Share

Kabanata 11 Huli Ka

Author: Lemon Flavored Cat
Nanigas ang buong katawan ni Arianne.

"Okay lang sa akin na sa storeroom ako matutulog!"

Tiningnan siya ni Mark Tremont, makikita sa mga mata niya na ayaw niya ang sagot ni Arianne.

"Hindi kita tinatanong kung gusto mong matulog sa kwarto ko. Tutulungan ka ni Mary na ayusin ang guest room sa tabi ng kwarto ko."

Nahiya si Arianne dahil napahiya siya sa kanyang inakala...

Pagkatapos nito, dinala ng mga katulong ang pagkain sa dining room.

"Sir, miss, oras na para kumain."

Tumayo at isinara ni Mark Tremont ang magazine na hawak niya.

"Kumain ka."

Niyaya niyang kumain si Arianne. Gaano katagal noong huling sumabay kumain si Arianne kay Mark Tremont? Hindi na niya matandaan.

Nakayuko at tahimik na kumain si Arianne Wynn sa dining table.

Kinain niya lamang ang mga pagkain na malapit sa kanya. Habang si Mark Tremont ay dahan-dahang kumakain, walang maririnig na tunog mula sa kanya.

Nakakabingi lalo ang katahimikan sa malawak na dining room dahil sa inaakto ng dalawa ito.

Bumuntong hininga si Butler Henry na nakatayo sa gilid ng lamesa at kumuha siya ng pagkain para kay Arianne. "Huwag lang gulay ang kainin mo. Lumalaki ka na."

"Salamat," mahinhin niyang sinabi. Kinain ni Arianne ang lahat ng binigay ni Butler Henry sa kanya.

Biglang sumakit ang tiyan ni Arianne dahil hindi siya sanay na kumain ng marami.

Pagkatapos nilang kumain, natapos na rin linisin ni Mary ang kwarto.

"Ari, tingnan mo nga ang storeroom, paki-check kung may nakaligtaan ako. Dinala ko na halos lahat ng mga gamit mo sa guest room."

Nasulyapan ni Arianne si Mark Tremont na nakaupo sa sala, pagkatapos ay tumango siya kay Mary kahit na mabigat ang kanyang nararamdaman.

Pagpasok ni Mark Tremont sa kanyang kwarto, tahimik na pumunta si Arianne sa storeroom para kunin ang mga regalo niya sa kahon na nasa baba ng kanyang kama.

Habang tahimik na umaakyat si Arianne sa hagdan, biglang bumukas ang pintuan na malapit sa kanyang kwarto.

Siya ay parang deer na nakakita ng headlights, ang mga mata niya ay nanlaki at nanginig ang kanyang mga pilikmata.

Kusa niyang tinago sa kanyang likuran ang mga regalo na nasa mga kamay niya.

"Ano yan? Ibigay mo yan sa akin." Pababang nakatingin sa kanya si Mark Tremont.

Tulad ng isang makulit na bata na may ginawang kalokohan, nanlaban ng ilang segundo lamang si Arianne habang nakatitig sa humihilab na mga mata ni Mark Tremont.

Sa isang saglit, inabot niya na sa lalaki ang kahon na tinago niya.

"Matulog ka na," sabi ni Mark Tremont pagkatapos niyang buksan at tingnan ang isa sa regalo ni Arianne.

Alam niya na hindi ito ibabalik sa kanya at hindi niya rin tatangkain na manlaban para lang makuha ang mga regalo niya.

Inasahan niya na ito simula nung nakakatanggap siya ng regalo. Hindi na nakakagulat ang mga pangyayari.

Pumasok si Arianne sa kanyang kwarto at bumuntong hininga siya.

Gayunpaman, natandaan niya bigla ang note ni Will Sivan sa kanya na nasa loob ng regalo. Dahan-dahan siyang napa-squat habang iniisip niya ito.

