Thorns of the Past (Playful Fate Series #1)

Thorns of the Past (Playful Fate Series #1)

last updateLast Updated : 2026-01-21
By:  GvmuxxeerviUpdated just now
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
Not enough ratings
5Chapters
7views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Marriage is sacred and must be because of love…but in our family it is all about business and connections. I don’t want to get married and the last time that I let cupid in my heart I was left alone, like a girl who lost her favorite doll. Miss Michin. Ang bansag sa pinakamasungit sa mga apo ni Don Leano—si Frederica Liora Leano, panganay sa pamilya at sa mga magpipinsan, strikta, mahigpit, at prangka kung magsalita. Parang walang pagmamahal sa katawan. Matandang dalaga kung umasta at manamit. Hindi gusto na magpakasal, dahil hanggang ngayon ay may mga nakabaon pa ring tinik sa kan’yang puso mula sa nakaraan. Ngunit…sa isang iglap lahat ng iyon ay nawala. Aksidente. Dahil sa isang aksidenteng halik ay magpapakasal siya at kanino? Sa estrangherong hardinero nila na si Noel. Si Noel, palasagot, matapang, at hindi siya inuurungan. Napunta si Frederica sa sitwasyong iniiwasan niya. Gusto niyang tumakbo at umalis sa buhay na iginuhit na ng kan’yang Lolo. Pero paano kung sa gitna ng pagtakbo niya ay madapa siya sa maiinit na bisig ng kanilang hardinero? Anong mangyayari kung unti-unti na niyang pinapapasok si kupido sa sarado niyang puso? Panibagong sakit? Panibagong tinik? O mas babaon ang tinik ng kan’yang nakaraan? Paano kung sa mga maiinit na bisig ay may madiskubre siyang malamig na katotohanan? Makakatakbo pa kaya ang kan’yang mga paa? O tulad noon ay magiging batang nawalan ng manika?

View More

Chapter 1

Chapter 1

𝘒𝘪𝘴𝘴

“Manang, hindi pa ho ba kumukulo ang takure?” tanong ko kay Manang Wilma, isa sa mga pinagkakatiwalaan naming kasambahay.

Nagluluto kasi ako kaya’t sa isang kalan ay nakasalang ang takure, para sa mainit na tubig at nang makapagtimpla ng kape ni Lolo. Ako ang nag-aasikaso ng agahan namin, dahil ayaw niyang gumagawa ako ng gawaing bahay. Ito nalang ang magagawa ko para naman hindi ako biglaang ma-stroke.

Habang hinahalo ang niluluto ay nakita ko sa gilid ng aking mata si Manang na binuksan ang takip ng takure—-hindi na kasi gumagawa ng matinis na ingay dahil sa katandaan, tapos ayaw pa ni Lolo bumili ng bago, dahil noon pa mang nabubuhay si Lola ay ito na ang gamit.

Lumingon sa akin si Manang. “Opo, senyora. Tawagin ko na po ba ang senyor?”

Tango na lamang ang naging sagot ko kay Manang, dahil tumalikod din ako upang kumuha ng sandok at mangkok.

“Napaka sarap mo talagang magluto, Frederica,” halos mapangiwi ako nang banggitin ni Lolo ng buo ang ngalan ko.

May palayaw naman ako, pero pinsan at kapatid ko lang ang tumatawag sa akin no’n.

Kinuha ko ang pitsel, upang pagsalinan siya ng maiinom. “Buti naman po at nagustuhan niyo. Hindi na nga ho ako makaisip ng iluluto sa inyo, dahil baka naasiwa na kayo at paulit-ulit.”

Natawa siya sa sinabi ko. “Hinding hindi ako magsasawa, apo,”

Pinagpatuloy namain ang pagkain, napuno ng katahimikan ang buong kudsina. Kaming dalawa lang din naman kasi ang nasa loob ng mansiyon, panigurado ay nasa labas ang mga kasambahay at nililinis ang hardin. Medyo malawak kasi ang labas ng mansyon namin, kaya’t kailangang tutukan ang hardin at maliit na kwadra o tirahan ng mga kabayo.

