Napagtanto ni Madeline na nagalit ng husto si Jeremy sa huling sinabi ni Ava. Bigla niyang pinatay ang sigarilyo niya at nagmistulang si Satanas na mula sa impyerno. Pagkatapos ay hinila niya si Madeline palapit sa kanya. Bumagsak sa lupa si Ava nang mabitawan siya ni Madeline. “Ava!”Napasigaw si Madeline at sinubukan niyang tulungan si Ava. Subalit, pilit siyang itinulak ni Jeremy papasok ng kanyang kotse. Galit na galit si Jeremy. "Madeline, seryoso ka ba? Nagsinungaling ka sa kaibigan mo na binigo kita at ikaw ang biktima? Pambihira ka talaga." Galit na galit na tiningnan ni Jeremy si Madeline. Para bang sinusubukan niyang butasin si Madeline gamit ng mga mata niya. "Yung pangako nating dalawa? Ano bang pinangako ko sayo? Pwede ba tumigil ka na?" Muli niyang binura ang mga pangako niya noon kay Madeline.Hindi na umasa si Madeline na maaalala pa ni Jeremy ang mga pangako na 'yon. Matagal nang nabaon sa limot ang mga alaalang iyon. Maglalaho na lamang ang mga iyon
Malamig ang kanyang boses, dahilan para mapahinto si Madeline. Pagkatapos, sinabi niyang, "Naglalaba." Lumapit si Jeremy at tiningnan niya ang itim na damit na hawak ni Madeline. Biglang napuno ng galit ang mga mata niya. "Naglalaba ka ba ng damit ng ibang lalaki sa bahay natin?" Nagalit siya at sinipa ang timba sa harap ni Madeline. Bumuhos ang tubig sa katawan ni Madeline, dahilan para mabasa siya ng husto. Napatayo sa takot si Madeline, kapit na kapit ang puting damit niya sa kanyang katawan. Kitang-kita ni Jeremy ang magandang hubog ng katawan ni Madeline. Para bang nagbanggaan ang yelo at apoy sa kanyang mga mata. Nag-init ang katawan ni Jeremy. Hinila ni Jeremy si Madeline palapit sa kanya. Pagkatapos, kinurot niya ang baba ni Madeline, at sapilitang iniharap si Madeline sa kanya. "Mukhang sa loob ng tatlong taon mo sa kulungan, bukod sa hindi mo alam kung paano magpakabait, natuto ka pa kung paano ako inisin, hmm?" Dumampi sa mukha ni Madeline ang hininga ni Jere
Tinitigang maigi ni Jeremy si Madeline. Tila biglang naglaho ang galit sa mga mata niya. Lumapit siya kay Madeline. Pagkatapos, hinawi niya ang buhok ni Madeline. Naging mahinahon at malambing ang tono niya nang magsalita siya. "Sabi mo pinagbubuntis mo ang anak ko bago ka nakulong. Anong nangyari sa bata?" Ayos lang sana kung hindi siya nagtanong. Subalit, noong sandaling tinanong niya ito kay Madeline, tila muling bumuka ang mga sugat sa puso ni Madeline. Nagdurugo ng husto ang kanyang sugatang puso.Natatawa siyang tumingin kay Jeremy. "Gaya ng sabi mo, Mr. Whitman. Patay na siya, kaya bakit ka pa magtatanong? Mabubuhay ba siya kapag nagtanong ka?" "Madeline, sagutin mo 'ko." Tumingin si Jeremy kay Madeline na may pekeng ngiti sa kanyang mukha. Para bang pinipilipit ng husto ang puso ni Madeline. "Mr. Whitman, ang galing mo talagang magpahirap ng tao." Nang-iinsultong ngumiti si Madeline, mapula ang mga mata niya at patuloy ang pagtulo ng kanyang mga luha. Hindi na niya m
Ngumiti si Madeline. Paalis na sana siya nang makita niyang nakatingin sa kanya si Jeremy. "Mag-almusal ka muna." Ano? Hindi makapaniwala si Madeline sa kanyang narinig. Kailan pa siya natutong makipag-usap ng maayos sa kanya at kailan pa ba siya nakakain ng kasama siya, lalong-lalo na sa agahan?"Madam, nakahanda na po ang almusal niyo." Ngumiti si Mrs. Hughes kay Madeline. Pagkatapos niyang mag-alinlangan sandali, lumapit na rin si Madeline para kumain. Tiningnan niya ang hapagkainan. May nakahaing cereal at toast at pati na rin ang tinapay na gawa mismo ni Mrs. Hughes. Gusto ni Madeline ang ganitong almusal. "Umupo ka dito." Hinila ni Jeremy ang bangko sa tabi niya. Tumingin si Madeline sa kanya at sinabing, "Hindi, masyadong malapit. Baka madumihan kita, Mr. Whitman."Pagkatapos, umupo siya sa bangko na salungat sa inuupuan ni Jeremy. Agad na dumilim ang mukha ni Jeremy. Para bang may nagbabadyang bagyo. Kinabahan si Madeline nang makita niya ang reaksyon ni Jer