Yari siya…

Tulad ng mga magulang, ipinagbabawal ni Mark Tremong na makipag-date si Arianne habang bata pa siya, kahit na past legal age na siya at hindi niya naman magulang o guardian si Mark Tremont...

Naisip ni Mark Tremont na itapon kaagad ang mga regalo na ito. Ilang beses niya nang ginawa ito sa loob ng sampung taon.

Pero ngayon, hindi agad siya gumawa ng desisyon.

Tinapon niya ang mga regalo sa coffee table. Sa tuwing tinitingnan niya ito, lalo siyang naiirita sa mga ito.

Agad niyang binuksan ang regalo. Sumimangot siya nang makita niya ang note na nasa loob nito.

Hanggang sa huli, magkasama tayong tatanda, huh...

Sa oras din rin na iyon, hindi makatulog ai Arianne na nakahiga sa kama niyang malambot at malaki.

Naninibago siya sa malaking higaan, dahil sanay siya sa maliit na higaan. Mabigat rin ang puso niya dahil nagaalala siya, iniisip niya na baka gantihan siya ni Mark Tremont.

Kasabay nito ang beep na mula sa kanyang cellphone. Ito ang phone na binigay sa kanya ni Mark Tremont, kaya number lamang ng lalaking ito ang lamang ng cellphone.

Gusto sanang magkunwari ni Arianne na hindi niya ito napansin, pero tiningnan niya pa rin ang kanyang phone at lumabas sa kanyang isipan ang madilim na mukha ni Mark Tremont.

May text message. Maikli at simple lang ang nakasulat dito.

"Pumunta ka dito."

Kinabahan siya ng sobra, sinuot ni Arianne ang kanyang jacket at nagmadali siyang pumunta sa kwarto ni Mark Tremont.

Nagdalawang isip muna siya bago siya kumatok sa pintuan.

Narinig mula sa loob ang malalim niyang boses, "Pumasok ka."

Pagkapasok ni Arianne, nakaupo ulit sa upuan na sa harap ng French Window si Mark Tremont.

Nakaipit sa kanyang mga daliri ang sigarilyo. Ang ibig sabihin lamang nito ay bad mood siya.

Hindi sinubukan ni Arianne na lumapit sa kanya at nanatili siyang nakatayo na may malayong distansya sa lalaking ito.

"Pumunta ka dito," nakakasindak na sinabi ni Mark Tremont.

Ang mga salitang ito ay inulit lang mula sa text message niya, pero mas nakakatakot nung sinabi na niya ito kay Arianne, kumpara sa text message.

Hinanda ni Arianne ang sarili niya nung naglakad siya papunta sa tabi ng lalaki.

Wala siyang lakas para mag-ingay sa oras na 'yon.

Sa isang saglit, hinila siya palapit ng lalaki kaya bigla siyang nahulog at napaupo sa binti ni Mark Tremont!
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • Ang Munting Asawa ni Mr. Tremont   Kabanata 1901 Ang Ilaw Sa WAKAS Ng Walang Hanggan

    Matagal nang hindi narinig ni Arianne ang pangalang iyon, ilang segundo siyang napaatras sa pagkataranta bago tuluyang naalala ang kanyang mukha.Shelly-Ann Leigh... Siguradong ginugol niya ang lahat ng mga taon sa mental na institusyon, tama ba? Alam ng Diyos kung ang buhok ng babae ay kulay-abo na at puti na sa kabuuan.Kapag ang isang tao ay malapit nang mamatay, ang isang tao ay maaaring tumayo upang patawarin ang lahat ng kasaysayan sa pagitan nila—kahit ang mga madilim, kahit na ang ledger ay punong-puno—para sa kabutihan. Kaya, sagot ni Arianne, “I’ll go with you. Kahit anong mangyari, nanay mo pa rin siya."Hindi inaasahan ni Mark ang sagot na iyon mula sa kanya. Sa gulat niya ay napayuko siya at nag-iwan ng halik sa labi nito. “Alam kong pinili ko ang tamang babae bilang asawa ko. Akala ko hindi ka papayag na samahan ko siya sa mga huling araw niya…”Walang sinagot si Arianne. Hindi siya masyadong makulit na susubukan niyang manalo sa isang babae na ang mga araw ay bilang