“Oh, hayaan mo nang sina Manang mo ang magligpit ng pinagkaininan. Nagsusumbong na sa akin ang mga iyon, halos wala na raw silang gawin sa kusina dahil ginagawa mo na,” utos niya sa akin.

Napakamot naman ako ng batok dahil doon. Totoong halos wala na silang gawin sa kusina tuwing umaga, dahil ako ang naglilinis ng pinagkainan. Gusto ko kasi ng malilibangan, hindi naman ako nalilibang kapag nangangabayo at lumilibot sa lupain namin.

“Opo, Lo,” tanging nasagot ko.

Sinundan ko siya nang palabas na sa kusina. Nang paakyat na ay iminuwestra niya ang kamay, sinasabing huwag ko na siyang alalayan paakyat, ngunit may huli pa siyang mga sinabi na hindi ko inaasahan.

“Pupunta bukas ang mga pinsan mo. May sasabihin ako sa inyo. It’s time…”

Hindi ko alam kung bakit biglang nawala ang gana sa katawan ko nang sabihin iyon ni Lolo. Alam ko na ang mapag-uusapan bukas at sigurado akong alam na rin iyon ng mga pinsan ko. Matagal naman na niyang nasasabi iyon sa amin, kami lang ang umiiwas sa obligasyon.

Mukhang pagod na siya kakahintay?

Lumakad ako papunta sa veranda namin at doon ko natagpuan ang mga batang kasambahay na nagtatawanan at kulitan dahilan para matapon ang nawalis nila. Malalim ang naging paghinga ko at umarko ang isang kilay.

Nakakrus ang mga brasong tumayo sa harap nila. “Ano sa tingin niyo ang ginagawa niyo?”

Naglalakihan ang mga mata nilang tumingin sa akin at biglang umayos ng upo at hawak sa mga kagamitang panglinis. Ang ibang mga nagtratrabaho ay sandali ring napatingin sa dako namin ng marinig ang boses ko.

“Hindi kayo binabayaran dito para magtawanan at muling madumihan ang paligid. Trbaho muna bago ang kasiyahan, maliwanag?” mataray kong pagkakasabi.

Wala naman silang imik at tumango nalang. Alam naman siguro nilang hindi ako magpapatalo kung sasagot sila at mas hahaba lang ang sermon ko.

Umalis ako sa harapan nila at nagpatuoy na libutin ang veranda, pero hindi pa man nakakalayo ay marinig na akong bulungan sa likuran ko.

“Sungit talaga ng matandang dalaa na ‘to,” ang narinig ko.

Sandali akong huminto, hinihintay pa ang mga kasunod. Masarap marinig ang mga haka-haka nila tungkol sa akin.

“Huy grabe ka naman kay miss Minchin.” mahinang humagikhik na narinig ko pa rin naman. “Kailangan lang ng lalaki niyan para lumambot,” dugtong pa niya.

Lihim akong umismid dahil sa narinig. I don’t need anyone. Bakit ba akala nila ay importante ang mga lalaking iyan sa akin? Kaya kong mabuhay ng mag-isa, hindi naman iyan hangin para matakot akong wala ako.

“Nako…walang magkakagusto riyan. Tignan mo nga ang ayos ng pananamit, parang mangkukulam.” doon na ako napalingon sa mga naririnig ko.

Naestatwa naman sila, pero agad ding umiwas ng tingin at bumalik sa ginagawa. Bwiset! Hindi ako mangkukulam!

Mabibigat ang hakbang kong umakyat patungo sa silid ko, hindi pa rin nawawala ang inis sa dibdib. Akala naman nila kung sino silang magaganda at grabe makalait sa damit ko. Agad akong pumunta sa salamin at humarap, tinignang maigi ang sarili.

