LOGINSi Lira Mendoza ay isang simpleng basurera na araw-araw lumalaban sa kahirapan para sa kanyang pamilya. Sanay siyang maliitin, tapakan ang dignidad, at ipaalala ng mundo kung saan siya nababagay… sa ilalim. Ngunit isang aksidente ang magbabago sa lahat nang matapunan niya ng basura ang isang mayabang at misteryosong lalaki na hindi niya alam ay isa palang makapangyarihang CEO. Si Nathaniel Cross, isang cold at elite na negosyante, ay sanay makuha ang lahat… pera, respeto, at babae. Ngunit iba si Lira. Hindi siya nagpapanggap, hindi siya humihingi ng awa, at kahit sugatan ang pride, buo pa rin ang tapang. Sa gitna ng isang marangyang villa party, muling nagtagpo ang kanilang mundo… at doon nagsimula ang isang masakit na banggaan ng uri, dignidad, at damdamin. Habang unti-unting nahuhulog ang loob ni Nathaniel sa babaeng galing sa mundo ng basura, lalong humihigpit ang hawak ng kanyang pamilya, lalo na ng kanyang ina, na may sariling plano para sa kanyang kinabukasan. Sa pagitan ng pang-aalipusta, lihim na kasunduan, at unti-unting pag-usbong ng pag-ibig, kakayanin ba ni Lira ang mundong hindi siya kailanman tinanggap? O mananatili siyang basurera sa paningin ng lahat… kahit sa lalaking handa nang ipaglaban siya?
View MoreUgh… kung may isang bagay na alam kong sigurado sa buhay ko, iyon ay ang kahirapan. Araw-araw, gising nang maaga para maghakot ng basura sa kalsada, habang iniisip kung paano ko matutustusan ang hospital at gamot ng kapatid ko.
“Lira! Huwag kang tatagal dito, baka maabutan ka ng ulan!” sigaw ni Nanay mula sa maliit naming kubo. “Oo na, Ma! Halos tapos na ako!” Sagot ko, habang pinipilit itulak ang mabigat na kariton. Habang naglalakad ako sa gilid ng kalsada, nakatuon ang atensyon ko sa mga basurang pinaghahalo-halo ng pawis at putik, biglang may naramdaman akong malakas na vibration sa lupa. At sa isang iglap… nahulog ang isang supot ng basura mula sa kariton ko. “Shit!” Sigaw ko habang sinusubukang saluhin. Pero too late na… ang basurang iyon ay natapun sa bintana ng SUV na dahan-dahang lumalapit, at sa loob nito, may nakatingin na isang lalaking mala-model, sobrang clean at maayos ang suit, na para bang hindi siya nababahala sa anumang putik sa mundo. “Hey! What the hell do you think you’re doing?!” sigaw ng lalaki, bumaba ng sasakyan. Ako, nahihiya at natataranta, “S-sorry po! Hindi ko po sinasadya!” Hawak ko ang basurang natapon sa kanya, at ramdam ko ang init ng kahihiyan sa mukha ko. “Do you even realize who you just spilled trash on?” malamig ang tono niya, may kakaibang intensity. Parang nakikita niya lahat ng kahirapan sa mukha ko, pero may curiosity rin na hindi ko maintindihan. “P-po… pasensya na po!” sagot ko, halos bumulaga ang kaba. Hindi pa nakakalabas ang galit ko sa kanya. Sa loob-loob ko, ang yabang niya! Ano ba yun… parang siya ang hari ng mundo at ako lang ang walang kwenta? Halos gusto kong sigawan siya, pero alam ko… hindi safe. Kaya pinilit kong ngumiti at itago ang galit. Ngunit bago ako tuluyang makaalis, biglang nagbago ang kanyang expression. Pinanood niya ako habang inaayos ko ang kariton. “Careful,” sabi niya. “Not everything in this world is as forgiving as that trash.” Aaargh! Ang yabang, nakakapikon, pero hindi ko siya sinagot. Pinilit kong maglakad na parang wala lang. Pero ramdam ko ang init sa dibdib ko… hindi ko maipaliwanag. May kakaibang tensyon sa pagitan namin. Pagkatapos ng ilang hakbang, bumalik siya sa tabi ko. “You know, you’ve got guts… spilling trash on someone like me and still standing there.” “Ha?” gulat at inis sa isang tingin. Parang gusto kong sabihing, Who does he think he is? Pero ngumiti na lang ako, pinipilit magmukhang composed. Hindi niya dapat makita ang galit ko. “Don’t just walk away,” sabi niya, bahagyang nakangiti, na sobrang nakakairita. “I like people who don’t flinch.” “Like I care!” bulong ko sa sarili ko, sabay tulak ng kariton. Pero ramdam ko na parang tinutulak niya rin… hindi physically, kundi sa buong aura niya, parang may kuryente sa pagitan namin. Habang naglalakad ako pauwi, hindi ko maiwasang i-replay ang pangyayari. Hindi lang siya mayabang, siya rin ay… kakaiba. May intensity, may confidence, at may init na nakakaakit. Ang sakit niya sa ulo, pero hindi ko siya maalis sa isip ko. Kinabukasan, habang nagkakalkal ulit ako ng basura sa kalsada, bigla siyang lumabas mula sa SUV, tila hindi siya napagod sa drama kahapon. “Good morning,” parang may halong pang-aasar. “G-good morning,” sagot ko, halos