob?Nakasandal lamang ako sa headboard ng kama habang naka-earphones. Kung puwede lang na hindi na lang ako lumabas, ginawa ko na. Pero, sabi ni daddy ay darating ang mga may dala ng gown ko para isukat sa 'kin. Bumili raw sila ng yari na, ire-repair na lang daw kung may problema. Tss.Before, I'm dreaming about wearing a beautiful white gown walking down the aisle. But now, I'm hoping it won't happen . . . Not like this . . . Nang marinig ko na ang katok mula sa labas ng aking kuwarto ay tumayo na ako. Inilapag ko muna ang phone at earphones ko sa kama bago pumunta sa pinto para buksan ito.Magandang ngiti ng dalawang bakla ang bumungad sa 'kin, kasama ng mga ito si mommy na se
Read more

Chapter Nine

Dumating na ang araw na pinakahihintay ng magulang ko. Pero hindi ako, kung kailan hindi ko hinihintay ang araw ay s'ya namang bilis nitong dumating.Suot ang napakagandang gown, naka make-up at nakaayos ng maganda ang buhok. Walang emosyon kong tinitignan ang aking sarili sa harapan ng salamin. Ilang minuto na lamang at aalis na kami papuntang simbahan. Wala manlang akong maramdamang excitement, pakiramdam ko lamay ang pupuntahan ko. Gano'n kabigat ang pakiramdam ko sa mga oras na 'to.Napabalik ako sa sarili dahil sa katok ng nasa labas."Czes! Come out now, we're heading to church!" Sigaw ni Daddy mula sa labas.Isang malalim na buntonghininga muna ang aking pinakawalan bago tumayo at tumungo sa pinto. Pagbukas ko ay nag-aabang na si Daddy, suot ang kaniyang black tuxedo. Guwapong-guwapo itong matikas na nakatayo at naghihintay sa 'kin.Kung totoong kasal ko lang 'to, sa taong mahal ko at mahal ako. Pupurihin ko sana si Daddy, kaya lang . . . parang lamay ko 'tong magaganap na
Read more
DMCA.com Protection Status