“A-Aalis ka na?”
“K-Kung i-iyong mararapatin, ginoong Mateo.”
“Kung gayo’y mag-iingat ka.”
“M-Mahal na mahal kita, Mateo Villamarquez.”
“Te amo más de lo que te imaginas. Hasta que nos volvamos a encontrar, mi Tigresa. (Mahal kita higit pa sa inaakala mo. Hanggang sa muli nating pagkikita, aking Tigresa.)”
Nanghihina akong napapaluhod sa tabi ng rumaragasang ilog ng Oriente, sa ilalim ng pag-aagaw ng liwanag at dilim, sa parehong lugar kung saan ko huling nahawakan ang kaniyang mga kamay. Ang huling paalam niya…
“Binibini?” tinig na nagmula sa aking likuran na aking nilingon. Halos hindi
Natutuwa ako sa kagalakang ito… Ano daw? Charrr, nais ko lang ipabatid kung gaano ako natutuwa sa pagtatapos na ito ng kuwento. FYI nga pala, ang orihinal na ending nito ay tragic. Pero ewan ko kung bakit bigla na lamang nag-iba ang ikot ng utak ko nang isulat ko ang wakas nito at pinagkita ko pa silang dalawa. Hayyss, mas masaya sana kung hindi na lang ano? Marahil ay ito na nga ang wakas para sa kuwentong ito. Ngunit batay sa binasa kong mga komento ninyo… tila ginanahan nga akong gumawa ng series. Oh diva, your comments matters noh! Kaya kung pwede ay mag-iwan kayo ng diyamante’t inyong masasabi para sa akda kong ito nang sa gayo’y totohanin ko nga ang agila series nina Casimiro and others noh! Mga dapat abangan: ✨Salao: the Hidden Treasure
Dichas, sol y amores(ligaya, liwanag at mga pag-ibig)Te esperare, senoritaToma unos cientos de anosEn la primera reunion Te mirare de Nuevo(Maghihintay ako, binibiniAbutin man ng ilang daang taonSa unang tagpuan,Muli kita’y susulyapan)Tierra de oriente, 1872(Lupain ng Silangan) Sa kabisera ng bayan ng Oriente, mga taumbayan ay nagkukumpulan—mga nilalang na ibig makasaksi sa kahihinatnan ng pamilya Villamarquez.&n
Manila, 2019; present year Sa isang pangkaraniwang klase, mangingibabaw ang pinaka-kakaiba sa lahat.“Miss Medrano!!! Are you listening?” bulyaw ng lecturer sa isa sa mga estudyante niyang nakapandekwatro at tila may sariling mundo habang ngumunguya ng bubble gum. Pagkarinig ay umayos siya ng upo at agarang bumalik sa reyalidad. “Yes, Ma’am,” sagot niya.“Talaga ba? Umayos ka nga ng upo, Miss Medrano.” Tumango naman ang estudyante sa kanilang lecturer na muling nagpatuloy sa kanilang talakayan. Pinagpag niya ang u
SCHOOL CAMPUS, 8;00 AM , MARCH 23 Nakapandekwatrong upo si Vahlia sa isa sa mga bench ng covered court habang ang ibang mga estudyante ay busy sa kanya-kanyang gawain, ipinikit niya ang kanyang mga mata sa pagkayamot dahil higit sa trenta minutos na siyang nakaupo roon. ‘Alas otso ang departure time tapos wala pa yung mga bus? Tss Pilipino nga naman,’ aniya sa kanyang isipan. Paano ba naman kasi? Hindi pa kompleto ang mga estudyante, idagdag mo pa ang mga napulot niyang mga kaibigan na hanggang ngayon ay wala parin. Ganoon rin ang mga bus na sasakyan sana nila. Maya-maya pa’y naramdaman niyang may umupo sa tabi niya. Nanatiling nakapikit ang mga mata niya, ano pa nga ba? Pati sa simp
Muli ay napuno ng kantahan ang naging byahe gamit ang bangka. Karamihan sa mga estudyanteng nasa kabilang mga bangka ay kumukuha ng litrato ngunit ang bangkang sinasakyan nina Vahl ang pinakamaingay dahil sa mga kantahang nagaganap . ‘Hindi ko na siguro kailangan ng camera para picture-an ang kung ano nang nakikita ko. Sapat na siguro na alam kong napuntahan ko itong paraisong ito at nakita nang personal kung gaano ito kaganda,’ nakangiting aniya sa kanyang isipan. Napatigil si Hudson sa pagkanta nang sumingit si Skye. Ngunit bago niya tugtugin ang gitara ay maangas nitong inayos ang manggas ng kanyang leather jacket. Pinantapat nito ang isang country pop na sinabayan naman ng buong k
Tierra de Oriente, 1871Volverá…Cambiará el curso del tiempo y el tiempo,Se escribirá otro capítulo.(Babalik…Babaguhin ang takbo ng oras at panahon,Panibagong kabanata ang siyang maisusulat.) Mga pangungusap na nagpapaulit-ulit sa isipan ni Vahlia habang kinukusot-kusot niya ang kanyang mga mata. Akmang babangon na siya nang sumulpot ang isang mahinhing boses. “Kumusta naman ang iyong siesta, Victoria? Ipinag-init ka nga pala ni Ina ng arroz caldo.” Biglaan siyang napaupo sa
Nakailang ikot na ang kamay ng orasan ngunit hindi pa rin mapakali si Vahlia sa loob ng silid. Nagpapaikot-ikot sa buong kwarto, binubuksan-buksan ang mga aparador at mga kalsunsilyo tapos isasara na lang ulit. ‘Nakakabagot pala ‘pag ganito. Wala akong magawa!’ reklamo nito. Muli ay tinanaw niya ang malawak na lupaing nasasakupan ng pamilya Esperanza mula sa azotea. ‘Ano kaya kung magtatatakbo ako roon? Can that solve my boredom?’ Dapit-hapon na rin at anumang oras ay lulubog na ang araw. Napadukmo na lamang si Vahlia sa kinauupuan niya nang mahinuhang hindi nga pala magand
Maingat na ibinagsak ni Vahlia ang ilang mga unan at kumot sa ibaba ng azotea sa kaniyang silid. Maging ang ilang mga gamit at malalambot na bagay ay inihagis niya. Plano niyang tumakas mula sa mansiyon Esperanza at magpakalayo-layo. ‘Kung hanggang dito ay hinahabol ako ng kasal-kasal na iyan, pwes! Magagawa kong takbuhan ulit iyan.’ Tatlong hakbang paatras at turbooo! Kumuha siya ng buwelo bago tuluyang lumundag paibaba si Vahlia, mabuti na lamang at ligtas siyang nakatalon mula sa ikalawang palapag dahil sa mga unan at kumot na nakaabang at handang sumalo sa kan’ya sa ibaba.