LOGINIsang gabi ay langong-lango si Mallory Sullivan at basta na lang niyang hinigit ang nadaanang lalaki at mapusok itong hinalikan, ngunit nang mahimasmasan ay laking gulat niya nang makilala kung sino ito. Ang lalaki ay walang iba kundi si Atty. Cameron Gavinson, ang future brother-in-law ng cheater niyang ex-boyfriend!
View MoreNagpakalunod sa alak si Mallory Sullivan noong gabi ng engagement party ng kanyang ex-boyfriend na si Kenneth Soriano.
First time niyang uminom ng ganoon kalala kaya basta na lang niyang hinigit ang isang gwapong lalaki at saka ito mainit at mapusok na hinalikan. Tiningnan ng lalaki ang babaeng nasa kanyang mga bisig, mababa ang boses nito na tila nang-aakit. "Are you serious? Tila ba nagising si Mallory sa kanyang kahibangan nang makilala ang nagmamay-ari ng baritono at seksing boses na iyon. Si Cameron Gavinson ay isang nangungunang abogado sa bansang Pilipinas, marami rin itong negosyong lubos na namamayagpag sa ilalim ng pangalan nito. Ito ang tinaguriang, 'urban elite'. Bukod pa roon ay may iba rin itong pagkakakilanlan. Ito lang naman ang future brother-in-law ng ex-boyfriend niyang si Kenneth Soriano. Umurong si Mallory. Ngunit sandali siyang napa-isip, kung kaya siyang lokohin at ipahiya ni Kenneth, bakit hindi na lang niya hahayaan ang sarili niyang magpakasasa at magsaya? Sa halip na tumakas, mas hinigpitan ni Mallory ang yakap kay Cameron. Maganda at siya at may kamangha-manghang pangangatawan. Si Cameron Gavinson, isang lalaking hindi madaling mapusok, ay handa ring magkaroon ng panandaliang ugnayan sa babae. Naalala ni Cameron ang paghawak niya sa maliit na bewang ng lalaki, dumikit sa kanyang balat ang maliit at matangos nitong ilong. "Are you going somewhere else?" Malat niyang tanong. Hindi sanay si Mallory sa ganoong mga bagay, ngunit nagkunwari siyang may karanasan, bumulong siya nang mahinahon, "Hindi pa ako nakapag-try nito dati." Napasimangot si Cameron. Bihasang maglaro ang babaeng ito.. Mukha itong inosente at dalisay, talagang hindi mo mahuhulaan. Ngunit ito ay pisikal na kasiyahan lamang, kaya hindi niya na iyon masyadong pinansin at ibinaba ang ulo para halikan muli ang babae. Sila ay tulad ng maraming lalaki at babae sa lungsod, hindi mapaghintay at hindi mapakali. Nasa ilalim pa rin ng espiritu ng alak si Mallory, matapos ang ilang sandali nilang halikan ng lalaki ay para siyang lumulutang sa ere. Sumandal siya sa matigas a maskuladong braso ng lalaki at saka langong-langong umungol, "Kenneth..." Biglang natigil ang lahat. Binitawan ni Cameron ang babae, sumandal sa pader ng corridor a saka kumuha ng sigarilyo at sinindihan iyon. Tinitigan niya ito nang may ngisi sa labi. Kenneth... How interesting! Ang babaeng nasa harap niya ay walang iba kundi ang ex-girlfriend pala ng fiancee ng kapatid niya. Nalilitong kumunot ang noo ni Mallory, pakiramdam niya ay lihim na siyang iniimbestigahan ng lalaki sa isipan nito. Itinapon ni Cameron ang abo ng kanyang sigarilyo at kaswal na nagtanong. "Alam mo kung sino ako, hindi ba? Ano ang iniisip mo noong hinalikan mo ako? Gusto mo bang may mangyari sa atin para mapahiya si Kenneth Soriano?" Hindi iyon ikinaila ni Mallory. Sobrang sikat si Cameron; mapagkunwari siya kung sasabihin niyang hindi niya ito kilala. Ibinaba na lamang niya ang ulo at humingi ng paumanhin. "I'm sorry, Mr. Gavinson." Mahina niyang sinabi. Nang gumalaw siya at umayos ng tayo, ni hindi man lang siya pinigilan ng lalaki. Sa sandaling iyon, tumunog ang telepono ni Mallory; ang Tita Ruth niya ang tumatawag. "Mallory! Umuwi ka na agad dahil may nangyari sa bahay!" Hindi malaman kung hysterical o kalmado lang ang sinabi ng kanyang Tita. Pinilit ni Mallory na malaman ang detalye, ngunit hindi maipaliwanag ni Tita Ruth at sinabihan lamang siyang bumalik agad. Matapos ibaba ang telepono, nanlambot ang mga tuhod