ang mata sa lupa. “You’re persistent, I’ll give you that,” sabi niya. Tinitingnan niya ako mula ulo hanggang paa, parang sinusukat bawat galaw ko. Hindi ko maalis ang pakiramdam na kahit gusto ko siyang suntukin, may parte sa loob ko na… excited sa atensyon niya. Sa buong araw na iyon, maraming encounter… nagkabanggaan kami sa kalsada, nagkatinginan sa hindi inaasahang pagkakataon, at sa bawat salita niya, may halong pang-aasar at curiosity.Nathaniel’s POV“Seriously, Nathaniel?!”Bumangga sa pader ang sigaw ni Mom kasabay ng paghagis niya ng folder diretso sa mukha ko. Hindi ko man lang naiwasan… bumagsak iyon sa sahig, bumukas, at kumalat ang mga papel. Mga litrato. Background check. Address. Trabaho.Lahat tungkol kay Lira.Tahimik lang akong nakatayo habang nanginginig sa galit ang kamay ni Mom. Kita ko sa mga mata niya ang pagkadismaya, parang may nag-crack na salamin sa perpektong mundo niya.“Sa dami-dami ng babae sa mundo, bakit sa isang hampaslupa pa talaga?!” sigaw niya.“The lowest of the low, Nathaniel! A garbage collector? A basurera?!”Huminga siya nang malalim, parang nauubusan ng hangin sa sobrang galit.“My God, son… what happened to you?” nangingilid ang luha niya pero hindi dahil sa sakit… kundi sa kahihiyan.“Hindi kita pinalaki para lang mapunta ka sa isang basura.”Dahan-dahan akong yumuko at pinulot ang mga papel. Isa-isa. Parang sinasadya kong patagalin. Hindi ko alam kung bakit, pero habang tinit
Lira’s POVHindi pa rin mawala sa isip ko ang mga salitang binitawan ni Nathaniel sa alley… maging asawa ko. Parang sirang plaka na paulit-ulit na tumutunog sa utak ko habang naglalakad pauwi, hinihila ko ang cart na puno ng basura. Ang bigat ng hangin, ang bigat ng mundo, at lalong mabigat ang dibdib ko. Hindi ko alam kung tatawa ba ako o maiinis. Sino ba siya para mag-alok ng gano’n? At sino ba ako para tanggihan agad kung alam kong kailangan ko ng pera para sa kapatid ko?Pagdating ko sa inuupahan naming maliit na kwarto, nadatnan ko si Marco na nakahiga, pawisan at namumutla. Kumirot ang puso ko. Lumapit ako at pinunasan ang noo niya. “Ate,” mahina niyang tawag, pilit na ngiti. Doon ko naramdaman ang sagot sa tanong ko… kahit gaano ka-absurdo ang alok ni Nathaniel, may dahilan kung bakit ako natigilan.Kinabukasan, maaga akong tinawagan ni Nathaniel. Hindi ko alam kung bakit ako sumagot. Siguro dahil sa sobre. Siguro dahil sa mga mata niya kahapon… seryoso, walang halong biro. “Me
Lira’s POVHindi ko alam kung malas lang ba talaga ang araw na ’yon o sadyang sinusubok ako ng tadhana, pero sa mismong alley kung saan araw-araw akong naghahakot ng basura, doon ko ulit siya nakita.Si Nathaniel.Nakatayo siya sa gilid ng eskinita na parang hindi nababagay sa lugar. As usual, naka-porma, maayos ang buhok, suot ang mamahaling damit na halatang hindi kailanman dumampi sa dumi ng mundo. May halong arrogance ang tindig niya… ’yung tipong sanay siyang sinusunod, sanay siyang nasa itaas.Saglit akong natigilan, pero mabilis ko ring binalewala ang presensya niya. Wala akong panahon sa mga katulad niya. Yumuko ako at binuhat ang garbage bag para ilagay sa cart ko.“Lira.”Hindi ko siya pinansin.Binuhat ko ang isa pang sako ng basura, pero bago ko pa maitulak ang cart, bigla niyang hinawakan ang braso ko.Napalingon ako, inis na inis.“Ano ba kailangan mo?” mataray kong tanong habang pilit kong inaalis ang kamay niya.Hindi siya agad sumagot. Sa halip, may iniabot siyang sob
Nakaupo ako sa aking kwarto, nakatingin sa bintana, pero ang isip ko, wala sa tanawin sa labas. Hindi ko maiwasan ang paulit-ulit na isipin ang babaeng iyon.She's different.Hindi tulad ng ibang babae na nakilala ko sa high society, sa mga parties at social gatherings. Hindi siya elegante, hindi magara, pero may kakaibang aura. Parang hindi siya nagpapanggap, hindi takot sa sarili niyang kahirapan, at kahit nai-humiliate, may tapang na bumangon.Ramdam ko ang kakaibang tensyon, parang may magnet na humihila sa akin sa kanya. Ang kanyang simplicity, ang tapang, at kahit ang pagiging stubborn niya… lahat ng iyon, naiiba.Kinaumagahan, habang nag-aalmusal ako sa dining room, lumapit si Mommy.“Nathaniel, kailangan mong pumunta sa blind date ng anak ng business partner natin,” malakas at determined ang boses niya. “Kailangan ninyong makilala ang isa’t isa. Family expectations, Nathaniel.”Napatingin ako sa kanya. Again?Sawa na ako sa paulit-ulit na matchmaking ni Mommy para sa busines












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.