  • Ang Munting Asawa ni Mr. Tremont   Kabanata 1900 Lumipad Papalayo Sa Dilim Ng Gabi Ang Uwak At Naiintindihan Na Hindi Siya Kailanman Nabibilang Sa Mga Puti At Ginto

    Ngumisi si Arianne. “Nakakaawa ka naman, parang isang basang sisiw. Hindi ako ganoon ka-tanga para galitin ang ina ng lalaking gusto ko kung ako ikaw, girl. Lalo na hindi ako magsasabi ng kahit anong kasing baba ng IQ niyan. Hayaan mo akong maging tapat sa iyo: walang sinumang may apelyido na Leigh ang makahihigit sa akin—nabigo lang ang huling sumubok. At Nabigo siya ng matindi. Nakakasiguro ako na iiwan mo kami sa loob ng tatlong araw. Kapag mali ako, pwede kang manatili dito magpakailanman. Gusto mong makipagpustahan? Hinahamon kita."Iniwan niya ang kanyang pananakot na nakabitin at ibinalik ang kanyang wheelchair, naiwan ang hinamak na dalaga.Ang galit ay lumabas kay Raven habang ang mga alon ng lindol sa kanyang buong katawan. Malapit na siyang mag-hyperventilation, ngunit bago pa man ito naging imposible, lumapit siya at pinilit ang sarili na kumalma. She had a feeling na kahit na himatayin siya doon at pagkatapos, walang makakadiskubre sa kanya, hindi ba?Ngayong bumalik si

  • Ang Munting Asawa ni Mr. Tremont   Kabanata 1899 Hindi Pala Ako Lumilipad Kasama Nila Bumabagsak Pala Ako Mag-isa

    Si Melissa ang tipo na palaging nagtutulak sa mga bagay na maging maligaya hangga't makatwiran. Tumalon siya sa kanyang mga paa at itinaas ang kanyang tasa, “Yo, everyone! Mag-toast tayo dahil magiging cousin-in-law ko na si Cindy!"Ang mga tao ay masigasig na sumagot sa kanilang mga tasa sa hangin at isang dagundong—maliban kay Raven, na nanatiling nakaupo. “Mayroon akong sickly constitution. hindi ako makainom. Ako ay humihingi ng paumanhin."Napaka-mechanical ng kanyang ngiti, masyadong mapula ang kanyang mukha. May kung anong kumislap sa mga mata ni Arianne bago siya sumagot, "Oo naman."Matapos mawala ang pagsasaya, inihatid ni Arianne ang kanyang wheelchair patungo sa courtyard. Ang panlabas na anyo ng Tremont Estate ay tila nagyelo sa oras, kung kaya't ang pagpunta rito ay nagparamdam sa kanya na... ligtas.Siyempre, iyon ay sa kabila ng pagpanaw nina Henry at Mary. Sa huli, lumipas ang oras at nagbago ang mga bagay, dumarating at umalis ang mga karakter at bagay, at lahat n

  • Ang Munting Asawa ni Mr. Tremont   Kabanata 1898 Talagang Naiiba Na Parang Isang Uwak Sa Gitna Ng Mga Puting Sisne

