Drowned Beneath His Ocean

Drowned Beneath His Ocean

last updateTerakhir Diperbarui : 2026-11-19
Oleh:  MorticiaBaru saja diperbarui
Bahasa: Filipino
goodnovel16goodnovel
Belum ada penilaian
5Bab
8Dibaca
Baca
Tambahkan

Share:  

Lapor
Ringkasan
Katalog
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi

Maria Rassa Delos Santos once believed that loving Alezandro Dela Vega meant she could weather any storm. But some tragedies leave wounds too deep for love to mend. The man who once promised to protect her becomes someone she no longer recognizes—someone whose hatred threatens to consume everything they once built together. What happens when the ocean that once brought them together becomes the very thing threatening to drown them both?

Lihat lebih banyak

Bab 1

CHAPTER 1

Iniukit ko ang pangalan ko sa buhangin sa dalampasigan. Hinawi ng hangin ang mahaba kong buhok dahil sa malamig na simoy ng hangin, simbolo ng malapit na pagdiriwang ng kapaskuhan. Nandito kami ni daddy sa resort, kasama ang pamilya nila Alezandro at Felize. Belated graduation gift na rin daw namin ito dahil sa pagtatapos namin sa college. Isinabay na rin namin ang bonding naming tatlo dahil aalis na si Felize patungong New York kasama ang pamilya niya. Dagdag mo pa ang pagfa-finalize ng parents ni Alezandro at ni daddy ng merger at ng aming kasal.

“Ra-ssa”, basa ni Felize sa aking pangalan. “Let me write my name beside yours.”

Pinanood ko si Felize humanap ng stick pansulat habang tinabihan naman ako ni Alezandro at ramdam kong tinititigan niya ako. Batid kong may gusto siyang itanong sa akin, ngunit ilang beses lamang niyang binubuka ang bibig niya bago muling isara. As if he were rehearsing the words in his head.

“Spill it, Alezandro.” udyok ko sa kanya at tinitigan siya sa kanyang mga mata. Iniwas naman niya ang kanyang mga mata. What is this man thinking?

Alezandro and Felize are my childhood friends. Magkakaibigan ang aming mga nanay at tatay since they were young as well. Felize will work as a landscape artist, at dun na sa New York itutuloy ang racket niya na sa pagta-tattoo. Sabi nga niya, “in-demand” daw ang tulad niya sa mga free spirited sa New York, hindi ko lang alam kung sa landscaping o pagta-tattoo.

I, on the other hand, will work as an intern sa company ng daddy ko lalo na ngayon dahil alam kong palugi na ang kumpanya namin at mas kailangan ni daddy ng support. Mula ng mamatay si mommy when I was 3, kami na lang ni daddy ang magkasangga sa buhay. My mom inherited the company and my dad made sure everything went well.

Ang side ng mommy ko talaga ang may kaya. Nang mamatay ang lola at lolo, dahil nag-iisang anak si mommy ay natural lang na siya ang nagmana ng lahat. Si daddy naman ay hindi naman mahirap, pero masinop at madiskarte sa buhay. That’s why daddy was able to sustain my mom’s lifestyle. Nagka-problema nga lang sa kumpanya when a major project got cancelled, and one of our largest customers who had become insolvent refused to pay. Kaya ang laki ng pasasalamat ko sa pamilya nila Felize at Alezandro, dahil tinulungan nila ang dad ko. Lalo na kay Alezandro, na nagkusang mag-offer sa dad ko ng merger acquisition para hindi kami maghirap. Parte na nga rin siguro non na ang naka-takda na kaming ikasal mula pa noong pagkabata namin.

Alezandro is the type of man who would make any woman fall in love with him. Especially when he plays the guitar. Or when he initiates na magpa-feeding sa animal shelters and when he would take care of his parents especially his mother. Sabi nila makikita mo daw kung paano ka mamahalin ng isang lalake kung paano niya itrato ang nanay niya. And Alezandro? He loves his mother and treats her like she's his entire world.

Hindi ko rin naman ikakaila, crush ko na siya ever since we were young. Kaya nga I held onto our wedding arrangement like my life depended on it. There were many times Alezandro saved me, especially from my strict father. He would always give in to my whims, and he would indulge me with different acts of service and gifts. Ilang beses na rin kaming tinanong ng aming mga pamilya if there is something between us. And here I am wishing na sana hindi lang ang kasal namin ang maging dahilan para kami ay magsama.

Bawat lalaking nanliligaw sakin itinaboy ko. Or sometimes they just mysteriously stop courting me. Pero wala naman akong pakialam dahil ang interes ko ay na kay Alezandro lang. Matatawag ba akong male-centered kung si Alezandro lang naman ang gusto ko?

“Kamukha mo si Mochi.” he jokingly said, trying to keep a straight face. Kumunot naman ang aking noo sa narinig.

“Sino si Mochi?” takang tanong ko. Pumulot siya ng bato at binato ito sa tubig. Tapos na din si Felize sa isinulat niya at tuwang-tuwa itong tumabi sa akin.

“Dani’s cat I met yesterday.” sagot ni Alezandro.

“Oh the woman you were talking to? Yung inayos yung buhok mo and cupped your face?” Felize said, trying to tease me. I must say she succeeded because I felt something bitter in my throat. Who the hell is Dani? And why is she touching Alezandro?

Itinukod ko ang mukha ko sa aking tuhod at nilaro ang buhangin bago magsalita. “Who is Dani?” tanong ko sa kanya.

“Yung nagkaka-crush kay Alezandro,” prankang sagot ni Felize na hindi ko ikinatuwa. Umismid naman ako at tiningnan siya ng masama. Mas lalo namang ngumiti ito ng makita niya akong naiinis sa kanya.

“Ehem.” singit ni Alezandro. “I don't think she has a crush on me. She was just looking for her friend, and I happened to get in the way. Natapunan niya ako ng buko juice, and then we just talked for a little bit.”

“Then why does she have to fix your hair and cup your face?” tuloy-tuloy na sagot ko sa kanya na siyang ikinagulat naming tatlo. This mouth betrayed me, sa harap pa talaga ni Alezandro at lalo ni Felize na siguradong aasarin ako mamaya.

Mapakla naman akong tumawa at nagsabi ng joke. Ngumisi naman si Felize, tanda na aasarin na naman ako nito mamaya. Hindi ko rin naman inaakalang dudulas ang tanong na iyon sa bibig ko. Pinisil ni Alezandro ang aking pisngi at binitawan lamang ito nang umaray na ako. I looked away to prevent myself from smiling. I could feel my cheeks turning red. Napansin nga din ata ni Felize na nginangatngat ko ang kuko ko dala ng pagka-nerbyos.

“I’ll just get my power bank and I’ll be right back, lovebirds.” pang-aasar pa lalo ni Felize. Ngumisi naman si Alezandro at tumango. Anong itinatango ng lalaking ito kung kahapon lang ay nag-eenjoy siya kay Dani?

Bakit ba ang delusional mo, Rassa? Natural lang na makipagusap siya sa iba dahil wala pa namang kayo. At isa pa, malabo rin naman na magustuhan ka niya dahil tatlong taon ang agwat niyo. Maybe he sees you as his younger sister. Or a playmate. Ikaw lang naman ang kumbinsido na magugustuhan ka niya pabalik. Ikaw lang naman ang may gustong maging asawa siya.

“What are you thinking of, Rassa?” tanong sa akin ni Alezandro. Umiling naman ako. Kapag tinititigan ko talaga ang lalaking ito ay nabablanko ako. Dumako naman ang titig niya sa aking mga labi na siyang lalong nagpa-init sa aking mga pisngi. Iniwas ni Alezandro ang kanyang pagtingin at umigting ang kanyang panga.

“Keep on doing that and I’ll fall for you even more.” bulong ko sa aking sarili. Bumalik lang ako sa katinuan nang bigla siyang magtanong.

“You do know that once we acquire your father’s company, we own majority of the shares?” concerned na tanong nito sa akin. Kita ko sa kanyang mga mata ang alinlangan at pag-aalala sa akin. Even if this man technically has the upper hand right now, he still has the heart to ask if it’s okay.

Or if I accept? Delusional ka na nga talaga, Rassa.

“If that happens, we will not just become business allies. The marriage contract will take effect, Rassa.” Alezandro reminded me. “Do you want this to happen or–?”

I immediately cut him off. “Why are you asking me? Hindi ba’t planado naman na nila iyan magmula pa nung mga bata pa tayo? Hindi lang namin inanticipate ni daddy na malulugi kami and that you would own majority of the shares. But the marriage contract? That’s finalized, Alezandro.” mariin kong sagot.

Gusto mo ba akong magkusang sumuko sayo, Alezandro?

“Because it's your family's company, Rassa. Your grandfather worked hard for it, your mother inherited it, and your father spent years maintaining it. I don't want you to feel like you're losing something just because we're helping your father, and just because ikakasal tayo.”

“Just because.” mapait kong saad. “Don’t worry, Alezandro. The marriage will be nothing but purely a business alliance. Nothing more.” sunod-sunod kong sabi habang pinapagpag ang buhangin na dumikit sa akin at tumayo para umalis. Binilisan ko ang lakad ko dahil ramdam kong nagbabadyang tumulo ang mga luha ko. Naramdaman ko ang pagngatog ng aking mga tuhod nang higitin ako ni Alezandro palapit sa kanya.

Ikinulong ako ni Alezandro sa mga bisig niya at hinayaan akong mahimasmasan. Pinipilit kong kumalas sa kanya ngunit sobrang higpit ng kanyang pagkakayakap. Tinignan ko naman siya ng masama at nang titigan niya ako pabalik ay iniwas ko sa kanya ang aking tingin.

Alezandro gently held my chin, tilting my face toward his. Before I could even process what he was doing, he slowly pressed his lips against mine. Hindi ako agad nakagalaw dahil sa pagkagulat. Nang matapos ang halik ay nagtataka akong tinignan siya. I was too speechless to ask him what the hell happened, and yet deep down I know I wanted one more.

“You think ayaw kong maikasal sa’yo, Rassa?” he firmly asked. “Sa dinami-rami ng lalaking itinaboy ko sa buhay mo, you think I don’t want this marriage to happen? Baby, if you only knew the things I’d do for you.” he said while catching his breath.

Tampilkan Lebih Banyak
Bab Selanjutnya
Unduh

Bab terbaru

Bab Lainnya

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.


Tidak ada komentar
5 Bab
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status