Noong marinig iyon ni Meredith, hindi na siya nakapagpigil pa. "Jeremy, hinanap kita agad paggising ko. Hindi nga ako nakapag-almusal. Anong gagawin ko kapag umalis ka?"Hindi lumingon si Jeremy. "Pwede kang mag-almusal ngayon." "..." Natulala si Meredith sa kinatatayuan niya. Pinanood niya si Jeremy na lumapit kay Madeline at balewalain siya. Humigpit lalo ang hawak niya sa kanyang pitaka, para bang sasabog na siya ano mang oras. Nagulat din si Madeline sa mga ikinilos ni Jeremy. Subalit, mukhang seryoso siya sa mga sinabi niya. Sinadya niyang bagalan ang lakad niya at tumingin kay Madeline pagdaan niya. "Sumama ka sakin." Hindi maintindihan ni Madeline kung bakit ginagawa 'to ni Jeremy, pero nang makita niya ang nanggigigil na mukha ni Meredith, ngumiti siya at sumunod kay Jeremy. Sumakay siya sa kotse ni Jeremy. Para hindi na sila magtalo, hindi na nagsalita pa si Madeline habang nasa biyahe sila. Hindi rin nagsalita si Jeremy. Sinilip ni Madeline si Jeremy at nakita niya
Sumama na ang loob ni Madeline. Paano siya makakaramdam ng pagsisisi? Kahit na magawa niya pa, huli na ang lahat. … Unti-unting nasanay si Madeline sa kanyang pinagtatrabahuan. Palakaibigan ang kanyang mga katrabaho at pinag-uusapan nila ang tungkol sa isang pagdiriwang para kay Madeline habang tanghalian. Nang tanghalian na, nag-uusap ang lahat na gusto nilang kumain nang lumapit ang department manager na si Elizabeth Snow. Maganda at bata pa si Elizabeth Snow. Maestilo din ang kanyang kasuotan. Paglapit niya, pinagsaklob niya ang kanyang kamay at seryosong sinabi. "Nakatanggap tayo ng isang napakahalagang proyekto. Ang kasalukuyang pausbong na influencer na si Lolly Tate ay ikakasal na sa kanyang kasintahan. Pumunta sila kina Mr. Whitman at nakiusap sa amin na magdisenyo ng isang pares ng couple rings, isang kwintas, at isang pulseras para sa kanila. Naglagay sila ng sampung milyong dolyar na customization fee. Kung makukuha natin ang deal na ito, makakakuha ang department
Hinawakan ni Madeline ang kanyang masakit na kanang pisngi. Naguguluhan siya. "Madeline, napakasama mong babae! Bruha ka!" Sigaw ni Eloise nang ituro niya ang ilong ni Madeline. Hindi maunawaan ni Madeline kung bakit ang sama ng pakiramdam niya nang makita niya ang tumatagos na titig ni Eloise. *Mrs. Montgomery, bakit mo ako sinampal?" Sinubukan ni Madeline na manatiling kalma ngunit ang lakas ng tibok ng puso niya. "May kapal ka pa ng mukha na tanungin ako kung bakit?" Galit na tinuro ni Eloise si Madeline. "Dinakip mo ang apo ko kasama ang isang tao at inapi mo ang pinakamamahal kong anak na si Meredith! Ngayon pinapakampi mo pa sa iyo ang isa pang lalaki. Pinadalhan niya si Mer ng isang sulat mula sa abogado at sinabing sinadya niya daw na buhusan ng mainit na kape ang isang tao!" Nang sabihin niya ito, galit niyang ibinato ang sulat sa mukha ni Madeline. "Madeline, isa kang napakasamang babae! Salamat sa Diyos at maagang namatay ang magulang mo. Kung hindi, mamamatay si
Nagtataka si Madeline kung may Multiple Personality Disorder ba si Elizabeth. Pabago-bago ang trato sa kanya nito. Sa sandaling ito, isang matangkad at mapayat na tao ang lumitaw sa pinto. Lumiwanag ang mga mata ni Elizabeth. "Mr. Whitman, bakit ka naparito?" Nagbago ang ugali niya. Napakahinhin na niya ngayon. Nang marinig ito ng ibang mga empleyado, inipalag nila ang kanilang mga bag at magalang na ngumiti kay Felipe. "Mr. Whitman." Nakabalik na sa ulirat si Madeline. Subalit, tapos na ang lahat na batiin ito. Magmumukhang gusto niyang magpasikat kung babatiin niya ito ngayon. Kaya tumango na lamang siya at nginitian si Felipe. Nginitian ni Felipe si Madeline bago pumasok. Mukha siyang maringal. Napakagwapo at elegante niya. "Maraming salamat sa pagtitiyaga niyong lahat. Good luck sa bago niyong proyekto," mahinhin niyang sinabi. Tinignan ni Elizabeth ang kanyang mga katrabaho at kaagad naunawaan ng lahat ang ibig-sabihin niya. "Maraming salamat sa iyong pag-aalala Mr