Napakahigpit ng hawak sa kanya ni Jeremy, at sa kabila ng pagpupumiglas ni Madeline para makatakas, napilit pa rin siyang ipasok sa kotse. Hindi alam ni Madeline kung kailan tumigil ito na isiping madudumihan niya ang kotse nito. Pinapaupo na siya nito sa pampsaherong upuan ngayon. Biglang dumilim ang langit. Sandali lang, sinundan ito ng malakas na hangit at ulan. Nagsimulang magbago ang timpla ni Madeline. Tuwing umuulan nang malakas, naaalala niya ang gabing nanganak siya. Sa masikip na karwahe, lalong lumaki ang takot sa kanyang puso. Ayaw niyang balikan ang madilim na gabing iyon, ang madugong gabi na naglayo sa kanila ng anak niya. "Jeremy saan mo ako dadalhin? Balak mo ba akong patayin dahil tumanggi akong hiwalayan ka? Di kita hahayaang magtagumpay ulit!" Nawalan na ng kontrol si Madeline sa kanyang emosyon at sinubukan pang buksan ang pintuan ng kotse. Hindi pa siya pwedeng mamatay. Hindi pa niya naiipaghiganti ang kanyang anak! Mabilis na isinara ni Jeremy ang p
"Nakikita mo ba? Mr. Whitman, salamat sa iyong pag-aalala. Hinayaan mo akong mabuhay na ganito kaganda araw-araw sa isang libong araw ko sa kulungan." Mapait na ngumiti si Madeline, habang pumapatak ang maiinit niyang luha sa likod ng kamay ni Jeremy. Nangatog nang bahagya ang manipis niyang mga daliri. Hindi niya alam na ganito pala kainit ang luha. Palakas nang palakas ang ulan, at narinig ni Madeline na kumakaluskos ang wiper sa windshield. Biglang tumahimik ang hangin sa paligid niya. Pinunasan ni Madeline ang kanyang mga luha, kumalma bigla ang tingin sa kanyang mga maya. "Jeremy, kung mauulit ko ang lahat, mas mabuti pang di kita nakilala." Matapos marinig ang mga sinabi ni Madeline, tila ba bumalik sa ulirat si Jeremy. Tinitigan siya nito nang malalim. "Wala ka nang magagawa Madeline. Asawa na kita, at di mo na ito mababago sa buong buhay mo." Sarkastikong kumutya si Madeline, "Talaga ba? Mr. Whitman, sinasabi mo na di mo ako hihiwalayan sa buong buhay mo? Paano na
Tinuro ni Meredith si Madeline at sinigawan ito. Inabandona niya ang natura niyang hipokrito at mahinhin na imahe. Hindi nagulat si Mrs. Hughes sa tapang at bagsik ni Meredith. Halatang nakita na niya ang tunay na ugali ni Meredith noon pa. Gusto nang umalis ni Madeline noong una, ngunit nang makitang nababagabag at naiinis na si Meredith sa sandaling ito, basta na lang siya umupo sa sofa at kaagad na nagsalita. "Ako ang matriarch ng bahay na ito, kaya nakakapagtaka ba kung bakit ako nandito? Ang kakaiba ay bakit nandito sa bahay ko ang isang tigalabas na tulad mo?" "Ikaw ang matriarch ng bahay na ito?" Tila ba nakarinig ng isang malaking biro si Meredith. "Madeline, naging tanga ka ba nung nasa presinto ka? Ako ang tunay na matriarch ng bahay na ito! Isa ka lamang aso na hinahabol si Jeremy!" Labis na mapanlait at mapanirang-puri ang mga salita niya. Mukha siyang galit sa kanyang nagngangalit na mga ngipin, at wala siyang tindig ng isang dalagang nagmula sa isang mayamang pami
Sa totoo lang, balisa at hindi pa rin mapalagay di Madeline. Sa kasalukuyan niyang lakas, di niya malalabanan si Meredith. Higit pa rito, di niya mabasa kung ano ang ugali ni Jeremy sa kanya. Nang pinag-iisipan niya ito, may gumalaw sa may hallway. Tumingala si Madeline nang matanaw niya ang matayog at eleganteng katawan ni Jeremy. Di pa tumitigil ang ulan, at ang karaniwang malamig na temperatura ay mas lumamig dahil sa ulan. Napatingin siya at nagtagpo ang mata nila ni Madeline. Napakalalim ng kanyang mga mata. Pata bang lulubog siya sa mga mata nito sa isang tingin lang. Hindi maipaliwanag na tumalon ang puso ni Madeline. Nang iiwasan niya ang titig nito, nakaramdam siya ng bugso ng hangin sa tabi niya. Hinawakan ni Meredith ang gilid ng kanyang mukha at tumakbo papunta kay Jeremy habang lumuluha. Pagkatapos ay tumanday siya sa dibdib nito. "JeremyâŚ" nanginig ang kanyang boses na parang lubusan siyang inalipusta. Ayos. Magsisimula na namang umarte ang mapagpangga