    Hinawakan ni Arianne sa kamay ang dalawang dilag at ngumiti. "Salamat! Sus, para sa akin… para kayong dalawa ay tumanda sa isang kisap-mata! Ang ganda niyong dalawa! Cindy, nasaan ang kapatid mo? Hindi pa umuuwi si Plato?"Sa pagbanggit sa pangalan ng kanyang mahal na kapatid ay napa-pout si Cynthia. “Sabi niya uuwi siya kalahating buwan na ang nakalipas—yun ang sabi niya. Sino ang nakakaalam kung ano talaga ang kanyang ginagawa, bagaman? Anyway, who cares about that no-good. Palagi naman siyang ganito. Ah, medyo mainit ang panahon. Dapat siguro pumasok na tayo sa loob."Tumango si Arianne at binigyan ng maikling, hindi mapakali na tingin kay Aristotle. Ni minsan ay parang gusto niya itong kausapin... Hindi kaya binibilang ng bata ang kanyang mga hinaing sa kanyang isipan? Si Mark at Arianne ay nanatili sa Switzerland nang napakatagal; Mahirap siguro ang buhay para sa kanya nang mag-isa.Hanggang sa makarating siya sa sala ng mapansin niya si Raven. "Millie, ito ba ang iyong nakabab

  • Ang Munting Asawa ni Mr. Tremont   Kabanata 1897 Ang Pagbabalik Ng Reyna

    Napatigil ang buong pagkatao ni Aristotle.Labing-siyam na taon niyang hinintay ang balitang ito. Sa paglipas ng panahon, unti-unting namatay ang mga apoy, lalong namamanhid ang puso, hanggang sa mismong pag-iisip ay wala na itong pinagkaiba sa panaginip na tubo. Ngunit ngayon, nakarating sa kanya ang balitang nagkatotoo at nagdulot sa kanya ng agos ng damdamin.Pagkaraan ng ilang sandali, sa wakas ay bumulong siya, "Kailan... Kailan sila babalik?"Isinara ni Jackson ang distansya sa pagitan nila at binigyan ang binata ng magaan, nakakaaliw na tapik sa mga balikat. “Not so soon, I bet; hindi kapag kakagising lang ng nanay mo at nangangailangan ng oras para gumaling. Labinsiyam na taon siyang natutulog, alam mo ba. So maybe after she’s recuperated enough for a while…” sagot niya. “Labinsiyam na taon na nating hinintay ito, di ba? Ano ang naghihintay para sa kaunti pa lamang kumpara doon? Ang pinakamahalagang bagay na dapat mong gawin ay ang pamahalaan ang kumpanya sa abot ng iyong ka

  • Ang Munting Asawa ni Mr. Tremont   Kabanata 1896 Nagising Na Ang Mama Mo

    Hindi pa kailanman nagkaroon ng karelasyon si Cynthia kaya hindi niya alam kung ano ang pag-ibig. Gayunpaman, isang bagay ang sigurado. Gustung-gusto niya ang pakiramdam na kasama si Aristotle at kung paano siya pinrotektahan nito mula noong mga bata pa sila. Kahit na si Aristotle ay naging medyo dominante at "makulit", hindi siya nabigla sa kanya. Sa halip, nakaramdam pa siya ng kaunting paggalaw, na nakakamangha.Hindi alam kung paano sila napadpad sa kama, na magkasabay ang kanilang mga hininga. Bukod sa huling hakbang, nagawa na nila ang halos lahat ng maaaring gawin.Nang malapit na silang tumama sa huling hakbang, biglang huminto si Aristotle at tinulungang hilahin ang mga saplot sa ibabaw ni Cynthia. "Matulog na tayo, good night."Naliligaw pa rin si Cynthia kanina. Hindi niya alam kung bakit biglang huminto si Aristotle, at hindi rin siya nagkaroon ng lakas ng loob na tanungin siya. Matagal na siyang nagpumiglas bago niya nakumbinsi ang sarili na sumabay sa agos...Kinabuka

  • Ang Munting Asawa ni Mr. Tremont   Kabanata 1895 Hindi Mo Ba Ako Mahal

    Narinig ni Cynthia ang sinabi ni Aristotle, ngunit hindi tumigil ang kanyang mga kamay sa ginagawa nila. Napakagulo ng ulo niya. “Wala... hindi na kailangan. Magagawa ko na ang mga ito ngayon. Sige na matulog ka na muna. Nga pala, saan ako matutulog ngayong gabi? Napakaraming kwarto dito, hihilingin ko kay Agnes na tulungan akong maglinis."Lumapit si Aristotle sa kanya at nag-squat. Hinawakan niya ang braso niya gamit ang isang kamay habang ang isa naman ay isinara ang bagahe. "Dito ka na lang matulog at itigil mo na ang pag-aayos."Naghinala si Cynthia na baka nagkamali siya ng narinig. Napatulala siyang napatingin sa malaking kama sa likuran niya at biglang naramdaman ang pag-aapoy ng palad niya na hawak niya. “Y… Nagbibiro ka, di ba, Ares? Bagama't madalas kaming natutulog sa isa't isa noong mga bata pa kami, lahat kami ay malalaki na ngayon, kaya hindi ba iyon ay medyo hindi naaangkop?"Sinabi ni Aristotle na may tuwid na mukha, "Hindi ako nagbibiro."Bahagyang nataranta si Cy

  • Ang Munting Asawa ni Mr. Tremont   Kabanata 1894 Nasa Iisang Kwarto Silang Dalawa

    Alam ni Melissa na hinalikan ni Aristotle si Cynthia, kaya alam niya kung ano ang nangyayari. Hence, she very naturally boasted, “Siyempre, engaged na sila sa isa’t isa since they were born. Kung nagkataon, pareho ang naramdaman nilang dalawa sa isa't isa sa kanilang paglaki, kaya hindi ba ito magpapaganda? From the way I see it, hindi na gagaling ang sakit mo sa buong buhay mo at malamang na maghihintay silang dalawa hanggang sa makapagtapos si Cindy bago sila ikasal. Kaya, mas mabuting bumalik ka sa France nang maaga hangga't maaari. Huwag kang mag-alala, nailigtas mo na ang buhay ni Aristotle noon, para hindi siya maging maramot sa iyo sa pananalapi."Gustong pigilan ni Raven ang kalungkutan na nasa puso niya, ngunit ayaw sundin ng kanyang emosyon ang kanyang kalooban. Kaya naman, pilit niyang pinilit na makawala sa pagkakahawak ni Melissa. Saglit na nagulat si Melissa. "Baliw ka ba?"Pagkatapos noon, bumalik sa katinuan si Raven at huminga ng malalim. “I’m sorry... medyo masama a

  • Ang Munting Asawa ni Mr. Tremont   Kabanata 1893 Hindi Ba Magseselos Ang Fiance Mo

    ‘Hindi ka ba nag-aalala?’ Galit na galit si Melissa kaya natawa siya. "Ako lang ba ang nag-aalala sa wala? Akala ko ba mahal mo ang kapatid ko? Ang lalaking pinapangarap mo araw-araw ay bumalik mula sa France ngunit may dalang babae, ngunit hindi ka naman nag-aalala? Isantabi muna natin sandali ang intensyon ng iyong mga magulang. May lakas ng loob ka bang sabihin na hindi mo siya mahal? Tinutulungan lang kita dahil matalik kong kaibigan, kaya hindi ka ba masyadong maluwag, na para bang tinutulungan kita nang walang dahilan?"Umiling si Cynthia at hininaan ang volume habang sinasabi, “He... might have confessed to me. Kami rin… ginawa na rin namin iyon. Kaya, sa tingin ko hindi niya nararamdaman iyon kay Raven. It's purely because she saved his life once. Nagtitiwala ako na kakayanin ni Ares nang maayos ang sitwasyon."Nanlaki ang mga mata ni Melissa. "Ano? Ilang araw lang siyang bumalik, nag-sex na kayong dalawa? Ganun kabilis?! Hindi ko alam ito, ngunit talagang nakuha mo ito sa iy

Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status