ni Mallory. Humingi na naman siya ng paumanhin kay Cameron Gavinson. "I'm really sorry, Mr. Gavinson." Matalino siya; hindi niya kayang saktan ang katayuan ng kabilang partido. Maingat na tinapunan ng tingin ni Cameron ang babaeng kaharap. Tumayo siya ng tuwid at saka hinubad ang suot nitong itim na coat, pagkatapos ay inabot niya iyon sa babae. "Wear this, I'm going to drive you home." Hindi na nagdalawang-isip pa si Mallory, mahinahon siyang nagpasalamat at sumakay sa kanyang sasakyan. Minamaneho ni Cameron ang isang Bentley continental, sa loob ng sasakyan ay walang nangahas na umpisahan ang paksa. Paminsan-minsan ay sumusulyap si Mallory rito. Si Cameron Gavinson ay may perpektong profile with well-defined facial features. Ang t-shirt nitong suot ay walang tatak ng anumang brand, ngunit nagmumukha pa rin itong mahal. Alam ni Mallory na ang ganitong uri my lalaki ay hindi kailanman mauubusan ng babae. Matapos makarating sa patutunguhan at iparada ang sasakyan, lumingon si Cameron para tingnan si Mallory, ang kanyang tingin ay tumigil saglit sa kanyang payat at maputing mga binti. Pagkatapos, kumuha siya ng isang business card mula sa locker sa harap at inabot sa babae. Ang katangian ng ganoong bagay sa pagitan ng mga may sapat na gulang na lalaki at babae ay maaaring maunawaan sa kaunting pag-iisip lamang. Hindi inakala ni Mallory na matapos malaman ang kanyang pagkakakilanlan, gusto pa rin nitong magkaroon ng ugnayan sa kanya. Tinanggihan niya ito. Mahinahon niyang sinabi: "Atty. Gavinson, please let's stop contacting each other again." Sa sandaling iyon, mahinang tumunog ang telepono ni Mallory. Akala niya ay ang Tita Ruth niya ulit, ngunit nang kunin niya ito para tingnan, message pala ito galing kay Kenneth. 'Mallory, where are you?' Nakita rin ito ni Cameron, mahina itong tumawa, hindi niya lang lubos na maunawaan kung patuya ba iyon o ano. "Wow, napaka-loyal mo naman pala!" Nag-init ang magkabilang pisngi ni Mallory, gumang ang kahihiyan sa kanyang sistema. Lumabas si Cameron Gavinson ng sasakyan na may kaakit-akit na kilos at binuksan ang pinto para sa kanya. Wala nang magagawa si Mallory kundi bumaba, ngunit nakalimutan niyang ibalik ang coat nito. Pumasok ulit si Cameron sa kanyang sasakyan, hindi na masyadong inabala ang sarili sa pag-iisip sa kanyang hindi natuloy na laro. Oo at maganda si Mallory, ngunit marami namang naggagandahang dilag na umaaligif sa kanya, kaya hindi na big deal iyon.Namula sa galit ang mukha ng mayamang binata.Nakakainis, kilala pala ng lalaking ito ang kanyang ama!Nang makitang tumahimik na ito, hindi na siya pinahirapan pa ni Cameron at lumabas na ng istasyon.Hinalikan ni Captain Castillo ang tseke at masiglang kumaway. "Attorney, hanggang sa muli po!"Hindi siya pinansin ni Cameron.Pumasok siya sa sasakyan at nagsindi ng sigarilyo, dahan-dahan itong hinithit.Lumapit si Kenneth."Sumakay ka." Kalmadong sinabi ni Cameron.Parang alam na ito ni Kenneth kanina pa. Bahagyang ngumiti, binuksan ang pinto, at sumakay.Pagkasakay pa lang, pinaandar na ni Cameron ang sasakyan. Napakaganda ng takbo ng mamahaling sasakyan at mabilis bumilis. Si Kenneth na uminom ng maraming alak ay nakaramdam ng pagkahilo at hinala niyang sadyang ginagawa ito ng lalaki.Napakabilis magmaneho ni Cameron, at naiiwan ang mga ilaw ng lansangan sa likuran.Tahimik sa loob ng sasakyan, walang nagsasalita.Makalipas ang kalahating oras, itinigil ni Cameron ang sasakyan sa t