Wala naman akong nakikitang masama sa damit ko. Suot ko ang mahaba kong itim na bestida. It’s a long black turtle neck long sleeve dress, made from velvet, it even has a leaf or botanical pattern, and a ruffles at the bottom. Pati buhok ko napansin ko…it’s nothing usual, just…low bun. Nakakamukha bang matandang dalaga ito?

Hindi ko na rin napigilang pagmasdan ang itsura ko. Maganda naman ako. Pero…natatakpan iyon ng walang ekspresyon kong mga mata, malaki ang salamin ko kahit na mababa lang naman ang grado, walang kakolorete sa mukha.

Isang marahas na hangin ang naibuga ko. Bakit ba iniintindi ko ang sinasabi nila? Alam kong maganda ako, hindi lang talaga mahilig mag-ayos. Dahil bakit naman ako mag-aayos? Eh nasa mansiyon lang ako magdamag.

Lumabas nalang ako sa kwarto, dahil hindi ko dapat ikamukmok ang narinig ko. Sanay na kasi akong marinig ang palayaw nila sa aking ‘Miss Minchin’, pero ngayon ko lang marinig ang tungkol sa pananamit ko. Wala naman kasing sinasabi si Lolo, pati mga pinsan ko kapag nakikita ako. Kaya para sa akin ay wala namang masama, dahil walang pumupuna.

Malakas na tunog ng nabasag na salamin ang narinig ko. Agad-agad kong tinakbo ang direksiyon kung saan ko iyon narinig at nagulat ako nang makitang bukas ang silid-aklatan ni Lolo.

May nakapasok na magnanakaw?

Dahan-dahan kong tinulak ang pinto at nakita ang isang makisig na likod, hindi kita ang mukha niya, tanging malapad na likod at ang matangkad niyang katauhan lang. Sino ‘tong lalaki? Hindi ko mapigilan ang sariling mamangha sa tangkad niya, parang hanggang tenga lang niya ako kapag tuwid na ang tayo niya.

Inipon ko ang lakas ng loob ko para magsaita at pinorma ko rin ang katawan ko para labanan siya kung sakali.

“Sino ka?” matigas at malalim kong sambit.

Para naman siyang nabuhusan ng malamig na tubig at mabilis na lumingon. Bugla niyang itinaas ang dalawang kamay at sabay umiling. “Miss, nagkakamali ka ng iniisip. Hindi ako—”

“Huwag ka ng magpaliwanag. Magnanakaw ka.” mabilis kong iginalaw ang kamao kong nakaporma na at handang itama sa mukha niya.

“Hindi…”

Parang ako naman ngayon ang nakakita ng multo sa ginawa niya. Sobrang bilis ng pangyayari at parang huminto rin ang mundo at ang oras. Kaunti nalang ang pagitan ng kamao ko sa mukha niya, pero nagawa niyang pigilan at hatakin ako…palapit sa kan’ya! Pero hindi pa roon natatapos. Hindi ako nakatigil at dire-diretsong tumumba sa kan’ya…nagtagpo ang labi naming dalawa.

Ang pagsuntok ko sa kan’ya napunta pa sa isang halik.

Malakas ko siyang itinulak.

“Aray! Ang dahas mo naman!” maktol niya at agad na tinignan ang paa. Doon ko nakita kung ano ang nabasag niya. Nabasag niya ang paborito kong paso!

“Magnanakaw ka na nga lang nagbasag ka pa!” galit kong sabi sa kan’ya.

Pero hindi niya ako tinignan, ang mata niya ay nakatuon sa pinto na sinundan ko rin kung ano ba ang tinitignan niya at ganoon na lamang ang panlalaki ng mata ko ng makita ko si Lolo at nasa likod ay ang abogado niya. Ang ekspresyon ni Lolo hindi ko na mabasa, pero parang may nakita siya.

“Bakit mo hinalikan si Frederica?!” namayani ang boses ni Lolo sa buong mansyon.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

No Comments
5 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status