Inosente at mahinhing kumurap si Meredith, mahinahon at mahina ang kanyang boses. Subalit, tila ba bulag ang mga kalalakihan sa pinakahalatang pagpapanggap. Ang palabas na ganito ay napakaepektibo sa mga lalaki. Alam ni Madeline na papayag si Jeremy nang hindi ito pinag-iisipan. Sandali lang, nakita niya itong tumango. "Dumito ka muna kung ganon." Talaga naman. Natatawa si Madeline dito, at ramdam niya ka nanghahamon siyang tinitignan ni Meredith mula sa sulok ng kanyang mga mata. Subalit, ilang segundo lamang nagdiwang si Meredith sa sandaling makita niya si Jeremy na sumulyap kay Mrs. Hughes. Iniutos niya, "Maghanda ka ng isang guest room para kay Miss Crawford." Hinihigop ni Madeline ang kanyang sabaw at halos masamid siya nang marinig niya ito. Ang nagdidiwang na mukha ni Meredith ay halos tuluyang maglaho sa isang iglap. Anong kalokohan ito? Di ito mapaniwalaan ni Meredith. 'Ako ba ang Miss Crawford na tinutukoy niya?' Nang pag-isipan niya ito, pakiramdam nito
Kailangan niyang manatiling buhay hanggang dumating ang araw ng pagbagsak ni Meredith!Hindi matagumpay na nakaalis ng Glendale si Madeline. Paminsan-minsan ay dinadala pa rin siya ni Jeremy sa Whitman Manor. Gustong-gusto ni Old Master Whitman si Madeline at napaka bait niya sa kanya. Tinapik pa nga niya ang balik at ni Madeline at sinabing, "Pamilyar ang batang ito. Tingin mo ba maglolo tayo sa nakaraang buhay natin?" Yung totoo, hindi lang ang old master ang nakakaramdam nito, maging si Madeline ay ganun din ang nararamdaman. Magmula noong una niyang makita ang old master, pakiramdam ni Madeline na nagkita na sila dati. Sa tuwing pupunta si Madeline sa Whitman Manor, maliban sa nagpapanggap si Jeremy na malambing at mapagmahal sa kanya, ang lahat ay masama ang tingin sa kanya. Lalong-lalo na si Meredith. Noong una, nagagawa niyang saktan si Madeline at kunin ang posisyon ng pagiging Mrs. Whitman, ngunit ngayon, hindi sila makalagpas kay Old Master Whitman. Lubhang napakah
Mabigat ang pakiramdam ni Madeline. Pagkatapos siyang alugin ni Meredith, lalo siyang nahilo. "Maddie, bakit ba napakasama mo? Wala akong pakialam kung galit ka sakin, pero inosente ang anak ko. Paano mo nagawa 'to kay Jack?" Parang pamilyar ang pangyayaring ito. Hindi nakalimutan ni Madeline na muntik na rin niyang sabihin ang mga salitang ito kay Meredith. Subalit, ano bang nangyayari? Anong sinasabi ni Meredith? "Maddie, sabahin mo sakin, saan mo tinago si Jack? Sabihin mo!" Habang naguguluhan si Madeline, muli siyang sinigawan at tinanong ni Meredith. "Si Jack?" Naalala ni Madeline ang nangyari bago siya makatulog. Pagkatapos, tiningnan niya kung nasaan na siya. Nasa bahay niya siya. Dadalhin niya sana sa Whitman Manor si Jackson kanina. Bakit nandito na siya ngayon? Nanlamig ang pakiramdam ni Madeline. Kinilabutan siya. Hindi niya maisip kung ano ang nangyari. "Madeline, hindi ko inasahan na gagawin mo talaga yung sinabi mo." Ang sabi ng isang nakapangingilab
Madaling naubos ang isang minuto. Natauhan si Madeline dahil sa pag-iyak ni Meredith. Tiningnan siya ng masama ni Jeremy at pumindot ng tatlong numero sa kanyang phone. Tatawag siya ng pulis! "Hindi!" Naubos ang pagtitimpi ni Madeline. Namumutla ang mukha ni Madeline habang palapit siya kay Jeremy. "Jeremy, hindi ko talaga tinago ang anak mo! Hindi ko gagawin ang ganung klaseng bagay kahit na galit na galit ako kay Meredith!" "Naranasan ko ang sakit ng pagkawala ng sarili kong anak, kaya alam ko na mas masakit pa yon sa kamatayan. Hinding-hindi koââ"Kaya magiging masaya ka lang kapag naranasan din ni Mer yung sakit na yun, tama ba?" biglang nagsalita si Jeremy. Parang mga kutsilyo na bumaon sa puso ni Madeline ang mga titig ni Jeremy. "Madeline, hindi nagbabago ang mga batik sa katawan ng isang leopard. Kahit na mamatay ka pa ng 1,000 beses hindi pa rin mababawasan ang galit ko sayo!" Hiss.Parang mga balang tumagos sa puso ni Madeline ang mga sinabi ni Jeremy. "Huwa