Kakatapos lang gawin ni Cameron ang lahat kay Mallory nang tumunog ang telepono.Pagod na pagod si Mallory, pero hindi pa nakuntento si Cameron. Niyakap niya ang baywang nito at pabirong hinaplos nang dahan-dahan.Hindi na matiis ni Mallory at kinagat ang kanyang labi. "Ikaw... itigil mo na 'yan, gusto ko nang maligo!"Mabait naman talaga si Cameron.Bumulong siya nang malambing sa tainga nito, "Maghahanda ako ng maligamgam na tubig para sa'yo."Namumula nang bahagya ang tainga ni Mallory, at may maliliit na buhok dito na mukhang nakakatuwa. Hindi napigilan ni Cameron na haplusin ito nang dahan-dahan.Tinakpan ni Mallory ang kanyang mukha ng kumot ayaw na hawakan pa siya nito."Nahihiya ka ba? Sino ba 'yung kanina pang yakap nang yakap sa akin at ayaw bumitaw?" Mahigpit na niyakap siya ni Cameron pati na ang kumot, at hinila siya palabas.Gusto pa sana niya itong tuksuhin...Nagmamakaawa nang mahina si Mallory, "Hindi maganda ang pakiramdam ko, pakiusap, maliligo na ako..."Bahagyang
Natigilan sandali si Kenneth.Oo nga!Hindi naman siya sanay na mag-alala sa mga babae. Kahit noong kasama pa niya si Mallory, hindi siya tumigil sa pakikipagrelasyon sa iba. Ibinibigay niya ang kanyang pagnanasa sa iba bago bumalik at mag-usap tungkol sa pag-ibig kay Mallory.Isang halik lang ay masaya na ito nang matagal.Yumuko si Kenneth at nagsindi ng sigarilyo.Dahan-dahan niyang ibinuga ang usok at nagtanong, "Kapag ba ang isang babae ay naging iyo, mas tapat ba ito? Mas magtatagal ba ang pagmamahal niya?"Ngumiti nang may pagkaunawa ang tagapamahala."President Soriano, anong panahon na ba ngayon? Saan pa makakahanap ng ganyan? Ang pagtatalik ay parang pagkain at pag-inom lang ng kape! Nasa nararamdaman lang 'yan. Kung naramdaman niyo, sige lang, hindi ba? Tulad ni Aloha, mukhang inosente at bata pa. Hindi ba kayo nasiyahan noong nakaraan? Patawarin niyo na po siya ngayon."Nakalimutan na sana ito ni Kenneth, ngunit nagtanong ang tagapamahala, "Nasaan na siya?"Naalala niyang
Labis na naantig si Cameron, idinikit niya ang kanyang noo sa noo ni Mallory at paos na sinabi, "Magpapadala ako ng sasakyan kay Ginang Manolo para sunduin tayo."Bahagyang kinagat ni Mallory ang kanyang pang-ibabang labi.Nakainom si Cameron at para itong mabangis na hayop.Maaasahan naman si Josefa Manolo. Agad siyang nagpadala ng kanyang tapat na driver upang ihatid silang ligtas pabalik sa tirahan.Matagal nang nagpipigil si Cameron, kaya simula pa lang pumasok sila sa elevator ay hinalikan na niya si Mallory. Pagdating sa bahay, habang nagsusuot si Mallory ng panloob na tsinelas, niyakap siya nito sa baywang mula sa likuran at marahang kinagat ang kanyang talukap ng tainga. "Ayos na ang suot mong ito."Nagulat si Mallory.Akala niya ay kailangan muna niyang maligo at maging malinis at presko.Ngunit binuhat na siya ni Cameron, hinalikan habang pilit na tinatanggal ang kanyang matataas na sapatos. Kapag nanaig na ang pagnanasa, nagiging matapang at nakakaakit ito—at walang nagawa
Nakauwi na si Mallory.Nagsisindi ng insenso si Tita Ruth nang makita itong dumating, at muling sumigla ang pag-asa sa kanyang mga mata.Umiling si Mallory, namumutla ang mukha.Nadismaya si Tita Ruth at gusto sana itong pagalitan, pero sa huli ay lumambot din ang kanyang puso at sinabi na lang, "B
Diretsahan ang tanong ni Cameron, pinamulahan ng mukha si Mallory sa kahihiyan.Dahil sa totoo lang, hindi pa niya iyon ginagawa kasama si Kenneth!Noong sila pa ni Kenneth, ang pinakahigit na nabigay niya rito ay tanging mababaw na mga halik lang. Bukod doon, wala na!Matagal bago nagsalita si Mal
Sakal-sakal ni Kenneth si Mallory, ang tanging ginawa lamang niya ay tingnan ito sa mga mata na puno ng galit at poot. Mula noon hanggang ngayon, wala siyang lakas na ipagtanggol ang kanyang sarili. Katulad na ng nasira nilang relasyon. Pabato siyang binitawan ni Kenneth. Mapang-asar itong tumawa.
Tumango ang asawa ni Diana. "This is Mallory Sullivan, Diana's college friend. She's actually a piano teacher." "Oh, hi teacher Sullivan!" Natatawang sambit ni Cameron. Inilahad pa nito ang kanyang kamay na para bang isang mabait na nilalang. Sa paligid, ang mga lalaki mula sa mayayamang pamil












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviews