Sa sinabing iyon ng Ginang ay napangiwi si Mateo samantalang napakunot-noo naman si Vahlia dulot ng hindi niya maintindihan ang pag-eespanyol nito.
“Ina, sa tingin ko'y hindi pa po ito ang tamang panahon para pag-usapan ang tungkol sa bagay na iyan,” tutol ni Mateo sa sinabi ng Ina.
“Nagbibiro lamang ako, mi Hijo. Kumalat ang usaping patungkol kay Victoria at Alvaro, hindi lamang sa buong Isla Oriente kundi sa mga kalapit na lalawigan. Tanyag ang mga pangalang inyong dala-dala kaya’t sa aking pakiwari ay kinukuha nila ang pagkakataong ito upang pabagsakin ang inyong pamilya,” paliwanag ng Doña na ngayo’y kalmadong sumisimsim sa kan'yang baso.
“Mateo, nec
“At sakaling magkaroon nga tayo ng anak, nais kong bigyan siya ng pangalang naiiba.”“Tulad ng?” kunot-noong tanong ni Vahlia habang pinupunasang maigi ang paligid ng mga mata niya.“Atticus,” taas-noong sagot naman ni Mateo.“Atticus? Bakit naman Atticus?” muling pagtatanong niya nang makaabot na sila sa escalera ng mansiyon. “Bakit? Hindi ba kanais-nais?”“Maganda naman, pero bakit nga?”“Naisip ko lang. Hindi ko alam kung maaari bang dagdagan pa ang kan'yang pangalan ngunit nais kong taglayin ng kan'yang mga mata ang kislap ng buwan tulad ng ating unang pag
“Wala pa ba siya?”“Ay eh, wala pa po, Señora.” Isang pilit na ngiti ang namuo na naman sa kan'yang labi, tulad ng mga nagdaang araw ay ganito na lamang ang palagi niyang naitatanong kay Flora o kung hindi naman ay kay Karolina. Halos isang linggo na rin na palaging maagang umaalis si Mateo mula sa mansiyon at kung umuwi naman ay pasado alas-otso na. “Kumain na rin po kayo, Señora. Masama pong magpalipas ng gutom, baka po magkasakit kayo,” anas ni Karolina na bakas ang pag-aalala sa kaniya.“Mauna na muna kayo, hihintayin ko lang saglit si Mateo.”
“ Tres (Tatlo,)” sagot ni doña Vivian sa tanong ng Anak. “Sa halos limampung pagawaan at tindahan ay tanging tatlo pa lamang ang nagagawa nating ibalik,” dagdag naman ni Estrella. Marahang inilapag ni Vahlia ang baso ng tubig sa kaharap nilang lamesita. Pagkarating niya pa lamang kanina ay siyang pag-alis naman ng kalesang sinasakyan ni don Gonzalo. Napabuntong-hininga na lamang siya, talagang pagdating sa negosyo ng kanilang pamilyang hindi pa rin tuluyang naibabalik sa normal ay halos hatiin na ng Don ang sarili sa iba’t ibang bagay na inaasikaso. &nb
“Feliz Navidad! (Maligayang Pasko!)”“¡Te deseo una feliz navidad!(Binabati kita ng maligayang Pasko!)”“Maligayang pasko!”“At manigong bagong taon!” Sari-saring mga pagbating maririnig mula sa iba’t ibang mga tao nang makalabas na ng simbahan. Makikita ang mga ngiti sa kani-kan'yang mga labi, masasayang mukhang hindi matatawaran ng kahit ano pa mang bagay. Panahon kung kailan halos nalilimutan na ang problema at ang tanging namumuo sa bawat puso ay ang diwa ng paskong ito. “Feliz Navidad, mi Tigresa.”
Walang anu-ano’y napatayo na rin si Vahlia at kumaripas ng takbo pababa kung saan nanggaling ang putok ng baril. Tila binagsakan siya ng napakalamig na tubig nang madatnan ang isang babaeng nakaluhod sa damuhang parte ng hardin. Hawak nito ang kaliwang parte ng tiyan niya. Sa suot niyang mapusyaw na kulay bughaw ay unti-unting kumakalat ang matingkad na pulang mantsa. Kaharap nito ang lalaking bukambibig niya nang huli silang magkausap. “Handa akong kimkimin kahit ang pinakamatinik na baging, dahil hindi ko siya kayang bitawan. Kung tanging pagpapakasal lamang ang maibibigay niya sa akin, bakit pa ako tatanggi? Hilingin ko man ang puso niya ay batid kong iyon lamang ang bagay na hindi niya maibibigay sa akin.” 
“Ano ang ibig mong sabihin?” sulpot ng panibagong boses mula sa madilim na parte ng hardin. Suot nito ang puting uniporme na namamantsahan ng pulang dugo, parehong nasa magkabilang bulsa ng kaniyang pantalan ang kamay niya. Magkahalong pagkagulumihanan at gulat ang nakapinta sa mukha nito. Gulo-gulo na rin ang buhok at bahagyang namumula ang paligid ng kaniyang mata. Napatigil sa paghikbi at unti-unti binitawan ang pagkakahawak sa kuwelyo ni Mateo. Namuo ang pagngisi sa kaniyang labi nang maaninag kung sino ang taong iyon. Dagli nitong pinahid ang kaniyang mga luha bago muling itinaas ang ulo at naglakad palapit sa Lalaking nakakunot ang noo sa kaniyang harapan, “Mabuti naman at nariyan ka pa.”
Ilang araw na rin ang lumipas, nakararating sa kaniya ang mga pangyayari sa labas ng mansiyon ng mga Esperanza. Ngunit walang kasagutan sa mga katanungan niyang bumubulabog sa kaniyang isipan. At maging si doña Vivian ay tanging iyon lang din ang isinasagot sa kaniya, ang napatunayang paratang na sila’y kasapi ng rebeldeng grupo na siyang sumalakay sa kuwartel at ilang kawani ng Govierno. Naging matibay ang paratang na iyon nang matagpuan sa kanilang pamamahay ang ilang mga mahahalagang dokumento at kasulatang hindi nararapat itago kahit pa ng kanang-kamay ng Gobernadorcillo. Sumabog na lamang ang usaping wala nang mga tagapagsilbi
“Wala nga akong karapatang bigyan ka ng pamimilian, ngunit mayroon ako kakayahan, Victoria.” Itinapat nito ang hawak na punyal sa leeg ni Guadalupe na mas lalong ikinalakas ng pag-iyak nito. Nagpupumiglas mula sa pagkakatali at pagkakahawak ng guwardiya si Mateo at Cielo ngunit hindi ito pinansin ni Alvaro. Akmang hahakbang papalapit na sana si Vahlia nang muling magsalita ang Lalakeng iyon. “Isang hakbang pa at tuluyang tatarak ang punyal na ito sa kaniyang leeg.”“Subukan mo, babaon ang balang ito sa iyong ulo.” Nagtatangis ang kaniyang bagang na itinutok ang baril sa direksyon ni Alvaro. Dalawang kamay ang nakasuporta sa baril upang hindi mapansin ang panginginig nito, pinanatili ang tingin at tindig na tila walang kinatatakutan. “Oh? Pangahas ka ngang talaga, tignan natin kung hanggang kailan mo magagawang